On Same-Sex Marriage

Rainbow_flag_breezeToday and next week, magiging topic natin ay “Marriage Under Attack,” a two-part sermon series tungkol sa ilan sa mga isyung kinakaharap ng bawat pamilya ngayon. Sabi ni Tim Challies: “Marriage is under attack. Marriage has always been under attack. The world, the flesh and the devil are all adamantly opposed to marriage, and especially to marriages that are distinctly Christian. Marriage, after all, is given by God to strengthen his people and to glorify himself; little wonder, then, that it is constantly a great battleground.”

Isa sa mga isyung ito ay ang tinatawag na “same-sex marriage.” Nitong nakaraang June 26 lang, sa botong 5-4 ng US Supreme Court, legal na ang same-sex marriage sa buong United States. Ibig sabihin, nabago na ang traditional at biblical na definition ng marriage na maaaring sa pagitan lamang ng isang babae at isang lalaki. Ilang bansa na sa Europe ang nauna sa US sa ganitong desisyon. Ang Canada last 2005. Nakakalungkot at nakakatakot na mangyari din ito sa bansa natin. Dahil kung mabago ang definition ng marriage, apektado ang pamilya bilang basic institution sa society natin. Our families are under fire, dahil sa mga recent developments.

Kasunod na nga ba ang Pilipinas dito? Hindi pa naman siguro. Bagamat mukhang ang presidente natin ay pabor dito at meron ding panukala sa Kongreso na talakayin na ang ganitong usapin. Sa Family Code natin, malinaw na ang marriage ay sa pagitan pa rin ng isang lalaki at babae. At sa isang latest survey, 70% ng mga Filipinos ay hindi sang-ayon na i-redefine ito (). Buti na lang, strong pa rin ang Roman Catholic influence sa bansa natin, na kapareho din nating mga Evangelicals sa paniniwala tungkol sa marriage at sexuality.

Sabi ni Pope Francis sa mga Filipinos noong January 16 nang bumisita siya rito: “The family is also threatened by growing efforts on the part of some to redefine the very institution of marriage…As you know, these realities are increasingly under attack from powerful forces which threaten to disfigure God’s plan for creation and betray the very values which have inspired and shaped all that is best in your culture.”

Ganoon din naman si Archbishop Oscar Cruz: “Homosexuals are human persons with their intrinsic human dignity that should be respected by people of all races, colors, and creeds. And in the event that a man and another man or a woman and another woman want to live together, this they do at their own personal accountability. Such togetherness can be called a “Partnership,” a “Venture,” a “Contract,” an “Agreement” or whatever—but marriage it is not! It takes more but mere human preference to alter the Law of Nature.”

Ngayon, bakit mahalaga na talakayin natin ito? Pamilya natin ang nakasalalay dito. Mga anak natin din ang maaapektuhan nito sa mga susunod na panahon. Nakasalalay din dito ang relasyon natin sa ibang tao na iba ang paniniwala sa atin. Nakasalalay din dito kung paano natin ibabahagi at ipapakita sa buhay natin ang katotohanan ng Magandang Balita o gospel. Sabi nga ni Pedro, “Alalahanin n’yo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa kanino mang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa n’yo” (1 Pet. 3:15 ASD).

Sodom and Gomorrah (Gen. 18:17-19:29)

This problem is not new. Simula nang atakehin ni Satanas ang unang mag-asawa na sina Adan at Eba, God’s design for marriage is always under attack. Consider this famous story from Genesis 18:17-19:29.

Nangako ang Dios kay Abraham na magkakaanak sila ni Sara kahit matanda na sila. Paglipas ng 24 na taon ng paghihintay, kinumpirma ng Dios na makalipas ang isang taon matutupad na ang pangako niya.

Sinabi ng Dios, “Ipapakita ko kay Abraham ang gagawin ko. Magiging malaki at makapangyarihang bansa ang mga lahi niya sa hinaharap. Sa pamamagitan niya pagpapalain ang ibang mga bansa. Sa lahi niya, matutupad ang mga utos at mga pangako ko.”

Sinabi ng Dios kay Abraham, “Matindi ang daing ng mga tao sa Sodom at Gomora dahil sobrang sama na ng lugar na iyon.”

