Part 1 – David and His Son

Scandal of GraceKatatapos lang natin ng sermon series sa book of Psalms. Marami sa mga nabasa natin diyan at natalakay sa sermons ay mga awit na isinulat ni David. I believe it is just appropriate na isunod naman nating pag-aralan ang kuwento ng buhay ni Haring David. This will take us until July. I entitled this sermon series Scandal of Grace. Why? Bakit hindi na lang “A Man After God’s Own Heart” tutal yan naman ang common description kay David? Di ko muna sasabihin sa inyo, but you’ll find out along the way.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Medyo familiar siguro ang marami sa atin, kahit mga bata, sa ilan sa mga stories ni David. Popular diyan ang David and Goliath. David and Batsheba. But we will learn more. Titingnan natin ang 1-2 Samuel. One book lang talaga yan, hinati lang sa dalawang volumes. Meron din sa 1 Chronicles. But we’ll use 1-2 Samuel mainly.

Bakit life ni King David? Ano naman ang kinalaman niya sa mga ordinaryong tao na tulad natin? Hari, mataas ang katungkulan, mayaman, “a man after God’s own heart.” Parang extraordinary. Pero matutuklasan natin he was just an ordinary man katulad natin. Hindi lang ordinary, but even a great sinner. Pumatay. Nangaliwa. Ilan lang iyan sa kasalanan niya. Kaya tiyak na makakarelate tayo na mga ordinaryo at makasalanan ding tulad niya.

Kaya ang presidente natin, nakakarelate sa mga tao, kasi ganyan ding tulad natin. Kaya ang bawat sasabihin sinusubaybayan. Bawat kilos pinag-aaralan. Natural iyan kasi presidente natin ngayon, may epekto sa buhay natin. Pero paanong itong si David, hari ng Israel 3,000 years ago. Masyado nang matagal. At ano naman ang kinalaman natin sa bansang Israel. Buti pa siguro si Emilio Aguinaldo o Andres Bonifacio. But this is not a history class. I’m preaching the Bible, The Story. Itong kuwento ng buhay ni David, makikita nating kuwento rin ng buhay natin. We will discover that we have a very close connection with him. At dahil ito ay nakasulat sa Bibliya, Salita ng Diyos, it is profitable for us (2 Tim 3:16-17).

Pero ang kuwentong ito ay hindi unang-unang tungkol kay David o tungkol sa atin. We call it The Story of God dahil ito ay tungkol sa Diyos. Siya ang Bida, hindi tayo. Karaniwan nga tayo ang kontra-bida. 400 taong inalipin ang mga Israelita sa Egipto, pero pinadala niya si Moises para palayain ang kanyang bayan mula sa pagkakaalipin. Nakalabas sila sa Egipto. Nagkampo sa Mt. Sinai at doon ibinigay ang Kasunduan o Covenant kay Moises at sa Israel, na naglalaman ng mga utos na dapat nilang sundin upang patuloy silang pagpalain ng Diyos. At kung di nila susundin, sila ay susumpain at parurusahan.

Matapos ang 40 taong paikut-ikot sa disyerto dahil sa parusa na rin ng Diyos sa paulit-ulit nilang pagrereklamo, nakapasok sila sa Canaan, the Land of Promise. Sa pangunguna ni Joshua, nagkaroon sila ng kapahingahan laban sa kanilang mga kaaway. Then came the dark period in their history during the time of the judges o rulers na nagtanggol sa kanila laban sa kanilang mga kaaway. Di kasi nila nilipol lahat ng kaaway nila. Natangay sila sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Paulit-ulit ang ginawa nilang pagsuway. Hanggang dumating ang huli sa mga judges na ‘yan na si Samuel. Nasa 1 Samuel yan nakasulat. Lumapit sa kanya ang mga Israelita at hiniling, “Bigyan mo kami ng hari na tulad ng sa ibang mga bansa!” Di nagustuhan yan ng Diyos dahil siya ang kanilang Hari. Pero pinagbigyan pa rin sila ng Diyos. Ang unang hari sa kanilang kaharian ay si Saul. By human standards, he was a great king. Kaso di siya sumunod sa Diyos. So much of 1 Samuel we will see the fall of king Saul, na siya namang rise to power ni David bago pa siya maging “official” na hari ng Israel.

