Part 5 – The Cross and Criticism

Pito ang patay sa pagsabog ng Challenger space shuttle noong January 28, 1986. Seventy-five seconds pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng takeoff. Anong nangyari? May mga piyesa na di nakayanan ang kundisyon sa itaas. Bumigay. Nagka-mechanical failure. Ayun, sumabog. Pero that’s not the whole story. Ayon sa New York Times, ang ugat na sanhi ng trahedyang ito ay pride. Isang grupo ng mga top managers ang di nakinig sa mga warnings, payo, at criticisms ng mga nasa ibaba nila na nagsabi na tungkol sa maaaring mangyari sa makina ng space shuttle kapag naexpose sa di magandang conditions sa itaas. Kung nakinig lang sana, di sana namatay ang pitong katao. Ito rin naman ang warning sa Proverbs 16:18, “Ang kayabangan (pride) ay humahantong sa kapahamakan, at ang pagmamataas ay ibabagsak” (ASD).

Ngayon, pag-uusapan natin kung paano natin dapat tanggapin ang pagpuna ng ibang tao sa atin at kung paano natin malalabanan ang natural na reaksyon natin na may pride o mataas na pagtingin sa sarili. Bakit ito mahalaga kung peacemaking ang pag-uusapan?

5TsIlang linggo na ang inilaan natin para pag-usapan ang mga unang hakbang sa 5T’s of Biblical Peacemaking. Ang unang “T” ay Tumingin sa Diyos. Peacemaking is about God primarily. Siya ang pangunahing Peacemaker. It’s about his glory, his redemptive purposes and his power. Ang ikalawang “T” ay Tumingin sa sarili. Siyasatin ang sarili. Tingnan kung paano tayo naka-contribute sa conflict, kung ano ang mga kasalanan din natin at mga idolatrous desires na nangingibabaw sa puso natin. Ang ikatlong “T” ay Tumingin sa Krus. Tumingin kay Cristo at sa kanyang ginawa sa iyo. Dito mo makikita ang kapatawaran sa mga kasalanan mo at ang bagong identity na ngayon ay meron ka dahil sa pakikipag-isa kay Cristo.

Ang ika-apat na “T” ay Tulungan siyang makita ang sarili niya. Sabi ng Panginoong Jesus, “Pay attention to yourselves! If your brother sins, rebuke him, and if he repents, forgive him…” (Luke 17:3 ESV). Meron tayong responsibilidad na tulungan ang iba na makita ang pagkakamali, pagkukulang at kasalanan nila. Rebuke him.

Pero bago iyon, pag-usapan muna natin kung ano ang dapat nating gawin kung tayo naman ang nasa kalagayan ng taong tatanggap ng rebuke o pagsaway. Mas magiging handa tayo at sensitive sa damdamin ng isang taong sasawayin if we will put ourselves in their shoes. Maraming conflicts ang mareresolba at hindi na lalaki ang problema kung sanay tayong i-observe ang Golden Rule, “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo” (Mat 7:12). Bago tayo maging handa na magbigay ng puna o kritisismo sa ibang tao, dapat handa rin tayong tumanggap ng puna o kritisismo mula sa iba.

How we respond to criticism

What is criticism? Alfred Poirier defined it broadly as any judgment made about you by another, which declares that you fall short of a particular standard. Anumang puna ng ibang tao sa iyo na nagsasabi ng pagkukulang o pagkakamaling nagawa mo ayon sa isang partikular na pamantayan o standard. Maaaring ang standard ay sa Diyos o sa tao. Maaaring ang puna ay totoo o hindi. Maaaring mahinahon ang pagsasabi na ang layunin ay matulungan kang magbago, o kaya naman ay padalus-dalos o harshly at merong panunumbat at pagnanais na ibagsak ka. Maaaring puna na galing sa isang kaibigan o sa isang kaaway.

Anumang klase ng criticism iyan, natural ayaw nating marinig. I don’t like criticisms. You don’t like it. We don’t like it. Dahil diyan, paano tayo usually nagrerespond kapag may pumuna sa atin?

