Part 5 – Ang Tunay na Kagandahan

beautyTulad ng promise ko last week, tungkol sa pagkababae naman ang topic natin ngayon. Last week, nagfocus tayo sa disenyo ng Diyos para sa kalalakihan. At mahalaga ito para mas maging maayos ang relasyon ng lalaki sa babae, at ng babae sa lalaki, lalo na sa relasyon ng mag-asawa.

Intrinsic sa nature ng mga babae ang desire na maging maganda. Kaya nga sa version ng mga Filipino, yung Adan at Eba dito ay Malakas at Maganda. Out of 195 countries in the world, pinagtatalunan ng mga tao kung saang bansa may pinakamagagandang mga babae. Mahirap namang sagutan basta-basta kasi iba-iba ang perspective kung paano idefine ang kagandahan. Maaaring maganda sa iba, pero sa iba naman ay hindi. Hindi lang din naman panlabas na anyo ang tinitingnan, pati rin ang katangian. Sa isang report noong 2015, lumabas na ang number 1 ay Sweden, number 2 ay Brazil, at number 15 ang Philippines. Oha! Sabi dun, “This country is ranked second with the most wins in ‘The Big Four International Beauty Pageants.’ Every year, they are such a strong contender but beauty is only a small part of being a Filipina, they are well known due to their sweetness, caring and family oriented values.”

Wala namang masamang maghangad ng kagandahan, and I believe it is part of God-given desire sa mga babae na nilikha ng Diyos ayon sa kanyang larawan. To desire beauty is to reflect the image of God our Creator, na ang nilikha niya ay talaga namang napakaganda. Anumang good desire kapag ginagawa nating pinakamahalaga, na-iidolize natin. Sa halip na ang Diyos ang mabigyan ng karangalan, in desiring beauty you desire to draw attention to yourself.

Kaya ang sabi ni Peter sa mga babae, magkaroon sila ng tamang priority when it comes to beauty. “Do not let your adorning (Gk. kosmos, ginagamit din sa “world”, at diyan din galing ang “cosmetics”) be external—the braiding of hair and the putting on of gold jewelry, or the clothing you wear” (1 Peter 3:3). Di naman masamang magparebond ng buhok, di naman masamang magsuot ng alahas o anumang palamuti sa katawan, di naman masamang magsuot ng magandang dress, o magmakeup. Kaysa naman gulu-gulo ang buhok mo, at di man lang naplantsa ang damit mo. Pero sinasabi ni Peter, wag mong isiping iyon na ang pinakamahalaga.

Ladies, don’t let your self be defined by the style of your hair, the shape of your face, the design of your clothes or the size of your body. Your true identity lies in something that cannot be seen by other people, the inner beauty of your heart.

Inner Beauty

Yan naman ang kasunod na sinabi ni apostol Pedro, “But let your adorning be the hidden person of the heart with the imperishable beauty of a gentle and quiet spirit, which in God’s sight is very precious” (1 Peter 3:4). Tama naman na ang isang babae ay pagtuunan ng pansin ang kanyang kagandahan, for God created woman to be attractive, to reflect the beauty of her Creator. Pero ang kagandahang pagtuunan mo ng pansin ay hindi ang kagandahang nakikita agad ng mata ng tao. Mata o paningin ng Diyos, “in God’s sight,” yun ang mas mahalaga. Ang tao iba-iba ang tingin kung ano ang maganda, iba-iba depende sa kultura, depende sa panahon, depende sa piniprisenta sa media. Standard ng kagandahan para sa Diyos ang mas mahalaga. For he is the rightful judge of what is beautiful.

Para sa kanya, ano ang maganda? “The hidden person of the heart,” kalagayan ng puso ang mas mahalaga. Do you have a beautiful face but an ugly heart? “The imperishable beauty of a gentle and quiet spirit.” It is not about your body, it is about your spirit or character. Nagiging mahinahon ka ba sa pagkilos at pananalita o mas gusto mong ikaw ang tama, yung gusto mo ang nasusunod? Nagiging tahimik ka ba kung kailangang tumahimik at magtiwala sa Diyos?

