Lahat tayo brokenhearted. Lahat tayo kailangan ng healing na si Jesus lang ang makagagawa. At kapag nangyari iyon (not yet completely in this life, pero nangyayari, merong progreso) naaayos ang relasyon natin sa asawa, sa ibang tao, at lalo na sa Diyos. And that’s the point. God is the point of all human relationships. Especially marriage.
We are broken in so many ways hindi lang dahil sa kagagawan ng ibang tao sa atin. Totoong may mga nakasakit sa atin o nagkulang na ibigay ang pagmamahal na dapat ay ibigay nila. Pero totoo ring tayo rin naman ay naging unfaithful in so many ways. Broken na nga tayo, lalo pang naging broken because of our sinful reactions.
If you are a parent, aminin natin tayo rin naging unfaithful sa duties natin as parents to our children. Ang iba nagpabaya sa mga anak. Ang iba di binibigyan ng sapat na atensyon ang mga anak. Ginagawa nating dahilan ang kinabukasan ng anak sa kakatrabaho natin, napapabayaan natin ang kanilang “ngayon.” Ang iba meron pang abuse, physical, emotional o sexual abuse. If you are a child, naramdaman mong pinabayaan ka ng magulang mo, naging unfaithful ka rin. Sumuway ka, nagrebelde ka, di mo ginalang ang magulang mo kung makasagot ka, mas pinipili mo pang ubusin ang oras mo sa barkada kesa mamalagi at tumulong sa gawaing bahay. Ang iba nalulong sa bisyo at kung anu-ano pang imoralidad bilang pagrerebelde sa magulang. Kasalanan ng magulang mo? Kasalanan mo iyon.
Sa mag-asawa naman, karaniwan sisisihin natin ang asawa natin. Pero pareho naman tayong may kasalanan. Mga lalaki, di ba’t naging unfaithful din tayo sa asawa natin? Ang iba nakipagrelasyon sa ibang babae, ang iba laman ng isip at tinitingnan ay ibang babae – personal man o sa Internet. Ang iba lulong sa trabaho o ministeryo, wala nang panahon sa asawa. Ang iba nananakit – physically o verbally, mababa tingin sa babae, di man lang maglead spiritually. Ang iba sobrang passive, ayaw magdesisyon, ayaw tumulong sa mga gawaing bahay. Di naipakita ang pagmamahal sa kanyang asawa.
Mga babae naman, kayo rin naman naging unfaithful. Di masaya sa pagpapasakop sa leadership ng asawa. Meron ding nangalunya, meron ding inuna pa ang career o ang mga bata kaysa sa asawa. Ang iba kung makapagsalita (nagger) parang siya palagi ang tama. Di man lang nabibigyan ng affirmation ang asawa, lagi na lang mali ang nakikita.
Magulang, anak, asawang lalaki at asawang babae – lahat tayo we have become unfaithful in our relationships. We are broken and wounded and hurt not just because of other’s unfaithfulness to us, but also our own unfaithfulness and our sinful reactions. And this horizontal unfaithfulness is an indication of vertical unfaithfulness.
Marriage as Covenant
Ang una nating pananagutan ay hindi sa isa’t isa, kundi sa Diyos na siyang maylikha sa atin at nagbigay ng mga ganyang responsibilities sa relationships natin. Ang disenyo ng Diyos sa relasyong mag-asawa ay maipakita sa buong mundo kung sino ang Diyos sa kanyang relasyon sa atin, to reflect his image in relationships (Gen. 1:26-27). Sa sulat ni Pablo para sa mga mag-asawa, sabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan (mula sa Gen. 2:24), “Iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa” (Eph. 5:31 ASD). Makikipag-isa, to cleave (KJV), to hold fast (ESV) to each other. Iyon bang sinasabi mo sa asawa mo, “I won’t let you go no matter what. I won’t leave you no matter what.”
Sure, merong mga exceptions diyan lalo na kung ang asawa ay lulong sa droga, nananakit at baka manganib pa ang buhay mo at ng mga anak mo. Liban doon, dapat gawin ng mag-asawa ang lahat ng magagawa nila para maayos ang pagsasama nila, at maranasan nila ang intimacy sa marriage nila. This way we reflect Christ’s commitment to his church (Eph. 5:32).
