“Speak, O Lord”
It is important that we pray the song “Speak, O Lord” before we study his Word. We pray this, “Take Your truth, plant it deep in us…Teach us, Lord, full obedience…Words of pow’r that can never fail – Let their truth prevail over unbelief…Speak, O Lord, and renew our minds…Truths unchanged from the dawn of time…”
Sa mundo natin na bombarded tayo ng maraming mga kasinungalingan, we struggle in differentiating kung ano ang katotohanan at ano ang kasinungalingan. Kaya mahalaga yung clear proclamation of the truth of God’s Word sa preaching. Mahalaga din na handa kang pakinggan at tanggapin yung truth na maririnig mo. Yun din naman ang prayer ni Jesus for us, “Sanctify them in the truth; your word is truth…For their sake I consecrate myself, that they also may be sanctified in truth” (John 17:17, 19). “In the truth.”
Bawat isang witness na isang legal case ay manunumpa sa harap ng judge “to tell the truth, only the truth, and nothing but the truth.” Kung magsasabi ka ng kasinungalingan matapos kang manumpa nang ganyan, you are committing perjury, a punishable offense. How much more in preaching the Word of God! We preachers are accountable to God. At lahat naman din tayong mga Cristiano ay accountable sa Panginoon in speaking the truth and living honest lives. Bakit? Kasi yun ang identity natin. We are people of the truth, we are shaped by the truth, we are living according to the truth. Iniligtas tayo ng Diyos, like what he did sa mga Israelites from Egypt, from worshipping false gods to the worship of the true and living God. Kaya nga pinag-aaralan natin ang Ten Commandments. Ito ay totoo noon, totoo pa rin ngayon.
Meron ngang nagcomment sa FB page ko nang ipost ko yung sermon sa ika-8 utos, mag-ingat daw ako baka maging mali ang maituro ko. Tinanong ko siya para iclarify ang comment niya. Sagot niya, dapat daw magfocus dun sa ikalawang tipan (NT), at ‘wag na dun sa luma. Tingnan mo halimbawa yung Col. 3:9-10, sabi dun ni Pablo: “Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, dahil hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain, at isinuot na ninyo ang bagong pagkatao. Ang pagkataong itoʼy patuloy na binabago ng Dios na lumikha nito, para maging katulad niya tayo at para makilala natin siya nang lubusan” (Col. 3:9-10 ASD). The reason we must not lie is because of our new identity.
Hindi ba’t ganun din naman ang basis ng ika-9 na utos? “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa” (Exod. 20:16 MBB). Ang literal na sense nito ay yung mga witnesses na nagsasabi ng kasinungalin laban sa isang nasasakdal. It is a matter of justice. This is not just a harmless lie. Buhay ng isang tao ang nakasalalay dito. And it is unloving to do that. Love your neighbor as yourself, remember the second greatest commandment? Yun naman ang summary ng commandments 6-10.
Ganun din sa 23:1-2, “Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan.” Sa Proverbs marami ring nakasulat about that. Tulad nito: “Huwag kang sasaksi laban sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, ni magsasabi ng kasinungalingan laban sa kanya” (Kaw. 24:28).
Ang Diyos na nagbigay ng utos sa Lumang Tipan at si Jesus na nagbigay ng utos sa Bagong Tipan ay iisa. Our God never changes. Ang concern niya sa Luma ay matuto tayong magmahal sa kapwa. Yun din ang desire niya sa Bago. Yes, in a sense merong “new commandment” (John 13:35) about loving one another. But the newness of that commandment ay hindi dahil balewala na yung Sampung Utos. The newness of Jesus’ commandments ay nandun sa good news of the gospel. Yun naman yung power na kailangan natin para makasunod tayo sa mga utos ng Diyos out of a heart renewed by the Spirit.
