Inilaan natin ang nakaraang dalawang linggo para ilatag ang matibay na pundasyon para sa biblical peacemaking. Binigyan natin ng diin na ang foundation na ito ay ang gospel o ang magandang balita ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus – ng kanyang ginawa sa krus – para maibalik tayo sa magandang relasyon sa Diyos. Sa peacemaking o resolving conflicts, we are motivated and empowered by the gospel, and we demonstrate the reality of the gospel in our responses to conflict.
Pero siyempre, ang peacemaking ay hindi lang sa panahon na may conflicts. Ito rin ay may kinalaman sa pakikibahagi natin para mapagtibay, mapanatili at maipakita ang pagkakaisa sa church natin at sa misyong ibinigay sa atin ng Diyos.
Peace-making is rarely confused with peace-breaking, but it is often confused with peace-keeping. When I first traveled to Bosnia in 2001 on a humanitarian aid effort I got a good look at peace-keeping. The United Nations had divided up the land between the Bosnians and Serbians. Without a doubt there were heinous crimes committed during their civil war. There had not been an attempt at repentance, forgiveness or restoration.
The UN’s answer to the conflict was to significantly limit the interaction between the conflicting parties. They drew strict boundaries in the villages. Serbians lived within their territories, as did the Bosnians. For those of us who are conflict avoiders this might seem like a good option. But to avoid the conflict does not resolve the conflict.
Our Default Mode: Escape (Peacekeeping)
Ganyan din ang default mode natin pagdating sa personal conflicts. Sasabihin natin, ayaw natin ng gulo, we want to keep peace. Pero ang totoo, tumatakas lang tayo at ayaw nating harapin ang problema. Tatlo ang karaniwang paraan na iniiwasan natin ito:
Deny. Sasabihin natin, “Wala namang problema. Ayos naman kami. Matagal na iyon. Kinalimutan ko na iyon.” We minimize the problem. We deny the problem, kahit na meron talagang problema. Pagsisinungaling iyan. Pag ayaw harapin ang totoo.
Run away. Sa halip na harapin, nilalayuan ang nakaaway. Sasabihin natin, “Lalayo muna ako para walang problema,” o “Dapat umalis muna siya para di magulo.” Kapag church-related ang conflict, members man o leaders ang involved, ang iba lilipat na lang ng church o ipagpepray na lumipat ng church ang nakaconflict, o kaya hindi na magpapakita muna. Sa mag-asawa karaniwan din iyan. Kapag may awayan o di pagkakasundo, sa halip na pag-usapan, cool off muna. Maaaring sa simula ok iyon. Pero karaniwan, we are just running away from the problem. Ang ibang lalaki, dadaanin sa inuman. Ako naman, minsan pumunta ako sa bisita ng Concepcion para mag-iisip-isip. Nitong huling malaking away namin, nanood na lang ako ng sine. Takot ako sa asawa ko. Takot akong pag-usapan ang problema. So I run away. We run away.
Blame game. Ang dami nang dumaan sa counseling sessions ko na married couples. Turuan. Anak nga talaga tayo nina Adan at Eba. Simula pa lang ganito na ang sasabihin, “Ang asawa ko kasi. Bungangera. Ang sakit magsalita. Mahilig magsuspetsa, e wala namang dapat pagsuspetsahan. Maliit na problema pinalalaki. Alam ko namang may kasalanan din ako, pero siya naman talaga ang nagsimula nito.” Sasagot naman ang isa, “E ikaw nga diyan ang seloso, tamad pang magtrabaho, walang ginawa kundi uminom, manood ng basketball.” Umaamin naman tayong may kasalanan tayo, pero ang nililitanya natin ay ang mahabang listahan ng kasalanan ng iba.
Overlook Minor Offenses
Isang magandang dapat gawin ay kausapin ang taong iyon. Pero, tandaan mo din na hindi lahat ng conflict dapat pag-usapan. There is also wisdom in overlooking. Bago ka gumawa ng hakbang bago kausapin, isipin mo muna kung dapat mo ba talaga siyang kausapin. O mas mainam naman kung wag na lang kausapin, huwag nang pansinin ang nagawa niyang di mo nagustuhan, at palampasin na lang. That’s called overlooking.
Overlooking is a wise way of dealing with conflict. Iniisip nating para sa karangalan natin kapag napatunayang tayo ang tama at siya ang mali, pero iba ang wisdom na sinasabi ng salita ng Diyos. “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan” (Pro 19:11 MBB); “A person’s wisdom yields patience; it is to one’s glory to overlook an offense” (NIV). Noong bago pa lang akong pastor, may naririnig akong balita na may sinasabi ang ibang mga members na umalis sa church na mga negatibong bagay tungkol sa akin. I decided to overlook it. Na wag na lang pansinin. Ibig sabihin ba naging passive ako at umiiwas lang?