Marriage is not about being in love. It is about commitment. In this age, we have a romanticized view of love. Iyon bang kinikilig ka, pero kapag hindi na pwede nang palitan. Ganun? No!!! Sa pag-aasawa, itinatali natin ang sarili natin (itinatali tayo ng Diyos!) sa isang tipan o covenant, tulad niya na itinali niya ang kanyang sarili sa isang tipan/covenant sa relasyon niya sa atin. Because marriage is a covenant, it requires commitment, a life-long commitment to your marriage vows.
Kaya sa seremonyang kasalan, ito ang unang binibigyang diin. Kaya ganito ang simula ng isang wedding ceremony.
PASTOR: Mga minamahal na kapatid at mga kaibigan, tayo ay nagkatipon ngaon sa harapan ng ating Diyos at ng kapulungang ito upang saksihan at ipagdiwang ang pag-iisang dibdib ni [lalaki] at ni [babae] sa isang banal at Cristianong kasalan. Ang tipan ng pag-aasawa ay itinakda at itinatag ng Diyos na siyang lumikha sa atin na lalaki at babae. Ang sinumang nagnanais na pumasok sa tipang ito ay dapat mag-isip nang mabuti, nang may paggalang, kahinahunan, at takot sa Diyos. Sapagkat ang pag-aasawa ay isang banal na tipan, ito ay dapat igalang.
Ikaw, [lalaki], tinatanggap mo ba ang babaing ito upang maging asawa, mamuhay na magkasama ayon sa itinakda ng banal na matrimonio? Siya ba ay iyong iibigin, aaliwin, igagalang, at iingatan, sa sakit at sa kalusugan at tanging sa kanya lamang pipisan habang kayong dalawa ay nabubuhay? [Opo.]
Ikaw naman, [babae], tinatanggap mo ba ang lalaking ito upang maging asawa, mamuhay na magkasama ayon sa itinakda ng banal na matrimonio? Siya ba ay iyong iibigin, aaliwin, igagalang, at iingatan, sa sakit at sa kalusugan at tanging sa kanya lamang pipisan habang kayong dalawa ay nabubuhay?
Lalaki: Sa pangalan ng ating Panginoong Diyos, tinatanggap kita [babae] upang maging aking asawa, upang makasama at mahawakan ka, mula sa araw na ito at magpakailanman, sa hirap at sa ginhawa, sa kahirapan at kasaganaan, sa sakit at sa kalusugan, upang mahalin at ingatan ka, hanggang sa tayo’y paghiwalayin ng kamatayan, alinsunod sa banal na Kautusan ng Diyos. Ito ang aking taos-pusong pangako sa iyo.
Babae: Sa pangalan ng ating Panginoong Diyos, tinatanggap kita [lalaki] upang maging aking asawa, upang makasama at mahawakan ka, mula sa araw na ito at magpakailanman, sa hirap at sa ginhawa, sa kahirapan at kasaganaan, sa sakit at sa kalusugan, upang mahalin at ingatan ka, hanggang sa tayo’y paghiwalayin ng kamatayan, alinsunod sa banal na Kautusan ng Diyos. Ito ang aking taos-pusong pangako sa iyo.
Ang pagbibitaw ng mga pangakong ito sa harap ng Diyos at mga tao bilang mga saksi ang nagbubuklod sa mag-asawa sa isang tipan o covenant. This covenant is different from a contract.
Ang kontrata ay may expiration period. Ang marriage walang expiration period, mag-eexpire lang kung meron mang isa sa inyo ang mag-expire na o mamatay na. “Hanggang sa tayo’y paghiwalayin ng kamatayan.”
Ang kontrata ay conditional sa pagtupad ng mga obligations na nakasaad sa napagkasunduan. Kung meron mang isang partido ang sumira sa kasunduan, pwedeng ma-nullify ang contract o masampahan ng kaso for breach of contract. Ang kasal hindi ganun. Di mo sinasabi, “Mamahalin kita kung mamahalin mo ko. Magiging faithful ako kung faithful ka. Pero kung hindi…”
Ang kontrata ay isang business transaction. Ganitong serbisyo ang binigay mo, ganito ang magiging bayad sa iyo. Wag mong gawing business transaction ang marriage. Heto ang ipinuhunan ko, suklian mo. Heto ang ginawa ko, tumbasan mo. Marriage is a relationship, not a business transaction.
