Sabi sa dulo ng Ligonier Statement on Christology: “Siya ang ating Propeta, Pari, at Hari, itinatayo ang Kanyang iglesiya, namamagitan para sa atin, at namamahala sa lahat ng bagay. Si Jesu-Cristo ang Panginoon; purihin natin ang banal Niyang Pangalan magpakailanman. Amen.” Yan ang pinag-aaralan natin nitong nakaraang tatlong linggo sa solus Christus, Christ alone. At tinitingnan natin kung ‘yan nga ba ang itinuturo ng Salita ng Diyos. Mahalaga yun kasi yun din naman ang pinag-aralan natin last August sa sola Scriptura, Scripture alone is our highest authority.
Listen on YouTube | Download mp3
At bahagi ito ng series natin sa Five Solas, limang doctrinal pillars ng 16th century Reformation, na siyang kailangang-kailangan nating marecover sa panahon ngayon. We need a new Reformation sa evangelical church ngayon. Kaya pag-aaralan pa natin beginning next week at sa mga susunod pa ang sola gratia (by grace alone), sola fide (through faith alone) at soli Deo gloria (for the glory of God alone). Itinuturo ng Salita ng Diyos (Scripture), at ito ang dapat nating pakinggan, paniwalaan at hayaang bumago sa buhay natin, na ang kaligtasan natin ay natanggap natin dahil lang sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan lang ng pananampalataya kay Cristo lamang. At lahat ng ito ay para lamang sa karangalan ng Diyos. That’s the summary of the whole series.
Today, we will take a last look at solus Christus. Actually last week sa sermon ni Ptr. Ariel during our anniversary, he also preached Christ (dapat lang siyempre sa lahat ng preachers!) as God, Savior and Lord. At part pa rin yan ng solus Christus geared toward how it applies to our life as a church. Tiningnan din natin yung role niya last time as Prophet and Priest. Ngayon naman ay yung kanyang pagiging King.
Ang propeta kasi ang nagdadala ng Salita ng Diyos sa mga tao, ang pari naman ang nag-aalay ng mga handog, mga panalangin, at papuri sa Diyos on bahalf of the people, at ang hari naman ang namumuno sa mga tao bilang kinatawan ng paghahari ng Diyos. At ang tatlong ‘yan – propeta, pari at hari – ay anino ng iba’t ibang aspeto ng ginawa ni Cristo para sa atin. Bilang Propeta, ipinahayag niya kung sino mismo ang Diyos at itinuro ang kanyang salita sa atin, bilang pari, nag-alay siya ng handog sa Diyos para sa atin, at siya mismong naging sakripisyo na inihandog para sa atin; at bilang hari, siya ay namamahala sa iglesya at sa maging sa buong sanlibutan, sa lahat-lahat (Wayne Grudem).
Sabi naman ni James Boice, “Hindi na natin kailangan ng iba pang mga propeta para ipahayag sa atin ang salita at kalooban ng Diyos. Hindi na natin kailangan ng iba pang mga pari para magdala ng kaligtasan at pagpapala ng Diyos. Hindi na natin kailangan ng iba pang mga hari para pamahalaan ang pag-iisip at pamumuhay natin. Si Jesus ang lahat-lahat para sa atin, ‘everything to us and for us in the gospel.'”
Yung tatlong ‘yan ay kitang-kita sa Hebrews 1:2-3, “He has spoken to us by his Son.” Jesus is the last and great Prophet, the Word of God, the Son of God. “After making purification for sins.” Siya ang ating High Priest na nag-alay ng kanyang sarili para sa bayaran ang ating mga kasalanan at maiharap tayong matuwid sa Diyos. “He sat down at the right hand of the Majesty on high.” Namatay siya, inilibing, nabuhay na muli, umakyat sa langit at naupo sa kanang kamay ng Diyos. He is our King now and forever.
We need a King.
Simulang simula pa lang ng story sa Bible, kitang-kita na agad how we messed up. Nilikha tayo ng Diyos “in his image,” para mamahala sa lahat ng kanyang mga nilikha. Karaniwan noon sa ancient Near East, ang mga kings ay nagsesetup ng mga “images” nila sa iba’t ibang bayan. Gayundin naman, tayo ang representative ng Diyos para pamahalaan ang kanyang mga nilikha. Pero sa halip na mamuhay tayo sa layunin niya, we declared independence. Nagrebelde tayo sa kanya, sumuway tayo sa mga utos niya.
