Fighting Sexual Sins

abstract-2100This is the second part of our short, two-part sermon series “Marriage Under Attack.” Last week, pinag-usapan natin ang issue ng same-sex marriage at homosexuality – kung paano ito sumisira sa magandang disenyo ng Diyos sa marriage at kung ano ang dapat nating maging response dito bilang mga Christians na nasa ilalim ng batas ng Diyos. “Since marriage is the most basic of all human relationships…it is essential that marriage be jealously guarded from every form of attack. In our time, the institution of marriage is under severe siege” (James Kennedy, foreword of Randy Alcorn’s Restoring Sexual Sanity, xi).

Kaya kasunod ng utos na “You shall not murder” ay “You shall not commit adultery” (Exod. 20:13-14), dahil Diyos mismo ang protector ng marriage. “Marriage should be honored by all (may asawa man o wala), and the marriage bed kept pure, for God will judge the adulterer and all the sexually immoral” (Heb 13:4 NIV). Kaugnay ng adultery na iyan hindi lang ang aktuwal na pakikipagtalik sa hindi asawa, kundi lahat na rin ng uri ng sexual sins – sexual fantasies, lustful desires, pornography, masturbation, homosexuality, at pre-marital sex o fornication.

The 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS) conducted among 19,178 respondents showed:

  • 1 out of 3 Filipino youth had premarital sex
  • 14% of females aged 15 to 19 (1.4 million) have begun childrearing
  • 15% of males have more than one sexual partner
  • 25% have sent or received sex videos through cellphone or the Internet
  • 7.3% have engaged in casual sex or sexual activities outside a romantic relationship
  • 5.3% of males have also experienced having sex with other males

According to Internet Pornography Statistics:

  • There are now 4.2 million pornographic websites (12% of total websites)
  • 42.7% of internet users view pornography
  • 1 in 7 youths have received sexual solicitation online
  • Average age of first Internet porn exposure is 11 years old

Wag nating isiping sa labas lang ng church nangyayari iyan. Many of us still struggle with sexual sins. Hindi exempted kaming mga pastor. Last June 21, si Tullian Tchividjian, pastor of Coral Ridge Presbyterian Church sa US, apo ni Billy Graham, nagresign. Pagkatapos daw ng isang ministry trip niya, nadiscover niya ang asawa niya na may affair. Nagkaroon sila ng separation. Nagsabi siya sa isang female friend. Kaso, iyon din ang naging dahilan para magkaroon din siya ng affair. They committed adultery. Sabi niya, “Both my wife and I are heartbroken over our actions and we ask you to pray for us and our family that God would give us the grace we need to weather this heart wrenching storm.”

Nalungkot ako sa nabalitaan ko. For the last two years kasi, I’m following his ministry. Nabasa ko ang book niya na Jesus + Nothing = Everything, malaki ang impact sa akin. Regular din akong nakikinig ng mga sermons niya. Sa kanya ko natutunan na palagi tayong dapat nakasentro kay Jesus at sa kanyang ginawa para sa atin. Sabi pa niya sa isang sermon niya, “The world says that your greatest problem is outside of you and the solution is inside of you. The gospel says that your greatest problem is inside of you (mga sinful desires natin tulad ng sexual sins) and the solution is outside of you (the gospel!).”

Ang kasalanan ng mundo ay kasalanan din ng church. Nakakalungkot, pero totoo. Hindi man sexual sins ang struggle ng iba sa inyo, pero indication pa rin ito ng pakikipaglaban natin sa mga natitirang kasalanan sa puso natin.

Ganoon din sa church sa Corinth. Oo, secular, worldly, sexually immoral din ang society nila. Pero ang church nila nahahawa din. May cases ng incest (sexual relations with a family member), prostitution, pre-marital sex, adultery at iba pa (1 Cor. 5-7). Kaya sumulat si Pablo para ipaalala sa kanila kung paano sila dapat lumaban sa kasalanang iyan. At ako bilang pastor ninyo, I want to share to you biblical strategies for fighting against sexual sins. Hindi dahil totally victorious na ako sa sexual struggles. I’m not! Pero alam kong may ginagawa ang Diyos sa puso ko so that I can overcome any remaining lustful desires. At sa inyo man na hindi sexual sins ang struggles n’yo, maaaring relational at iba pa, makinig din kayo. Ang mga strategies na ‘to ay applicable din sa paglaban sa ibang mga kasalanan, at para din matulungan n’yo ang mga kapatid nating dumaraan sa ganitong sexual temptations.