Nakiusap si Abraham sa Dios, “Lilipulin n’yo pa rin po ba ang lugar na iyon kung may 50 taong matuwid na naroon? Matuwid kayo at tapat kayong humatol, kaya’t alam kong hindi n’yo ‘yan gagawin.” Sumagot ang Dios, “Kung may makita akong 50, hindi ko ‘yan lilipulin.” Patuloy na nakiusap si Abraham, “Paano kung 40?” “Hindi rin,” sagot ng Dios. “Paano kung 30…o 20…o 10?” “Hindi rin,” sagot ng Dios.

Magdidilim na ng ipinadala ng Dios ang dalawang anghel sa Sodom. Naroon si Lot, pamangkin ni Abraham na piniling tumira doon kasama ang kanyang pamilya. Sinalubong sila at inanyahahang tumuloy muna sa kanyang bahay. Sumama naman ang dalawa. Matapos nilang kumain at matutulog na sana, dumating ang ilang mga lalaki at pinaligiran ang bahay ni Lot.

Tinawag nila si Lot at tinanong, “Nasaan na ang mga bisita mong lalaki? Palabasin mo sila rito at gusto namin silang sipingan.”

Hinarap sila ni Lot at sinabi, “Wag n’yo gawin ang iniisip n’yong masama. Mga bisita ko sila. Kung gusto n’yo, ito na lang dalawang anak kong dalaga ang galawin n’yo.”

Nagpumilit sila at sinabi, “Huwag kang makialam! Umalis ka diyan at baka ikaw pa ang masaktan namin!” Papasok na sana sila sa pintuan, pero hinatak ng dalawang anghel si Lot papasok at binulag ang mga lalaki sa labas.

Sinabi ng dalawang anghel kay Lot, “Lilipulin namin ang lugar na ito dahil sa kasamaan nito. Kaya isama mo ang lahat ng pamilya mo at umalis na kayo.” Dali-dali namang sinabihan ni Lot ang mga magiging manugang niya, pero di naniwala dahil akala nila’y nagbibiro lang siya.

Nang malapit nang mag-umaga, sinasabihan si Lot ng mga anghel, “Dalian mo! Isama mo na ang asawa mo at dalawang anak mong babae at baka madamay kayo kapag nalipol na ang lugar na ito.” Hindi pa sana aalis si Lot. Pero dahil naawa ang Dios sa kanila, hinawakan sila ng mga anghel sa kamay at dinala palabas ng lungsod.

Paglabas nila, sinabihan sila ng Dios, “Tumakbo kayo! Huwag kayong lilingon o hihinto!” Nakasikat na ang araw nang makalayo na sila. Biglang pinaulanan ng Dios ng naglalagablab na asupre ang Sodom at Gomora na ikinamatay ng lahat ng nakatira roon. Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.

Inalala ng Dios si Abraham, nang lipulin ng Dios ang lugar kung saan nakatira si Lot, iniligtas niya muna si Lot para hindi ito mapahamak.

Ang pamilya din ni Lot under attack din. Tulad ng pamilya natin ngayon. Totoo ngang ang kuwentong ito ay hindi lang tungkol sa homosexuality. Pero kasama din iyan sa isyu dito. Mainam kasing makita natin ang isyung ito in light of the bigger picture of God’s plan, so we can respond rightly.

Homosexuality is a Sin

Meron kasing ilang Christians na nagsasabi na OK lang ang same-sex marriage. Meron pa ngang church dito sa bansa natin ang pangalan ay LGBTS (Lesbians-Gays-Bisexuals-Transgenders-Straights) Christian Church. Kahit mga taong hindi kabilang sa LGBT community, ang iba sa kanila aprubado dito. Sasabihin, “OK lang ‘yan. May choice naman tayong gawin kung ano ang makapagpapasaya sa atin. May kalayaan dapat tayong magmahal.”

Malinaw sa story na ang Sodom at Gomorrah ay makasalanan. At isa sa mga kasalanan ipinakita dito ay ang tangka (sinful desires) ng mga lalaki na sipingan ang dalawang bisita ni Lot (na mga anghel, pero di nila alam), na ayon kay Lot ay “masama” (Gen. 19:7). Sabi ng ilan, hindi homosexuality ang kasalanan dito, kundi inhospitality at tangka na gang rape. But later on, malinaw sa Kautusan ng Dios na ibinigay sa Israel tungkol sa sexual relations na kasalanan ang homosexuality, “Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil ito’y karumal-dumal” (Lev. 18:22 ASD). At kahit wala ang ganitong utos, ang sukatan para masabing ang isang sexual relation ay outside God’s boundary ay sa kanyang disenyo sa paglikha. Ganito ang ginamit ni Jesus na argumento nang tanungin siya tungkol sa divorce (Matt. 19:4-5). Sa disenyo ng Diyos ang pag-aasawa ay sa pagitan lang ng lalaki at babae (Gen. 1:26-27; 2:24).

