Nakapagtataka na kahit alam na naman nating makasalanan tayo at kailangan natin ang tulong ng Diyos para tayo’y maligtas, para tayo’y maging matuwid sa harapan niya, somehow gumagawa pa rin tayo ng paraan para tumaas ang tingin natin sa sarili natin, so that we can feel good about ourselves. Hindi naman din pala nakapagtataka kung alam nating ito rin ay epekto ng sinful nature na nasa atin kahit na tayo’y mga born-again Christians na. Dahil sa likas na pagiging makasalanan natin, likas din na ang tingin natin sa sarili natin ay maganda. Ang taas-taas ng tingin natin sa sarili natin. Ang baba naman ng tingin natin sa ibang tao.
Yan ang dahilan kaya nag-aaway ang mag-asawa at hirap humingi ng sorry. Yan ang dahilan kung bakit may mga taong nanloloko. Yan ang dahilan bakit nagkakaroon ng inggitan sa trabaho. Malaki rin ang negatibong epekto sa relasyon natin sa Diyos dahil sa sobrang focus natin sa sarili natin, we fail to see God and his grace for what it really is. We fail to be amazed sa salvation na ginawa niya para sa atin. Nahihirapan tayong mapa-wow sa laki ng biyaya niya. We fail to enjoy the benefits and blessings of our salvation. We feel bored whenever we gather for worship.
Kaya mahalaga ang series natin ngayong December na Soli Deo Gloria, na sinumula natin last week. Magsisilbi itong corrective sa puso natin. And I pray na maging humbling and transformative experience itong lahat sa atin. Sa four months natin sa series na Five Solas, ang concern natin ay sagutin ang tanong na “Paano tayong mga makasalanan ay maliligtas o maituturing na matuwid sa harap ng isang banal at makatarungang Diyos?” At nakita nating ang sagot diyan ay galing sa Bibliya (Scripture alone), we are justified by grace alone through faith alone in Christ alone.
Ngayon naman ay yung tanong na “bakit tayo iniligtas ng Diyos?” Mahalagang sagutin. Kasi kung ang sagot mo tulad ng pagliligtas ng isang bumbero sa iyo na mamamatay na sa apoy, you will feel like God saved you out of his obligation or kasi duty-bound siya to save you. But no. Wala siyang obligasyong iligtas ka. O kung akala mo naman na para siyang isang kaibigang tumatanaw ng utang na loob sa ginawa mong kabutihan sa kanya in the past, then there is something in you that you can be proud of. But no. Wala kang ginawang isa man lang na kabutihan para sa kanya. Siya ang mabuti. Ikaw ay hindi. O kung tulad naman ng isang asawa na oo nga’t mahal ka niya, pero he cannot imagine living his life without you, para bang I can’t live without you. Para mo na ring sinasabing may kailangan ang Diyos sa ‘yo kaya ka niya iniligtas. But no. God is not a needy God. You are the needy one. He is self-sufficient. He can live perfectly fine and happy without you.
It is not about you. It’s about him. Kaya nga di na natin kinakanta yung “Above All.” Kasi ba naman sa dulo may lyrics na ganito tungkol sa ginawa ni Jesus para sa atin: “You took the fall and thought of me above all.” No. No. No. Ganda pa naman ng mga simula ng lyrics niyan. He thought of himself and his glory above all. Nararapat lang dahil siya ang Diyos. He is the only Being worthy of glory and praise and adoration. Siya lang ang nakaisip ng way of salvation that will bring him most glory. Sabi ni Michael Horton, “If God does all the saving, then God gets all the glory.” O tulad ng sabi ni prophet Jonah, “Salvation belongs to the Lord” (Jon. 2:9). These five words best summarized the Five Solas.
Our Enjoyment of God’s Glory is God’s Design in Saving Us
God is good and loving to make it a goal for him to do everything for his own glory. Bakit? Kasi alam niya, and ito ang design niya para sa atin, that we will find our full joy and satisfaction in glorifying him. Last week, nabanggit ko na yung Westminster Shorter Catechism Question 1: “What is the chief end of man? The chief end of man is to glorify God and to enjoy him forever.” Ito ang “chief end” sa pagkakalikha sa atin. Ito rin ang “chief end” sa pagkakaligtas sa atin. Pansinin n’yong ang karangalan ng Diyos at ang kagalakan natin ay hindi dalawang goals. Chief end, singular. Isa lang yan sa puso ng Diyos. Ang kagalakan natin ay matatagpuan natin sa karangalan ng Diyos. Ang kapahamakan naman ay resulta ng di natin pagbibigay-karangalan sa Diyos. O tulad ng sabi ni John Piper tungkol dito, “God is most glorified in us when we are most satisfied in him.”
