“Rightly Handling the Word”: Applying Sola Scriptura (by Aldrin Capili)

verse-of-the-day (1)

“Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth” (2 Tim. 2:15 ESV). “Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan” (ASD).

Listen on YouTube  |  Download mp3

“Learned Helplessness”

Ang mga Kristiyano daw po ay may malaking problema, dahil marami sa atin ay nasa isang condition na ang tawag ay Learned Helplessness. Ano ang Learned Helplessness? So sa tagalog, “Learned”, ibig sabihin? Natutunan. Helplessness, ibig sabihin, walang magagawa.

Sa government natin, for example, natutunan natin na wala tayong mgagawa sa problema ng corruption sa government kaya hinahayaan na lang natin silang gawin ang gusto nilang gawin at tinitiis na lang natin hanggang sa maging manhid na tayo. Totoo o hindi?

Para sa ating mga simpleng mamamayan, Ano naman ang magagawa ko? Magpost ng magpost sa FB? mag rally? Mag vandalism sa mga pader ng “No to corruption”? May epekto ba yun? Kahit magplanking ka sa EDSA, bale wala lang yun.

Ganun di sa problema sa kahirapan, sa droga, sa kapitbahay nating chismosa, o sa mga magulang mong na laging nag-aaway. Kadalasan, dahil sa paulit-ulit na pangyayari, at kung minsan ay sinubukan mo na, na may gawin o sabihin pero wala naman nangyari, nabuo na sa isip natin na wala tayong magagawa diyan,

At dahil natutunan na natin na wala tayong magagawa sa mga ganitong mga bagay o pangyayari, kadalasan, tayong mga Kristiyano, hindi na rin natin inaasahan or nakikita na may magagawa ang Diyos. Yung maliit na pananampalataya natin sa Diyos ay lalo pang lumiliit dahil sa mga kasamaan at kaguluhan na nakikita natin araw-araw. Yung pag-ibig natin sa kapwa ay nakadepende kung mabuti ba siya tao o masama. Yung mga Muslim terrorists sa Marawi, ang prayer ba natin ay hipuin ng Diyos ang puso nila at sumuko na para maging payapa na sa lugar na iyon or ang prayer ba natin ay palakasin pa ng Diyos yung mga sundalo para mapatay at maubos na lahat ng mga terrorists sa Marawi or mas malamang, wala tayong pake alam, kasi ang nasa isip natin, wala naman tayong magagawa. Learned Helplessness.

Mas gawin nating personal ang example. Nagbasa ka ng Bible, tapos hindi mo naintindihan. Hay, hindi ko maintindihan, hintayin ko nalang yung Sunday para malinaw na maipaliwanag ng pastor ang mga bagay-bagay tungkol sa Bible. Ayoko nang mag-aral ng Bibile, diko maintindihan. Ayoko nang mag-aral ng Bible, nakaka-antok. Ayoko nang mag-aral ng Bible, pinagtatawanan or pinag uusapan lang ako ng mga nakakakita sakin. Hindi cool. Ayoko nang mag-aral ng Bible, diko naman kayang magshare ng Gospel sa ibang tao e. Ayoko nang mag-aral ng Bible, nagkakasala pa din naman ako e, magulo pa din naman ang pamilya ko, hindi naman nawawala yung mga problema ko.

Nagkaroon tayo ng Learned Helplessness na iniisip natin na wala namang epekto yung ginawa nating personal pag-aaral ng Bible. Parehas lang naman. Aattend na lang ako tuwing Sunday para makinig kay Pastor.  Hanggang sa lumipas ang isang Linggo nang hindi ka nagbasa ng Bible, wala namang nangyaring masama. Lumipas ang isang buwan, 2 buwan, 1 taon, na hindi ka nagbasa ng Bible, wala namang nangyaring masama. Hindi kayo nagutom, tuloy tuloy parin yung blessings, walang nagkasakit, hindi naman nalaman ni Pastor Derick. E pwede naman pala e.

