Part 14 – David and His Census

temple-destruction-70-ad-francesco_hayez-paintingIba’t iba ang kuwento ng buhay ng bawat isa sa atin. Bawat isang tao, ibang kuwento. Ibang karanasan sa pamilya, ibang karanasan sa buhay, ibang pakikibaka sa kahirapan, ibang pakikipaglaban sa kasalanan. Pero kung Cristiano ka, we share the same basic and great Story.  Dahil sa kuwentong ito, ang Diyos and Bida.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Tulad ng kuwento ng buhay ni David. Mula sa pagpili sa kanya para pumalit kay Haring Saul, hanggang sa pagtalo niya kay Goliath, hanggang sa pagtugis sa kanya ni Saul, hanggang sa kasalanan niya kay Bathsheba at asawa nitong si Uriah, hanggang sa pagtataksil sa kanya ng kanyang anak na si Absalom. Hindi siya ang bida. Ang Diyos ang Bida. Kaso kapag masalimuot ang nangyayari sa kuwento natin, hirap tayong makita ang saysay ng buhay natin. Kapag madilim ang mga kabanata ng kuwento ng buhay natin, hirap tayong makita ang liwanag.

Nasaan ang Diyos? Ano ang ginagawa niya?

God’s sovereignty over evil (v. 1)

Ang sagot? God is always at work. Always. Kahit sa panahong nahuhulog tayo sa kasalanan. At madalas iyan. Kay David. At sa bawat isang mamamayan ng Israel. Sa pagsasara ng kurtina ng kuwento ng buhay ni David, and as we end our sermon series, ganito ang mapapanood natin sa 2 Samuel 25. Hindi pinalalampas ng Diyos ang kasalanan. “Again the anger of the Lord was kindled against Israel…” (v. 1). Bakit siya galit? May dahilan siyempre. Pero di nakalagay sa text. So wag na nating hulaan. Basta ang mahalaga tandaan nating hindi siya tulad natin na basta-basta na lang nagagalit. Hindi siya moody. May kasalanan ang Israel. “Again,” ibig sabihin paulit-ulit yan. Buong kasaysayan nila ang patunay diyan. Dahil banal siya, kapag may kasalanan, may kabayaran. Yan ang hustisya ng Diyos.

So anong ginawa niya? “…he incited David against them.” Ginamit niya o inudyukan niya si David. Ano’ng ginawa ni David? Pinabilang niya ang mga taong meron siya. Yan ang kasalanan niya, nag-census siya. At mamaya titingnan natin kung bakit kasalanan yung ginawa niya. Ayon sa parallel account nito sa 1 Chronicles, it was Satan who incited David (21:1). Kapag may mga ganyang mga passages na seemingly nagkokontrahan, tandaan nating “complementary” ‘yan. The Bible cannot contradict itself.

Sino ba talaga ang may kasalanan? Si David, si Satanas o baka ang Diyos? Malinaw sa James na hindi nanunukso o nag-uudyok ng kasalanan ang Diyos (1:13-15). That will violate his holy character. Natutukso tayo partly because of Satan. Yan naman ang gusto niyang mangyari, ang magrebelde tayo sa Diyos, simula pa yan kina Adan at Eba. Pero maging si Satanas nasa kamay ng Diyos, kahit mga masamang balak niya ginagamit ng Diyos para sa mabuting layunin niya. Yes, Satan is the Tempter. Pero ayon sa James, natutukso tayo dahil sa masamang pagnanasa na nasa puso na natin. Di natin pwedeng sisihin ang Diyos o kahit ang demonyo sa tuwing nagkakasala tayo. No one made us to sin. We sin because we choose to sin. Lumabas sa kasalanan ni David kung ano ang nasa puso niya.

Ano ang ginagawa ng Diyos dito? Sa kabila ng kasalanan natin, sa kabila ng masamang balak ng Kaaway, gumagawa ang Diyos para parusahan ang kasalanan ng Israel (anuman yun), para ipahayag ang kasalanang nananatili sa puso ni David, at para ipakitang walang makahahadlang sa kapangyarihan niyang tuparin ang plano niya para sa ikabubuti ng kanyang mga anak. God is sovereign over evil in accomplishing his redemptive purposes.