Worship: CULTIVATE your intimate relationship with God.

God created us for intimacy, to worship him, to enjoy him. Yan ang ibig sabihin ng paglikha sa atin ng Diyos in his image (Gen. 1:26-27). At nilikha ng Diyos ang marriage as a reflection of that intimacy – na ang dalawa ay nagiging isa, na nakahubad sila pero di sila nahihiya (Gen. 2:24-25). Ang ganda ng disenyo ng Diyos sa sex, not just to reproduce life, but to enjoy life.

Kaso, tulad nina Adan at Eba sa Gen. 3, pinili nating mga tao na hanapin ang kasiyahan natin sa iba, hindi sa Diyos. Akala natin, sex at relasyon ang makapagpapasaya sa atin. Sexual sin is idolatry, ipinagpalit natin ang Diyos, sabi nga ni Pablo sa Romans 1:25. Tinalikuran natin ang Diyos, na siyang “fountain of living waters,” at uminon tayo ng tubig from the poisonous waters of sexual lusts (Jer. 2:13).

Tulad ng Samaritan woman na nakausap ni Jesus sa John 4. Alam niyang maraming lalaki ang naging sexual partners na ng babaeng ito (4:17-18). Pero hindi niya sinabing, “Malandi kang babae ka! Tumigil ka na sa kahalayan mo!” Alam niya na uhaw sa pagmamahal ang babaeng ito. Kaya ang sabi niya, “Halika, paiinumin kita ng tubig. Ang tubig na ibibigay ko sa iyo, kapag ininom mo hindi ka na muling mauuhaw” (vv. 13-14). Then Jesus taught her about true worship (vv. 23-24). Ang Diyos lang, sa pamamagitan ng malapit at mainit na relasyon sa kanya, ang makakapawi ng uhaw natin sa tunay na pagmamahal. Tulad nga ng sabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, “The body is not meant for sexual immorality, but for the Lord, and the Lord for the body” (1 Cor. 6:13b).

Meron isang small group member namin sa 25-week program ng Living Waters ang nagshare tungkol sa kanyang “deep longing for intimacy.” Yan ang palagi niyang sinasabi. Kaya attracted siya sa mga kapwa-lalaki. Sabi ko sa kanya, “Alam mo, hindi mawawala iyang deep longing for intimacy mo. Regalo iyan ng Diyos sa iyo. Pinalalaki niya ang capacity mo for intimacy. And he wants to fill that void in your heart.” So I prayed for him, “Lord, yakapin mo siya, romansahin mo siya, halikan mo siya, iparamdam mo ang presence mo sa kanya na ang thrill ay higit pa sa isang sexual encounter.”

So kung struggling ka sa sexual sins ngayon, at feeling mo ang dumi-dumi mo, huwag mong intaying maging okay ka muna bago ka lumapit sa Diyos. “Come as the sinner you are, to the God who loves you” (Dietrich Bonhoeffer). At kung may kilala kang struggling – kasama sa church, asawa mo, anak mo – huwag mo siyang itaboy palayo, ilapit mo siya sa Diyos.

Repentance: CONFESS your sins to God and to one another.

Sa pagtanggap at pagmamahal sa atin ng Diyos, hindi niya sinasabing okay ang kasalanan. No! Pero tinutulungan niya tayong labanan ito at tuluyang tumalikod dito. That’s what repentance means. At magsisimula ito sa confession, sa pag-amin na tayo’y lumabag sa utos ng Diyos, sa pagsang-ayon sa Diyos tungkol sa pag-violate natin ng mga sexual boundaries. Ngayon kasi, parang wala nang boundaries. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Ganoon din sa Corinth, may kasabihan na, “All things are lawful for me” at “Food is meant for the stomach and the stomach for food” (1 Cor. 6:12-13). Sinasabi ni Paul, “Sige, gusto mong gawin ang gusto mong gawin, pero tandaan mong hindi lahat ng gusto mo makakatulong sa iyo, ang iba tulad ng sexual sins, aalipin sa iyo, kokontrol sa iyo, sisira sa iyo.”