Madalas sa araw araw ng buhay natin, hindi natin nakikita na kailangan natin ang Salita ng Diyos kaya hindi natin ito binabasa or pinag aaralan. Kung dumadating yung pagkakataon na to na sa buhay natin. Prayer ko na ang Holy Spirit ang tumulong na magdeliver ng mensahe ng Diyos sa atin ngayon araw.

Ano ang epekto sa atin ng nakaraang mga mensahe tungkol sa Sola Scriptura?

Mas na excite ba tayo na mas magbasa ng Bible? Or na excite lang tayo na pakinggan yung susunod na sermon? Sa Sola Scriptura, ipinakita sa atin yung isang mahalangang foundation ng pananampalataya natin, na nasa kamay na natin, at na amaze tayo, na pa “Wow” tayo, “eto pala yung kahalagahan ng Bible”, tapos binaba mo na ulit at sinabi mo “excited na ko sa susunod na sermon sa Sunday kaya pinalipas mo lang yung 6 na araw ng hindi mo na ulit hinawakan yung Bible”. Kung ganoon lang yung epekto sa atin, na miss natin yung whole point ng mensahe.

“Do your best to present yourself to God as one approved.”

Sabi dito ni Pablo “Do your best to present yourself” hindi lang ito parang umaakyat ka ng ligaw, kung uso pa ang ligaw sa panahon ngayon, na nag-aayos ka ng buhok, nagpapabango ka at nagsusuot ka ng bagong damit.

Sinabi din ito ni Pablo sa mga taga Roma sa Romans 12:1, “I appeal to you therefore, brothers, by the mercies of God, to present your bodies as a living sacrifice, holy and acceptable to God, which is your spiritual worship.”

Sa Tagalog translation nung text natin, sabi dun “Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos.”

Parang may mali sa text na ito. Pwede ba nating pagsikapan na maging karapat-dapat sa Diyos? May magagawa ka ba na mabuti na sobrang laki, sobrang big deal, na pwede mong sabihin sa Diyos na, “Panginoon, tinulungan ko ang lahat ng mahihirap sa Pilipinas kaya karapat-dapat na ako sa harap mo”. Pwede ba yun? Hindi pwede, dahil sa pananampalataya tayo naligtas, hindi dahil sa mabubuting gawa para walang sinumang makapag malaki. (Efeso 2:8-9).

So bakit sinasabi ngayon ni Pablo kay Timothy na “Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos”?

Tandaan natin that the Bible is unified in all its parts and will never contradict itself.  Kaya nga mahalaga ang sariling pag-aaral ng Bible para hindi tayo madaling malito sa mga ganitong mga verses o para hindi tayo madaling maloko ng ibang tao, o para pag may nagsabi sa atin na, “yung Bible naman contradicting minsan”.

Kaya nga naniniwala tayo sa Sola Scriptura, na ang Bible ang may highest authority sa pamilya natin, sa mga desisyon natin, at pang araw araw na buhay natin dahil naniniwala tayo na walang mali o magkasalungat na sinasabi dito.

Naniniwala ba tayo ng walang mali o magsalungat na sinasabi sa Bible? Paano natin nasabi? Kasi sabi ni Pastor, kasi sabi ni kapatid ganun daw. We need start and continue reading and studying the Bible.

Hindi sinasabi dito ni Pablo kay Timothy na pagsikapan mo ang kaligtasan kasi si Timothy ay tagasunod na ni Kristo, isa siyang batang Pastor at tinanggap na niya ang kaligtasan nung manampalataya siya kay Kristo, sinasabi ni Pablo na pagsikapan mong, ano sabi sa text natin sa ESV? Do your best to present yourself to God as approved. Pagsikapan mong makita sa iyo ng Diyos ang kaligtasang tinanggap mo na. Kung sinasabi mong ikaw ay approved na or katanggap tanggap na dahil kay Kristo, pagsikapan mo itong makita sa buhay mo.