David’s sin (vv. 2-9)

Malamang na hindi direct command galing sa Diyos yung “Go, number Israel and Judah” sa v. 1. Temptation from the devil, although probably di rin aware si David. So ito ang naramdaman niyang gawin. Kaya inutusan niya si Joab na commander ng kanyang army na mag-census sa buong bansa at bilangin ang lalaking available na maenlist para sa armed forces nila. It is not about the census. Ang purpose niya, “That I may know the number of the people” (v. 2). Hindi naman pinagbawal ng Diyos ang census (Exod. 30:11-12). Katunayan sa book of Numbers siya pa ang nag-utos kila Moises para gawin yun. It is not about the census, but about what it reveals sa sinful heart ni David. Maaaring pride kapag nakita niya kung gaano kalaki ang pwersa niya. Maaaring fear of man kung natatakot siya sa laki ng pwersa ng alliance ng kanyang mga kalaban. O maaaring kakulangan ng tiwala sa Diyos na makapagliligtas kaunti man o marami ang sundalo nila. “…nothing can hinder the Lord from saving by many or by few…” sabi ng kaibigan niyang si Jonathan (1 Sam. 14:6). Nakasulat pa naman sa isa sa mga awit niya, “Some trust in chariots and some in horses, but we trust in the name of the Lord our God” (Psa. 20:7).

In this case, he did not “trust in the name of the Lord.” Alam ni Joab na masama ang nasa puso ni David, kaya sabi niya, “Why does my lord the king delight in this thing” (v. 3)? Sa pagkakataong ito, may sense ang sinabi ni Joab. Parang sinasabi niya kay David, “We don’t need to do it. Wag ka sa tao magtiwala. Sa Diyos ka magtiwala.” Because of pride, nagiging stubborn ang heart natin, hindi nakikinig kahit payuhan. So, “the king’s word prevailed…” (v. 4). Tulad ni haring David, nakukuha natin ang gusto nating makuha, nangyayari ang mga gusto nating mangyari, even if that is displeasing to the Lord.

For almost 10 months, nag-census sila sa buong bansa (vv. 5-8). Nakarating kay David ang resulta ng bilangan: merong 800,000 valiant men ang available from Israel, at 500,000 naman from Judah (v. 9). Ano naman kung ganyan karami? Tinalo ba nila ang Egypt sa panahon ni Moises dahil sa dami nila? Bumagsak ba ang pader ng Jericho sa panahon ni Joshua dahil sa dami nila? Sa panahon ni Gideon, binawasan pa nga ng Diyos ang bilang nila. Sa panahon ni Haring Hezekiah, paano nila tinalo ang Assyria? Dahil ba sa dami? Hindi ba’t dahil sa pagsama ng Diyos sa kanila? Nakalimutan na ba ni David kung paano niya tinalo si Goliath at ang mga Philistines?

Our victory comes from our faith in God who works and fights for us. Hindi sa anumang human o material resources na meron tayo. Kapag binibilang ko ang dami ng taong dumadalo dito sa church, at ikukumpara ko sa mas malaking church, naiinggit ako at nagtatanong sa Diyos, “Bakit naman ganun?” Kung dumarami naman at ikukumpara ko pa sa mas maliliit na churches, I feel proud of myself. Yan ang problema, kaya nagiging addict tayo sa pagbibilang. Kapag nagbibilang ng grades mo sa school, kapag nagbibilang ng score mo sa basketball, kapag nagbibilang ng accomplishments mo sa ministry o trabaho, kapag nagbibilang ng perang pinaghirapan mong kitain. Kapag mas marami o mas mataas, you feel proud. Kapag kaunti o mas mababa, naiinggit ka sa iba at nagiging insecure or depressed. Lahat sa atin may struggle sa liit ng pagtitiwala sa Diyos at laki naman ng pagtitiwala sa sarili.

How should we then respond kapag pinapakita ng Diyos sa atin ang natitirang pride at unbelief sa heart natin?