Kapag pinipili nating maging malaya sa Diyos, napapaalipin pa tayo sa iba. Tulad ng mga Israelita, na naalipin sa Egipto for 400 years. Pero pinadala ng Diyos si Moises para palayain sila. Probably si Moses ang pinakamalapit sa roles ni Jesus na prophet, priest and king. Pinalaya sila ng Diyos. Because he wanted them to be a kingdom of priests. Kaya nga pinagawa sila ng tabernacle, na sa pinakadulong section ay yung Most Holy Place, kung saan naroon ang ark of the covenant, na isang kahon na naglalaman ng 10 Commandments, a representation of God’s will for his people. Kumbaga, yung Most Holy Place, naroon ang presence ng Panginoon, at nagsisilbing trono niya to rule over his people through Moses as their mediator.
Pero nagrebelde na naman sila. Sumamba sa golden calf. Paulit-ulit na ganyan ang nangyari sa Israel. Nakapasok na sila sa promised land, ganun pa rin. Nang mamatay si Joshua na siyang pumalit kay Moises, paulit-ulit ang pagrerebelde nila sa Diyos. Sobrang depressing ang story nito sa book of Judges. Na paulit-ulit ding nakasulat ang ganitong comment, “In those days, there was no king in Israel, everyone did what was right in their own eyes” (17:6; cf. 18:1; 19:1; 21:25). Kapag walang hari, kapag walang kinikilalang hari, ganyan ang nangyayari, we are doing what was right in our own eyes. Tayo ang nagiging standard of what is right and wrong. Yan ang gusto nina Adan at Eba noon pa. Yan ang gusto natin. Gusto natin tayo ang hari. Pero kapag tayo ang naghahari-harian, everything is going wrong in our lives. As in, everything.
Sa buhay natin, sa pamilya natin, sa bansa natin. Magulo. Kaya we are hoping for a king who will lead us. Ganoon din ang mga Israelita. Nasa kanila na ang Diyos, pero naghangad pa sila ng iba, “Give us a king” (1 Sam. 8:6), sabi nila kay prophet Samuel. Hindi nagustuhan ng Diyos, “they have rejected me from being a king over them” (v. 7). Pero pinagbigyan pa rin sila ng Diyos. Una si Saul. Pero disappointment ang nangyari. Sumunod, si David, a man after God’s own heart. Pagkatapos niya marami pang sumunod, pero wala na ang naging katulad ni David. Their kings have failed them over and over again.
Ganyan ang mangyayari if we are looking to weak, sinful, imperfect, prideful “kings” instead of God our King to rule over us. Kaya ang daming umaasa sa presidente natin, ang dami ring disappointed, because we are putting our expectations on him to lead our country to prosperity.
Maraming Christians, umaalis sa church nila at lumilipat sa iba, kasi nadidisappoint, nadidiscourage sa mga pastors or leaders or mga kasama nila sa church. Ako din I became discouraged recently kasi tumitingin ako sa ibang leaders na unwilling to commit, or unable, or hindi available to commit sa ministry. Ang laki pa naman ng vision natin for the next years. Sabi sa kin ni Lord, “Nadidiscouraged ka kasi you are looking to them. Look at me!”
Kaya nangako ang Diyos sa Israel na may darating na hari, like David, but better than David, who will rule over his people forever. He is perfectly qualified. He won’t fail us. Ever. He is the king we need. He is our only hope. His name is Jesus.Only Jesus qualifies to be our King.
Only Jesus qualifies to be our King.
We need a king who is powerful and kind. Hindi pwedeng kind lang, pero hindi naman powerful. A powerless king is no help for us, parang yung “king” sa chess. Hindi rin naman pwedeng powerful lang pero hindi naman kind. Abusive yun. Tulad ng ibang mga tatay. Tulad ng mga presidente na naging dictators. Jesus is both powerful and kind. He is exactly what we need.
Jesus is the King who deserves worship. Sa pagsilang pa lang niya, hinanap siya ng mga wise men from the east, “Where is he who has been born king of the Jews? For we…have come to worship him” (Matt. 2:2). Na-threaten tuloy itong si Haring Herodes, pinapatay ang lahat ng lalaking dalawang taong gulang pababa (v. 16). Pagtawag niya sa mga disciples niya, nakilala nilang siya ang haring ipinangako ng Diyos. Sabi ni Nathanael sa kanya, “Rabbi, you are the Son of God! You are the King of Israel” (John 1:49)! Pagpasok niya sa Jerusalem, almost at the end of his life, sinalubong siya ng mga tao, “Blessed is the King who comes in the name of the Lord! Peace in heaven and glory in the highest!” Sinabihan siya tuloy ng mga Pharisees na patahimikin ang mga disciples niya. Sagot ni Jesus, “Kung tatahimik sila, pati itong mga bato ay sisigaw sa pagpupuri” (Luke 19:38-40). Siya ang Hari na dapat sambahin ng lahat ng tao, ng lahat ng nilikha. Pero hindi niya inangkin sa sarili niya, habang nandito siya sa mundo, ang titulo bilang Hari. Bakit?
