Ano Na Pagkatapos ng Eleksiyon?

Slide4Bukas na ang eleksiyon. Karamihan sa atin ay boboto at magdedesisyon kung sino ang iboboto. Pero tulad ng napag-usapan natin last week, ang mas mahalagang tanong na dapat nating sagutin ay ito: “Ano ang kalagayan ng puso ko sa pagboto?” Bilang mga tagasunod ni Cristo, nasa atin ba ang wisdom, humility, love, faith and hope na iba sa karaniwang mga Filipino? Idalangin nating sa eleksiyong ito, maipakita natin ang patotoo natin bilang mga tagasunod ni Cristo.

At sana, hindi lang ito sa pagboto natin bukas. Oo nga’t mahalaga ang Election Day, but it is still just one day. Paano ang mga susunod na araw? Maghihintay ba tayo ng tatlong taon para sa pagboto sa local officials or six years para sa national officials natin para maipakita ang involvement natin sa politics or relationship natin sa government? Ang mga bagong mailuluklok sa pwesto ay totoo ngayong may mabigat na responsibilidad na gagampanan. At tayong mga ordinaryong mamamayan ay heto na nama’t susuriin sila, iki-criticize, at pupunahin kung paano sila pumalpak sa responsibilidad nila. Oo, may pananagutan sila sa Dios. Pero tayo, meron ding responsibilidad sa pamahalaan. At gagampanan natin ito hindi lang tuwing eleksiyon, kundi araw-araw.

Ito ang pag-uusapan natin ngayon. Pagkatapos ng eleksiyon, ano na ang responsibilidad natin sa ating gobyerno? Ano ang itinuturo ng Salita ng Dios tungkol dito? Magbibigay ako ng apat na responsiblidad ng isang tapat na tagasunod ni Cristo sa gobyerno.

SUBMIT: Magpasakop sa mga namumuno sa gobyerno.

Ito ang sabi ni Pablo sa mga mananampalatayang nakatira sa Roma: “Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan…” (Roma 13:1 ASD). Ano ang ibig sabihin ng magpasakop (“be subject, submit”)? Ibig sabihin, kilalanin natin ang awtoridad nila, na sila’y mas nakatataas kaysa sa atin, na sila ang nangunguna hindi tayo, at ang mga batas na itinakda ng ating pamahalaan ang dapat sundin, hindi kung ano lang ang gusto nating gawin.

Kanino tayo magsa-submit? Sa lahat – hindi lang sa presidente, kundi kahit sa gobernador at mayor. E paano kung kurakot, salbahe, at iresponsable ang nasa gobyerno? Pwede na sigurong di magsubmit sa kanila pag ganun? E bakit pa ito sinulat ni Pablo sa mga taga-Roma, na magpasakop sila? Di ba’t pagan ang government nila? Itinuturing nilang “Caesar is Lord”. Persecuted ang mga Christians, ang iba ikinukulong, ang iba pinapatay. Mabuti man o masama ang gobyerno, our responsiblity is to submit to the authority.

Ganoon din ang sabi ni apostol Pedro sa mga Cristianong nagdurusa dahil sa abusive na government, Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, maging sa emperador na may pinakamataas na kapangyarihan o sa mga gobernador na sinugo ng Dios para magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti” (1 Pedro 2:13-14 ASD). Magpasakop sa lahat, hindi lang sa iilan, o kung sino lang ang kunsunada nating sundin.

Bakit natin ‘to gagawin? Hindi dahil karapat-dapat sila, hindi dahil kagalang-galang sila, hindi dahil responsable sila. Sabi ni Pedro, “Alang-alang sa Panginoon…” Para sa Dios. Because God is worthy of honor and respect and obedience. Ang pagpapasakop sa pamahalaan, ang paggalang sa mga namumuno, ang pagsunod sa batas trapiko, at ang pagbabayad ng tamang buwis ay pagsamba sa Dios. Kung nahihirapan kang magpasakop sa pamahalaan kasi naaalala mo ang mga kapalpakan nito, alalahanin mo ang Dios at ang kanyang kadakilaan at kabutihan.

