Ang Inuod na Halaman (Jonah 4)

jonah_tree-011

Something strange and wonderful happened last Sunday. Masaya. Nakakaiyak. Humbling. Worth remembering. Kasi obvious na Diyos ang may gawa. Tulad ng hangin, di mo nakikita, pero nararamdaman mo ang lakas ng ihip nito.

Ganito kasi yung mga nangyari last Sunday. Yung iba naman sa inyo di nakita lahat. Yung iba sa inyo wala naman last Sunday. But let me tell you what happened. Kung ano lang ang naobserbahan ko, kasi maraming behind the scenes na si Lord lang nakakaalam.

8:35 nagsimula ang prayer time ng team. May confession of sins. Merong paulit-ulit ang confession. Merong umiiyak, inamin na di ayos ang puso niya sa pagsamba. Then I anointed their foreheads with oil, symbol of God’s anointing, na we are set apart to fulfill a holy calling. 9:00 nagsimula na tayo sa worship service. Tapos napansin ko ‘tong mga singers na hindi conscious sa leading worship, basta they were worshipping. Tuwang-tuwa ako sa nakita ko. Then I preached Jonah chapter 3. Grabe ang power ng word ni God sa Nineveh. Widescale, tapos biglaan ang response. Di ko expected na gagawin din ni Lord sa atin that morning. Dinurog niya ang puso natin. Nakita natin ang kasalanan natin. Inamin. Nakita ang awa at habag ng Diyos na nakay Cristo. Nag-overflow sa worship pagkatapos. Napahaba nga ang prayer ko sa dulo. I felt the Spirit moving me.

Kahit sa preaching, may mga words na sinabi ako na wala sa plano ko. Iba ang plano ni Lord talaga. May mga nakaplan pa nga sa program ng service na tinanggal ko na, at hinayaan ko ang Spirit na maglead. Humahagulgol ako sa iyak pagkatapos. Di ko maipaliwanag ang nangyari, basta gawa ni Lord. At kung bukas talaga ang puso natin sa gagawin niya, iba ang mangyayari.

Hearts on Fire

Heto ang natutunan ko: Ang Anak ng Diyos kung naipapangaral mula sa Salita ng Diyos, na sisilaban ng Espiritu ng Diyos ay magdudulot ng pagsamba sa Diyos ng mga anak ng Diyos. 

Sobrang ineencourage talaga ni Lord ang puso ko, not just that Sunday, kundi araw-araw. Di ko inexpect na ganito ang magiging impact ng Jonah sa puso ko. At prayer ko, sa puso n’yo rin. Na mabuild ang confidence natin sa Panginoon na kung ano ang nangyari sa Nineveh mangyayari rin sa atin, sa pamilya natin, sa bansa natin, at sa mga taong inaabot natin para kay Cristo. God is always at work. At inaanyayahan niya tayong sumali sa gawa niya. Magpasalamat tayo sa ginagawa niya, gawa niya yun, wala tayong ipagmamalaking contributions natin.

At kung makita mo ang ginawa ng Panginoon, sa Nineveh man o dito sa atin, wag kang magmasid lang at sabihing, “Ano ba iyan? Sobra namang emotional. Paiyak-iyak pa. Kailangan ba ganyan?” Wala namang required na ganyan. Basta ang puso natin ay bukas sa gustong gawin ng Panginoon. Pwede naman kasing emotional ka nga last Sunday, tapos throughout the week, dating gawi na naman, di na naman sumusunod sa kalooban ng Diyos, walang real transformation na nangyari. But if you are truly grieved by your sins against God, nagdudulot ito ng repentance, at yang repentance na iyan dulot ay tunay na pagbabago at nagpapatuloy na pagsunod sa Diyos.

Natutuwa ang Diyos kapag nakita niya yan sa puso natin. And what happened last Sunday ay pagpaparamdam ng Diyos na natutuwa siya. Nakita ng Diyos yan sa puso ng mga taga-Nineveh, kaya inurong niya ang parusa para sa kanila. Si Jonah kaya, maayos na kaya ang puso niya sa Diyos? Anong reaksyon niya? Siguro talagang happy, kasi sobrang successful ng preaching niya, baka naglululundag na tayo niyan sa tuwa pag ganyan ba naman ang nangyari.