The God of Truth
“Huwag kayong magkakalat ng anumang nakakasira ng puri ng inyong kapwa, ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako si Yahweh” (Lev. 19:16). We must be people of the truth because our God is a truthful God. “God’s truthfulness means that he is the true God, and that all his knowledge and words are both true and the final standard of truth” (Wayne Grudem, Systematic Theology, p. 195). Isang aspect nito ay yung kanyang faithfulness: “God will always do what he has said and fulfill what he has promised” (Grudem, 196). Mapagkakatiwalaan ang lahat ng salita niya. Hindi siya nagsisinungaling (Tit. 1:2; Heb. 6:18; Num. 23:19). Bawat salita niya perfectly “pure” (Psa. 12:6) .”Every word of God proves true” (Prov. 30:5). Hindi lang totoo, kundi siyang foundation or standard of truth. “Your word is truth” (John 17:17).
Jesus was Word incarnate, Diyos na nagkatawang tao, Truth in the flesh. “In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God…And the Word became flesh and dwelt among us, and we have seen his glory, glory as of the only Son from the Father, full of grace and truth…For the law was given through Moses; grace and truth came through Jesus Christ” (John 1:1, 14, 17). “There was no deceit in his mouth” (Isa. 53:9). Siya mismo ang nagsabi, “I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through me” (14:6). When referring to the Holy Spirit, sinabi ni Jesus three times, “the Spirit of truth” (John 14:17; 15:26; 16:13; also 1 John 4:6). “The Spirit is the truth” (5:6).
We are children of God, followers of Jesus, indwelt by the Spirit. “We should love truth and hate falsehood” because our “God loves truth and hates falsehood” (Grudem, 197). “Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan” (Prov. 12:22).
Sabi pa ni Grudem, “Scripture teaches us that lying is wrong not only because of the great harm that comes from it (and much more harm comes from lying than we often realize), but also for an even deeper and more profound reason: when we lie we dishonor God and diminish his glory, for we, as those created in God’s image and created for the purpose of reflecting God’s glory in our lives, are acting in a way that is contrary to God’s own character” (p. 197). Sabi naman ni J. I. Packer, “Lying insults not only your neighbor, whom you may manage to fool, but also God, whom you can never fool” (Keeping the Ten Commandments, p. 97).
Satan the Liar and the Father of Lies
To use Grudem’s words again, ang pagsisinungaling ay “acting in a way that is contrary to God’s own character.” Kontra-bida kumbaga. Si Satanas ang magaling dyan! Yun nga ibig sabihin ng Hebrew na Satan, adversary, accuser, kaaway. Kontra-Bida sa Istorya. He is “the constant enemy of God, of Christ, of the divine kingdom, of the followers of Christ, and of all truth; full of falsehood and all malice, and exciting and seducing to evil in every possible way” (Easton’s Bible Dictionary). “Satan deceived Eve by his cunning” (2 Cor. 11:3). Tawag sa kanya sa Revelation, “the deceiver of the whole world” (Rev. 12:9). Pinakasinungaling sa lahat ng mga sinungaling!
Pero meron siyang mga followers, meron siyang mga anak. Like father, like son. Kung sinungaling ka, sino ang kinikilala mong ama? Pakinggan n’yo kung ano ang hatol ni Jesus sa mga religious leaders. Mga relihiyoso ‘yan ha, mga nagsisimba, nag-aaral ng Bible, mukhang mabait sa paningin ng mga tao. Pero di naniniwala sa sinabi ni Jesus na, “I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life” (John 8:12); “If you abide in my word, you are truly my disciples, and you will know the truth, and the truth will set you free” (8:31-32). Ayaw nila sa totoo, gusto nila sa peke. Kaya sabi ni Jesus sa kanila: “Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang pinagmumulan ng lahat ng kasinungalingan” (8:44).
Tingnan nga natin kung kaninong anak tayo. Depende ‘yan kung sino ang sinusunod natin. Sagot ng Heidelberg Catechism sa Question No. 112, “What is required in the ninth commandment?,”
- That I bear false witness against no one – Ito yung literal na ibig sabihin ng ika-9 na utos. Pero anything related to this kasali dun…
- wrest no one’s words – Yung binabaluktot mo ang sinabi ng iba. “Sabi niya ganito ka daw.” E wala naman siyang sinabing ganun o binigyan mo ng ibang kahulugan ang sinabi niya na di naman niya intended.