Ang relasyon ng lalaki at babae sa marriage ay reflection o salamin ng relasyon ni Cristo sa iglesia/church (Eph. 5:32). In this love story, kaming mga lalaki we represent Jesus and his sacrificial love for the church. Ang mga babae naman, you represent the church. Ang nais ni Cristo para sa kanyang iglesya ay magtaglay ng pambihirang kagandahan. At hindi external beauty ang usapan dito (not beautiful buildings, not beautiful programs, etc). Inialay ni Cristo ang kanyang buhay para dito…”that he might sanctify her, having cleansed her by the washing of water with the word, so that he might present the church to himself in splendor, without spot or wrinkle or any such thing, that she might be holy and without blemish” (Ephesians 5:26-27). Ang kagandahan ng iglesya ay ang kabanalan ng iglesya. Ang kagandahan ng isang babae ay nakikita sa kanyang kabanalan.

Ladies, pay much attention to your heart. Kung meron kang gagastusan, kung merong kang paglalaanan ng panahon, kung meron kang pagpapakapaguran – hindi rebond, hindi aerobics o zumba, hindi mamahaling damit o alahas – kundi oras sa Salita ng Diyos, striving to be more like Christ, growing in holiness. God designed you to be beautiful in heart for the gospel (not you!) to be attractive to your husband, to your family, to other believers and to non-Christians.

 

Beauty in submission

Now, let us be more specific sa relasyon ng isang babae sa kanyang asawang lalaki. Kung single ka pa, makinig ka, and prepare yourself for this. Sa mga single men, naturally siyempre attracted tayo sa maganda physically, but aim for this and pray for this na ganitong babae ang ibigay sa iyo ng Diyos. Sa mga married men, pangunahan natin ang asawa natin na maging maganda sa ganitong aspeto.

Paano mas magiging maganda ang isang babae sa kanyang asawa? How can she be more attractive to her husband and therefore experience more intimacy sa relasyon nilang mag-asawa? “For this is how the holy women (iba sa mga babae sa mundong ito, iba ang babaeng Cristiano) who hoped in God (ang tiwala wala sa sarili o sa ibang tao o sa asawa kundi sa Diyos) used to adorn themselves, by submitting to their own husbands” (1 Peter 3:5). Own husbands, ibig sabihin hindi sa lahat ng lalaki ang pagpapasakop ng lahat ng babae, kundi sa authority ng sarili niyang asawa. Ito yung point na sinimulan niya sa verse 1, “Likewise, wives, be subject to your own husbands…” Ganun din sa Ephesians 5, “Wives, submit to your own husbands, as to the Lord. For the husband is the head of the wife even as Christ is the head of the church, his body, and is himself its Savior. Now as the church submits to Christ, so also wives should submit in everything to their husbands” (5:22-24).

Kung ang primary calling sa aming mga lalaki ay pangunahan ang aming asawa – with Christlike love and sacrificial servanthood. Ang calling naman ng isang babae sa relasyon sa asawa ay magpasakop sa pangungunang iyon ng kanyang asawa, with church-like submission to Christ.

What submission is not

To some groups, this talk about “submission” is controversial. Kasi ineemphasize nila yung Ephesians 5:21, “submitting to one another,” yung tinatawag nilang mutual submission. Totoo naman, pero unique ang submission ng wife sa husband, and nowhere in Scripture is the husband commanded to submit to the wife.

Para mas maging malinaw pag-usapan muna natin “what submission is not.” Yung mga points dito ay galing kina John Piper (This Momentary Marriage) at Wayne Grudem (Recovering Biblical Manhood and Womanhood).