Sa kasaysayan nila, ipinapakita ng Diyos sa Israel kung sino talaga ang kanilang Hari. Not Saul, not David. But God! He was the one in charge, he was sovereign over everything. Siya ang gumagabay sa istorya ng Israel para matupad ang kanyang layunin. Ganun din sa kuwento ng buhay ng bawat isa sa atin. Anumang yugto ng buhay mo ngayon, masaya man o malungkot, maayos man o masalimuot, kinakikitaan ng kabanalan o babad sa kasalanan, lahat yan ay nasa kamay ng Diyos sa gumagabay sa lahat ng pangyayari ng buhay natin.

An Invitation to Journey

This sermon series, then, is an invitation to a journey. Lahat tayo kasali. Walang maiiwan sa biyaheng ito. Sa series natin sa Psalms, nagkaroon tayo ng emphasis sa pagdevelop ng commitment at discipline natin sa personal Bible reading and prayer. Ituloy pa rin natin iyan. At ngayon naman, mag-emphasize tayo na idevelop ang commitment natin at discipline sa pakikibahagi sa isang grace community. Every Sunday, let’s worship together, pakinggan ang Salita ng Diyos. Then throughout the week, commit to attend one gracecomm gathering sa lugar n’yo o kung saan malapit sa inyo. Ito ring story ni David ang pag-uusapan n’yo at pagtutulungan maisabuhay. After all, ang definition natin ng gracecomm ay “pamilya ng Diyos na binubuo ng Kuwento ng Diyos at nakikibahagi sa misyon ng Diyos.” So be prepared to be scandalized by the story of grace of God in this journey. Be prepared also to share this scandalous grace to other people.

The Davidic Covenant (2 Samuel 7)

Simulan natin ang paglalakbay sa kuwento ni David hindi sa simula kundi sa gitna. I know na kapag papasok ka sa sinehan gusto mong simulan at ayaw mong nasa kalagitnaan na. Pero hindi ito pelikula. Mahalaga dito yung gitna, because this is not just the turning point of David’s story. Isa rin ito sa major turning points of the whole redemptive story of Scripture. Gagawin natin yan para magkaroon tayo ng tamang perspektibo sa angkop na pagkakaunawa at paglalapat sa buhay natin ng kuwento ni David.

Buksan ninyo ang Bible ninyo sa 2 Samuel 7. Tinatawag itong The Davidic Covenant. Nauna nang magkaroon ng covenant ang Diyos kay Noe, kung saan ipinangako niyang di na niya lilipulin ang mundo tulad ng ginawa niya sa baha (Gen 8-9). Pagkatapos naman ay kay Abraham, kung saan ipinangako niyang pagpapalain sila at ang lahat ng lahi sa buong mundo ay pagpapalain sa pamamagitan niya (Gen 12). Pagkatapos ay kay Moses at sa Israel (Exod 19-20), tulad ng nabanggit ko na kanina. Ngayon naman ay kay David. Gusto kasi ni David na ipagpagawa ng bahay ang Diyos, kung saan ilalagay ang “ark of God” or ark of the covenant na siyang symbolic ng presensiya at paghahari ng Diyos sa Israel (2 Sam 7:2). This will be the temple. Good intention naman. Pero sabi ng Diyos, through prophet Nathan, “No. Hindi ikaw ang gagawa. Kundi ang anak mo. Pero ito ang pangako kong gagawin ko para sa iyo…”