Kahit na ang maluklok sa pwesto ay hindi mo naman binoto, you still submit. He is the one in authority; you’re not. Gagawin natin ito alang-alang sa Dios na naglagay sa kanila sa pwesto. “…Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto. Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila” (Rom. 13:1-2 ASD). Sa pasya ng Dios, in his sovereign wisdom, itinalaga niya ang human governments (even evil human governments!) para pamahalaan ang mundong nilikha niya. Kaya kapag inaatake mo ang bise-presidente, when you undermine his authority, hindi siya ang kinakalaban mo; ang Dios na naglagay sa kanya sa pwesto ang binabangga mo.

Nagpapasakop tayo sa mga namumuno dahil sila’y mga lingkod ng Dios para sa ikabubuti natin. “…Silaʼy mga lingkod ng Dios na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama” (Rom. 13:4); Sila’y “sinugo ng Dios para magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti” (1 Ped. 2:14). Gaano man ka-imperfect ang gobyernong meron tayo, kailangan natin sila. Makabubuti sa atin ang may namumuno sa atin. Isipin n’yo nga, paano kung walang gumagawa ng batas? kung walang nagpapatupad ng batas? kung walang nagpaparusa sa masama? Mas magulo, anarchy ang mangyayari. Sa halip na magreklamo tayo, magpasalamat tayo sa Dios at meron tayong gobyerno.

Alang-alang sa Dios at para rin sa ikabubuti natin, kailangan nating magpasakop. Paano? Sa pagsunod sa mga batas na meron tayo. Tulad ng pagbabayad ng buwis. “Iyan din ang dahilan kung bakit tayo nagbabayad ng buwis. Sapagkat ang mga namumuno ay lingkod ng Dios at inilalaan nila ang kanilang buong panahon sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kaya ibigay ninyo ang nararapat ibigay. Bayaran ninyo ang inyong mga buwis…” (Rom. 13:6-7). Kahit ang mga nasa pamahalaan mismo ang di sumusunod sa batas, tayo ay susunod. Kahit pa kinukurakot nila ang ibinabayad mong buwis, magbabayad ka pa rin ng tamang porsyento at hindi mandaraya.

Kapag idadahilan mong kukurakutin lang din naman, bakit pa magbabayad, wala ka ring pinagkaiba sa kanila. Ang totoo nga, di tayo sumusunod sa batas hindi dahil sa pagpoprotesta, kundi dahil sa personal convenience natin. Likas sa atin ang pagkamakasarili. Susunod kung convenient. Susuway kapag hindi. Kaya kaydali sa atin ang lumabag sa batas trapiko.

Pero siyempre, may limitasyon ang pagpapasakop sa gobyerno at pagsunod sa batas. Because God is our higher authority, ang kautusan niya ang nangingibabaw sa atin na sundin. We disobey leaders when they asked us to do something contrary to God’s will. Tulad nina Shadrach, Meshach, Abednego. Kasama sila ni Daniel na naglilingkod sa pamahalaan ng Babylonia. Inutusan silang sumamba sa rebulto ng hari. Kung hindi, lilitsunin sila. Sabi nila, “No way! Over our dead bodies! Ang Dios lang ang sasambahin namin” (Daniel 3:17-18). Si Daniel ganun din. May kautusan na bawal manalangin sa ibang dios. Ang parusa, ipapakain sa mga leon. Binuksan pa niya ang bintana at pintuan ng bahay niya para ipakita na ang Dios lang ang susundin niya (6:10).

Sina Pedro at Juan, pinagbawalang magturo tungkol kay Jesus. Sagot nila, “Isipin nga ninyong mabuti kung alin ang tama sa paningin ng Dios: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Dios? Hindi pwedeng hindi namin ipahayag ang aming nakita at narinig” (Gawa 4:19-20). Kasama ang ibang apostol, nakulong na sila’t pinagbawalan ulit. Sagot nila Pedro ulit, “Ang Dios ang dapat naming sundin, at hindi ang tao” (5:29).

Ang Dios ang pinaka-awtoridad ng buhay natin. Siya ang dapat nating sundin. At dahil sinabi niyang magpasakop tayo at sumunod sa ating gobyerno (except kung ito’y kontra sa kautusan niya), susunod tayo sa kanya.