  1. Ang pagpapasakop ay hindi salungat sa pagkakapantay-pantay natin kay Cristo. Lalaki at babae magkapantay sa halaga ng pagkatao sa paningin ng Diyos. Pero magkaiba ang roles na ginagampanan. “A wife’s submission to her husband therefore is more like the submission of Christ to God the Father (1 Corinthians 15:28), the submission of one to another who is equal in importance and essence” (Wayne Grudem). “The head of a wife is her husband, and the head of Christ is God” (1 Corinthians 11:3). Si Cristo nagpapasakop sa Ama, pero sila ay nananatiling magkapantay sa kanilang pagiging Diyos. Ganun din ang mga babae, bagamat tinawag sila ni Peter na “weaker vessel” sa 1 Peter 3:7, pinaalalahan din niya dun ang mga lalaki na ituring ang mga babae na kapantay sa paningin ng Diyos, “they are heirs with you of the grace of life.”
  2. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang uunahin mo ang kalooban ng asawa mo sa kalooban ni Cristo. Your primary allegiance is to Christ. Siya ang masusunod ultimately, hindi ang asawa mo. Kinumpara ito ni apostol Pedro sa pagpapasakop ni Sarah, “as Sarah obeyed Abraham, calling him lord.” Small “l” na “lord” si Abraham, ang asawang lalaki. Pero kapag may sinabi si Abraham na gusto niyang mangyari tulad ng pagsisinungaling na pinagawa niya kay Sarah, she must obey God rather than men. Si Jesus ang capital “L” Lord ng bawat babae (at lalaki).
  3. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang pagsang-ayon sa lahat ng sinasabi ng asawa, o pagbibigay ng lahat ng gustong mangyari ng asawa. Lalo na kung di Christian ang asawa mo, talagang magkaiba kayo ng paniniwala. Pwede rin namang ipahayag ang pagsang-ayon at pagtutol (lalo na kung salungat sa kalooban ng Diyos), pero sa paraan na ang puso ay nagnanais pa rin na magpasakop sa pangunguna ng asawa.
  4. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang di ka na mag-iisip sa sarili mo. Hindi ibig sabihing lahat ng pag-iisip tungkol sa mga desisyon sa pamilya ay ipapaubaya sa lalaki. Pinagtutulungan pa rin, may maiaambag ka pa rin, may mga panahong naiiisip mo ang mas magandang paraan. Kailangan namin ang tulong n’yo, kailangan namin ang pag-iisip n’yo, kailangan namin ang pananaw n’yo. But the final decision rests on the husband, kahit ang desisyon na ‘yon ay salungat sa gusto mo.
  5. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang iiwasan mo nang gumawa ng paraan para maimpluwensiyahan at magabayan ang asawa mo para magbago siya. Inaassume ni Pedro na ang ibang babaeng kausap niya ay may asawang non-believer. Kaya sabi niya, magpasakop kayo at sa pamamagitan nun ay madala n’yo sa Panginoon ang asawa n’yo, “that they may be won without a word by the conduct of their wives” (1 Peter 3:1). Siyempre kailangan pa rin ang salita, kailangang ishare ang gospel. Pero kailangan ding ipakita ang kapangyarihan ni Cristo na bumago ng buhay mo, bago mo baguhin ang asawa mo. Submission can also mean that you lead your husband to Christ. At kahit Christian na asawa mo, gawin mo pa rin ang magagawa mo para matulungan siyang magbago. Tulad ni Jodi, kapag napapansin niyang napapabayaan ko na ang physical exercise, palagi akong pinapaalalahanan.
  6. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang kinukuha mo ang personal at espirituwal na kalakasan mo sa asawa mo. Totoo ngang kung kaming mga lalaki ay nangunguna nang maayos sa aming asawa, you are strengthened, you feel more secure, you are being nurtured and flourishing. At ginagamit kami ng Diyos na instrumento sa ganoong paraan. Pero pano kung di naman magampanan, pano kung pumalpak kami. You don’t be discouraged, you remain strong and standing firm, for it is Christ your Husband who strengthens you.
  7. Ang pagpapasakop ay hindi nangangahulugang pagkatakot o pagsasawalang-kibo. Mga babae, tulad daw kayo ni Sarah, “You are her children, if you do good and do not fear anything that is frightening” (1 Peter 3:6). Nagpapasakop kayo hindi dahil sa takot sa asawa n’yo, kundi dahil sa tiwala n’yo sa Diyos, “holy women who hoped in God.” Sabi ni John Piper, “The Christian woman is a free woman. When she submits to her husband—whether he is a believer or unbeliever—she does it in freedom, not out of fear.”