Overlooking is an active choice, not passive. Hindi ito parang ibinubulsa mo lang ang kalat at iipunin para may panlaban ka in the future sa kanila. No. It’s an active decision. Sabi ni Ken Sande, to overlook is “to deliberately decide not to talk about it, dwell on it, or let it grow into pent-up bitterness” (The Peacemaker, p. 83). Pinili kong magpatawad, at hindi hayaang ang bagay na iyon ay humadlang sa pakikitungo ko sa kanila at magdefine sa relationship namin.
Overlooking is an act of love. Late dumating ang kausap mo. O kaya may nasabi sa text na hindi mo nagustuhan. It is an act of love na unawain sila. “Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan” (1 Pet 4:8 MBB); “Above all, keep loving one another earnestly, since love covers a multitude of sins” (ESV). When I overlook, ibig sabihin, wala akong itatabing listahan ng utang nila na sisingilin sa kanila in the future.
Overlooking reflects God’s gracious character. “Magpasensiya kayo sa isa’t isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon” (Col 3:13 MBB). Sa ganitong paraan, tinutularan natin ang pasensya ng Diyos, ang awa ng Diyos, ang pagpapatawad ng Diyos. We are really demonstrating what it means to be children of God. Like Father, like son. Blessed are the peacemakers for they shall be called sons of God” (Mat 5:9 ESV).
Overlooking is only for minor offenses. Hangga’t maliit pa at pwede namang palampasin, wag na nating palakihin. “Ang simula ng kaguluha’y parang butas sa isang dike; na dapat ay sarhan bago ito lumaki” (Pro 17:14 MBB). Nagkagulo dati sa church dahil nasimulan sa maliit na usapin na napagsalin-salin hanggang lumaki. Ano ba ang ibig sabihin ng maliit o minor? Minor iyan kung sang-ayon ito sa dalawang kundisyon. Una, ang nagawa niya ay hindi naglagay ng pader o hadlang sa relasyon n’yong dalawa. Ikalawa, ang nagawa niya ay hindi nakasisira nang matindi sa reputasyon ng Diyos o ikinasasama ng ibang tao o ng sarili niya (Sande, p. 83).
Sa conflict na meron ka ngayon, posible ba na i-overlook mo iyan at palampasin na lang? Kung it’s a matter of personality or differences in opinion, you can let it go. Sabihin mo sa sarili mo na hindi mo na ito ibibilang laban sa kanya, na hindi ito makahahadlang sa relasyon n’yo.
If you cannot let go…
Kaso, kung big deal talaga sa iyo, o kaya naman ay nakikita mong makakasama na sa ibang tao o sa kanya mismo ang ginagawa niya dahil nagiging pattern na ito sa kanya, then it’s unloving to overlook it. Kaso, negatibo namang response natin kung sasabihin nating, “Hinding-hindi ko yan mapapalampas!” Anong gagawin mo ngayon? Ang iba, heto na, attack mode na. Dadaanin sa gossiping o tsismis. Karaniwang sakit ito ng mga Pilipino. Ikukuwento na sa iba ang nagawang pagkakamali ng kapatid. Minsan nakadisguise pa na prayer request, pero nagtsitsismis na. At kapag napagpasa-pasahan na, malala na. Ang iba naman dadaanin sa “put down” – o magsasalita o gagawa ng isang bagay na ang intensyon ay ibagsak o ipahiya ang iba. Crab mentality iyan ng mga Pilipino.
Kapag ganito ang diskarte natin, we’re just making it worse. Gaganti siya, walang magpapatalo, walang magpapakumbaba. Hindi galing sa Dios ang ganyang ugali. Sabi ni James, galing yan sa diablo (3:15), hindi sa banal na Espiritu (see Gal. 5:22). “Sapagkat kung saan umiiral ang pagkainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan” (3:16 ASD). Ngunit “ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba” (3:18). Ang kailangan natin, makipag-usap nang maayos. To speak the truth in love (Eph 4:15).
5Ts of Biblical Peacemaking
No. 2 – Tumingin sa sarili.
Obviously, hindi ito ang una. Kailangang tumingin ka muna sa Diyos para magkaroon ka ng tamang perspektibo sa sarili mo. Akala kasi natin ang problema ay ang ibang tao o ang sitwasyon, o ang pera. Sa Luke 12:13-15, mababasa natin na may lumapit kay Jesus, ang sabi, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa aming mana.” Sagot naman ni Jesus, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” Sinasabi ni Jesus na, hindi naman ang hatian ng mana ang problema n’yo. Kaya sabi niya sa lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.” Our heart is the problem.