Jonah’s Anger

Tingnan natin ang sumunod na nangyari: “Sumama ang loob ni Jonas dahil sa pagpapatawad ng Panginoon sa Nineve, at galit na galit siya” (4:1 ASD). Hala, bakit ganun? Itong mga taga-Nineveh, tumalikod na sa masama nilang gawain (evil), ang umurong na sa parusang nakaabang sa kanila at wala nang masamang mangyayari sa kanila (disaster). Pero itong si Jonah, masama pala ang loob (displeased), pare-pareho yang salita na ginamit din sa evil ng Nineveh at disaster na parusa ng Diyos sana sa kanila. Si Jonah akala mo kakampi na ng Diyos, hanggang ngayon kontra-Bida pala. Ang Diyos nawala na ang galit sa Nineveh, si Jonah hindi lang galit kundi galit na galit, exceedingly angry. Hindi sa Nineveh, kundi sa Diyos.

Big time ang galit niya. Galing sa salitang gadol na paulit-ulit dito sa Jonah. Ang Nineveh “great city” (1:2; 3:2, 3; 4:11), big time ang kasalanan, big time din ang atensyon ng Diyos sa para sa kanila. Pati mga pinadala ng Diyos nang tumakas si Jonah, mga big-time din – hangin at bagyo (1:4) at isda (2:1). Big time din ang takot nitong mga tripulante ng barko sa gawa ng Diyos (1:10, 16). Si Jonah, big time ang sama ng loob sa Diyos. Ang Nineveh, big time ang response of repentance, pati hari at matataas na tao nagrespond (3:5, 7). Si Jonah, big time pa rin ang pagsuway ng puso niya. Ang nangyari sa Nineveh ay hindi dahil kay Jonah at sa preaching niya, but in spite of Jonah’s evil heart. Kasi para sa kanya hindi tama ang ginawa ng Diyos. Feeling niya siya ang tama.

Nagpapaalala ito sa atin na: Maaaring sumusunod tayo sa mga ipinapagawa ng Diyos sa ministry o sa mission, pero at the same time ay nananatili pa ring malayo ang puso natin sa puso niya. Paalala sa akin na pastor, paalala sa inyo na naririto ngayon at naglilingkod sa iba’t ibang paraan. Nakikita ng mga tao ang ginagawa mo parang maganda, parang spiritual, parang mature, parang obedient, pero ano naman ang lagay ng puso mo, kapatid? Tulad ni Jonah, baka ang puso na yan ay nagrereklamo sa Diyos, sinasabihan siyang unfair, o mabagal sa pagsagot sa prayer. O hindi ka man galit sa Diyos, baka wala ka rin namang nararamdaman na pagtibok ng puso para sa Diyos?

Kung ano ang laman ng puso natin, di man kita ng mga tao, lalabas at lalabas din, at tiyak namang alam ng Diyos. Itong kay Jonah, paano nakita ang lagay ng puso niya? Obvious sa prayer niya sa verse 2.

Sabi niya kay Lord, nagpray siya, “Lord, tama ako kaya ako nagmamadaling tumakas sa iyo noong una. Yan na nga ba kasi ang sinasabi ko. Alam ko na mabahagin ka at kakaawaan mo sila. Alam ko na di ka madaling magalit at grabe ang pag-ibig mo, walang kupas. Alam ko iyan. Alam kong di mo naman itutuloy ang parusa mo sa kanila pag nagbalik-loob sila sa iyo. Alam ko iyan. At yan ang problema ko.”

Sa chapter 2, nagpray din siya. At ang ganda ng prayer niya. Thankful siya kay Lord kasi iniligtas siya. Sabi pa niya, “Salvation belongs to the Lord.” Pero nang ito nang mga Ninevites nang iligtas ng Diyos, naiinis siya, masama ang loob niya. Kung tutuusin, tama naman ang theology ni Jonah. Kilala naman niya ang Diyos. Yun din namang grace and steadfast love ni Lord ang itinuturo ng buong Old Testament, mula kay Moises (Exod. 34:6-7), hanggang sa Mga Awit (Psa. 86:5, 15), hanggang sa mga propeta (Joel 2:13). You may be right on target sa mga doctrines about God, but still remain self-centered like Jonah. Ok lang naman sa kanya na loving si God, basta siya ang beneficiary, pero kung iba, yan ang problema niya. Tama ang doctrine niya about God, pero limited and selfish ang application. There are a lot of Christian who are singing God’s love for them, but have no desire in bringing God’s love to the nations.

Naniniwala tayong mapagmahal ang Diyos, pero gusto natin na ang pagmamahal na ito ay limitado lang sa atin at hindi kasali ang mga taong sa tingin natin ay di karapat-dapat. 