- be no backbiter – Tumitira ka nang talikuran. Sa halip na sabihin mo sa kanya nang harapan ang problema mo, sinasabi mo sa iba.
- or slanderer – Nagsasalita ka nang masama o negatibo sa ibang tao, kahit na totoo, pero ang intensyon mo ay para sa ikasisira ng pangalan niya. Parang murder din ‘yan, baka nga mas malala pa, kasi mina-murder mo ang reputasyon ng ibang tao.
- join in condemning no one unheard and rashly – Kasali dyan ang gossips o tsismis. Kahit pa sabihan mong, “Uy, pagpray mo naman si kapatid, kasi ganito ginawa niya…” Kunwari concern ka, pero gusto mo lang mapag-usapan ang masasamang ginagawa ng iba o nangyayari sa iba. Hindi ka nga nagtsismis, pero nakikinig ka naman, sa halip na pigilan siya’t sabihing, “Hoy, tsismis na ‘yan ha. Tigilan mo na. Siya kausapin mo, wag ako,” gagatungan mo pa, “Oo nga, ganyan talaga ‘yan.” Kawawa naman ang pinagtsitsismisan n’yo, walang kamalay-malay, ginawa n’yo na siyang pulutan. That’s unloving.
- but that I avoid, on pain of God’s heavy wrath – God’s heavy wrath, mabigat na salita ‘yan, tingnan natin mamaya…
- all lying and deceit, as being the proper works of the devil – kahit “white lies”, kahit simpleng pabiro lang para maiwasan ang totoo, kahit na feeling mo may justification ka for lying, the end does not justify the means. You don’t trust God with the consequences of the truth.
- in matters of judgment and justice and in all other affairs love – Hindi ka nga nagsabi ng kasinungalingan, pero baka di ka naman nagsasalita to promote justice, to do what is good for others.
- honestly speak and confess the truth – Because of pride, ayaw mong aminin kung ano ang totoo sa ‘yo, lalo na yung mga struggles mo sa kasalanan. Pagdating sa church, tingin ng iba para kang santo o santa at may halo sa ulo. Pero sa bahay, kung magsalita ka’t umasta para kang may sungay. That’s hypocrisy.
- and, so far as I can, defend and promote my neighbor’s good name. Di n’yo nga pinagtsismisan ang iba, pero wala ka rin namang ginawa para maiangat ang reputasyon at kapakanan ng iba. Di mo nga ginamit sa kasamaan ang dila mo, pero di mo rin ginamit sa ikabubuti ng iba.
Whenever you violate the 9th commandment, you are following the ways of Satan. Nasusuklam ang Diyos. Nasisiyahan si Satanas. Natural sa atin dahil sa kasalanan, we have an evil, Satan-following heart. We were, apart from God’s regenerating grace, “the sons of disobedience” (Eph. 2:2). Meron tayong unloving heart, meron tayong prideful heart. “How can you speak good, when you are evil?”, sabi nga ng Panginoong Jesus, “For out of the abundance of the heart the mouth speaks” (Matt. 12:34). Pananagutan natin ‘yan sa Diyos “on the day of judgment” (v. 36).
Destiny of Liars
Di nagbibiro ang Diyos sa threat na ‘to. Di nga siya nagsisinungaling di ba? Lahat ng promises niya totoo, lahat ng threats of judgment niya totoo din. Walang empty threat sa kanya. Para patunayang God is serious about this, kaya merong story tungkol sa mag-asawang sina Ananias at Sapphira sa Acts 5.