Pero hindi ang katekismo o si John Piper ang ultimate authority natin. Sola Scriptura. Kaya naman we will look at several passages of Scriptures today. At makikita natin God’s Word mismo ang witness na everything in our salvation is designed by God to bring glory to his name. At nakakapagtaka din na obvious na obvious ito in a lot of passages, but we still miss this when we read the Bible. Bakit kaya? Kasi we are using “man-centered” lens in reading the Word. Pero kung macocorrect ‘yan, at magiging 20/20, we will see the Word na klaro sa itinuturo tungkol sa masidhing hangarin ng Diyos na bigyang karangalan ang kanyang pangalan sa kaligtasang ipinagkaloob niya sa atin.
Sa Ephesians 1:3-11 pa lang apat na beses nang inemphasize ‘yan, when we talked about sola gratia. Bakit tayo pinagpala ng Diyos. Para “purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (v. 3 ASD). Bakit tayo pinili ng Diyos na maging isa sa mga anak niya? Para “purihin natin ang Dios dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya” (v. 6). “To the praise of his glorious grace” (ESV). Bakit niloob at pinlano ng Diyos na makarating sa atin ang Magandang Balita at pagkalooban tayo ng pananampalataya? “Ginawa niya ito para [tayong] mga naunang sumampalataya kay Cristo ay magbigay-puri sa kanya” (v. 12). “To the praise of his glory” (ESV). Bakit tayo pinagkalooban ng Espiritu na siyang garantiya na mapapasaatin lahat ng ipinangako ng Diyos? “At dahil dito, papupurihan siya” (v. 14)! “To the praise of his glory” (ESV).
Lahat naman tayo deserving ng galit at parusa ng Diyos. Kung hahayaan niya tayo sa kalagayan natin, there will be no injustice on his part. Pero pinili tayong maligtas to glorify his mercy. Para siyang isang hari na pinili ang isang pulubing kriminal para mabigyan ng pardon at maituring na isa sa kanyang mga anak. Ang karangalan wala sa pulubing kriminal. Nasa Diyos na puno ng awa. Ito ang sabi ni Paul na dahilan kung bakit tayo kinaawaan ng Diyos, Romans 9:23, “Ginawa niya ito para ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya” (ASD). “…in order to make known the riches of his glory for vessels of mercy (ESV).
Why are some chosen to be saved? Why are some rejected? Why not just save everybody so that God will get maximum glory? Sabi ni James Boice:
The plan of salvation is for God’s glory and God is glorified in each case…In the case of the elect, who are saved, the love, mercy and grace of God are displayed in great abundance. In the case of the lost, the patience, power, and wrath of God are equally lifted up (Rom. 9:22-24). We may not like this answer to why some are saved and others are passed over, but it is what the Word of God teaches. The reason we do not like it is probably that we are far more concerned about promoting ourselves and our own glory than about honoring God.
Pero ang puso ni apostol Pablo ay to promote God’s own glory, to honor him, to give him the praise due his name. Kaya pagkatapos talakayin ang doktrina ng kaligtasan mula chapter 1 hanggang chapter 11 ng Romans, mararamdaman mong napapasigaw siya sa pagkamangha sa Diyos, “Oh the depth…” Oh! Delight! Wow! Grabe! (Yan ang totoong petmalu!) “Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman” (v. 33 ASD)! Hindi lang dakila, nakapadakila. Hindi lang mabuti, napakabuti. Hindi lang marunong, napakarunong. Siya ang Diyos na napaka! Kung nanggigigil ka sa ugali ng asawa mo o ng anak mo, “Napaka mo!” Manggilalas ka ngayon sa katangian ng Diyos, “Napaka mo, O Diyos!”
Then in Romans 11:36, tiningnan na natin last week kung paanong totoo yan regarding God’s creation. Pero mas specific ang application nito regarding our redemption or salvation. “For from him and through him and to him are all things. To him be glory forever. Amen.” From him, salvation is from him, planned by him. Through him, accomplished by him, through Christ and the cross. To him, salvation is to him, he is the goal of the gospel. To him be glory forever. Amen.