Kapag nagsisisi ka, inaamin mong ang sex outside of marriage (actual man o fantasized) ay masama sa paningin ng Diyos at makasasama sa atin at sa relasyon natin sa iba. Ginamit ni Paul ang case ng sex with a prostitute, pero you can extend this to other sexual sins, “Or do you not know that he who is joined to a prostitute becomes one body with her? For, as it is written (in Gen. 2:24), ‘The two will become one flesh'” (1 Cor. 6:16). Ang sex ay physical expression ng ganitong soul-deep intimacy.

  • When we confess our sexual sins, naniniwala tayo na ang design ng Diyos sa sex ay “two become one” – hindi pwedeng mag-isa lang, hindi lang sa sarili nating satisfaction, tulad ng sa masturbation, sexual fantasies, or indulging in pornography. Walang love diyan, puro lustful, self-centered desires.
  • Naniniwala din tayo na ang sex ay sa context ng love commitment in marriage. Only in marriage! Kaya ang pre-marital at extra-marital sex ay fornication o sexual immorality. At kahit sa asawa natin, hindi pwedeng makapag-sex lang, but it must be done in the context of love, care, honesty, trust, and harmony.
  • Naniniwala din tayo na ang design ng Diyos sa sex ay complementarity. Two shall become one flesh, isang lalaki at isang babae, hindi pwedeng same-sex.

When we violate any of these, we confess to God. He is faithful and just, patatawarin niya tayo sa ating mga kasalanan, kahit gaano pa kagrabe iyan (1 John 1:9). Oo makakalapit tayo ng direkta sa Diyos sa confession. Pero wag nating sasabihin tungkol sa kasalanan natin, “It’s just between me and the Lord.” Sabi ni Garrett Kell sa kanyang blog post, “Sin thrives in isolation. Satan lives in the darkness and longs to keep us there. Lies live best in the darkness. That’s why when God calls us to himself, he calls us into the church.” Mapapatay natin ang nakatagong kasalanan kung ieexpose natin ito sa liwanag, sa mga kapwa natin Cristiano, na mga makasalanan ding tulad natin. Hindi sa lahat ng tao, kundi sa ilan sa ating few trusted brothers or sisters, tulad ng ginagawa na ng ilan sa inyo sa Fight Clubs. Ayon naman din ito sa salita ng Diyos, “Confess your sins to one another, that you may be healed” (James 5:16).

Last June 27, sa Healing Conference ng Living Waters sa GenSan, nagturo ako tungkol sa confession. Nagkaroon kami ng confession stations pagkatapos kung saan pwede silang lumapit sa amin at aminin ang kasalanan nilang karamihan ay nakatago at wala pang nakakaalam. Inabot na kami ng gabi sa dami ng confessions – maraming mga sexual sins na di alam ng church nila, ng Bible school nila, ng asawa nila. Pero on that day, dahil sa confession, naranasan nila ang simula ng freedom from the bondage of shame and guilt na dulot ng kasalanan.

Meron ka bang ilang tao na masasabihan ng kasalanan mo? Na wala kang itatago? Meron ka bang Fight Club? If you are deep into sexual addiction at di mo alam ang way of escape, wag kang matakot lumapit sa akin o sa ibang leaders ng church.

Faith: COME to the cross of Jesus.

Alam naman nating pinatawad na tayo ng Diyos. Pero kapag sexual sins, parang mas matindi ang shame at guilt na nararamdaman natin. At ito ang inam na may Fight Club tayo. Ginagamit ng Diyos ang kapatid natin para ipaalala sa atin ang gospel – the good news na meron na tayong full forgiveness dahil kay Jesus. We fight sexual sins by faith in Jesus. Hindi self-effort, hindi sarili nating performance, kundi sa ginawa ni Jesus para sa atin.

Nang mabasa ni St. Augustine ang Romans 13, naging powerful iyon para makalaya siya sa kanyang mga sexual sins, “But put on the Lord Jesus Christ, and make no provision for the flesh, to fulfill its lusts” (Rom 13:14 NKJV). Siya ang kailangan natin sa labang ito. Para sa ating laban sa kasalanan, the gospel of Jesus, or “the word of the cross” – “it is the power of God” (1 Cor. 1:18 ESV; also Rom. 1:16). Kaya dapat nating laging alalahanin na si Cristo ang ating “Passover lamb” na siyang inalay para sa atin – sa kanyang buhay at kamatayan at muling pagkabuhay – para mapatawad at mapalaya tayo sa kasalanan. Inako na ni Jesus ang anumang kahihiyan, kahatulan at kaparusahan na nararapat sa ating mga kasalanan. When you come to the cross, and believe his finished work for you, mararanasan mo ang kalayaan na dulot ng pagpapatawad niya.