Ganito kasi ang nangyari nun. Nagkakaroon ng overflow of extraordinary generosity sa mga Christians nun. Nagbebenta sila ng mga properties nila para ipamigay sa mga nangangailangan. Nakita ‘yan ng mag-asawa, gumaya sila. Binenta din nila ang properties nila. Binigay sa mga apostles ang pinagbilhan. Pero ang sabi nila yun na lahat yun. Yung iba itinabi nila para sa kanila. Nagsabwatan pa silang mag-asawa. Akala nila maitatago nila. Pero nalaman ni Pedro. Sabi niya kay Ananias, “Nagpadala ka kay Satanas at nagsinungaling sa Espiritu Santo (ESV, Satan has filled your heart to lie to the Holy Spirit”)…Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos” (5:3-4).
Pagkarinig nun, bumulagta bigla si Ananias at namatay. Binalot ang bangkay niya at inilibing. Wala nang funeral service. Yung asawa naman niya ang dumating. Binigyan naman ng pagkakataon na makapagsabi ng totoo. Ininterview siya ni Pedro, “Sabihin mo nga, ito lang ba ang napagbilhan n’yo?” Sabi naman ni Sapphira (sa-pera!), “Oo.” Ganun din ang nangyari sa kanya, tulad ng kanyang asawa, dead on the spot.
This was God’s act of judgment. Natakot ang mga tao na nakakita’t nakarinig ng nangyari. Dapat lang. Yun kasi ang problema ngayon. Wala nang takot sa Diyos ang mga tao. Garapalan na sa pagsisinungaling. Sa gobyerno, sa media, sa social media, di mo na malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo. Pati sa church naman ganun din. Heto ang sinasabi ng Catechism kanina about lying, “On pain of God’s heavy wrath.” Lying is no small sin. Half-heartedly naniniwala tayo diyan. Kasi sinasabi natin sa mga bata, “Magsabi ka ng totoo. Huwag kang magsisinungaling. Liars go to hell!” Lakas ng loob natin. Sino ba naman ang pamamarisan ng mga bata. Nangako tayo sa asawa natin, di natin tinupad. Di tayo naging faithful. Nangako tayo sa church bilang miyembro, di rin tayo naging faithful sa ministry. Nangako tayo sa anak natin na ibibili ng laruan o ipapasyal sa SM, di natin natupad. Liars go to hell!
“Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao (ika-8), ng mga nakikiapid (ika-7), ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan (una), at lahat ng mga sinungaling (ika-9). Ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan” (Rev. 21:8).
The Gospel: the Word of Truth
Buti nga buhay ka pa hanggang ngayon. Hindi dahil you are better than Ananias or Sapphira. Only because of his mercy. Hindi ka naman qualified na lumapit sa harap ng Diyos para sumamba sa kanya. Tanong ng psalmist, sino ang makapapasok sa templo? sino ang makakalapit sa presensiya ng Diyos na banal? “He who walks blamelessly and does what is right and speaks truth in his heart; who does not slander with his tongue and does no evil to his neighbor” (Psa. 15:2-3). Wala ni isa man sa atin ang papasa sa ganyang qualification.
Only Jesus. Only because of Jesus. Siya lang ang may perfect record of truth-telling. Hindi siya sinungaling na tulad natin (John 8:55). Pero pinaratangan siyang sinungaling. Hindi pinaniwalaan ang testimony niya tungkol sa kanyang sarili. Na siya ay kapantay ng Diyos, na siya ang Haring Tagapagligtas.
Napaligiran siya ng mga sinungaling. Si Judas tatlong taon niyang kasama, hipokrito pala. Si Pedro, totoong disciple naman, pero dahil naduwag, nagsinungaling siya at tatlong beses na sinabing hindi niya kilala si Jesus. Nang arestuhin si Jesus, yung mga chief priests and the whole council naghahanap ng testimony against Jesus para maipapatay siya. Kaso wala silang makita. Kaya naglabas sila ng mga false witnesses, yung mga handang lumabag sa ika-9 na utos under oath. Marami silang nakuha. May suhol ‘yan siyempre. Kahit di nag-aagree ang mga testimony nila (Mark 14:55-59), sige pa rin at pinakinggan sila. Hinatulan si Jesus na mamatay on the evidence of the false witnesses! Totoong namatay siya para akuin ang lahat ng kasinungalingan natin.