Tingnan n’yo isa-isa yung nakaraang apat na solas.
- Sola Scriptura. Ang Scripture, ang Bibliya galing sa Diyos, naisulat at nakarating sa atin at nauunawaan natin sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, at mananatili magpakailanman para sa karangalan ng Diyos (Matt 24:35).
- Solus Christus. Si Cristo mula sa Diyos, dahil siya mismo ay Diyos. Isinilang at namuhay na kasama natin sa pamamagitan ng Diyos Espiritu na nagbuntis kay Maria at pumuspos sa kanya. At ang buhay niya ay para sa kaluwalhatian ng kanyang Ama (John 17:4).
- Sola Gratia. By definition, grace is from God. At napasaatin sa pamamagitan ng gawa ng Diyos. At para sa ikararangal ng Diyos, at walang sinumang magmalaki.
- Sola Fide. Maging ang faith natin, our response in receiving God’s salvation, hindi rin naman galing sa atin. From God, regalo ng Diyos (Eph. 2:8-9). At sa pamamagitan ng Espiritu na bumuhay sa mga puso nating patay. That no one may boast, for God’s glory alone.
Malinaw na malinaw na malinaw na our salvation is from God and, therefore, for God. God is the goal of our salvation. Ang forgiveness ng kasalanan natin kasama sa blessing ng salvation. Si Cristo ay “namatay para mapatawad ang mga kasalanan natin” (1 Pet. 3:18 ASD). But that is not the end goal. Ituloy natin, “Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa atin na mga makasalanan, para madala niya tayo sa Dios.” “…that he might bring us to God” (ESV). God is the the goal.
John Piper: “What makes all the events of Good Friday and Easter and all the promises they secure good news is that they lead us to God…And when we get there, it is God himself who will satisfy our souls forever. Everything else in the gospel is meant to display God’s glory and remove every obstacle in him (as such his wrath) and in us (such as our rebellion) so that we can enjoy him forever. God is the gospel. That is, he is what makes the good news good. Nothing less can make the gospel good news. God is the final and highest gift that makes the good news good. Until people use the gospel to get to God, they use it wrongly.” God is the Gospel, 42.
Sabi pa niya regarding forgiveness, justification, not going to hell, going to heaven:
These gifts are precious. But they are not God. And they are not the gospel if God himself is not cherished as the supreme gift of the gospel. That is, if God is not treasured as the ultimate gift of the gospel, none of his gifts will be gospel, good news. And if God is treasured as the supremely valuable gift of the gospel, then all the other lesser gifts will be enjoyed as well…Only this is [the chief good or highest goal of the gospel]: seeing and savoring God himself, being changed into the image of his Son so that more and more we delight in and display God’s infinite beauty and worth (45).
Our Enjoyment of God’s Glory is Jesus’ Desire in Saving Us
Dahil ang Diyos Ama at Diyos Anak ay iisa (John 10:30), they have one desire. Ang maparangalan ang isa’t isa, at makasalo tayo sa enjoyment of their glory for all eternity. Pansinin n’yong paulit-ulit yung word na “glory”/”glorify” sa prayer ni Jesus sa John 17, showing what is really the desire of his heart. Lumalabas sa paulit-ulit na panalangin natin ang desire ng puso natin.
John 17:1–5: “Father, the hour has come (tinutukoy niya ang oras ng kanyang kamatayan sa krus to accomplish salvation for us); glorify your Son that the Son may glorify you (ang Ama nagbibigay karangalan sa Anak, ang Anak nagbibigay karangalan sa Ama, through the what Jesus accomplished on the cross, see Phil 2:5-11), since you have given him authority over all flesh, to give eternal life to all whom you have given him (tayo yun na mga sumasampalataya kay Cristo, merong buhay na walang hanggan, at ano yung buhay na walang hanggan na yun? langit?) And this is eternal life, that they know you, the only true God, and Jesus Christ whom you have sent. (Knowing God is the goal of our salvation, hindi lang intellectual knowledge, but intimacy and enjoyment of his glorious presence). I glorified you on earth, having accomplished the work that you gave me to do (The cross, the gospel is for the glory of the Father). And now, Father, glorify me in your own presence with the glory that I had with you before the world existed (from eternity past to eternity future, everything is for the glory of God – the Son, the Father, and siyempre kasama rin ang Holy Spirit).”