Hindi kasi natin nakikita kung ano ang layunin ng Diyos bakit niya tayo binigyan ng buhay. Kaya itong si Jonah, prayer request niya sa verse 3, “Lord, patayin mo na lang ako. It is better for me to die. Kaysa mabuhay at makita ko na tuwang-tuwa ang mga taong ito dahil nakaligtas sila sa parusa mo. Di ko ma-take iyan. Kill me, please.” Grabe ang galit sa puso niya. Ibang-iba kay Moises sa pag-ibig niya sa mga Israelitang gusto nang patayin ng Diyos dahil sa pagsamba sa golden calf. Sabi ni Moises, di baleng ako na ang mamatay at maparusahan, wag lang sila (Exod. 32:32). Si Paul ganun din, handang ibigay ang sariling buhay para sa mga Israelites (Rom. 9:1-3). Pero si Jonah, baka ganun din kung para sa mga kababayan niya, pero kung para sa mga kaaway nila, para sa ibang lahi, para sa mga masasamang tao, wag na lang. Ibibigay niya ang buhay niya maparusahan lang sila.

Ibang iba sa Panginoong Jesus. Sumunod hindi dahil napipilitan lang, kundi kusang loob, hindi masama sa loob. Inialay niya ang kanyang buhay sa Diyos para tayo’y mabuhay. Hindi lang para sa mga Judio, kundi para sa lahat ng lahi sa buong mundo. Buti na lang, dahil kung hindi, di sana tayo maliligtas, di sana tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At bakit tayo binigyan ng buhay? Para ang buhay na iyan ay ialay hindi sa mga kalayawan sa mundong ito, kundi para maligtas ang mga tao sa mundong ito. Pero umaayaw tayo, sumusuway tayo, parelax-relax lang tayo. Tulad ni Jonah, marami pang kailangang ayusin sa puso natin. Kapag sa puso mo ay ayaw mo ang ginagawa ng Diyos, ano’ng gagawin ng Diyos sa iyo?

God’s Lesson to Jonah

Kapag ang mga anak namin ay masunurin, nakakatuwa. Kapag sumusuway at paulit-ulit na sumusuway kahit sabihan, kahit pagalitan, kahit paluin, nakakasama ng loob. Naimagine ko na kung si Lord parang ako kung magalit sa mga anak, sisigawan na niya niyan si Jonah, “Ano ba!!!” O kaya, “Ang mga Nineveh tumalikod na sa kasamaan nila, ikaw kontra pa ng kontra, ikaw ang masama, ikaw ang dapat tupukin ng apoy ng galit ko. Etong sa iyo….Boom!”

Pero hindi yan. Ang response niya kay Jonah, kalma lang. Slow to anger nga and abounding in steadfast love. Ang bait-bait pa kay Jonah at sabi, verse 4, “May karapatan ka bang magalit sa ginawa ko sa Nineve?” Tama ba yang galit mo Jonah? Kung meron mang may karapatang magalit, ang Diyos yun, hindi si Jonah. At magalit hindi sa Nineveh, kundi kay Jonah.

May karapatang magalit ang Diyos sa atin dahil sa sama ng kundisyon ng puso natin, sa tigas ng ulo natin. Pero dahil kay Jesus, ang bait-bait ng pakikitungo niya sa atin. Buti na lang inako nang lahat ni Jesus ang galit ng Diyos para sa atin. Kung lubos lang nating nauunawaan kung gaano kabuti ang Diyos sa atin, ang dali din sanang magbago ang puso natin sa pag-abot sa ibang tao, kahit anong lahi pa yan, kahit anong relihiyon pa yan, kahit mga terorista pa yan.

Siguro naman sa tanong ni Lord sa kanya, matatauhan na itong si Jonah at sasabihing, “Wala po akong karapatang magalit. Tama po kayo. Mali ako. Nagsisisi na ako.” Aba, teka, verse 5 na, walang imik, ngunguso-ngusong (pouting) lumabas ng Nineveh at umupo sa gawing silangan. Kumuha ng mga sanga at mga dahon at gumawa ng masisilungan at nagpalipas ng magdamag, at naghihintay kung ano ang mangyayari sa Nineveh. Sa halip na samahan ang mga tao roon to celebrate God’s mercy, at patuloy na turuan sa pagsunod sa Diyos (na siya nga di niya magawa), umalis siya agad. Puro judgment naman kasi ang gusto niyang sermon sa kanila. Naiimagine pa niya yung eksena habang nagpipreach siya, sa loob-loob niya parang sinasabi niyang, “Heto ang para sa inyo, paparusahan kayo ng Diyos, wag kayong magsisi para tuluy-tuloy na ang parusa ng Diyos.” At habang nakaupo siya, naaalala niya siguro iyong nangyari sa Sodom at Gomorrah, umuulan ng apoy, tinupok ang mga tao roon. Baka kung may iligtas man si Lord, konti lang. O baka magbago ulit isip niya. O baka temporary lang ‘tong repentance ng Nineveh.