Merong isang Roman centurion, nang makita siyang namatay, sabi niya, “Truly, this man was the Son of God” (15:39). Yun ang totoo, yun ang dapat nating paniwalaan. Ang muli niyang pagkabuhay ang nagpapatunay na totoong lahat ng sinabi niya, na totoong siya ang Tagapagligtas, na totoong siya ang kailangan natin. The gospel is good news because it is true. Believe that, “the word of truth, the gospel of your salvation” (Eph. 1:13). ‘Yan lang ang tangi mong pag-asa. Si Jesus lang. He is the Way, the Truth and the Life, no one comes to the Father except through him (John 14:6). Wala nang iba.
Loving Our Neighbor by Telling the Truth
Kung ikaw ay nakay Cristo, kung nasa ‘yo ang Espiritu Santo, may magbabago sa puso mo, may magbabago sa nguso mo. John Piper said, “If your faith in Christ leaves you unchanged, you don’t have saving faith. Obedience — not perfection but a new direction of thought and affections and behavior — is the fruit that shows that your faith is alive.” Hindi perpekto, pero totoong pagbabago.
Stewardship, tulad ng napag-usapan natin last week, ay hindi lang about time, talent, and treasure, but also about our tongue. Kung paano natin gamitin ang salita natin. Hindi para makasira ng ibang tao, but for building them up. Hindi para makasakit, kundi para magmahal. Hindi para sa pansariling interes, kundi para sa ikabubuti ng iba.
We are learning how to “[speak] the truth in love” (Eph. 4:15). Hindi lang yung truth about other people, but the truth in Jesus, the truth that is Jesus himself, the truth of the gospel (v. 21). “Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa’t isa, sapagkat tayo’y bahagi ng iisang katawan” (v. 25).
No more lying just to please other people. Sabihin mong yes kung yes, no kung no. Wag mong sabihing, “Sige, try ko,” hindi naman pala. Kung may sinabi kang gagawin mo, gawin mo. Kung may sinabi kang ibibigay mo, ibigay mo.
No more gossiping and listening to gossips. Kung may pag-uusapan mang ibang tao, focus on the positive. At kung may negative man, be quick to pray about it and plan kung paano siya matutulungan. Yung taong concern ang kausapin mo. Kung may napansin kang kasalanan o problemang kailangang ayusin sa taong yun, puntahan mo, kausapin mo. Di bale nang masaktan siya sa sasabihin mong totoo nang harapan, kaysa naman saksakin mo siya nang talikuran.
No more hiding and hypocrisy. Ang nakikita’t naririnig ng mga tao sa ‘yo yun lang magaganda, akala nila okay ka, pero during weekdays ayaw mong malaman ng iba ang mga kasalanang ginagawa mo, you “lie and do not practice the truth” (1 John 1:6). Kung sinasabi mong wala kang kasalanan, dinadaya’t niloloko mo ang sarili mo, at wala sa ‘yo ang katotohanan (v. 8). So, let us learn how to honestly confess our sins to God (v. 9) and to one another (James 5:16). Katotohanan ang magpapalaya sa atin (John 8:32), katotohanan ang magpapabanal sa atin (17:17).
No more silence and passivity. Minsan kailangang tahimik lang tayo. Minsan mas makakasama pa kung magsasalita tayo. Lalo pa kung wala naman tayong masasabi o wala tayong sapat na kaalaman sa mga pangyayari, lalo na sa politics. Pero madalas, kailangan nating magsalita. Maraming tao ang hindi nakakaalam ng katotohanan tungkol kay Cristo. Alam nila ang Pasko, pero hindi nila kilala si Cristo. Pero alam natin ang totoong Kuwento tungkol sa Pasko, tungkol kay Cristo. If you remain silent and not actively sharing the truth about Jesus sa iba, kahit pa magpamigay ka ng maraming regalo o maghost ng mga Christmas parties, hindi ka pa totoong nagmamahal sa kapwa mo.
Love your neighbor as yourself. Speak the truth in love. The truth, only the truth, and nothing but the truth. So help us, God.