Ang kontrata ay kasunduan ng dalawang human parties. Pero sa isang kasalan, this is not a mere civil ceremony. It is ratified by God. It is a divine institution. Di pwedeng sirain ng kung sinumang tao. Kaya mahigpit na sinabi ng Panginoong Jesus, “What God has joined together, let not man separate” (Matt. 19:6; Mark 10:9).
God’s Covenant Faithfulness
Sa tipanan ng kasal, meron kang pangakong binitawan. Tuparin mo, kahit na ang kapartner mo ay sumira sa pangako. Covenant requires commitment and faithfulness. Tulad ng Diyos na nakipagkasundo sa atin, nagbitiw ng pangako, naging faithful kahit na tayo’y paulit-ulit na naging unfaithful sa kanya. “Be imitators of God, as beloved children” (Eph. 5:1). Dahil marriage is a reflection of God, kung di ka faithful sa asawa mo para mo na ring sinasabi na your God is also unfaithful. But God is faithful, always faithful.
Ang dahilan kung bakit tayo dapat maging faithful sa asawa natin is not because our spouse is also faithful (kung di na faithful, hindi ka na rin faithful?). The reason we must be always faithful is because our God is always faithful. “We are people who live by trust in His promises. We break our promises to one another. We break our promises to God. But God never breaks his promises to us…We worship and serve a covenant-making and covenant-keeping God, and He is worthy of all our trust” (RC Sproul, The Promises of God, p. 8).
Nakipagtipan ang Diyos kay Abraham na pagpapalain siya at lahat ng lahi sa pamamagitan niya, ibig sabihin, ibabalik sa magandang relasyon sa Diyos. Nakasaad ang seremonya niyan sa Genesis 15. Pinakuha ng Diyos si Abraham ng mga hayop, hinati-hati, nilagay sa altar. Parang sinasabi, kung sino sisira sa covenant, ganyan din ang mangyayari. Pinatulog niya si Abraham at nagpadala ang Diyos ng apoy para pagtibayin ang tipan. Parang sinasabi, di ko kailangan ang tulong o kontribusyon mo, at kahit maging unfaithful ka, mananatili akong tapat sa pangako ko. Pinatunayan niya yan sa buhay ni Abraham, Isaac, Jacob at 12 lahi ng Israel.
Naalipin sila ng mahabang panahon sa Egipto, pero inalala ng Diyos ang pangako niya. Pinalaya sila. Ibinigay ang kanyang mga utos, para pagtibayin ang kanyang tipan kay Moises at sa mga Israelita. Naging tapat ako sa inyo, kayo naman din ay maging tapat sa pagsunod sa mga utos ko.
May seremonya din yan. Tinipon ng Diyos sina Moises at mga leaders ng Israel. Nagpatay ng hayop. Ang ibang dugo ay iwinisik sa altar. Binasa ang book of the covenant. Sabi ng mga tao, susunod kami, magiging tapat kami sa Diyos. Iwinisik ang natitira pang dugo sa mga tao, na parang sinasabi, kamatayan ang kabayaran ng pagtataksil sa kasunduang ito (Exod. 24:8). Naging tapat ba sila? Hindi!!! Katatapos nga lang magpagawa ang Diyos ng Tabernacle, “kung saan titira akong kasama nila” (25:8), sumamba na agad sila sa gintong baka (chap. 32). Sa mga pagsuway nila, maraming namatay. Pero di pa rin sila tuluyang winasak ng Diyos. May mga naligtas pa rin. Dahil tapat ang Diyos sa kanyang pangako.
Ang pangako niya kay Haring David at sa lahi niya (kahit na sila’y paulit-ulit na nagtaksil), “Hindi magbabago ang pagmamahal ko..Magpapatuloy ang paghahari mo magpakailanman” (2 Sam 7:15-16). Naranasan ‘to ni David, naranasan ng Israel, kaya laman ng mga awit nila, paulit-ulit, “His steadfast love endures forever” (halimbawa, Psa. 136).