Silence. Boss mo man sa opisina o asawa mo na pumuna sa iyo, kapag narinig mo ang sinabi nila, tahimik ka lang. Walang masabi. Nakanguso lang o naka-pout. Sa halip na sabihing, “Inaamin kong nagkasala ako. Di ko nagawa ang inaasahan mo…” mas gusto nating tahimik lang. Gusto nating palipasin na lang.

Defense. Ang iba naman defensive agad. “Kaya ko lang naman nagawa iyon, kaya ko lang naman di nagawa ang pinag-usapan natin kasi…” We make excuses.

Offense. Ang iba naman attack mode na. “It’s not my fault. It’s your fault.” Ang iba uunahan na ng galit. Magsisisigaw na. Kung anu-ano ang sasabihin. Kaya naman siguro natatakot ang ibang tao na kausapin ka tungkol sa errors mo kasi you don’t respond positively.

Sa akin naman, natural na kapag may sasabihin ang asawa ko na pagkukulang ko sa family man o sa ministry, tahimik lang ako. Nakanguso din. Tatango din naman at mag-aagree sa kanya. Pero hirap pakinggan. Sa loob-loob ko, nagiging defensive ako. Di ko man sabihin sa kanya, pero sa isip ko gumagawa ako ng dahilan, “Kasi naman ganito, ganito…” Minsan offensive din, “Ikaw nga itong nauna.” Sa isip ko lang iyan. Kasi ayaw ko ng away. Ayaw ng gulo. Pero hindi rin ako nagiging peacemaker kasi I’m not responding positively sa mga criticisms.

I don’t like it. You don’t like it. Mas gusto natin pinupuri tayo kesa pinupuna. We want praises more than criticisms. And it reveals an idol sa heart natin, kung ano ang mga bagay na mas mahalaga sa atin: my reputation, my name, my honor. That’s idolatry of self. We are narcissists deep down in our hearts. At kapag hindi natin mapagtatagumpatayan ‘to, it will destroy us.

The Way of Wisdom

Pride in responding to criticisms will destroy us. It is foolishness, ayon sa Proverbs. The way of wisdom is to listen to other’s criticism of us. Oo nga’t merong mga hindi totoo o valid na puna sa atin, but we need to listen to what is true about us. That’s the way of wisdom. Pakinggan n’yo ‘to:

  • “Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalago ang kaalaman niya” (Prov. 9:9). Ayaw mo bang may nagtuturo at nagtatama sa iyo?
  • “Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo” (Prov. 12:15). Akala mo ba palagi kang tama? Nakikinig ka ba sa sinasabi ng iba? O yung mga magagandang bagay lang tungkol sa iyo ang pinapakinggan mo?
  • “Ang kapalaluan ay humahantong sa pagtatalo at gulo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan” (Prov. 13:10). Marami kang nakakaaway at di nakakasundo dahil ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo. Tama?
  • “Ang taong ayaw na itinatama, ipinapahamak ang sarili. Ngunit kung hahayaan niya na maitama siya, lalago ang kanyang kaalaman” (Prov. 15:32). Akala mo concern ka talaga sa sarili mo kaya ayaw mong itinatama ka. Pero ang totoo, ipinapahamak mo ang sarili mo.
  • “Sa isang saway lang natututo ang nakakaunawa, ngunit ang hangal hindi natututo hampasin mo man ng walang awa” (Prov. 17:10). Sapat na ba sa iyo na may isang taong magsabi kung ano ang dapat itama sa puso mo? O hihintayin mo pang pagtulungan ka ng marami bago ka gumawa ng aksyon?