Ang ugat ng kasalanang ito, tulad ng iba pang kasalanan, ay ang hindi pagkilala sa Dios, ang pagsamba sa iba nang higit sa Dios. In this context, homosexuality is a form of idolatry, paghahanap ng kasiyahan sa kapwa-babae o kapwa-lalaki na sa Dios lang matatagpuan. Ganito ang sabi ni Pablo:

Ipinagpalit nila ang katotohanan tungkol sa Dios sa kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha sa halip na ang Manlilikha na dapat papurihan magpakailanman. Amen! Dahil ayaw nilang kilalanin ang Dios, hinayaan na lang sila ng Dios na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran nila ang natural na pakikipagrelasyon sa babae, at sa halip ay pinagnasahan ang kapwa lalaki. Kahiya-hiya ang ginagawa nila sa isa’t isa. Dahil dito, pinarusahan sila gn Dios nang nararapat sa kanila (Rom. 1:25-27 ASD).

Again, hindi lang homosexuality ang issue dito – kasama ang gossiping, disobedience to parents, envy, boasting, slandering. At kahit hindi tayo ang gumagawa ng mga bagay na ito pero kung sinasabi nating OK lang ang mga ito, we are also accountable to God. “Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba” (Rom. 1:32).

Ngayon, ano ang dapat na response natin dito. Hindi pwedeng wala tayong pakialam. Hindi pwedeng tahimik lang tayo. At lalo namang hindi rin pwedeng we celebrate this new sexual revolution. Sabi ni John Piper, “Christians know what is coming, not only because we see it in the Bible, but because we have tasted the sorrowful fruit of our own sins. We do not escape the truth that we reap what we sow. Our marriages, our children, our churches, our institutions — they are all troubled because of our sins. The difference is: We weep over our sins. We don’t celebrate them. We don’t institutionalize them.”

Hindi ito dapat ipagdiwang o kaya’y balewalain; dapat itong iyakan.

Homosexuals are image-bearers and broken sinners

Meron tayong strong biblical conviction na ang homosexuality ay kasalanan. Pero hindi ito dahilan para magalit tayo o matakot sa mga homosexuals at kahit sa mga kapatid natin sa Panginoon na galing sa ganitong background at patuloy pa rin ang struggle sa same-sex attraction (SSA). It was almost one year nang magsimulang mag-air ang Living Waters Philippines ng Sa Panahon ng Paghilom every Monday night sa 702 DZAS. Ang co-host nito ay si Benji Cruz na national director ng Living Waters, na ang background ay SSA at minsan ay may mga guests din sa program na galing sa ganitong background. Nakakatanggap daw ng mga tawag ang DZAS at ang sabi, “Bakit n’yo pinapayagan sa radyo ang mga bakla? They are going to hell!”

Oo, makasalanan sila, at tulad din nating mga makasalanan kung hindi magsisisi’t magtitiwala kay Cristo ay sa impiyerno din ang punta. Pero there must be no room for hatred. Tandaan nating sila din ay nilikha sa larawan ng Diyos. Yes, they broken. But the image of God in them must lead us to treat them with the dignity and respect and honor that their Creator deserves.

Kung titingnan natin sa kuwento ng nangyari sa Sodom at Gomorrah, huwag nating isiping ang mga lalaki lang na nagtangkang gahasain ang mga bisita ni Lot ang makasalanan. Lahat ng tao sa Sodom at Gomorrah ay makasalanan. Lahat ng tao ay makasalanan (Rom. 3:23). Si Lot makasalanan, sa kagustuhang proteksyunan ang kanyang mga bisita, pati mga anak niyang babae ipapamigay. Anong klaseng tatay ito! Kahit sabihan siyang umalis, nagdadalawang isip pa (19:16) Ang mga mapapangasawa ng mga anak niyang dalaga makasalanan din, ayaw umalis at akala’y nagbibiro lang si Lot (19:14). Ang asawa ni Lot, hirap iwanan ang Sodom, lumingon pa na siyang ikipinahamak niya (19:26). Ang dalawang anak ni Lot, sa sumunod na bahagi ng kuwento, nilasing ang ama nila at sinipingan (incest, 19:30-38). The point of the story? Lahat ng tao ay makasalanan!