Sa maraming mga Kristiyano, ang pananampalataya ay nakabase lang sa kung ano ang narinig at hindi naka base sa sariling pag-aaral ng Bible. Totoo na marami ang nakaka kilala sa Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pakikinig pero magkakaroon lang tayo ng personal na pagka kilala sa Panginoong Hesus kung mayroon tayong personal na pag-aaral ng kanyang salita.

Kung naniniwala tayo dito, kelan natin ito gagawin? Kelan tayo maglalaan ng sariling oras para sa personal na pag-aaral ng salita ng Diyos? Bukas? Next week? Pag may time?

Sabi sa text natin, “Do your best”. Sa mas original na salin, ang ginamit ay “hasten”. Pag sinabing hasten – be quick to do something. “Do your best and be quick.” Bakit kailangang the best effort at mabilis na pagsunod? Dahil ito ay para sa Diyos – Do your best to present yourself to God as one approved.

Ang goal natin dapat sa araw araw ay katulad nung sa Matthew 25:21 – “His master said to him, ‘Well done, good and faithful servant.”

Sabi sa text natin, “as one approved.” Sa lahat ng sitwasyon, bago maging approved ang isang bagay dumadaan muna ito sa pagsusuri.

Sabi sa 2 Corinthians 10:18. For it is not the one who commends himself who is approved, but the one whom the Lord commends. Hindi tayo ang makapagsasabi kung approved tayo o hindi pero meron na tayong idea kung ma aaproved ba tayo o hindi. Basahin natin at pag-aralan natin ang Bible tsaka natin tingnan yung buhay natin, magkakaroon na tayo ng idea kung approved ba tayo o hindi.

Isang araw, babalik ang Panginoong Hesus at siya ang huhusga kung ikaw o ako ay approved. At wala tayong ibang guide on how to be approved by God kundi ang Bible at paano natin malalaman kung ano ang approved sa Diyos at kung ano ang hindi kung hindi natin binabasa at pinag-aaralan ang Bible.

“…a worker who has no need to be ashamed…”

Si Timothy, bilang isang batang pastor, possible na siya ay may pagka mahiyain dahil maraming mas matatada, mas mayayaman at mas matatalinong tao ang nakaka harap niya. Ganun din po ako everytime na tatayo ako dito sa harap ninyo, hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa sarili ko, sa inyo o sa Diyos o all of the above.

Halos lahat, hindi naman lahat pero, madami ang mga kasalanan at kalokohan ang ginawa ko. Sinubukan kong mag yosi, makipag inuman at hindi na maka uwi sa sobrang lasing, magsugal, tumambay kasama ang mga adik, hindi naman ako nag adik, pre-marital sex hanggang maka buntis ng maaga pagkatapos ay takbuhan ang pananagutan. Feeling ko magaling ako pero ang totoo, I was the worst sa aming mga magkakapatid. I was proud, I was selfish, I was rude and I blame other people for my mistakes.

Lahat ng yan at marami pang iba, habang umaatend pa din ako ng Church every Sunday. Mula pa ng magka-isip ako, sa dami ng kwento ng Sunday School at sa dami ng Sermon na narinig ko every Sunday hindi yun sapat para magkaroon ako ng tunay at personal na relasyon sa Panginong Hesus.

At ngayon, kahit alam ko na, na lahat ng kasalanan ko ay pinatawad na dahil kay Kristo, kailangan ko parin ang Salita ng Diyos araw-araw para ipa alala sa akin ang laki ng kasalanan ko na binayaran ni Kristo para mawala yung kahihiyan na nararamdaman ko at taas noong makasunod kay Kristo (pause) para katulad nung nasa text natin, MAGING ISANG MANGGAGAWA NA WALANG DAPAT IKAHIYA at makaharap sa inyo ngayon na walang ibang maipag mamalaki maliban sa biyaya ng Panginoong Hesus.