HONOR: Igalang ang mga namumuno sa ating gobyerno.

Kung tayo’y nagpapasakop sa ating gobyerno, dapat iginagalang din natin ang mga namumuno sa gobyerno. “Kaya ibigay ninyo ang nararapat ibigay. Bayaran ninyo ang inyong mga buwis, igalang ang dapat igalang, at parangalan ang dapat parangalan” (Roma 13:7). “Igalang nʼyo ang lahat ng tao at mahalin nʼyo ang mga kapatid ninyo kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Dios, at igalang ninyo ang Emperador” (1 Pedro 3:17).

Kalooban ng Dios na sinumang nasa position of authority na mas mataas kaysa sa atin ay dapat nating igalang. Dapat igalang ng anak ang kanyang magulang, ng mga bata ang matatanda, ng asawang babae ang kanyang asawang lalaki, ng mga church members ang kanilang pastors at elders, ng mga mamamayan ang mga namumuno sa pamahalaan. Ano ang ibig sabihin ng honor or respect para sa kanila? Ibig sabihin, nirerespeto natin sila bilang tao, tinatanggap natin na sila’y nakatataas (in terms of authority) sa atin.

Even when they are not respectable, we respect them. Even when they are not honorable, we honor them. Bakit? Kasi sila rin ay kapwa-tao, nilikha sa larawan ng Dios. Ang Dios ang nagbigay ng dignidad at halaga sa pagkatao nila. Ang Dios mismo ang nagbigay halaga sa posisyong kinalalagyan nila sa gobyerno. We dishonor them, we dishonor God. Oo, may kapalpakan at pagkakamali ang mga namumuno. Pero ang dali kasi nating punahin ang mga negatibo. Ganun din sa magulang natin. Ganun din sa asawa natin. But we honor them when we learn to speak positively (truthfully) about them. Purihin din natin ang magaganda nilang ginagawa. Pasalamatan natin ang magaganda nilang contributions sa bayan natin.

Ibig sabihin ba bawal na silang punahin sa mga pagkakamali nila? Pwede naman. We hold them accountable. Concern kasi tayo kung ano ang katotohanan at maging sila din kung lumabag sa batas ay dapat managot at parusahan. Pero wag tayong padalus-dalos sa paghusga. Di naman natin hawak ang ebidensya, di pa naman natin nasusuri, sasabihin na agad natin na corrupt o irresponsible o murderer o lawbreaker. Para saan pa’t meron tayong justice system?

At kung may basehan naman ang mga criticisms natin, dahan-dahan sa pagsasalita. Avoid judgments and labels about their personhood, tulad ng “walang kuwenta talaga iyan, inutil yan, kriminal yan, mamatay na sana yan, sunugin na sa impyerno ang kaluluwa niyan.” Paalala ni Pablo sa pastor na si Tito, Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at may kapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang magsalita ng masama laban kaninuman, at turuan mo silang maging mahinahon at magalang sa lahat ng mga tao” (Tito 3:1-2 MBB).

Iwasan natin ang mga salitang disrespectful laban sa kanila. Iwasan natin ang panlalait, paninira, pagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanila, o mga balitang wala namang sapat na basehan. Iwasan nating gawin silang katatawanan. Bakit? Kasi tayo rin naman katulad nila dati noong tayo’y hiwalay pa kay Cristo.

Sapagkat noong una, tayo rin ay kulang sa pang-unawa tungkol sa katotohanan at mga masuwayin. Nilinlang at inalipin tayo ng lahat ng uri ng kahalayan at kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Kinapootan tayo ng iba, at kinapootan din natin sila. Ngunit nang mahayag ang biyaya at pag-ibig ng Dios na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa (Tito 3:3-5 ASD).

Itinuring tayong matuwid ng Dios, kahit na tayo’y mga makasalanan. Binigyan tayo ng karangalan ng Dios, kahit na binastos natin ang pangalan niya. Because of his grace to us, we treat others not for what they deserve. This is called grace. Kahit di pa sila respectable or honorable, we respect and honor them. Dahil ito ang kalooban ng Dios na gawin natin. God deserves our obedience. At dahil rin sa biyaya niya kaya tayo’y naligtas, hindi sa sariling gawa natin, kaya ito rin ang naisin natin para sa mga nasa gobyerno.