Akala natin nasa labas ang problema, pero ang mga nangyayaring away ay manifestation lang ng problema sa loob ng puso natin. Sabi ni Jesus, “Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng ito ay nanggagaling sa puso at ang mga ito ang siyang nagpaparumi sa kanya” (Mark 7:21-23 MBB).
Dahil nasa loob ang problema, karaniwan bulag tayo sa katotohanan tungkol sa sarili natin. We tend to minimize our own sins and we tend to magnify the sins of others. Kaya sabi ni Jesus, “Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, ‘Halika’t aalisin ko ang puwing mo,’ gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid” (Mat 7:3-5). Tingnan mo muna ang sarili mo, ang problema mo, ang kasalanan mo – bago mo tingnan ang iba. Tumingin ka muna sa salamin.
At matutuklasan mong before there is a war outside of you, there is already a war going on inside of you. Malinaw itong binabanggit ni James sa sulat niya. “Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba’t nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban” (4:1)? Nagsisimula iyan sa…
Desire. Sinasabi mo, “Gusto ko ng _________.” Obviously, may mga sinful desires o “masasamang nasa.” Pero kung susuriin nating mabuti, sa ilalim noon ay isang legitimate desire. Halimbawa, sex outside of marriage, na siyang pinagmumulan ng conflict. Sinful desire iyan. Pero sa ilalim nito ay merong legitimate desire – gusto mong maging masaya, gusto mo ng acceptance, gusto mo companionship. Walang masamang doon. Ang Diyos ang naglagay ng desire na iyon sa puso natin. Pagkagaling ko sa isang buong araw na pagtatrabaho, pag-uwi ng bahay, gusto kong magpahinga. Masama ba iyon? Hindi naman. Kaso, napapasama kapag ang desire ay naging…
Demand. Iyong sinasabi ko na na, “Dapat makuha ko ‘to.” Na hindi ko na iniisip na pagod din ang asawa ko, kailangan din niya ang tulong ko. Tapos iisipin ko pa, “Pagod na akong mag-serve sa ministry maghapon. Haay…dito sa bahay, pahinga na, I expect my wife and my kids to serve me.” Kaya sabi ni James, “Mayroon kayong minimithi ngunit hindi ninyo makamtan, kaya’t papatay kayo kung kailangan [di man literal, pero andun ang inis at galit], mapasainyo lamang iyon. May mga bagay na gustung-gusto ninyo ngunit hindi ninyo maangkin, kaya kayo’y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi ninyo nakakamtan ang inyong minimithi dahil hindi kayo humihingi sa Diyos” (4:2). Ang kapahingahang gusto ko ay ineexpect at dinedemand ko ngayon sa asawa’t anak ko. Di ba’t dapat na sa Diyos ko hingin at hanapin?
My family and my desire to rest and be served became an idol. “An idol is anything apart from God that we depend on to be happy, fulfilled, or secure.” (Sande, 104). Sa Diyos lang natin makukuha ang kailangan natin. “Delight yourself in the Lord and he will give you the desires of your heart” (Ps 37:4). Kaya sabi ni James, “Mga taksil” (4:4)! Sinasabi kasi natin sa Diyos na siya ang ating Diyos at Tagapagligtas at makapupuno ng mga pangangailangan natin, pero we look to others na mga functional gods and functional saviors natin. When our idol fail us, and they will sooner or later, we take matters into our own hands. So, we…
Judge. Sasabihin natin, hindi man verbally, but in our mind, “Dahil sa iyo, kasalanan mo…” Sa isip ko nagrereklamo ako. Hinuhusgahan ko na ang asawa ko na uncaring, di maasikaso, di ako pinagsisilbihan, at hindi ko na naiisip kung anong hirap niya at pagtitiis sa pag-aalaga sa mga bata sa maghapon. Hindi ko na naiiisip ang maraming panahong pinagsilbihan n’ya ko, pinaglaba (na dati ako lagi ang gumagawa, pero inako niya sa kagustuhan niyang makapagpahinga ako kapag Lunes) at pinagplantsa ng damit, pinaghain, kinumusta, kinuwentuhan, ipinagpray, inappreciate. Dahil lang sa di ko nakuha ang gusto ko sa kanya, ang kasalanan ko hindi lang idolatry, kundi ipinalagay ko na sa sarili kong ako ang diyos na may karapatang humusga kung ano ang tama’t mali. I judge and I…
Punish. “Dahil sa ginawa mo, heto ang nararapat sa iyo…” Hindi kakausapin, pagdadabugan, sisibangutan, hahayaang siya ang gumawa lahat. Sa iba naman, mumurahin ang asawa, bubungangaan, sasaktan physically. Pinaparusahan natin ang mga taong nagkasala sa atin na para bang tayo ang diyos. We are not gods! We make terrible gods! Sabi ni James, “Mga kapatid, huwag kayong magsiraan sa isa’t isa. Ang namimintas o humahatol sa kanyang kapatid ay namimintas at humahatol sa Kautusan. At kung hinahatulan mo ang Kautusan, hindi ka na tagasunod ng Kautusan kundi isang hukom nito. Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Tanging siya ang may kapangyarihang magligtas at magpahamak. Ngunit ikaw, sino ka upang humatol sa iyong kapwa” (4:11-12)? Wala tayong karapatang parusahan o gantihan ang mga taong nagkasala sa atin, kahit gaano man ka-tama ang tingin natin sa sarili natin.