Noong student pa lang ako, ayoko sa mga bakla. Ayokong magpagupit ng buhok sa kanila. Ayokong nakikita sila. Ipinakita ng Diyos sa akin na iyon ay hindi dahil sa kanila, kundi dahil sa pride at self-righteousness sa heart ko. Na akala ko ay matuwid ako at mas masahol ang kasalanan nila sa akin. But the truth of the gospel confronts me that I am also a sinner, pareho lang tayo ng mga homosexuals na makasalanan. Ngayon, salamat sa Panginoon, sa involvement ko rin sa ministry ng Living Waters, I can sleep in the same room with a brother na galing sa ganitong background with peace in my heart. Naglilead din ako ng small group sa 25-week program nila. Ang co-leader ko galing sa SSA background. Ang apat sa limang small group members namin SSA din ang background. God taught me to love them as he has loved me.

Ang mga homosexuals ay di dapat kamuhian o katakutan; ituring natin silang katulad din natin na mga makasalanan.

Homosexuals also need God’s mercy found in the gospel of Jesus.

At dahil sila’y makasalanan, deserving sila ng judgment ng Panginoon. Sabi sa kautusan, “Kung ang isang lalaki ay sumiping sa kapwa lalaki ay, pareho silang dapat patayin dahil pareho silang gumawa ng karumal-dumal” (Lev. 20:13 ASD). Di ibig sabihing dapat ipatupad ang ganitong death penalty ngayon. Batas ito dati sa Israel. Ibig sabihin, seryosong kasalanan ang pinag-uusapan natin. Pero wag n’yong isiping ito lang ang karumal-dumal na kasalanan. Pati nga ang di-paggalang sa mga magulang ay kamatayan din ang parusa, o kung straight ka man pero di ka naging faithful sa asawa mo (Lev. 20:9-10). Kaya kung sinasabi mong dapat silang batuhin, parang binabato mo na rin ang sarili mo.

Nang malaman ni Abraham na lilipulin ng Diyos ang Sodom at Gomorrah, nakiusap siya at part ng appeal niya sa Diyos ay ang kanyang perfect justice at perfect righteousness – na di niya paparusahan ang matuwid (Gen. 18:25). Itinuloy ng Diyos ang judgment niya sa lugar na iyon dahil wala naman siyang nakitang matuwid, wala kahit isa (Rom. 3:10). At isinulat ang kuwentong ito to warn us of the judgment to come. “Alalahanin din ninyo na ang Sodoma at Gomorra at mga karatig-lunsod ay nalulong sa kahalayan at di karaniwang pagnanasa ng laman, kaya’t sila’y pinarusahan sa apoy na di namamatay bilang babala sa lahat” (Jude 7 MBB). Warning din iyan ng Panginoong Jesus, sa panahon ni Lot, masaya ang mga tao at nagdiriwang pa, tulad din ngayon, they were not aware of the judgment that is coming sa pagbabalik ng Panginoon (Luke 17:28-30).

But this story is not mainly a story about homosexuals or the judgment of God on sinners. This is a story of God’s mercy. Isa itong larawan o patunay kung paanong tutuparin ng Diyos ang pangako niya kay Abraham na sa pamamagitan niya’y pagpapalain ang ibang tao at ibang lahi (Gen. 12:1-3; 18:18-19). Ayaw pa ngang umalis ni Lot. Pero hinatak na sila ng mga anghel palabas. Bakit? “For the Lord was merciful” (19:16 NLT). Ito ang unang pagkakataon sa biblical story na binanggit ang salitang “mercy.” “This is a story of mercy: mercy to Lot, mercy to Lot’s family, mercy to Abraham in sparing his nephew. And ultimately, this is a story of mercy to us – we who have been similarly rescued from the impending judgment of condemnation and hell” (ESV Gospel Transformation Bible notes).

Paano nga ba naligtas si Lot at ang kanyang pamilya? Dahil ba righteous sila? Dahil ba they were better than others? No! Only because of their relationship with Abraham, because of Abraham’s intercession for them! Dahil “inalala ng Dios si Abraham” (19:29). Naligtas si Lot dahil kay Abraham. Naligtas tayo sa hatol ng Diyos dahil kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Sabi ni Paul:

Hindi n’yo ba alam na hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang masasama? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanma’y hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang mga imoral, sumasamba sa dios-diosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae, magnanakaw, sakim, lasenggo, mapanlait, at mandarambong. At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Dios para maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Jesu-Cristo at sa Espiritu ng ating Dios (1 Cor. 6:9-11 ASD).