The Blood of the New Covenant
Ang “steadfast love” diyan ay ang salitang hesed, sa NLT ay “unfailing love,” sa ibang salin, “faithful love.” This is God’s covenant love, covenant faithfulness. Na kahit sumira tayo sa kasunduan, sumuway sa utos niya, naging unfaithful, naging tapat pa rin siya. Paano nangyari ‘to? Dahil ang hesed na yan ay naranasan natin sa pamamagitan ni Cristo: “Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:2); “Having loved his own who were in the world, he loved them to the end” (John 13:1). Sa kanyang huling hapunan kasama ang mga disciples niya, sabi niya, hawak ang inumin, “Ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo.” Ang kanyang dugo ang nagpatibay sa New Covenant (sa Ezek. 36:25-27; Jer. 31:33-34), na nakasaad ang pangako ng pagpapatawad at paglilinis ng Diyos sa ating mga karumihan at kataksilan, at pagpapadala ng kanyang Espiritu para makapamuhay na tayo nang may katapatan sa kanya at sa isa’t isa.
Jesus was the Faithful One. Siya ang katuparan ng tipan ng Diyos kay Abraham, kay Moises, at kay David. Siya lang ang naging tapat sa pagsunod sa Diyos at sa pag-ibig sa kanya. Hanggang sa dulo, hanggang kamatayan. Sa halip na tayo ang magbayad sa kasalanan, sa halip na tayo ang dalhin sa katayan, para siyang hayop na nakabitin sa krus, hinati-hati ang katawan, tumagas ang dugo, para bayaran ang parusang nararapan sa mga nagtaksil sa Diyos.
Ang pangalan niya ay Jesus, Yeshua, Ang Dios ang Tagapagligtas. Hawig din diyan ang pangalan ni Hosea.
New Covenant People
Si Hosea ay isang propeta na tumanggap ng pambihirang utos mula sa Diyos. Sabi ng Diyos sa kanya, “Mag-asawa ka ng isang prosti.” Ang dahilan, ito ang magiging larawan ng kataksilan ng Israel at ng pambihirang pag-ibig ng Diyos sa atin. Napangasawa niya si Gomer. Nagkaanak sila. Di nagtagal, nilayasan si Hosea. Sumama sa ibang lalaki, at sa iba pa, at sa iba pa, at sa iba pa…Hanggang maging alipin, slave for sale. Sabi ng Dios sa kanya, “Umalis ka at ipakita mong muli ang pagmamahal mo sa iyong asawa kahit na nangangalunya siya. Mahalin mo siya katulad ng pagmamahal ko sa mga mamamayan ng Israel kahit na sumasamba sila sa ibang mga dios” (Hos. 3:1).
Tayo si Gomer. Nagtaksil tayo sa Diyos. Not just once or twice, but a million times. Ang Diyos ay si Hosea. Binili niya ulit ang asawa niya. Marumi, imoral, mabaho, undeserving. Para muli niyang makasama at di na mawalay pa. Minahal niya tayo, not just once or twice, but a million times and it will be forever. Yan ang pangako niya, “Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang Panginoon” (2:19-20).
In Jesus, we have received God’s undeserved love. We call it grace, charis.
Ano naman ang kinalaman nito sa relasyon natin sa asawa natin? A lot!
The Distinguishing Marks of Christian Marriage
Faithfulness to marriage vows is not just staying married. You can stay married and still be unfaithful. Our goal is to reflect God’s hesed (unfailing love) to our spouse and his covenant-keeping grace. Charis. “Marriage is a covenant between a man and a woman in which they promise to be a faithful husband and a faithful wife in a new one-flesh union as long as they both shall live. This covenant, sealed with solemn vows, is designed to showcase the covenant-keeping grace of God” (John Piper, This Momentary Marriage, p. 43).
Grace and mercy. Naranasan natin ang kabutihan ng Diyos, kahit na di tayo naging mabuti. Magiging mabuti ka sa asawa mo kahit di siya naging mabuti sa iyo. Naranasan mo ang awa ng Diyos, ipaparanas mo rin iyan sa asawa mo dahil siya rin ay makasalanan at kailangan ang awa ng Diyos.