What submission is

Mahalaga na makita ang utos na ang asawang babae ay magpasakop sa asawang lalaki sa konteksto ng talatang ito. Lahat ng mamamayan ng isang bansa ay dapat magpasakop sa gobyerno o sa mga namamahala (2:13-17), ang mga household servants sa kanilang human masters (2:18-25); ang bawat isa sa iglesya nagpapasakop sa isa’t isa with all humility and gentleness (3:8-12); ang asawang babae naman sa kanyang asawang lalaki. Submission is first a recognition of God-given authority. Hindi dahil deserving ang asawa mo, hindi dahil mahusay ang pangunguna niya, hindi dahil morally righteous siya, kundi dahil sa pasya ng Diyos, sa karunungan ng Diyos ganito ang itinalaga niyang order of authority sa relasyon ng mag-asawa.

Heto ang definition ni John Piper sa submission: “Submission is the divine calling of a wife to honor and affirm her husband’s leadership and help carry it through according to her gifts.” Ayon naman kay Wayne Grudem, it is “an inner quality of gentleness that affirms the leadership of the husband.” Mahalaga sa pagpapasakop ang kundisyon ng puso mo, kung ano ang pinaniniwalaan mo, kung ano ang conviction mo, kung ano ang desires ng puso mo. Hindi ako ngayon magbibigay sa inyo ng mga dapat gawin para maipakita ang submission sa asawa, o dapat sabihin, o mga tips or suggestions. I can do that, but if you don’t have a submissive heart di mo rin naman gagawin. So I pray for all of you, na yung Holy Spirit ay kumilos sa puso n’yo para i-apply ang gospel ng Panginoong Jesus para kilalanin n’yo ang asawang lalaki na siyang itinalagang leader ng Diyos, at fully supportive kayo sa leadership namin, kahit na pumalpak kami, kahit na nagiging hesitant o passive kami. Do you recognize that? Are you supportive of your husband? Are you affirming his leadership? Are you helping him succeed sa calling ng Diyos sa kanya?

Gospel motivations

Submission is not easy. Not just because of husbands who are passive in leadership or abusive in their authority. But because of the selfishness in the human heart, the fallen condition of our heart desiring to usurp authority, to be on the throne, to self-rule. Kailangan ninyo ng compelling biblical motivations para ang puso n’yo ay maging submissive. [Pero bago ‘yon, pakinggan muna natin ang testimony ng asawa ko tungkol dito…]

So, anu-ano ang motivations na makikita natin sa text natin?