At dahil kay Cristo, hindi na sexual addict o sexually immoral ang identity mo. Sa mga taga-Corinto, sa atin din, sabi ni Pablo na sila ay “sanctified in Christ Jesus” (1 Cor. 1:2). Dahil kay Jesus, binihisan na tayo ng Diyos ng katuwiran at kabanalan at kalinisan (1 Cor. 1:30; 2 Cor. 5:21). Oo nga’t sinabi niyang ang mga sexually immoral, adulterer at homosexual ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. Pero hindi na iyon ang identity nila. Dahil kay Cristo! “And such were some of you (bad news!). But (good news!) you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God” (1 Cor. 6:11). At dahil diyan, nasa atin na rin ang Holy Spirit, “Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, whom you have from God? You are not your own, for you were bought with a price. So glorify God in your body” (6:19-20).

Dahil nasa atin ang Espiritu, we don’t have to fight this war against lust on our own. Dapat panghawakan nating sapat ang biyaya ng Diyos na baguhin at palitan ang mga desires sa puso natin. Panghahawakan natin ang kanyang mga “precious and very great promises” para labanan ang ating mga sexual desires (2 Pet. 1:4). Sabi ni John Piper, “I have often told young people that they must fight fire with fire. The fire of lust’s pleasures must be fought with the fire of God’s pleasures” (Future Grace, 336). Paniniwalaan mo ang pangako ng Diyos na wala siyang mabuting bagay na ipagkakait para sa iyo (Psa. 84:11), na sa piling niya ay “fullness of joy…pleasures forevermore” (Psa. 16:11), na mapalad ang mga may malinis na puso dahil masisilayan natin ang Diyos (Matt. 5:8; Heb. 12:14), na muli tayong bubuhayin ng Diyos at sa araw na iyon ay wala nang matitira kahit na isang sexual sin (1 Cor. 6:14; Rom. 8:13). Ang mga pangakong iyan ay higit sa mga kasinungalingang ipinapangako ng mga sexual sins. We overcome lusts by the superior satisfaction of the promises of God.

Obedience: COMMIT to a life of loving others well.

Hindi lang sapat na patayin natin ang mga sexual sins, dapat palitan natin ito ng life of purity. The goal is not just to fight lustful desires, but pray that we will love others well. Sa pagtingin natin kay Cristo, nababago tayo, at gawa ito ng Espiritung nasa atin (2 Cor 3:18). Pinapatay natin ang mga natitira pang kasalanan sa atin “by the Spirit” (Rom. 8:13). Kaya naman sa laban sa sexual sins, kailangan nating ibabad sa prayer. Hilingin natin sa Diyos na tulungan tayo. Hilingin mo din sa iba na ipagpray ka at tulungan ka.

As we pray, tandaan natin na meron tayong responsibilidad. Accountable tayo sa mga actions na gagawin natin. “Flee from sexual immorality…” (1 Cor. 6:18). Lalayuan natin yan at yayakapin ang mga relasyong healthy, pure, and godly. Gawin mo ang lahat ng dapat gawin.