Forgiveness and forbearance. Nagkasala ka sa Diyos, pinatawad ka niya – past, present and future sins. Lahat ng utang mo burado na. Ilang beses mang nagkasala sa iyo ang asawa mo, ganoon din karami ang pagpapatawad mo sa kanya. You forgive him over and over again. Hindi mo sasabihin, “Papatawarin lang kita kung mangangako kang di mo na uulitin.” Because that’s not the way God has forgiven us. Alam mo na kahit maging Christian na ang asawa mo, di pa rin 100% ang change. Pagtitiisan mo, iintindihin mo, di ka magsasawang magmahal sa kanya, dahil ang Diyos ganun din sa iyo. “Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon” (Col. 3:13).
Love and respect. “Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa…At kayong mga babae, igalang nʼyo ang inyong asawa” (Eph. 5:33). Madaling mahalin ang asawa kung nirerespeto ka. Pero kapag hindi, ang hirap magmahal. Madaling igalang ang asawa kung damang-dama mo ang pagmamahal niya. Ang hirap kapag hindi mo maramdamang ang pagmamahal niya. Lalo na kung nasaktan ka. Pero dahil sa biyaya ng Panginoon, sa pag-ibig niya na tinanggap natin, you love and respect each other regardless of your spouse’s response to you. Ang pagtrato mo sa asawa mo ay nakadepende hindi sa pagtrato niya sa iyo, kundi sa pagmamahal ng Diyos sa iyo.
Servanthood and sacrifice. Ibinigay ni Cristo ang kanyang sarili para sa atin, para maglingkod, para ialay ang kanyang buhay sa atin (Mark 10:45). Ipinakita niya ito nang hugasan niya ang paa ng kanyang mga alagad. Kaya nung ikasal kami ni Jodi nagkaroon kami ng footwashing ceremony. To express our commitment na pinapasok namin ang relasyong ito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Yes, nagiistruggle pa rin ako, kasi naturally self-centered ako, gusto ako ang pinaglilingkuran. Lalo na kung pag-uwi sa bahay pagkatapos ng mahabang oras na paglilingkod sa church. But the gospel reminds me that I am also a servant inside the home. Leader ako, but not king. I will serve them tulad ni Cristo.
Ito ang hitsura ng katapatan ng mag-asawa sa isa’t isa. To display the grace and faithful love of Jesus for us, for all the world to see. Kung ang relasyon nating mag-asawa ang magiging showcase para sa mga tao para makita kung totoo ang pag-ibig ng Diyos, katapatan ng Diyos, at pagpapatawad ng Diyos, yan kaya ang makikita nila?
Trusting in God’s Covenant Faithfulness
Mga singles, tandaan n’yo yan. Yan ang relasyon na papasukin n’yo pag nag-asawa kayo. Hindi lang kayo dapat naghahangad ng isang taong makakasama at makakapagpaligaya sa inyo. You will always marry the wrong person. Hanapin mo, hangarin mo ang isang taong ihahanda mo ang sarili mo na paglingkuran habang buhay. Don’t enter relationships when you are not ready to commit. Don’t enter marriage when you are not ready to say, “For better or worse till death do us part.”
Wag ka rin namang matakot. Yung iba ayaw mag-engage sa relationships kasi natatakot sa commitment. Ayaw manligaw kasi takot na masaktan, o takot na baka di magworkout ang relationship. Pero nasaan ba ang tiwala mo? Nasa sarili mo? Nasa kapartner mo o sa ideal partner mo? Marriage is risky, it will get messy. Pero wala tayong dapat ikatakot. Walang dapat ikabahala. Dahil nangako ang Diyos na sasamahan niya tayo. At tapat siya sa pangako niya. Tutuparin niya. In marriage, at sa kahit anong relasyon, he will sustain us, he will strengthen us, he will sanctify us. Yan ang kumpiyansa namin sa relasyon naming mag-asawa. Hindi sa isa’t isa. Kundi sa Diyos. Hope in God. Siya lang ang di pa sumisira at kahit kailan ay hindi sisira sa kanyang pangako.