Pinili ni Haring David ang daan ng karunungan nang tanggapin niya ang pagtutuwid sa kanya ng ibang tao. Alam niyang ito ang kailangan niya. Sinulat niya sa isa sa kanyang mga awit, “Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa nila ito na may pag-ibig. Ito’y parang langis sa aking ulo…” (Psa 141:5 ASD). I don’t like criticism. But I need it. I desperately need it. I am receiving a lot of praises from many of you. And I thank God for that. Malaking encouragement po iyan sa akin. Pero gusto ko ring sabihin sa inyo na I will welcome your criticisms. Wag kayong matatakot. Maaaring di ko magustuhan ang sasabihin n’yo. Maaaring maoffend ako. But I will thank God for that dahil alam kong sinasabi n’yo iyon dahil mahal n’yo ako at mahal n’yo ang church natin.

Ang dalangin ko para sa sarili ko at para sa lahat sa inyo, na sa halip na iwasan natin ang puna ng ibang tao, ay tanggapin natin ito na galing sa Diyos at para sa ikabubuti natin.

The Gospel

Pakinggan n’yo ang sagot ni Alfred Poirier sa tanong na ‘to, “How can we move from always being quick to defend ourselves against any and all criticism toward becoming instead like David who saw it as gain? The answer is through understanding, believing, and affirming all that God says about us in the cross of Christ.” Dapat nating maunawaan, paniwalaan at panghawakan ang lahat ng sinasabi ng Diyos tungkol sa atin sa pagkakapako ng Panginoong Jesus sa krus.

Kung nakikinig kayo sa mga nakaraang sermon natin sa series na ‘to, this answer is not surprising. We need to look to the cross of Jesus. We need to press down deeper inside our hearts the awesome realities of the gospel. Ang balita na si Jesus na namuhay na matuwid, namatay sa krus para sa ating mga kasalanan at nabuhay na muli ay good news not just for our conversion or justification. It is good news for living our Christian life. It is good news na panlaban sa pride na natitira pa sa puso natin at di maubus-ubos. It is good news for healing our broken relationships and for resolving our everyday conflicts. We need the gospel everyday. Kaya nga ang subtitle ng sermon series na ‘to ay Bringing the Gospel in Personal Conflict.

Sabi ni Pablo sa Galacia 2:20, “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin” (ASD). Ang talatang ito ay full-packed kung gospel ang pag-uusapan at ang implication nito sa pamumuhay natin. Pwede nga natin itong i-apply sa lahat ng bahagi ng buhay natin. At ngayon, tingnan natin kung ano ang kinalaman nito sa pagrespond natin sa puna o criticism na natatanggap o matatanggap natin.

Sa krus ng Panginoong Jesus, kitang-kita kung gaano kagrabe ang kasalanan natin at kung gaano kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa atin. The cross reveals the depth of my sin and the riches of God’s mercy.

The Cross and God’s Judgment of My Sin

Kitang-kita sa krus kung gaano kagrabe ang kasalanan natin. Sabi ni Pablo, “I have been crucified with Christ.” Napako si Cristo sa krus. Karumal-dumal. Kahiya-hiya. Tortured. Wala naman siyang kasalanan. Anak ng Diyos – banal, makapangyarihan, lumikha sa atin – siya pa ang umako ng kasalanan natin. Ganyan kagrabe ang kasalanan mo, ang kasalanan ko. Walang exempted dito. Hindi mo pwedeng sabihing small-time lang ang kasalanan mo. Kung nauunawaan mong mabuti ang pagtingin ng Diyos dito, malala ang kundisyon ng bawat isa sa atin.

Sabi ni Pablo sa Roma 3, “Lahat ng tao (tao ka di ba?) ay makasalanan… Walang matuwid…wala kahit isa…Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa…Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa” (vv. 9, 10, 17). Sa pagitan nito ay ang mga pagkakasalang nagagawa natin sa pananalita natin o pagtugon natin sa mga taong nagsasalita ng laban sa atin (vv. 13-16). Verse 23, “Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.”