Mga kapatid at mga magulang, wala akong karapatan at authority na sabihin sa inyo kung paano nyo uubusin ang oras at mga araw ng buhay nyo at kung paano ninyo palalakihin ang mga anak ninyo. Kaya hahayan kong ang salita ng Diyos ang gumawa nito para sa inyo.

Natutunan natin ang Sola Scriptura – The Bible is the only book with the highest authority.

At dito nakasulat ang maraming kwento tungkol sa Diyos at dahil ito ay tungkol sa Diyos naniniwala ako na hindi lang ito pinahahalagahan dito sa lupa, pinahahalagahan ito lalong lalo na sa Langit. At wag na wag nyong iisipin na sa kabilang buhay ay wala nang halaga ang Bible.

Sabi ni Jesus sa Matthew 24:35, “Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away.”

Hindi ko alam kung possible na maglaho yung langit pero sabi ni Jesus, pwedeng mawala ang langit pero hindi mawawala ang salita ng Diyos. It’s still the same Bible na pag-uusapan natin sa kabilang buhay. Ang problema, hindi natin madadala tong physical na Bible kasi maagnas to pag nilagay natin sa kabaong so let’s make sure na ang salita ng Diyos ay naitago natin dito sa puso at kaluluwa natin. Ang lahat ng bagay ay maglalaho sabi ng Panginoong Jesus, pero ang ang kanyang salita ay mananatili. So, kung nasa puso natin ang salita ng Diyos kahit sa kabilang buhay mananatili ito sa puso natin at dahil mananatili ang salita ng Diyos na nasa puso mo, ikaw din ay mananatili na kasama ni Kristo.

He realized that a sermon would eventually be forgotten, but if his audience could be stimulated into the habitual study of God’s Word, they would experience greater and deeper spiritual maturity (D.L. Moody).

Diko sinasabing bale wala ang pag attend ng Sunday Worship Service at mas importante and personal Bible Study. Pareho silang importante pero kung lahat sa atin ay ipinapakita natin sa mga kasama natin sa bahay lalong lalo na sa mga anak natin na tuwing Sunday lang tayo magbabasa at mag aaral ng Bible, ano ang ipinapkita nito at itinuturo natin sa kanila?

“…rightly handling the word of truth…”

Dahil si Timothy ay isang pastor, mahalaga na sa kanyang pagtuturo ng salita ng Diyos ay maayos at tama ang kanyang pag pagpapaliwanag at malinaw para mas maintindihan ng mga tao.

Ganun din yung goal natin ngayon. Ito ang Salita ng Diyos, we must handle it the right way. Hindi ito isang laruan, hindi rin ito pang display or decoration sa kwarto or sa center table ng sala n’yo.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa anumang espadang magkabila ang talim, tumatagos ito hanggang kaluluwa’t espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at koloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinaka malalim na iniisip at hinahangad ng tao (Hebreo 4:12 ASD).

Sabi sa Bible ganito daw po natin dapat I handle ang Salita Diyos, parang isang espadang magkabila ang talim. Hindi pa po ako nakaka hawak ng totoong espada na ginamit noong unang panahon pero sigurado po ako na hindi nila ito ginagamit para pangkamot ng likod or para makipag kilitian.

Ang espada ay ginagamit para maka putol, maka taga, maka sugat at makapatay.

Kung gayon, ang salita ng Diyos ay isang espada na dapat nating gamitin upang maputol ang ugnayan natin sa kasalanan, upang mataga natin ang bawat tuksong dumadating sa buhay natin, upang masugatan ang puso natin na nagmamahal sa mga bagay na walang kabuluhan at pansamantala lang at upang mapatay natin ang sarili nating kagustuhan na naghahari sa buhay natin.