Moreover, the Lord declares to you that the Lord will make you a house.  When your days are fulfilled and you lie down with your fathers, I will raise up your offspring after you, who shall come from your body, and I will establish his kingdom.  He shall build a house for my name, and I will establish the throne of his kingdom foreverI will be to him a father, and he shall be to me a son. When he commits iniquity, I will discipline him with the rod of men, with the stripes of the sons of men, but my steadfast love will not depart from him, as I took it from Saul, whom I put away from before you.  And your house and your kingdom shall be made sure forever before me. Your throne shall be established forever. 2 Samuel 7:11-16

Igagawa mo ako ng bahay? Ako ang gagawa ng bahay para sa iyo. Not literally, but figuratively. Ang anak mo ang maghahari pagkatapos mo, at hindi magwawakas ang iyong kaharian. Maganda ang plano mong gawin, David. Pero mas maganda ang plano kong gawin para sa iyo. Ganyan din naman sa buhay natin, nakadepende hindi sa gusto nating gawin o kaya nating gawin kundi sa gusto at kayang gawin ng Diyos.

Anong nangyari? Namatay si David. Pumalit ang anak niyang si Solomon, anak niya kay Batsheba. Namatay yung una nilang anak, parusa sa kasalanan ni David. Itong si Solomon ang sumunod, pinangalanan ng Diyos na Jedidiah, ibig sabihing “beloved of the Lord” (2 Sam 12:24-25). Katuparan ng pangako ng Diyos. Si Solomon ang nagpatay ng templo para sa pagsamba sa Diyos  (1 Kings 6). Bago mamatay si David, bilin niya kay Solomon na sumunod mabuti sa Diyos dahil dito nakasalalay ang ipinangako ng Diyos: “Kung gagawin mo ito, tutuparin ng Panginoon ang pangako niya sa akin, na kung ang aking mga lahi ay mamumuhay nang tama at buong buhay na susunod sa kanya nang may katapatan, laging sa kanila magmumula ang maghahari sa Israel” (1 Kings 2:4 ASD).

Namuhay ba siya nang tama? Buong buhay ba siya na sumunod nang may katapatan sa Diyos? Solomon failed. His son Rehoboam who ruled after him failed. Dahil diyan nahati ang kaharian sa dalawa – northern kingdom called Israel (10 tribes) and southern kingdom called Judah (tribes of Judah and Benjamin). Sa Israel ang naghari ay si Jeroboam. Pagkatapos niya ay may sumunod pang 19. Lahat sila bad kings. Inatake sila ng Assyria, winasak ang bansa nila, at ilan ay inalipin sa Assyria. Judah na lang ang natira. Mula kay David, nagkaroon sila ng 20 hari din. Lahat galing sa lahi ni David, fulfillment ng promise ng Diyos iyan. Sa 20 naging hari nila, 8 lang ang maituturing na mabuting hari, relatively speaking. Dahil rin naman sa kanilang unfaithfulness, di nagtagal ay sumunod naman na winasak ang Jerusalem kasama na ang templong ipinatayo ni Solomon. Tatlong beses silang nilusob ng Babylon. Pinalayas sa lupain nila at inalipin sa dayuhang lupain.

Wala nang naghari sa kanila na galing sa lahi ni David. Unang naghari sa kanila ang Assyria. Sumunod ang Babylon. Sumunod ang Persia. Sumunod ang Greece. Sumunod ang Rome. Ano na nangyari sa promise ni God kay David na kingdom forever? Did God’s promise fail because the sons of David failed? If his promise to David failed, how can I be sure that his promises to us will not fail? Kung nakasalalay pala sa katapatan ng lahi ni David ang katapatan niya sa kanyang pangako, paano tayo makatitiyak na he will always be faithful even when we are unfaithful? Ang mga Judio sa panahong ito na sakop na sila ng mga Romans ay naghihintay na dumating ang ipinangakong Hari mula sa lahi ni David na siyang magbabalik ng kaharian sa kanila. Darating kaya siya?