Ang mga homosexuals, tulad din natin, ay nararapat tupukin ng naglalagablab na asupre ng galit ng Diyos. Pero ang apoy ng galit na iyan ay inako na ni Jesus sa krus. Tinanggap niya ang parusa ng Diyos para sa atin na mga makasalanan para matanggap natin ang awa at pagpapatawad ng Diyos. We are saved not because we are better, but because of Jesus.

Dahil tinanggap natin ang awa ng Diyos, ito rin ang awang ipapakita natin sa mga homosexuals, “Therefore be imitators of God, as beloved children. And walk in love, as Christ loved us and gave himself up for us” (Eph. 5:1-2 ESV). We reflect God’s mercy to them. We warn them of judgment. We call them to repentance. We lead them to the cross. We point them to the only One who can satisfy the deep longings of their heart. We tell them that their hearts are created not to be satisfied by another human being – same sex man o opposite sex – but only by God through Jesus. We are confident that the gospel is the power of God for our salvation and for their salvation (Rom. 1:16).

We are called to demonstrate the transforming power of the gospel to everyone.

Ito rin ang gospel na bumabago sa atin araw-araw, bumabago sa relasyon natin sa iba. Sa mga kapwa natin Cristiano, mga kapatid sa Panginoon, na hanggang ngayon ay nakikipaglaban sa homosexual desires, sasamahan natin sila. We will walk with them, para maranasan nila ang acceptance at love na galing sa Panginoon. Meron akong kinausap na isang member natin na nagstruggle dito. Di alam ng marami, di niya masabi sa iba. Pero sa pag-uusap namin, naramdaman niya ang pagtanggap sa kanya ng Diyos. He is now actively serving our church para mas mailapit pa ang marami sa Panginoon.

Sa gobyerno natin, patuloy na ipagpepray natin ang mga lawmakers natin. Oo magpapasakop tayo sa government (Rom. 13:1-7), but our primary allegiance is to Jesus our Lord. Kung dumating man ang panahong matulad tayo sa US, we will stand firm in our conviction. Tatayuan natin ang napakagandang disenyo ng Diyos sa pag-aasawa na di dapat sirain ng tao.

Sa ibang Christians at mga churches na sang-ayon sa same-sex marriage, iintindihin natin sila, ipapanalangin natin sila, at mahinahong ipapaliwanag natin ang posisyon natin at tutulungan silang makita kung saan sila nagkakamali. Gagawin natin ito with humility and gentleness, at hindi ipupuwersa ang paniniwala natin sa iba.

Dahil ang pamilya at pag-aasawa ay under attack, the best way to protect our family ay hindi atakehin din ang mga taong iba ang pananaw sa atin. The best way to protect our family against the assaults of the enemy is by loving our family well. Huwag na nating dagdagan ng ebidensya ang paratang ng LGBT community na hindi na “working” ang traditional family dahil sa dami ng divorce, unfaithfulness, adultery, neglect at abuse na nangyayari sa pamilya.

Mga may-asawa, be faithful sa asawa mo. Mahalin mo siya. Huwag mong pabayaan ang relasyon n’yo. Wag mong ipagpalit sa trabaho o kahit sa ministry. Mga magulang, lalo na ang mga tatay, mahalin natin ang mga anak natin. Ituro natin ang disenyo ng Diyos sa marriage at sexuality. At ang best way para turuan sila ay sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kanila. Huwag natin silang pabayaan. May mga lalaking naghahanap ng pagmamahal sa ibang lalaki dahil di naranasan ang pagmamahal sa kanilang tatay. May mga babaeng galit sa mga lalaki at ang gustong karelasyon ay babae dahil abusado at pabaya ang tatay. Let us love our family well. At kung single ka man, alalahanin mo ang ganda ng disenyo ng Diyos sa pag-aasawa. Wait for God’s best partner for you. And while waiting, continue being satisfied by the unfailing love of Christ for you.

Related sermon: Fatherhood and Homosexuality

8 Comments

  1. Sadly you are not God and God created all people the same, God made them gay and not you so spend your time doing some real good and not show your prejudice against good gay christians.

    Like

    1. I know you disagree with my convictions on same-sex marriage. But as you can see, I have tried to argue from Scripture and God’s design for our sexuality and for marriage. I hope you can cite reasons why you said “God made them gay” and “good gay Christians.”

      Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.