Glory, glory, glory, paulit-ulit yan. Yan ang nasa puso ni Jesus. Yan din ang nasa puso niya para sa atin, na makahati tayo sa enjoyment of their glory and their presence for all eternity. John 17:24, “Father, I desire (the end/goal for which he came and saved us) that they also, whom you have given me (tayo yun!), may be with me where I am, to see my glory that you have given me because you loved me before the foundation of the world.” Ang makasama ang Panginoon for all eternity, at masilayan, mamasdan ang kanyang kagandahan magpasawalang-hanggan. Yan ang lubos nating kagalakan.
Our Enjoyment of God’s Glory must be the Desire of Our Hearts.
Ang prayer life natin ay nagsisilbing indicator kung ano ang hinahangad ng puso natin. Yes we pray for daily needs, material needs, physical needs, healing, financial provisions, healthy marriage, at kung anu-ano pa. Pero kung diyan lang umiikot ang prayer life natin, ibig sabihin hindi pa nagiging utmost ang desire natin for the glory of God. Kaya nga hindi “give us this day our daily bread ang una sa prayer na itinuro sa atin ng Panginoon. But this: “Our Father in heaven, hallowed be your name (o magnify your name, glorify your name, do everything for the praise of your name), your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.”
Ito rin ang damdamin ng mga prayers sa Psalms. “O Dios na aming Tagapagligtas, tulungan nʼyo kami (para ano? para mawala na ang paghihirap sa buhay? para mapawi na ang kalungkutan? para makaahon na sa pagkabaon sa utang?), para sa kapurihan ng inyong pangalan. Iligtas nʼyo kami at patawarin sa aming mga kasalanan (para ano? para mawala na yung feeling of guilt sa conscience natin? para makaiwas sa parusa sa impiyerno?), alang-alang sa inyong pangalan” (79:9 ASD). “Panginoon naming Dios iligtas nʼyo kami, at muling tipunin sa aming lupain mula sa mga bansa (para ano? para maging kumportable na ulit ang buhay? para makasama na ang mga mahal sa buhay? para di na mamaltrato ng mga among dayuhan? para makapagpundar na ulit ng mga lupain at ibang ari-arian?), upang makapagpasalamat kami at makapagbigay-puri sa inyong kabanalan” (106:47 ASD).”
Ang pagsunod natin sa utos ng Diyos, para saan? Ang pagtitiwala natin sa kanya, para saan? Para ba masabi na masunurin tayo? Na strong ang faith natin? Na spiritually mature tayo? Do we desire to draw attention to ourselves for our goodness and holiness? No! Ang heartbeat natin dapat tulad ng sa Isaiah 26:8. Ito ang theme verse ng 268 Generation na naghohold ng mga Passion Conferences, na pinangungunahan ni Louie Giglio, na ang desire ay to ignite a passion for God’s glory among the youth. “Hangad namin na kayo ay aming maparangalan” (ASD). “…your name and remembrance are the desire of our soul” (ESV). “…our heart’s desire is to glorify your name” (NLT).
Ito rin ba ang tinitibok ng puso mo? Ito rin ba ang kinasasabikan mo? Dito ba patungo ang mga pinapangarap mo? Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagtatrabaho o nagnenegosyo? Ito ba ang hangarin mo sa pagpapalaki sa mga anak mo? If God’s design for planning, accomplishing, and applying our salvation is to be for the praise of his glory, then our heart’s desire in working out our salvation is to be for the praise of his glory. May this be the prayer of our hearts, “Not to us, O LORD, not to us, but to your name give glory, for the sake of your steadfast love and your faithfulness” (Psa. 115:1)!
Wala ka naman talagang ibang maipagmamalaki. Siya lang. Kapag sagana ka sa buhay, siya lang ang dahilan. Kapag hirap ka at maraming problema, siya lang ang kasapatan. Wala nang ibang hangarin sa buhay ang nararapat paghirapan at ikamatay maliban sa karangalan ng pangalan ng Diyos na nagbigay at bumabago sa buhay natin. Wala nang iba. If you are living your life for something other than the glory of Christ, you’re just wasting it. Sayang.