When we do that, we dethrone God. We are guilty of treason. Tayong mga rebelde ang dapat na parusahan. Oo nga’t nagkasala din ang nakaaway mo. Pero nagkasala ka din. You deserved God’s punishment! Pero iyon ba ang ginawa niya? No! Sa halip ang kanyang Anak na si Jesus, bagamat walang kasalanan, siya ang pinarusahan kapalit natin. Kaya…
No. 3 – Tumingin sa Krus.
Dahil ang conflict ay sin problem, kailangan ng gospel solution. Bawat bad news, kailangang remedyohan ng good news. That’s what we have in the gospel, in the cross of Christ. Bahagi ito ng pangako ng Diyos sa New Covenant, “From all your idols I will cleanse you” (Ezek 36:25). Kapag tumingin ka sa sarili mo at nakita mo ang puso mo for what it really is, nakikita mo ang mga idols na kinakapitan mo, nakikita mo ang pride mo. Hindi na kasalanan ng iba ang nakikita mo, kundi ang laki ng kasalanan mo. “But [here’s the good news] he gives more grace. Therefore it says, ‘God opposes the proud, but gives grace to the humble'” (James 4:6 ESV).
Sa krus ng Panginoong Jesus, makikita mo ang laki ng pagmamahal ng Diyos sa iyo. Paulit-ulit kang nagkasala sa kanya, pero pinagtiisan niyang lahat iyon at di ka niya pinarusahan. Pinatawad ka, buong-buo, di ka sinumbatan, inako niya ang parusang dapat ay sa atin.
The gospel humbles you. Si Jesus ang may karapatan at kapangyarihang magpaulan ng apoy mula sa langit para tupukin tayong lahat, pero siya pa ang nagsakripisyo, tinupok siya ng apoy ng galit ng Diyos para matanggap natin ang bagong buhay.
Lahat ng kailangan natin nasa atin na. Ang krus ni Jesus ang ebidensiya (Rom 8:32). Masasabi na natin sa Diyos, “Whom have I in heaven but you? And there is nothing on earth that I desire besides you” (Psa 73:25). Minsan sa Quiet Time ko, nabasa ko ang Micah 4:5, “Though the nations around us follow their idols, we will follow the Lord our God forever and ever” (NLT). Sinulat ko sa journal ko, “Though the people around us follow their idols of sex, money and power, we will follow the Lord our God forever and ever for he alone is our Satisfaction not sex, he alone is our Security not money, and he alone is our Strength, not worldly power.”
We have two options. Susunod ba tayo sa mundong ito sa pagharap sa mga conflicts at susundin ang sariling gusto natin? O susunod tayo sa paraan ng Diyos, the way of the cross? It’s not easy. It’s hard. You have to die to yourself. But that’s the right way to go.
Kapag sa krus ako tumingin, marerealize ko na ang kapahingahang hinahanap ko ay hindi ko sa asawa ko makukuha, kundi kay Jesus na siyang aking tunay na kapahingahan. Sabi niya, “Come to me…I will give you rest” (Mat 11:28). Ang sacrificial love na kailangan ko para maibigay naman sa asawa ko, sa kanya din nanggagaling. He “came not to be served, but to served and give his life…” (Mk 10:45). Ang humility na kailangan ko para magpakumbaba at aminin sa asawa ko ang mga pagkukulang ko sa kanya, kay Jesus din nanggagaling. Siya nga walang kasalanan, but “he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross” (Phil 2:8).
Sa mga conflicts na hinaharap at haharapin natin, “In order to remain gospel-centered, be sure to glance twice at Jesus for every glance at your sin” (Jonathan Dodson). Tumingin ka sa sarili mong kasalanan. Tumingin ka nang higit pa kay Jesus at sa kanyang ginawa para sa iyo.