Tithing and Everything (Mal. 3:6-12)

Tithe
Image by: http://www.portlandbiblecollege.org/

 

Bago natin simulan ang sermon series natin sa Malachi (nasa ika-6 na bahagi na tayo ngayon), ano ang unang pumapasok sa isip n’yo kung maririnig n’yo ang Malachi o Malakias? Honestly? Malamang, kung hindi ako nagkakamali, Malakias 3:10 ang madalas n’yong naririnig tungkol dito. Para sa karamihan siguro, ang Malakias ay katumbas ng “ikapu” (tithe) o ang pagbibigay ng 10% ng kinikita para sa Panginoon. Kaya kapag narinig ito, “Haay, tungkol na naman iyan sa ikapu.” Ang iba allergic na dito. Ang iba naman umaalis sa church o lumilipat ng iba dahil puro na lang tungkol sa “ikapu” ang pinag-uusapan o itinuturo ng pastor. Ang iba may mga objections, sasabihing hindi na para sa atin ang 10% dahil nasa New Covenant na tayo, wala na sa ilalim ng Law, kundi Grace na dapat ang pagbibigay, kung ano ang masaya at maluwag sa loob. Ang iba naman nagtatanong pa, gross ba yun o net ng income? Ang iba naman ayaw pag-usapan kasi they feel guilty, dahil kulang-kulang ang binibigay nila.

Sa nakaraang limang linggong pag-aaral natin sa mga naunang bahagi ng Malachi, narinig n’yo ba sa akin ang salitang “ikapu”? Hindi! Bakit? Yes, nakasulat iyon sa Malachi, sa passage natin ngayon. At dapat naman talagang pag-usapan dahil may malinaw na itinuturo ang Dios sa atin tungkol doon. But that’s not the main point. That’s not the emphasis. Malachi is not about tithing!

Listen now

Download

mp3-icon

pdf-icon

 

 

Dios na Hindi Nagbabago (at hindi kailangang magbago)

Malachi, like every other book in the Bible, is mainly and primarily about God. Hindi ito tungkol sa atin, sa pagbibigay natin, sa gagawin natin, kundi tungkol sa Diyos na hindi nagbabago at hindi kailangang magbago – because he’s already perfect. Verse 6, “Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, ‘Ako, ang Panginoon ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.'” This is very encouraging to hear. Sa kabila ng dami-daming mga kasalanang nakasulat sa Malachi tungkol sa mga taga-Judah, this is good news. To have an unchanging God is good news. “God is not man, that he should lie, or a son of man, that he should change his mind. Has he said, and will he not do it? Or has he spoken, and will he not fulfill it” (Numbers 23:19 ESV)? His name is Yahweh and he does not change. He does not change for the better or for the worse.

Hindi nagbabago ang kanyang pag-ibig. “I have loved you,” says the Lord. …  (Malachi 1:2 ESV). Itinali niya ang sarili niya sa Israel sa pamamagitan ng isang matibay na pangako – covenant – tulad ng pag-aasawa. Gaano man ka-unfaithful ang Israel, as God’s wife, ang pag-ibig ng Diyos nananatiling loyal, faithful, and unfailing.

Hindi nagbabago ang kanyang kadakilaan. Hindi lang sa loob ng Israel, kundi sa labas nito. “Great is the Lord beyond the border of Israel!” (Malachi 1:5 ESV). “For my name will be great among the nations, says the Lord of hosts. (Malachi 1:11 ESV) . “For I am a great King, says the Lord of hosts, and my name will be feared among the nations” (Malachi 1:14 ESV).

Hindi nagbabago ang kanyang kapangyarihan. Terible, nakakapanginig, kung mararanasan mo ang kapangyarihan niya sa pagpaparusa niya, “Then I will draw near to you for judgment” (Malachi 3:5 ESV), tulad ng napag-aralan natin last week. Pero sobrang comforting, encouraging, and confidence-building kung alam mo na dahil sa biyaya niya na nakay Cristo, mararanasan mo ang kapangyarihan niya not for judgment but for blessing. Pansinin mong dito sa text natin ngayon, tatlong beses binanggit ang “sinabi ng Panginoong Makapangyarihan” at kadikit palagi ay ang pangako niya na pagpalain tayo.