May mga pagkakataon na ginagamit natin ang Salita ng Diyos bilang espada para ipaglaban ang kasalanan na iniingatan natin. Sinasabi natin na ang bawat isa naman ay may kanya kanyang kahinaan at kahit si Pablo ay may struggle din pag dating sa kasalanan kaya ok lang kahit paminsan minsan ay sundin ko naman ang gusto ko. Hindi ito ang tamang paghandle ng Salita ng Diyos.

Ang salita ng Diyos ay hindi rin dapat gamitin para kumbinsihin mo ang sarili mo na ligtas ka na kahit hindi mo naman nakikita ang pagsisisi at pagtalikod mo sa kasalanan at walang pagsunod kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos ang pundasyon ng ating pananampalataya, kung kakaunti ang ating nalalaman tungkol sa Diyos, mababaw din ang pundasyon ng pananampalataya natin. Wag tayong pumayag na mababaw lang ang pundasyon natin sa pananampalataya dahil darating ang bagyo ng pagsubok na maaaring magpabagsak sa atin

Hindi pa tapos ang laban natin sa kasalanan at hindi natin pwedeng sabihin na tagumpay na tayo at wala nakong gagawin, kung si nga Kristo na isang Diyos ay tinukso ni Satanas, paano pa kaya tayo, oo nagtagumpay na si Kristo laban sa kasalanan at kung paano Niya isinabuhay ang salita ng Diyos na parang isang espada na ipinanlaban niya kay Satanas, ganun din ang laban na dapat na nating pagtagumpayan araw-araw, at ang laban natin sa tukso at kasalanan ay hindi matatapos hanggang mamatay tayo or dumating ang Panginoong Hesus kaya ang espadang ito ay hindi dapat malayo sa atin.

 

At dahil ang Bible ay libro, dapat binabasa at hindi lang binabasa kundi pinag-aaralan. Magkaiba ang nagbabasa ng Bible sa nag-aaral ng Bible.

Sabi ni Oscar Feucht, “The difference between reading and studying the bible is like the difference between drifting in a boat and rowing toward a destination.”

Kung nagbabasa ka ng Bible tapos pa ganun-ganun ka naman, saan papunta yung pagbabasa mo. Paano mo mabubo yung buong kwento ng Bible.

Sabi sa book na Bible Study Methods and Rules of Interpretation, pag nagbabasa tayo ng Bible dapat:

  • Read carefully
  • Read repeatedly
  • Read patiently
  • Read prayerfully
  • Read purposely
  • Read inquisitively

Nagbabasa tayo ng Bible para makilala natin ang Diyos pero hindi sapat na marami lang tayong alam tungkol Bible at sa Diyos kung hindi naman na aapektuhan at nababago yung puso natin. Ang goal natin dito ay hindi para dumami yung alam natin kundi para lumaki yung pagkamangha natin sa Diyos, yung pag-ibig natin sa Diyos at magdulot ito ng tunay na pagsamba na nararapat lang sa tunay na Diyos. Ito ang tamang paghandle sa salita ng Diyos, “rightly handling the word of truth.”

Unless your knowledge about the Bible results in God-adoration, reading the Bible is pointless.

So, whether you eat or drink, or whatever you do, especially in reading the Bible, do it all to the glory of God.

Nawa ang kapanyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita ang lalong magbigay ng uhaw sa ating mga puso para lalo pa nating kilalanin ang Panginoong Hesus at sikapin nyong ipamuhay ang kaligtasang tinaggap nyo, at gawin nyo ito ng may takot at paggalang sa Diyos. Sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahan para masunod nyo ang kalooban Nya. Gawin nyo ang lahat ng walang reklamo o pagtatalo para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng mga liko at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila habang pinaninindigan nyo ang salita na nagbibigay, ng buhay na walang hanggan. Pagsikapan ninyo, na ang buhay ninyo ay maging katanggap-tanggap sa Diyos sa tulong ng Banal na Espiritu, hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu Kristo.

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.