The kingdom of Jesus is primarily spiritual (as of now). Sa panahon ng pagdating ni Jesus, ang mga Judio ay nag-eexpect ng isang political Messiah na magpapatalsik sa pamamahala sa kanila ng mga Romano. But his first coming is mainly about reigning in the hearts of men who will repent and believe in the gospel. Sabi niya sa simula ng kanyang preaching ministry, “Repent, for the kingdom of heaven is at hand.” (Matt. 4:17). Yan ang primary mission niya, “…proclaiming the gospel of the kingdom…” (v. 23).
Oo nga’t nagpapagaling siya ng mga maysakit, gumagawa ng mga himala, nagpapalayas ng demonyo, to demonstrate the present reality of the kingdom. Kaya sabi niya sa mga religious leaders na ayaw maniwala sa kanya, “Ngayon, kung nagpapalayas ako ng masasamang espiritu sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, nangangahulugan ito na dumating na sa inyo ang paghahari ng Dios” (12:28).
Ito namang mga tao, dahil nagpapagaling si Jesus, nagpapakain ng libu-libo, aba gusto siyang gawing hari, but their kind of king, not God’s kind of king. But his first coming is about redemption, about going to the cross. “Alam ni Jesus na balak ng mga taong kunin siya at sapilitang gawing hari. Kaya umalis siya roon at muling umakyat nang mag-isa sa bundok” (John 6:15). At nang tanungin naman siya ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio” (18:33)? Sagot niya, “My kingdom is not of this world…my kingdom is not from the world” (v. 36). Ang paghahari niya ay ibang-iba sa kalakaran ng mundong ito.
King Jesus is gentle and lowly. Pagdating niya sa Jerusalem, sakay-sakay ng donkey, hindi ng kabayong pandigma. Katuparan ito ng nakasulat sa Zechariah 9:9, cited in Matthew 21:5, “Say to the daughter of Zion, ‘Behold, your king is coming to you, humble, and mounted on a donkey…’” Maghahari siya sa puso ng mga tao not by killing people, tulad ng ginagawa ng ibang mga abusadong hari o presidente, but by dying for his people. Nagpakababa siya by taking the form of a servant, bagamat Diyos at Hari ng mga hari nagkatawang-tao siya, at namatay sa krus na parang isang kriminal (Phil. 2:6-8). Pero dahil doon?
King Jesus has authority over all things. “Therefore God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father” (vv. 9-11). Muli siyang nabuhay at sinabi sa mga disciples niya, “All authority in heaven and on earth has been given to me” (Matt. 28:18). Umakyat siya sa langit, at naupo sa kanang kamay ng Diyos. “…far above all rule and authority and power and dominion, and above every name that is named, not only in this age but also in the one to come. And he put all things under his feet and gave him as head over all things to the church” (Eph. 1:20-22). All things.
Ang paghahari niya hindi lang sa spiritual na bagay, political din. Hindi lang sa isang political region tulad ng isang bansa, but global. Hindi lang global, dito sa mundo, but also universal. Ngayon, it doesn’t look like he reigns over all things. Ang daming injustices, ang daming krimen, ang daming mga pag-aaway, ang daming hindi kumikilala sa kanya. But one day, the fullness of his kingdom will finally be realized.
King Jesus will return in glory and will be reigning forever and ever. Tinanong siya ng high priest kung siya ba ang Cristo, the Messiah, ang Haring Tagapagligtas, the Son of God (Matt. 26:63). Sagot naman niya, “You have said so. But I tell you, from now on you will see the Son of Man seated at the right hand of Power and coming on the clouds of heaven” (v. 64). Bago pa siya isilang, sinabi na ng anghel kay Maria, “…he will reign over the house of Jacob forever, and of his kingdom there will be no end” (Luke 1:33). Darating siyang muli, and he will be our King forever (2 Pet. 1:11). Hebrews 1:8 applies Psalm 45:6 to Jesus, “…Your throne, O God, is forever and ever…”
Sa pagbabalik niya, hindi na siya nakasakay sa isang donkey, kundi sa isang puting kabayo, with all the armies of heaven with him, to judge and punish all his enemies. “On his robe and on his thigh he has a name written, King of kings and Lord of lords” (Rev. 19:16). Terribly bad news para sa mga unbelievers, pero excitingly good news for us who put our faith in King Jesus as Savior and Lord now, and live our lives only for him.