Jesus the Son of David

Today is Palm Sunday. Di ba dapat ang pag-aralan natin ay ang tungkol sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem? Actually, yan nga ang ginagawa natin kanina pa! Ngayon ko lang babanggitin. Ang pagpasok niya sa Jerusalem, nakasakay sa isang donkey, ay katuparan ng sinabi ni propeta Zechariah (9:9), na siyang binanggit din ni Matthew: This took place to fulfill what was spoken by the prophet, saying, “Say to the daughter of Zion,  ‘Behold, your king is coming to you, humble, and mounted on a donkey,  on a colt, the foal of a beast of burden’” (Matt 21:4-5). Siya ba ang katuparan ng pangako ng Diyos kay David? Sinundan siya ng maraming tao, sumisigaw sila, habang may hawak na mga palaspas bilang pagkilala at pagpupugay sa kanilang Hari, “Hosanna to the Son of David! Blessed is he who comes in the name of the Lord! Hosanna in the highest” (21:9). Si Jesus ang katuparan ng matagal nang hinihintay ng mga Judio.

Pagpasok pa lang ng New Testament, ganito na ang nakasulat: “The book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham” (Matt 1:1). Nang sabihin ni Maria kay Jose na siya’y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu, nagpakita ang anghel sa kanyang panaginip, ang sabi: “Joseph, son of David, do not fear to take Mary as your wife, for that which is conceived in her is from the Holy Spirit” (1:20). Sabi naman ng anghel kay Maria tungkol kay Jesus: “He will be great and will be called the Son of the Most High. And the Lord God will give to him the throne of his father David,  and he will reign over the house of Jacob forever, and of his kingdom there will be no end” (Luke 1:32-33).

Jesus is the Son of David. The Messiah. The Christ. During his time here on earth, maraming mga Judio ang di naniwala na siya ang hinihintay nila. Meron ding mga undecided pa. Minsan pinagaling niya ang isang lalaking bulag, pipi at sinasaniban ng masamang espiritu. Nakakita, nakarinig at nakalaya. Namangha ang lahat at nagtanong, “Can this be the Son of David” (Matt. 12:23)?

Pero meron nang ilan na naniwala na siya nga ang darating na Haring Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos. Dalawang bulag ang sumusunod sa kanya, sumisigaw nang malakas, nagmamakaawang pagalingin sila, “Have mercy on us, Son of David” (9:27)! Isang araw, meron na namang dalawang bulag na nakaupo sa may kalsada, narinig na dumaraan si Jesus. Sumigaw sila nang malakas, “Lord, have mercy on us, Son of David!” Sinaway sila ng mga tao, pinatahimik, pero lalo pa nilang inilakas ang sigaw nila, “Lord, have mercy on us, Son of David” (20:30-31)! Hindi lang mga Judio, kundi pati ibang lahi tulad ng isang babaeng Canaanite ang nagmakaawa rin sa kanya para naman sa kanyang anak na babae: “Have mercy on me, O Lord, Son of David; my daughter is severely oppressed by a demon” (15:22). Pati mga bata nagpupuri sa kanya nang makita nilang pinagaling niya ang mga bulag at mga pilay sa may templo: “Hosanna to the Son of David” (21:14-15)!

Savior-King

Ang “hosanna” ay isang expression of praise to God na literally ay nangangahulugang “Lord, save us now!” Pati mga bata naiintindihang siya ang Tagapagligtas. Siya ang sinasabi ni Pablo nang mangaral siya sa isang sinagoga sa Antioch ng Pisidia:  “Sa angkan ni David nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Dios sa Israel” (Acts 13:23). Siya ang kailangan, siya ang inaasahan ng lahat ng mga bulag, mga pipi, mga pilay, mga mahihirap, mga inaalihan ng demonyo, lahat ng mga makasalanan. Jesus is the fulfilment of all our dreams, our hopes, our aspirations, our longings. Wala nang ibang darating na makahihigit sa kanya. Wala ka nang ibang dapat hanapin pa. Siya lang ang Tagapagligtas. He is the true and better David. Siya lang talaga ang  nakasunod sa lahat ng kalooban ng Diyos na kanyang Ama. Palm Sunday leads to Good Friday. Sa pagsunod niya sa Ama, inako niya ang lahat ng ating mga kasalanan, lahat ng parusa na nararapat para sa atin. Para tayong mga nagrebelde sa Diyos na Hari ay maibalik muli sa kanya.