David’s confession (v. 10)

Paano nagrespond si David? “David’s heart struck him…” (v. 10). Although 10 months din ang inabot bago siya nakonsensiya sa ginawa niya. Tulad ng kasalanan niya kay Bathsheba at Uriah halos isang taon din ang inabot bago siya nagrepent. Pero ito naman ang kainaman kay David. Nagkasala siya, kahit na big time ang kasalanan niya, nananatili siyang a man after God’s own heart, merong broken and contrite heart (Psa. 51). In repentance, nagconfess siya sa Panginoon,  “I have sinned greatly…please take away the iniquity…I have done foolishly.” Ang kasalanan niya ay isang malaking kahangalan. Ang pride sa puso niya ay isang malaking kasalanan. Diyan bumagsak si Satanas. Diyan bumagsak sina Adan at Eba. “Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak” (Prov. 16:18 ASD).

Malaking kasalanan ang pagmamataas at kakulangan ng tiwala sa Diyos, sapagkat dito nagmumula ang lahat ng iba pang kasalanan. Wag nating iisiping ang mga “great sins” lang ay yung tulad ng adultery at murder na ginawa niya sa chapter 11. Yan ang mukhang mas scandalous. Pero wag mong sabihing ang pride at lack of confidence in God ay lesser sins. Nagturo ako last Tuesday sa flagship program ng Living Waters Philippines. Ang topic ay “Confession.” Sa ganyang program, like what we have sa CrossWalk, karaniwang topic ay sexual at relational sins. Kaya yung iba nagrereact agad na di daw ito para sa kanila, feeling nila grabe yung kasalanan ng mga nagjojoin sa program. Grabe nga. Pero yung sa ‘yo, kahit hindi sexual sin, grabe rin. You are more sinful than what you think you are. Mas grabe ang lagay ng puso ko kaysa sa inaakala mo. Sabi ni David, “I have sinned greatly…” Anumang kasalanang i-reveal sa iyo ng Panginoon, through the Holy Spirit or through other people, we have to repent and ask for forgiveness.

Grabe ang pagmamayabang na natitira sa puso natin. Pero grabe din ang response ng Panginoon. Paano siya nagrespond sa kasalanan at paghingi ng tawad ni David?

God’s judgment (vv. 11-15)

Sa pamamagitan ni propeta Gad, may offer ang Diyos na tatlong options kay David bilang parusa sa kasalanan niya (at ng Israel, see v. 1) (vv. 11-13). Alam ni David na nagpapatawad ang Diyos. Alam din niya na makatarungan ang Diyos. He doesn’t forgive at the expense of his justice. Ano yung tatlong choices? (1) 3 years na taggutom sa buong bansa; (2) 3 months na tutugisin ka ng kaaway; (3) 3 days ng salot sa buong bansa. Oo, malupit magparusa ang Diyos. Ang kabayaran nga ng kasalanan ay kamatayan. Pero maging sa puntong ito, God is gracious in asking David to make his choice. Hindi naman niya kailangang gawin yun. He is sovereign. He can do whatever he wants.

Ano ang pinili ni David (vv. 14-15)? Tough choice. Pero ang pinili niya ay yung pangatlo. Mas maikli nga at matatapos agad, pero grabe ang bigat ng parusang iyan. Katunayan, 70,000 na tao ang namatay dahil sa salot na iyan. Malamang ito yung mga kasama sa bilang ng mga available para magserve sa army ni David. Nagsimula silang magbilang kung gaano karami ang puwersa nila, pero ang naging resulta nito ay nabawasan pa ng ganyan ang bilang nila. Pride and unbelief have tragic consequences. Kapag pinipili nating magkasala, we are becoming selfish and foolish.  Akala mo ba ikaw lang ang maaapektuhan ng kasalanan mo? Pati ang ibang tao nasasaktan at napapahamak dahil sa kayabangan natin.

Pero gaano man kalaki ang kapahamakang dulot ng kasalanan ni David, alam niya na higit na mas malaki ang awa ng Diyos. Sabi niya, “Let us fall into the hand of the Lord, for his mercy is great” (v. 14).