Yun naman kasi ang gusto niyang mangyari. Tulad ni Jonah, ang tigas-tigas ng puso natin, mas gusto pa nating ang Diyos ang sumunod sa gusto nating mangyari, kaysa tayo ang sumunod sa gusto niyang mangyari. Sa kakulitan natin sa pagpupumilit sa gusto nating mangyari, ano’ng gagawin ng Diyos? Baka mabuwisit na. “Ayoko na! Suko na ko sa iyo, Jonah! Wala ka nang pag-asa.” Minsan ganyan nararamdaman ko sa ibang members ng church, ilang beses nang kinausap, ilang beses nang ipinagpray, ganun pa rin! Sakit sa ulo! Pero si Lord, iba. Ibang-iba.

Grabe di niya susukuan itong si Jonah, hangga’t di isinusuko ang puso niya sa kanya. Verse 6 anong ginawa ng Diyos. Nakita niya sobrang naiinitan si Jonah. Kaya sa tabi niya nagpatubo ang Diyos ng isang halaman. Imagine that ha, may tumutubong halaman sa harap mo, instant. Ang ang sanga at mga dahon umabot sa lagpas ulo niya at nasilungan siya. Haay…lamig na, sarap mahiga at magpahinga. Napakabuti ng Diyos, kahit sa mga panahong ang puso natin ay hindi tama, binibigay pa rin niya ang mga blessings niya sa atin. Ang tawag dun ay “grace.”

At kung nararanasan natin ang mga blessing na yan, maliit man o malaki, siyempre natutuwa tayo, nagpapasalamat tayo sa Diyos. Ganun din si Jonah, “At labis namang ikinagalak iyon ni Jonah.” Ang laki (gadol) ng tuwa niya sa ginawa ni Lord para sa kanya. Ikumpara mo naman yan sa laki ng galit niya nang kahabagan ng Diyos ang Nineveh at sila naman ang nakasilong sa lilim ng pag-ibig ng Diyos. Pag pabor sa kanya, masaya siya. Pag pabor sa iba, nagmumukmok siya. God is sovereign in his grace, kung sino ang gusto niyang kahabagan at kaawaan, yun ang kahahabagan at kaaawaan niya. Naawa siya kay Jonah, natuwa naman ‘tong si Jonah sa gawa ng Diyos sa kanya. Naawa siya sa Nineveh, pero bakit nagrereklamo si Jonah?

Masaya tayo kapag nakakatanggap tayo ng biyaya galing sa Panginoon. Pero paano kung mahirap na? Yan naman ang next na ginawa ni Lord. Verses 7-8, nakatulog na si Jonah, nakapahinga nang masarap. Pero kinabukasan, maagang-maaga pa. Nagpadala ang Diyos ng uod para kainin ang halamang pinatubo niya. Nalanta ito. Pagsikat ng araw, bukod pa sa init ng araw, nagpadala pa ang Diyos ng hangin mula sa silangan na sobrang init. Kaya halos mahimatay na ‘tong si Jonah dahil sa init. Mabuti ang Diyos. Pero may karapatan din siyang tanggalin ang mga bagay na nakakapagpaginhawa sa atin, at hinahayaan niya tayong mahirapan as a form of discipline. Para sabihin sa ating, “Mas mahalaga sa akin hindi ang comfort mo o kung ano ang gusto mo. Ipapadala ko ang mga hirap sa buhay para malaman mong mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng puso mo.” Kaya kahit mahirapan ka, gagawin niya, matuto ka lang.

Jonah’s Anger

Well, expected na kung ano ang reaksyon ni Jonah dito. Tulad din ng kanina. Sabi niya kay Lord, “Mamatay na lang ako mas mainam pa kaysa ganito.” Inulit na naman ni Lord yung tanong niya kanina, verse 9, “Jonah, tama ba iyan na nagagalit ka dahil sa nangyari sa halaman?” Kanina di siya sumagot, pero ngayon sumagot na, “Oo, tama lang na magalit ako, tamang-tama, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.”