At sa pagharap niya sa mga tao ang unang mensahe niya, “The time is fulfilled, and the kingdom of God is at hand; repent and believe in the gospel” (Mark 1:15). Dumating ang kaharian ng Diyos sa pagdating ni Jesus na siyang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Maging si David ay luluhod sa kanya, at si Solomon, at lahat ng hari sa buong mundo ay dapat lumuhod sa kanya. The coming of Jesus means that we now have to relinquish the throne we unlawfully occupied and give way to the true and better King. After all, our life without Jesus is irrefutable proof that we make a lousy king (and queen) anyway. Hindi natin kayang pamahalaan ang buhay natin. Hindi mo rin pwedeng iasa sa boyfriend mo o sa asawa mo o sa ibang tao o sa trabaho o sa gobyerno ang responsibilidad na ayusin ang takbo ng buhay mo. Si Jesus lang ang kailangan mo. When you repent and submit to him, sinasabi mo sa kanya, “Lord, take charge. Pagod na akong maupo sa trono ng buhay ko. Ikaw na.”

We rule our lives to our own destruction. We let Jesus rule our lives for our salvation. Palm Sunday reminds us that our King has come to save us. Good Friday reminds us that our King has come to die for us. Easter Sunday reminds us that our King rose from the dead and is coming again to take us – to be with him for all eternity.

At habang hinihintay natin iyan, we live our lives submitted to his will. Sa paggamit natin ng oras natin, ng isip natin, ng lakas natin, Jesus is King not us. Sa relasyon natin sa asawa at mga anak, Jesus is King not us. Sa relasyon natin sa isa’t isa dito sa church at sa mga ministries na kinabibilangan o pinangungunahan natin, Jesus is King not us. Sa paggamit natin ng pera at anumang resources na bigay sa atin ng Diyos, Jesus is King not us. Sa pagtatrabaho, sa pagnenegosyo, sa pakikitungo sa empleyado, sa pagharap sa nangyayari sa gobyerno, Jesus is King not us. Because Jesus is King and he has come to save us, we take seriously yung sinabi niya sa Matthew 24:14, “And this gospel of the kingdom shall be proclaimed as a testimony to all nations and then the end will come.”

Today, ang hope at prayer ko ay naipakita ko sa inyo na ang kuwento ng buhay ni David ay hindi tungkol sa kanya. It points us to Someone greater – much greater – than him. It is the story of Jesus. That’s how we approach every story in the Old Testament. Yan din ang itinuro niyang gawin natin sa pagbabasa natin ng Salita ng Diyos. At dahil tayo ay nakay Cristo, may relasyon sa kanya by faith in him, it is also our story. Pag pag-aaralan natin ang mga kuwento sa buhay ni David, we don’t immediately jump to our lives now and ask, “Ano ang kinalaman niyan sa buhay ko?” No. No. No. Don’t skip the gospel. Don’t bypass Jesus. Tanungin muna natin, “Paano tayo itinuturo nito kung sino si Jesus at kung ano ang ginawa niya para sa atin?” Then, and only then, pwede na nating itanong kung paano natin ito malalapat sa buhay natin. Because Jesus is our Life, not David. So, everytime I will preach from David’s story, sasabihin ko sa inyo, not “Be like David,” but, “Look to Jesus!” Kung saan-saan at kung kani-kanino kasi tayo tumitingin! Habang nakikinig ka, look to Jesus. Habang nasa gracecomm gatherings kayo, pag-usapan n’yo kung paano kayo titingin kay Jesus. Sa fight club n’yo, help each other fix your eyes on Jesus. Sa pagtuturo sa mga bata, stop telling them to be like David. They won’t be like David by telling them to be like David. Tell them to look to Jesus. And they will be like David, a man after God’s own heart. And they will be like Jesus, the Son of David.

Share your thoughts about this post...

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.