God’s mercy (vv. 16-25)

Kitang-kita ang laki ng awa niya sa sumunod na nangyari. Wawasakin na ng anghel ang buong Jerusalem, at mas marami pang tao ang mamamatay sana, pero pinigilan na siya ng Panginoon at sinabing, “Tama na” (v. 16)! Kapag nakikita natin kung gaano karami ang namatay, minsan iniisip nating napakalupit naman ng Diyos. Ang problema hindi natin tinitingnan ang dami ng nananatiling buhay. Si David nananatiling buhay, bagamat ang dami na niyang kasalanang nagawa deserving of death. Sa simula pa lang ng chapter 24, dahil sa galit ng Diyos sa paulit-ulit na kasalanan ng Israel, they are deserving of death. Pero nananatiling buhay ang karamihan sa kanila only because of God’s great mercy. Pinili silang mabuhay, pinili tayong maligtas ng Diyos, hindi dahil we are better than other people. It is because of God’s love and promise for his people. We are saved only by sheer mercy and grace.

Sa biyaya din ng Diyos kaya si David na siyang naging dahilan para mapahamak ang Israel ay siya ring naging paraan para sila’y maligtas. Niloob ng Diyos na ipakita kay David ang gagawin ng anghel. Kaya ang prayer niya, “Ako po ang may kasalanan. Ang mga taong itoʼy gaya ng mga tupa na walang nagawang kasalanan. Ako na lang po at ang sambahayan ko ang parusahan ninyo” (v. 17 MBB). May kasalanan si David. May kasalanan ang buong Israel. Pero mabuti ang puso ni David dito dahil tulad ng isang pastol, iniisip niya ang mga tao na parang mga tupang dapat niyang pangalagaan. He is reflecting the shepherd heart of God. He is offering himself as a substitute. Pero hindi pumayag ang Diyos. Kasi may pangako siya kay David at hindi niya sisirain yun (2 Sam. 7).

Meron siyang ibang paraan. Gaano man ka-noble ang intention ni David, if God is to save his people, it must be his way. Inutusan niya si David na magtayo ng altar sa lupaing pag-aari ni Araunah (Ornan sa 1 Chronicles) (v. 18). Sumunod siya at pinuntahan si Araunah at sinabing bibilhin ang lupa niya para tayuan ng altar para sa Panginoon, para maghandog at para matigil na ang salot (vv. 19-21). Ito namang si Araunah, sinabing, “Wag n’yo na pong bayaran. Ibibigay ko na sa inyo” (vv. 22-23). Good heart. Para nga naman sa kapakanan ng bayan nila, gusto niya may maiambag din siya. Pero ayaw pumayag ni David. Nag-insist siya na babayaran niya, “Hindi maaari; babayaran kita, sapagkat hindi ako maghahandog kay Yahweh nang anumang walang halaga sa akin” (v. 24 MBB). Ang paghahandog sa Diyos ay may kasamang sakripisyo. Para kay David, walang value yung gagawin niyang offering kung hindi naman siya gumastos. Kaya binili niya ang lupa pati ang torong ihahandog. Doon ay gumawa siya ng altar at nagsunog ng handog para sa Panginoon. The king also serves as a priest for the people.

Paano tumugon ang Diyos? “Sinagot ng Panginoon ang panalangin ni David para sa Israel, at huminto ang matinding salot” (v. 25 ASD). Napakalaki ng awa at habag ng Panginoon. Siya na ang sinuway, sa kanya na nga nagrebelde ang hari at ang buong bansa ng Israel, siya pa ang gumawa ng paraan para si David at ang karamihan sa kaharian ay maligtas sa parusang nararapat lamang para sa lahat ng mga makasalanan.

The cross of Jesus

This is a fitting ending sa story ng life ni David (and for our sermon series as well). Nagpapaalala sa atin na ang buhay ni David ay hindi tungkol kay David. Na ang istorya niya ay pinagbibidahan ng Diyos na ang awa kay David ay higit pa sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Tulad din natin si David. We are great sinners in need of a great Savior. Gaano man ka-noble ang intensiyon ni David na akuin ang parusa ng Diyos para hindi na mapahamak ang mga tao, gaano man siya ka-willing na gawin ito, hindi yun tinanggap ng Diyos. Dahil “walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan (paano pa ang tubusin ang buong bayan?), kahit magbayad pa siya sa Dios. Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay; hindi sapat ang anumang pambayad upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman, at hindi na mamatay” (Psa. 49:7-9 ASD).