PRAY: Ipanalangin ang mga namumuno at nagtatrabaho sa gobyerno.

Hindi ba’t tumanggap tayo ng limpak-limpak na biyaya mula sa Dios? Bakit pagdating sa prayer, nagiging makasarili tayo. We pray for our health, for our families, for provision, for protection, for material prosperity. Karamihan pansarili. How many times you pray for other people and for our government? Sabi ni Pablo kay Timoteo, Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat. Ipanalangin nʼyo ang mga hari at mga may kapangyarihan…” (1 Timoteo 2:1-2 ASD).

Kung disappointed ka sa gobyerno, kung dismayado ka sa performance nila, ano una mong ginagawa? Pinupuna, binabatikos, pinagkukuwentuhan, pinopost sa Facebook. Sabi ni Pablo, unang-una nating dapat gawin ay isumbong sila sa Dios. Ipanalangin sila. Hilingin sa Dios hindi lang ang maayos nilang pamamahala, kundi ang kaligtasan nila. Yun ang mas mahalaga. Hindi lang ang kaligtasan mo ang nais ng Dios. Nais din ng Dios ang kaligtasan ng lahat ng tao, ordinaryong mamamayan man o naglilingkod sa pamahalaan. “Nais niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan. Sapagkat iisa lang ang Dios at iisa lang ang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Itoʼy walang iba kundi ang taong si Cristo Jesus” (vv. 4-5).

Kung ipanalangin natin si Duterte o si Roxas (sino man ang maging presidente), tapos binago ng Dios ang puso nila, narinig nila ang ginawa ni Jesus para sa kanila, at naging tagasunod sila ni Jesus, that’s good! Kaya sabi ni Pablo, Mabuti ito at nakalulugod sa Dios na ating Tagapagligtas” (v. 3). Kasi maitataas ang pangalan niya. Kasi sa panalangin, kinikilala nating siya lang ang may kakayahang bumago sa puso ng presidente. “The king’s heart is a stream of water in the hand of the Lord; he turns it wherever he will” (Proverbs 21:1 ESV). Kung protesta tayo nang protesta, batikos nang batikos, wala namang magbabago. Pero kung mananalangin tayo, dun nangyayari ang pagbabago. Mas makapangyarihan ang tuhod natin kaysa sa bibig natin.

Kung manalangin tayo, at magkaroon ng pagbabago sa puso ng mga namumuno, natural mainam para sa atin at para ating pamilya. Yun nga ang dahilan kaya sinabi ni Paul na ipagpray natin sila. “…para makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa na may kabanalan at tamang pag-uugali” (1 Tim. 2:2 ASD).

Ipapanalangin natin ang sinumang namumuno sa gobyerno para sila’y maligtas, para maparangalan ang Dios, at para rin sa ikabubuti natin. Kaya naman, kung hindi mo pa practice hanggang ngayon, isama mo sa regular na personal prayer mo ang government natin. Magpasya ka kung gagawin mo ito araw-araw o minsan sa isang linggo. Sa prayer life ko, natutunan kong magpray “in concentric circles.” Una sa sarili ko, then sa pamilya ko, tapos mga dinidisciple ko at kasama ko sa Fight Club, tapos mga leaders ng church, mga members ng church, mga unbelievers, ang bansa natin, at iba pang lahi sa buong mundo. Make sure you’re praying for our country regularly. Isasama din natin yan sa mga prayer gatherings natin, sa GraceCommunity prayer times, at sa prayer sa Worship Service.

WORK: Magtrabahong mabuti para sa ikauunlad ng bansa.