Ang hatol ng Diyos sa iyo? Makasalanan ka mula bumbunan ng ulo mo hanggang sa kalyo sa paa mo, sabi nga ng kaibigan kong pastor. Anong implication nito sa pagtanggap mo ng kritisismo? Gaano man kalala ang sabihin ng iba na kasalanang nagawa mo, hindi ito maikukumpara sa guilty verdict ng Diyos sa iyo. Alam ng Diyos ang lahat ng ginawa mong kasalanan. Alam niya ang deep, dark secrets ng heart mo. Magiging madali sa iyo ang tanggapin ang anumang puna sa iyo kung tatanggalin mo ang illusion na you are righteous. Akala mo lang iyon.

Sinisikap mo ngang makasunod o makalapit sa Diyos. Pero ang hatol sa iyo ng Diyos ay “tinimbang nga, ngunit kulang.” Hindi lang kulang, kulang na kulang. “Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan” (James 2:10). Ano ang nararapat sa sinumang di nakasunod nang perpekto sa kalooban ng Diyos? Galacia 3:10, “Isinusumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kasulatan” (cited from Deut. 27:26).

The Cross and God’s Justification of Me

Sumpa, hindi pagpapala, ang nararapat to each one of us. Pero sa halip na sumpain tayo ng Diyos, ibinilang niya tayong matuwid, perfectly righteous. Kahit na hindi tayo righteous. Dahil kay Cristo. Sa krus kitang-kita ang laki ng pag-ibig ng Diyos sa atin, sa kabila ng grabeng kasalanang nagawa natin laban sa kanya. Si Jesus ang “Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin” (Gal. 2:20). Paano niya ipinakita ang pag-ibig na ‘to? Galacia 3:13, “Hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi ng Kasulatan, ‘Isinusumpa ang sinumang binibitay sa puno’” (mula sa Deut 21:23).

Roma 3:24-25, 27: “Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Ito’y regalo ng Dios. Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya…Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Jesus.”

Sa paningin ng Diyos, matuwid ako. Kahit ano pa ang sabihin ng iba. Ang approval na hinahanap ko, sa Diyos ko tinanggap. Hindi ko na kailangang hanapin sa iba. Hindi man ako purihin ng iba, hindi na iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ang sinasabi ng Diyos sa akin dahil ako ay nakay Cristo.

Ito’y dahil lang sa biyaya ng Diyos. Wala kang maipagmamalaki. You are not better than others. You are not. Nahihirapan tayong tumanggap ng puna ng ibang tao, kasi nga we are so proud of ourselves. Pero dahil tayo ay napako na na kasama ni Cristo (Gal. 2:20), ano na ang ipinagmamalaki natin? Galacia 6:14, “Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.” Dahil sa krus ni Cristo, namatay na rin ang yabang natin. Ang pinahahalagahan na natin ng higit, ang ipinagmamalaki natin, ang faith natin nakay Cristo na. Hindi na sa sarili. I no longer live, but Christ lives in me. It’s not about me anymore. It’s about Christ.

Gospel-Driven Responses to Criticisms

Galacia 2:20, “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.” What does it mean to live by faith in dealing with criticisms? Of course, maraming iba’t ibang cases ng criticisms. Pero I’ll just name a few and hopefully, anumang sitwasyon n’yo, you’ll be able to apply the gospel there.

Kung may pumuna sa iyo – sino man iyan, asawa mo, boss mo, o kahit tao na under your authority – kung totoo ang sinasabi tungkol sa iyo, tanggapin mo. Don’t be quick to dismiss ang mga sasabihin sa iyo. Kahit sa simula di ka makapaniwala, you’ll find out later on na may katotohanan din. Kahit hindi naman lahat totoo, makikita mo na may basis bakit nila nasabi iyon. Kahit masasakit na salita, regalo ng Diyos sa atin, para hubugin tayo’t maging tulad ni Cristo. Thank God for that. Pasalamatan mo siya kasi bihira naman din ang maglakas loob na sabihan tayo ng makakasakit sa atin pero kailangang sabihin kasi kailangan natin.

Sabi ni Tom Shreiner, “Receiving criticism is part of the process of discipleship. It is one of the ways God makes us more like Jesus, so that we live for his glory instead of the praise of people. I don’t enjoy being criticized, but I recognize how the Lord has used it to help me become more like Jesus (though I have a long way to go!).” You want to be more like Jesus? Yes! Then, welcome criticisms as gifts from God.