Isa lang ang sapat (sapat na at higit pa!). Wala kahit isa man lang na pagsuway ang Panginoong Jesus. Lahat ng ginawa niya ay kinalugdan ng kanyang Ama. From eternity past, sinabi niya sa Diyos Ama, “Ang mga tupang ito, puno ng kasalanan. Hayaan mong ako na walang kasalanan ang maparusahan para tubusin sila.” Yun din naman ang nasa isip ng Ama, kaya sabi niya, “Sige, Anak. Go!” “The Son of Man came not to be served but to serve and give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). Ang Hari ang nagsilbing ating Pari, na siyang namagitan at nanalangin sa Diyos para sa atin, para maligtas tayo sa kapahamakang kabayaran ng ating mga pagkakasala. At siyang Pari ang naging hayop na inihandog, kinatay sa krus at tinupok ng apoy ng galit ng Diyos para tayong mga makasalanan na magtitiwala sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan at maranasan ang walang hanggang pag-ibig ng Ama (John 3:16).

Sabi sa isang komentaryo: At the same site where Abraham once held a knife over his son (Gen. 22:1-19), David  sees the angel of the Lord with sword ready to plunge into Jerusalem. In both cases death is averted by sacrifice…Death for Isaac and for David’s Jerusalem was averted because the sword of divine justice would ultimately find its mark in the Son of God (John 19:33)” (Dillard, cited in Constable’s Notes 2017, p. 102).

Sabi ko kanina, God is sovereign over evil, na kahit kasalanan ng tao ginagamit niya para maaccomplish ang kanyang redemptive pruposes. Dahil sa kasalanan ni David kay Bathsheba, nagbunga ito ng Solomon na siyang susunod na magiging hari at mula sa kanyang lahi manggagaling ang Tagapagligtas. Siya rin ang magpapatayo ng templo, na papalit sa tabernacle, at kung saan iaalay ang mga handog na pantubos sa kasalanan, looking forward to that once and for all sacrifice ng Panginoong Jesus. Ang kinatatayuan ng templong ito, according to biblical tradition, ay ang lupang binili ni David kay Araunah. God is truly sovereign over evil. Kahit mga kasalanan ni David ay ginamit ng Diyos para sa kanyang pagliligtas. The greatest evil committed in human history, the murder of the Son of God, is our only hope of salvation. The cross of Christ is the most visible demonstration of God’s sovereignty, justice and mercy.

Is Jesus Your Story?

Ibinilang ng Diyos na makasalanan si Jesus para ikaw ay maibilang na matuwid sa harapan ng Diyos. Di mo na kailangang bilangin ang dami o unti ng mga bagay na meron ka. Wala diyan ang kumpiyansang kailangan mo. Ang bilangin mo ay ang dami ng beses na kinaawaan ka ng Diyos sa kabila ng di mabilang-bilang na mga kasalanan mo laban sa kanya.

Ang kuwento ng buhay ni David ay nagtuturo sa atin tungkol sa pagdating ng Panginoong Jesus, ang Anak ni David, ang Messiah, ang ating Tagapagligtas. Gaano man kasalimuot ang buhay ni David, may saysay dahil kay Jesus. Hindi dahil sa dami ng bunga mo sa ministry o dami ng pera mo o dami ng “likes” ng mga friends mo. Gaano man kadilim ang mga pangyayari sa pamilya niya, may liwanag dahil sa pagdating ni Jesus. Hindi iyan manggagaling sa promotion mo o sa achievements ng dreams mo. Kay Jesus lang nanggagaling ang saysay at liwanag ng buhay natin.

Yan ba ang kuwento ng buhay mo? Si Jesus ba ang Hari o ikaw pa rin ang namamahala? Si Jesus ba ang kinakapitan mong Tagapagligtas o hanggang ngayo’y nagsusumikap ka pa rin sa sarili mong gawa at effort na baguhin ang sarili mo to make yourself acceptable to God? Hindi mo kayang iligtas ang sarili mo. Your sin is great. Your Savior is greater. You need Jesus. Everyday. Ang kuwento ba ng buhay mo ay nakakabit kay Jesus? Ang kuwento ba ng buhay mo ay nagsasaysay tungkol sa awa at habag na ipinaranas sa iyo ng Diyos? Kung hindi, sayang lang ang buhay mo at mas nakapangingilabot pa ang haharapin mo. Kung oo naman, tiyak na may saysay at liwanag ang buhay mo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.