Magpepray tayo para sa mga namumuno sa gobyerno. Kasi siyempre gusto nating magawa nila nang maayos ang mga responsibilidad nila. Pero hindi pwedeng sila lang ang gagawa. Hindi pwedeng tayo’y magpepray lang. Meron din tayong trabaho na dapat gawin para sa ating bayang kinabibilangan, dito man sa Pilipinas o kung sa ibang bansa ka titira o magtatrabaho. Parang itong mga mamamayan ng Israel, nang mabihag ang southern kingdom of Judah sa Babylon, 70 taon silang namalagi doon. Ang sabi ng Dios sa kanila, through Jeremiah,  “Tumulong kayo para sa kabutihan at kaunlaran ng lungsod na pinagdalhan sa inyo. Ipanalangin nʼyo ito dahil kapag umunlad ito, uunlad din kayo” (Jer. 29:7 ASD). “But seek the welfare of the city where I have sent you into exile, and pray to the LORD on its behalf, for in its welfare you will find your welfare” (ESV). Magtrabaho tayong lahat – kabataan man o katandaan – at gawin ang lahat ng magagawa natin para umunlad ang bansa natin.

Oo nga’t tayo bilang mga Cristiano ay hindi na taga-mundo. We are citizens of the Kingdom of God. Yan ang higher allegiance natin. Pero tayo pa rin ay Filipino citizens. Dito tayo nakatira, kasama ang mga anak natin. Kapag napasama ang bansa natin, may epekto sa buhay natin. Kapag napabuti, para din sa ikakabuti natin. “In its welfare you will find your welfare.” Kung wala kang pakialam sa pag-unlad ng bansa, wala ka ring pakialam sa kinabukasan ng mga anak mo. Kung hindi mo ginagawa ang tungkulin mo bilang isang mamamayan, wala kang karapatang sabihan ang mga opisyal ng gobyerno na di sila tumutupad sa sinumpaan nilang tungkulin.

Kung nag-aaral ka pa, mag-aral kang mabuti. Tumulong ka sa mga gawaing bahay. Kung wala ka pang trabaho, maghanap ka ng trabaho. May lakas ka, may talino ka, gamitin mo para sa pamilya mo, para sa bayan mo. Kung nagtatrabaho ka, husayan mo ang pagtatrabaho. Wag kang mandaya sa oras. Gawin mo nang buong sikap. Kung may nakikita kang kailangang gawin o ayusin sa barangay n’yo o sa bayan natin, isipin mo kung paano ka makakatulong. Isama mo ang GraceComm mo o ang church natin sa pagpaplano. Last year, nagpaliga tayo ng basketball sa mga kabataan. Sabi ng mga magulang nila, “Pastor, mainam po ang ginawa n’yo. Kaysa naman kung anu-ano ang gawin ng mga kabataang iyan, mainam na involved sila sa sports.” Ulitin ulit natin! Tumutulong din tayo sa pagtuturo ng parenting at family development sa mga recipients ng 4Ps sa ating barangay. At kung may maisip pa kayong proyekto na makakatulong sa mga kababayan natin, gawin natin.

O pwede kang magsimula sa sinasabi ni Alex Lacson na 12 Little Things We Can Do for Our Country:

  1. Follow traffic rules. Follow the law.
  2. Whenever you buy or pay for anything, always ask for an official receipt. 
  3. Don’t buy smuggled goods. Buy local. Buy Filipino.
  4. When you talk to others, especially foreigners speak positively about us and our country.
  5. Respect your traffic officer, policeman and soldier.
  6. Do not litter. Dispose your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve.
  7. Support your church.
  8. During elections, do your solemn duty.
  9. Pay your employees well.
  10. Pay your taxes.
  11. Adopt a scholar or a poor child.
  12. Be a good parent. Teach your kids to follow the law and love our country.

Little things. Kaya nating gawin, sa abot ng ating makakaya. Gagawin natin dahil tayo ay mamamayan ng bansang ito. Pero alam nating hindi sapat ang mga yan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa Pilipinas. Makakatulong, oo. Pero kulang pa rin. Tandaan nating tayo ay mamamayan ng kaharian ng Dios. Ang layunin natin ay higit pa sa mapaunlad ang ating bansa. Ang layunin natin ay maipakilala si Jesus sa lahat ng Filipino (at lahat ng tao sa buong mundo). Gagawin natin yan sa pagbabahagi ng salita ng Dios at pagpapakita sa ating mga mabubuting gawa. Dahil ang nais natin, ang nais ng Dios, balang araw lahat ng tuhod ay luluhod kay Jesus at kikilalanin siyang Panginoon at Tagapagligtas. Darating ang tunay na pagbabago kung si Jesus ang kikilalaning Hari ng bawat Filipino.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.