Haay, Jonah. Mamamatay na ang puso ay galit na galit. Haay, Lord, maiintindihan namin kung mauubusan kayo ng pasensiya sa mga kagaya ni Jonah. Pero grabe ka Lord, ang haba-haba-haba-haba ng pasensiya ng Diyos sa mga anak niyang matitigas ang ulo. Powerful naman siya, sovereign, kaya niyang gawin tulad ng nangyari sa Nineveh at sa oras ding iyon ay baguhin na ang puso ni Jonah. Pero sa dealing niya kay Jonah, mukhang slow work. Again, sobrang encouraging ito sa akin. Hindi ko pwedeng ikahon ang pagkilos ni Lord. Minsan nga may nabasa ako sa Facebook status ng friend ko, “Trust the slow work of God.” Maaaring mabagal tulad ng ginagawa niya sa mga anak natin na hanggang ngayon ay matigas ang ulo, no concern for the things of God, o sa ilan sa mga inaabot natin na di pa nagrerespond, o ilan sa mga members natin sa church na ang tagal na nating tinututukan pero parang slow ang progress. Take heart, be patient. Kumikilos ang Panginoon. Sa iyo nga ang haba ng pasensiya niya, ikaw naman umaayaw ka agad sa mga taong kagaya mo rin naman.

God’s Great Compassion

Matatapos na ‘tong story ni Jonah…ano kaya ang ending? Ano kaya ang mangyayari kay Jonah? Heto sabi ni Lord sa kanya, verses 10-11: “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob lamang ng isang gabi at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo. Ako pa kaya ang hindi manghinayang sa malaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 tao na walang alam tungkol sa aking mga kautusan (sa literal, di alam kung ano ang kanan sa kaliwa) at marami ring mga hayop?”

Paraphrase, “Jonah, naawa ka sa halaman dahil namatay. Ako naman ang nagpatubo niyan di ba? Ako naman ang lumikha diyan di ba? Ako naman ang nagbigay buhay diyan di ba? Sa mga kasama mo sa barko, naawa ka ba na mamamatay sila? Sa mga taga-Nineveh, naawa ka ba na mamamatay sila? Pati mga hayop diyan ako ang lumikha, ako nagbigay ng buhay, bakit ko basta-basta lang papatayin? Ang mga tao, di ba’t mas mahalaga ang buhay nila kaysa hayop? Kaysa sa halaman mo? Kaysa sa anumang pag-aari mo ngayon? Kahit na ayaw mo sa kanila. Kahit na kaaway ang turing mo sa kanila. Kahit na masamang tao sila. Kahit na ibang lahi sila. Kahit na sumasamba sila sa dios-diosan. Gusto ko silang kaawaan, anong paki mo?”

Anong response ni Jonah diyan? Verse 12…ay wala na pala…tapos na. Yun na yun? Nagsisi na kaya si Jonah? Nagbago na kaya ang puso niya o ganun pa rin? Kung siya ang sumulat ng book of Jonah siguro nga nagbago na siya, kasi sobrang honest siya sa kundisyon ng puso niya. O baka hindi pa? Tulad ng mga Israelita sa panahon niya. O…hindi natin talaga alam, kasi yun ang point ng story. Di pa tapos ang kuwento. Kasi kuwento mo rin to. Kuwento rin ito ng bawat Cristiano ngayon na ang puso ay nananatiling makasarili at iba sa puso ng Diyos na mahabagin sa mga mahihirap, sa mga makasalanan, sa mga lahing di pa naaabot ng salita ni Cristo. Di na mahalagang malaman kung ano ang naging ending ng story ni Jonah. Ang mahalaga, ikaw ano ang response mo?

O baka naman talaga hanggang dun lang ang story. Because it is not about us. It is about God. Tungkol sa Diyos na grabe kung magmahal, grabe kung magpatawad, grabe ang kabutihan sa ating mga nagrerebelde sa kanya. Para makita natin kung gaano kalaki ang pangangailangan ng pagbabago sa puso natin. Para makita natin kung gaano kalaki ang pangangailangan natin kay Cristo. Para makita na ang kailangan natin para magbago ang puso natin para sa ibang tao ay makita kung gaano kalawak ang sakop ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng mga makasalanan. Ang puso ng Diyos para sa ating mga makasalanan ay di nagbabago. Ang puso mo para sa mga makasalanang gaya mo ang kailangang magbago. Di ko alam kung ano ang response mo pagkatapos nito. Ang alam ko, meron tayong Diyos na mananatiling dambuhala ang kanyang pagmamahal sa ating lahat.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.