  1. The inner beauty of submission is imperishable. Ang buhok mo kahit anong rebond mo, malalagas din. Ang mukha mo kahit gaanong pagpapaganda mo, kukulubot din. Ang katawan mo kahit anong pagpapasexy mo, bibigay rin. Pero ang panloob na kagandahan ng puso mo, yan ay “imperishable beauty” (v. 4), kagandahang “hindi nagbabago” (ASD) o “walang kupas” (MBB). Parang si Nanay Nita, payat na payat na, hinang-hina na ang katawan, pero nananatili ang kagandahan dahil sa kanyang pusong nagtitiwala sa Diyos. At kitang-kita ng Diyos ang kanyang kagandahan.
  2. The inner beauty of submission is very precious in the sight of God. “Ito ang mahalaga sa paningin ng Dios” (v. 4 ASD). That’s what matters. Bilang mga Cristiano, we no longer work for human approval. Kahit nga approval ng Diyos di na natin pinagtatrabahuhan. Dahil kay Cristo, God looks at you and saying to you, tulad ng tatay mo kapag sinabi sa iyo (o di tulad ng tatay mong di mo man lang naringgan ng affirmation na you’re beautiful), sinasabi sa iyo ng Diyos, “My daughter, you are very beautiful in my sight. Kahit anong sabihin nila, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo.”
  3. The inner beauty of submission shows that your hope is in God. “Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babaing umasa sa Diyos noong unang panahon” (v. 5 MBB). Pero sa salin ng ASD di makikita ang “hoped in God.” Pero nandun iyon. Tulad ni Sarah na wala nang ibang kakapitan sa kanyang katandaan, tulad din ni Abraham na ang pag-asa ay sa pangako ng Diyos. Kapag pinagtutuunan mo ng pansin ang panloob na kagandahan, ipinapakita mong sa Diyos ka umaasa, hindi sa tao. Sa sasabihin ng Diyos, hindi sa sasabihin ng tao. Sa pangako ng Diyos, hindi sa pangako ng tao. Pagkat ang Diyos lang naman talaga ang makakapitan mo.
  4. The inner beauty of submission demonstrates the transforming power of the gospel. “Upang kung ang asawa ninyo’y hindi pa naniniwala sa salita ng Dios, maaaring madala n’yo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita” (v. 1 ASD). Kung nagpapasakop ka sa asawa mo, naipapakita mo ang kapangyarihan ni Cristo na bumago sa iyo. Kasi hindi iyon natural sa iyo, hindi iyon madali. Pero nagagawa mo dahil ang Espiritu ay nasa ‘yo. Bago mo isipin kung paano mababago ang asawa mo, tingnan mo muna kung may nangyayaring pagbabago sa puso mo. At kung makita ng asawa mo iyon sa iyo, kung di pa siya Christian, mas maririnig niya na tunay na mabuti ang Mabuting Balita, kaysa sa dami ng salitang lumalabas sa bibig mo. You lead your husband to Christ as you look to Christ and become like Christ in his submission to the Father.

Kung kaming mga lalaki kay Jesus titingin para mabago kami na tulad niya na siya ang tunay na lalaki, kayong mga babae kanino naman kayo titingin? Hindi naman pwedeng sa church, sa klase ng pagpapasakop natin kay Jesus, kasi maraming beses naman din tayong sumuway sa kanya. You also look to Jesus! Si Jesus nakita ang tunay na kagandahan ng kanyang kalooban sa kanyang pagpapasakop sa kalooban ng kanyang Ama.

Your identity is in Jesus, so look to Jesus. Real beauty is found in the cross of Christ. “Wala siyang kagandahan o katangiang makakaakit sa atin para siyaʼy lapitan. Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at hindi pinahalagahan” (Isaias 53:2-3 ASD). Hanggang sa kamatayan nagpasakop siya sa Ama. Ang tiwala niya ay nasa Diyos. Sinabi niya sa krus, “It is finished. Into your hands I commit my spirit.” Ang kanyang kamatayan ay very precious sa paningin ng Diyos.

Niloob ng Panginoon na saktan siya, pahirapan (v. 10), he was a bloody mess on the cross, para ano? Para matanggal ang lahat ng kapangitan ng iyong kasalanan at maituring ka ng Diyos na lubos ang kagandahan ng kabanalan dahil kay Cristo. So fix your eyes on Jesus. Hindi sa kung anong itsura mo, kung anong hugis ng katawan mo, o kung gaano karaming “likes” ng profile pic mo sa Facebook.

Tinatawag nating “Handmaid Gems” ang Women Disciplemaking Group ng BBCC. Ibig sabihin ng “handmaid” ay “female servant.” We pray na maging tunay na mga lingkod kayo ng Diyos sa pagpapasakop n’yo at pagtulong at pagsuporta sa leadership ng church natin, at ng inyong asawa sa inyong pamilya. “Gems” naman ang ibig sabihin ay “precious, great beauty, well beloved.” Sa inyong paglilingkod, sa inyong pagpapasakop, lalong namamayagpag ang inyong kagandahan. Dahil diyan, lalo namang nabibigyan ng karangalan ang Diyos. Siya ang lumikha sa inyo, nagligtas sa inyo, nagpapaganda sa inyo at nagpapatibay sa relasyon natin bilang mga lalaki at babaeng hinuhubog ng Espiritu ayon sa wangis ni Cristo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.