Paano naman kung may nagsabi sa atin ng hindi naman talaga totoo? Malicious pa. Tapos ang intent ay ibagsak tayo. Hopefully, di mangyari iyan dito because we are family. Pero it may happen, lalo pa kapag di pa Christians ang mga taong magsasabi ng masasakit laban sa atin. Feeling natin unjust. Feeling natin kailangan nating ipagtanggol ang sarili natin. Siyempre magpapaliwanag tayo. Pero paano kung ganoon pa rin at walang nangyari?

Look to the cross of Jesus. Lahat ng puna at pag-aakusa ng mga tao sa kanya, walang totoo kahit isa. He’s perfect! Inakusahan siyang lumalapastangan sa Diyos at dapat lang na patayin (Matt 26:65-66). Not true! Inakusahan siyang incompetent loser (27:41-44). Not true! Di na niya ipinagtanggol ang sarili niya. Tahimik lang siya. “Inapi siya at sinaktan, pero hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan para patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik” (Isa 53:7). “Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man (unlike us!). Ininsulto siya pero hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya pero hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Dios na humahatol nang makatarungan” (1 Pet 2:22-23). Dahil sa kamatayan ni Jesus para sa atin, mapagkakatiwalaan natin ang Diyos na anumang maranasan natin, gaano man ka-unjust sa paningin o pakiramdam natin, we can trust that his heart is good and is for us. Dahil kay Cristo, magiging matiyaga tayo, mapagtiis, at nagpapatawad sa mga taong nakasakit sa atin.

Pero karamihan naman ng criticism o puna na matatanggap natin ay may katotohanan o halong totoo at hindi. Dahil ang taong nagsasabi nun sa atin ay kapatid natin sa Panginoon, alam natin they’re doing it out of love.

Tayo rin naman, we can respond in love. We can speak the truth in love. Makasalanan tayong kailangan ang biyaya ng Diyos. Ang kapatid din natin makasalanan at kailangan ang tulong natin na makita ang kasalanan nila, na kailangan din nila ang tulong ng Diyos.

We can also respond in humility. Kahit pa pagdating sa edad o position of authority nakatataas tayo. Makikipag-usap tayo na fellow sinner din. Sa paanan ng krus ni Cristo, lahat pantay-pantay, walang mataas, walang mababa.

We can also be gentle, and not harsh sa pananalita natin. Kasi hindi naman natin kailangang ipagtanggol ang sarili natin. Our identity in Christ is secured. Hindi na nating kailangang makipagtalo at patunayang tama tayo.

We can be patient. We trust God to work. Maaaring sa pag-uusap natin, tayo makita agad natin ang kasalanan natin, pero ang kausap natin hindi. For some people it will take time. Some will respond positively, some will not. But we still trust God that he is at work.

Ikaw, paano ka nagrerespond sa mga criticisms? Binabalewala mo lang ba ito? O nagiging defensive ka? O nagagalit ka at gusto mong gumanti? Ganyan ang response mo kasi napakalaki ng pagpapahalaga mo sa sarili mo. Pero ngayong alam mong si Cristo’y namatay para sa iyo at ikaw din ay napakong kasama niya sa krus – kung ikaw ay sumasampalataya sa kanya at hindi sa sarili mo – how will you now respond to criticisms? Sana masabi mo na rin tulad ni Pablo, “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin” (Gal 2:20).

________________________________

Note: Karamihan sa materials sa sermon na ito ay hango sa article ni Alfred Poirier na pinamagatang “The Cross and Criticism,” na inilathala sa The Journal of Biblical Counseling (Vol. 17, No. 3, Spring 1999). Siya ay pastor ng Rocky Mountain Community Church sa US at naglilingkod din bilang adjunct instructor para sa Peacemaker Ministries sa mga issues tulad ng conflict counseling at mediation.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.