  • I will return to you, says the Lord of hosts….  (Malachi 3:7 ESV)
  • And thereby put me to the test, says the Lord of hosts, if I will not open the windows of heaven for you and pour down for you a blessing until there is no more need. (Malachi 3:10 ESV)
  • Then all nations will call you blessed, for you will be a land of delight, says the Lord of hosts. (Malachi 3:12 ESV)

Tayo ang Dapat Magbago

Hindi nagbabago ang Diyos – his love, his greatness, his power remain the same. Hindi kailangang magbago – he’s already perfect. Tayo ang dapat na magbago! Verse 7, “Tulad ng inyong mga ninuno, hindi kayo sumunod sa aking mga tuntunin. Pero manumbalik kayo sa akin, ang Panginoong Makapangyarihan, at babalik ako sa inyo.” Hindi nagbabago ang kanyang karakter, pero ang kanyang reactions sa certain situations ay nagbabago.

Nahiwalay tayo sa Dios dahil sa ating pagsuway. Ang kasaysayan ng Old Testament, lahat ng mga kuwentong nakapaloob dito, ay isinulat hindi para turuan tayo ng mga moral lessons o principles for living. Kundi para ipakita kung paanong ang lahat ng tao, pati ang bayang pinili ng Dios na Israel, ay sumuway sa Dios at nabigong “sumunod sa aking mga tuntunin.” Tulad ng mga Judio sa panahon ni Malachi, “tulad ng inyong mga ninuno.” Ang kuwento nila ay siya ring kuwento ng buhay natin. We doubted his love (1:2-5). We failed in worship (1:6-14). We failed to perform our priestly duties (2:1-9). We are faithless to him and to each other, especially in marriage (2:10-16). We questioned his justice (2:17-3:5). Dahil sa ating pagsuway, nahiwalay tayo sa Dios. Hindi ang Dios ang dapat magbago. Tayo ang dapat magbago.

Mababalik ang relasyon natin sa Dios kung magbabalik-loob tayo sa kanya. Sabi ng Dios, “Pero manumbalik kayo sa akin, ang Panginoong Makapangyarihan, at babalik ako sa inyo.” Kitang-kita natin sa Malachi ang pagtitiyaga ng Dios, ang kabutihan niya, ang pag-ibig niya, ang kabaitan niya kahit sa mga taong kaubus-ubos naman talaga ng pasensya. Dahil nais ng Dios na magbalik-loob sa kanya ang mga nagkasala. “God’s kindness is meant to lead you to repentance” (Romans 2:4 ESV). Ayaw ng Dios na manatili ka sa kasalanan at pagsuway. Oo, minahal tayo ng Dios sa kabila ng ating mga kasalanan. He loves us for who we are. But he loves us so much to let us stay the way we are.

Ang hirap para sa ating unawain ang malinaw na salita ng Dios. Paulit-ulit na lang sa Malachi. May sasabihin ang Dios, parang nakakontra o nagtatanong agad itong mga Judio.  Sinabi ng Diyos na mahal niya sila, pero nagtatanong pa sila kung paano (1:2). Sinabi ng Diyos na di sila gumalang at sa halip ay lumapastangan pa sa pangalan niya, pero nagtatanong pa sila kung paanong nangyari iyon (1:6). Sinabi ng Diyos na marumi ang handog nila, pero nagtatanong pa sila kung paano naging marumi (1:7). Sinabi ng Dios na di na niya tinatanggap ang mga handog nila kahit mag-iiyak pa sila, pero nagtataka pa sila kung bakit (2:13-14). Dito naman sa verse 7, “Pero nagtatanong kayo, ‘Paano kami makakapanumbalik sa inyo?'” na para bang hindi sila aware kung ano ang kasalanan nila at kung anong dapat na baguhin sa kanila.

Sumpa Kung Hindi Magbabago

Akala nila, akala natin, mas magaling tayo sa Dios, na mas alam natin ang ginagawa natin. Mas magaling ang Dios. Ang tanong nila, sinagot din ng isang tanong, verse 8, “Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At nagtatanong pa kayo [nagtatanong na naman!], ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.”