  • Kung may mga lugar na prone ka sa sexual temptation, wag mo nang pupuntahan. O kaya, dapat meron kang kasama o merong nakakaalam ng mga pinupuntahan mo.
  • Kung Internet sa bahay o sa mobile phone ang source of temptation mo, anong gagawin mong hakbang? Baka naman di mo kailangang may Internet sa phone? O kung bibigyan mo ang anak mo ng smartphone, aware ka ba sa mga binibisita niyang websites?
  • Kung may asawa ka, hindi lang sapat na sabihin mong di mo naman binibigay ang katawan mo sa iba. Ang tanong, ibinibigay mo ba ang katawan mo sa asawa mo? “Ang lalaki ay mayroong karapatan sa katawan ng kanyang asawa. At ganoon din naman, ang babae sa kanyang asawa” (1 Cor. 7:4 ASD). Kahit matanda na kayo, mahalaga pa rin ang sexual intimacy. Kumusta ang sex life n’yong mag-asawa? Sinusunod n’yo ba ang Proverbs 5:18-19, “Magpakaligaya ka sa iyong asawa…Lumigaya ka sana sa kanyang dibdib, ganoon din sa kanyang pag-ibig” (ASD).
  • Mga singles, lalo na sa mga may boyfriend at girlfried, kung nag-aapoy na kayo sa init ng relasyon n’yo, anong gagawin n’yo? Magpakasal na kayo. OK lang kahit early 20s pa lang kayo. Hindi solution ang marriage sa sexual sins, pero sabi nga ni Pablo, “It is better to marry than to burn with passion” (1 Cor. 7:9 ESV).
  • At sa mga babae naman, kung alam n’yo nang nagsstruggle ang mga lalaki kapag nakita kayong maikli ang shorts at plunging ang neckline, tulungan n’yo naman din kami. Ayusin na ninyo ang pagdadamit n’yo. Alang-alang sa pagmamahal sa mga kapatid n’yong lalaki.
  • Mga tatay at nanay, tulungan naman natin ang mga anak natin na matutunan ang tungkol sa sex. Sana ang sermon na ‘to ay maging discussion starter sa inyo. Tanungin n’yo ang anak n’yo, “Nagstruggle ka ba sa porn at masturbation?” Tulungan n’yo sila. Wag mahiyang pag-usapan. Kung ayaw n’yo, hayaan n’yo na lang ang media at barkada ang magturo sa kanila. Pero mananagot kayo sa Diyos.
  • Para sa akin, alam ko ang mga areas of weaknesses ko pagdating sa sexual temptations. Kaya nagcommit ako na sabihin sa asawa ko kung saan ako vulnerable sa temptations. Meron akong Fight Club kung saan I can make regular confessions to help me in this fight of faith. Hindi rin pwedeng magspend ako ng time kasama ng isang babae na kaming dalawa lang. Sa visitations, tatanungin ko kung may kasama siya sa bahay. Sa counseling, dapat sa public place, o kung sa office, sisiguraduhin kong may ibang tao. Sa motor, walang aangkas na ibang babae maliban sa asawa ko at sa mommy ko. Sa kotse, ganoon din, at kung may isakay man, sa likod mauupo at hindi sa harap. I have to do everything I can to protect my relationship with God and my family. Kahit pa minsan ang ibig sabihin niyan ay kailangan kong mag-“No” sa mga invitations n’yo sa akin.

Sustained by Grace

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 246 na lalaking nasa full-time ministry na nakaranas ng “moral failure” (tulad ng case ni Tullian) within a two-year period, lumabas na merong apat na common characteristics sa kanila:

  1. None of the men was involved in any kind of real personal accountability. Kaya mahalaga ang confession in community.
  2. Each of the men had all but ceased having a daily time of personal prayer, Bible reading, and worship. Kaya nga mahalaga na i-cultivate natin ang relasyon natin sa Panginoon at laging lumapit sa krus at alalahanin ang ginawa niya para sa atin.
  3. More than 80 percent of the men became sexually involved with the other woman after spending significant time with her, often in counseling situations. Kaya nga dapat nating gawin ang lahat ng hakbang at mag-establish ng mga boundaries sa buhay at ministeryo para proteksyunan ang marriage at sexual purity natin.
  4. Without exception, each of the 246 had been convinced that sort of fall “would never happen to me.” Kaya nga di dapat tayong magmalaki na di mangyayari sa atin ito, at dapat tayong palaging nakadepende sa Panginoon sa panalangin.

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Tullian, nasa long ministry trip din ako noon. Hesitant akong ibalita sa asawa ko. Pero sinabi ko din sa phone dahil nalungkot talaga ako. Nang mabalitaan niya, nagtrigger iyon ng ilang mga insecurities namin sa relasyon namin. Nagkaroon ng takot sa akin, “Paano kung mangyari din sa amin iyon?” Pero anumang fears, insecurities, weaknesses na meron kami sa relasyon naming mag-asawa, ginamit iyon ng Diyos para mas maging honest kami sa isa’t isa, para mas maging maingat at mapagbantay dahil hindi natutulog ang Kaaway, para mas maging intentional kaming pag-initin pa ang pagmamahalan namin, at lalo na, para mas magtiwala kami sa gagawin ng Diyos to preserve and sustain our marriage to the end. Hanggang bumalik na si Jesus at sa araw na iyon ay ikasal tayong lahat sa kanya. And on that day, marriage will be no more. But our relationship with Christ will go on forever and ever.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.