We must live our lives only for King Jesus.
Expectation of the King’s Return. “…we look forward with hope to that wonderful day when the glory of our great God and Savior, Jesus Christ, will be revealed” (Tit. 2:13 NLT). Do you? Kinasasabikan mo ba ‘yan?Representation of Christ’s Kingly Rule to others. “But you are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession, that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light” (1 Pet. 2:9 ESV). Do we proclaim his excellencies? Naririnig ba sa ating mga bibig ang tungkol kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin? Naipapakilala ba natin siya sa iba? Hindi mangyayari kung di nakikita sa buhay natin na si Jesus ang Hari.
Representation of Christ’s Kingly Rule to others. “But you are a chosen race, a royal priesthood, a holy nation, a people for his own possession, that you may proclaim the excellencies of him who called you out of darkness into his marvelous light” (1 Pet. 2:9 ESV). Do we proclaim his excellencies? Naririnig ba sa ating mga bibig ang tungkol kay Cristo at sa kanyang ginawa para sa atin? Naipapakilala ba natin siya sa iba? Hindi mangyayari kung di nakikita sa buhay natin na si Jesus ang Hari.
Submission to Christ the King. Nakikita ba sa buhay natin, sa lahat ng bahagi ng buhay natin – hindi lang sa church, pati sa pakikipagkapitbahay, sa school, sa trabaho, sa paggastos ng pera, sa pagsasalita, sa paggamit ng social media, sa relasyong mag-asawa, sa pagpapalaki sa mga anak, sa pagsunod sa magulang – that we live for King Jesus?
“In No One Else But Christ Alone”
Sa pagtatapos ng pag-aaral natin sa Solus Christus, hayaan n’yong gamitin ko ang mga salitang ito ni John Calvin tungkol sa kasapatan ni Cristo para sa ating buong kaligtasan.
“Kung titingnan natin ang kabuuuan ng kaligtasang tinanggap natin, bawat isang bahagi nito ay matatagpuan kay Cristo. Kaya dapat na mag-ingat tayo na baka sumalok pa tayo ng kahit kaunting patak sa iba maliban kay Cristo. Kung kaligtasan ang hanap natin, ang pangalan mismo ni Jesus ang nagtuturo sa atin na sa kanya lang ito matatagpuan. Kung iba pang kaloob ng Espiritu ang hanap natin, matatagpuan ito sa paghirang sa kanya ng Espiritu; lakas – sa kanyang paghahari; at kalinisan – sa sinapupunan pa lang ng kanyang ina; kaamuan – kitang-kita sa kanyang kapanganakan, na sa lahat ng aspeto siya’y naging tulad natin, para matutunan niyang madama ang sakit na dala natin; ang pagtubos o pagbabayad sa kasalanan na hinahanap natin, kitang-kita sa ginawa niyang sakripisyo sa krus; kapatawaran – nasa paghatol sa kanya; kalayaan mula sa sumpa – ibinigay nang dalhin niya ang kanyang krus para sa atin…nahugasan tayo’t nalinis sa pamamagitan ng kanyang dugo. Para maibalik tayo sa Diyos, pumasok siya sa libingan ng mga patay. Para mapagtagumpayan ang ating mga kasalanan dapat nating malamang inilibing na ang mga ito nang siya’y ilibing. At ang bagong buhay dala ng kanyang muling pagkabuhay, kasama na ang buhay na walang hanggan. At kung nais nating matanggap ang mana sa kaharian ng langit, ang pagbabalik niya sa langit ang naging garantiyang tatanggapin natin ito kasama na ang proteksyon, pagliligtas, at mga nag-uumapaw na pagpapala – lahat ay dumadaloy mula sa kanyang trono bilang hari. Ito ang buod ng lahat ng ito: Para sa lahat ng naghahanap ng nakatagong kayamanang ito na punung-puno ng lahat ng klase ng pagpapala, hindi mo ‘yan matatagpuan sa iba maliban kay Cristo, dahil lahat ng ‘yan ay ibinigay kay Cristo lamang, wala nang iba” (Institutes).
In Christ alone. Solus Christus. Next week, magsisimula naman tayong tingnan at tikman ang sola gratia, by grace alone.