Magnanakaw! Wow, sakit namang marinig niyan. Parang isang tatay o nanay na sinigawan ka matapos na mahuli kang kumukupit sa wallet ng tatay mo. Puwede mo bang idahilang, “Tatay naman kita a, bakit sasabihan mo akong magnanakaw?” Ano ba ang tawag sa taong kumukuha ng hindi naman kanya? Hindi ba’t magnanakaw? Ang mga ikapu at iba pang handog na dapat ay ibigay nila para sa ministeryo ng templo ay dapat sa Panginoon ibigay. Kung di nila binibigay o kulang ang ibinibigay nila, pagnanakaw iyon.

Ang “tithe” ay ikasampung bahagi (10%) ng inani nila, ng hayop nila, o ng perang kinita nila (Lev. 27:30-34; Neh 13:5). May storage sa temple para dito. Pwede iconvert sa cash pero dapat gawing 20% para di pagkakitaan (Lev. 27:31). Meron ding taunang ikapu para sa mga Levita (Num 18:21-24), at ito namang mga Levita ay nagbibigay din ng 10% para sa mga pari (vv. 25-32). Every 3rd year, magbibigay din sila ng tithe para naman tulong sa mga mahihirap (Deut 14:28-29). Ang layunin nito ay hindi lang para suportahan ang temple ministry, kundi bilang pasasalamat din sa mga provisions ng Dios sa mga pangangailangan nila. Sa panahon ni Nehemias, nangako pa silang muli silang tutupad sa pagbibigay ng ikapu, pero di naman nila ginawa (Neh 10:34-39). Nakita ni Nehemias na walang laman ang storage sa temple. Napabayaan ang gawain ng mga Levita at mga pari (13:10). (Warren Wiersbe, The Wiersbe Bible CommentaryOld Testament, p. 1530).

Under God’s covenant with Israel, kung susunod sila sa mga utos (gaya ng pag-iikapu), dadaloy ang pagpapala sa kanila (Deut 28:1ff). Pero kung hindi, mararanasan nila ang sumpa ng Dios (Deut 28:15ff). Sa panahon ni Malakias, hindi rin sila sumusunod sa mga utos ng Dios. Ang pagsuway sa pag-iikapu ay isa lang sa mahabang listahan ng mga kasalanna nila. Kaya sabi sa Malachi 3:9, “Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.” Akala nila nagbago na ang Dios ay hindi na sila inaalagaan. Pero ang totoo, kasalanan naman nila kung bakit di nila lubos maranasan ang pagpapala ng Dios. Kung hindi sila magbabago, mananatili ang sumpa ng Dios. They were unfaithful. But God is forever faithful. Kapag may ipinangako siya, tutuparin niya. Pero ang pangakong iyon ay may kundisyon na dapat nilang tuparin.

Pagpapala Kung Magbabago

Kung magbabago sila. God requires full obedience. Walang kulang. Verse 10, “Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo.” Kung tutuusin, hindi naman kailangan ng Dios ang ikapu nila. Sa kanya naman galing iyon. Kung gugustuhin niya, kaya niyang magpaulan sa langit para tustusan ang mga gastusin ng mga pari at ng templo. Pero nais ng Dios makita ang pagkilala nila na lahat ng tinatanggap nila ay galing sa Dios at pag-aari ng Dios at di nila magagamit sa sarili lang nilang kagustuhan.

Kung ganito ang saloobin nila sa pagbibigay, ipinangako ng Dios na ibubuhos niya sa kanila ang sangkatutak na pagpapala. Verse 10, “Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.” Ipinangako din niyang titiyakin niyang protektado ang kabuhayan nila. Verse 11, “Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas.” At sa sobra-sobrang pagpapalang ibubuhos ng Dios sa kanila – hindi lang spiritually, kundi even materially and physically – verse 12, “Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

The Need for a New Covenant

Grabe! Ang laki ng pangako ng Dios dito! So, ibig sabihin, kapag faithful ka sa giving ng tithes and offering, at higit-higit pa ang binibigay mo at hindi kulang-kulang, titiyakin ng Dios na mapopromote ka sa trabaho, mas uunlad ang negosyo mo, makakakuha ng maraming awards ang anak mo sa graduation, sasagutin niya ang prayer mo na makapag-abroad na kayong mag-asawa? Amen? Please, don’t say amen to that! Yan ang sasabihin ng mga preachers ng prosperity gospel. But that’s not the true gospel. That’s not good news! Siyempre ganyan ang natural na gusto nating naririnig, pero hindi iyan ang good news para sa atin.

I’m a gospel preacher. Ganito ang sasabihin ko sa inyo. Ang pangako sa verses 10-12 ay hindi para sa atin kundi para sa Israel. God does not guarantee material prosperity for Christians. At kung ikaw man ang nasa panahon ni Malachi, you won’t receive that promised blessings. Pwede mong ibigay ang buong ikapu at higit pa. Pero ang requirement ng Dios ay hindi lang dagdagan ang bigay kundi baguhin ang puso sa pagbibigay. This is not a money issue. This is a heart issue. Kailangan nating baguhin ang puso natin. Pero ito ang isang bagay na di natin magagawa.

Impossible under the Old Covenant. But possible under the New Covenant.

Kaya dumating si Jesus para tuparin ang Kautusan. Kasali ang pag-iikapu at paghahandog. Nag-ikapu ba siya? Walang direktang sinabi sa Bibliya. But he gave more. He gave everything! He gave his life as an act of service and worship to God. At ginawa niya ito nang walang pagrereklamo. He gave his life willingly, gladly. Para sa atin. “For you know the grace of our Lord Jesus Christ, that though he was rich, yet for your sake he became poor, so that you by his poverty might become rich” (2 Corinthians 8:9 ESV). Para sa ating mga magnanakaw na dapat na manatili sa sumpa ng Dios. Ngayon ay nasa pagpapala ng Dios dahil inako na ni Jesus ang sumpa na nararapat para sa atin. Ipinako siya sa pagitan ng dalawang magnanakaw – dalawang magnanakaw! Itinuring siyang magnanakaw, bagamat wala siyang ninakaw kahit isang kusing, kundi ibinigay pa nga ang lahat-lahat, para tayo ay maituring ng Dios na matuwid.

Si Jesus ang katuparan ng pangako ng Dios sa Malachi 3:10 – ang pagpapalang ibinuhos para sa atin, sobra-sobrang pagpapala. “From his fullness we have all received, grace upon grace” (John 1:16 ESV). Siya ang katuparan ng pangako sa Malachi 3:11 – protektado tayo ni Cristo, hindi tayo maagaw mula sa kamay ng Dios (John 10:28-29), walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios dahil kay Cristo (Rom 8:38-39). Siya ang katuparan ng pangako sa Malachi 3:12 – pinagpala tayo dahil sa kanya, he is our joy, he is our delight, makikita ng lahat ng lahi sa buong mundo na si Jesus lang ang kasiyahan natin.

Giving in the New Covenant

Ibig sabihin ba hindi na tayo dapat magbigay ng ikapu? Hindi naman sinabi ni Jesus na, “Sige, OK lang kung 5% na lang, kung diyan kayo maluwag at masaya.” Sabi niya sa mga Pariseo na ang pagsunod ay panlabas lang, “But woe to you Pharisees! For you tithe mint and rue and every herb, and neglect justice and the love of God. These you ought to have done, without neglecting the others” (Luke 11:42; also Mat 23:23). Dapat mag-ikapu, pero hindi iyon ang pinakamahalaga. Hindi pera ang usapan kundi puso.

Ang pagbibigay dapat naaayon pa rin sa tinatanggap nating pagpapala mula sa Dios. Sabi ni Pablo sa iglesia sa Corinto, “On the first day of every week, each of you is to put something aside and store it up, as he may prosper, so that there will be no collecting when I come” (1 Corinthians 16:2 ESV). Kung 80,000 piso ang kinikita mo sa isang buwan, tapos 8,000 ang ibibigay mo, sa tingin mo malaki iyon? Kung ikukumpara sa kita ng iba, oo. Pero sa natitirang 72,000 sa iyo, maliit iyon.

Nandoon pa rin ang pangako ng Dios na may gantimpala siya sa mga masagang nagbibigay. “The point is this: whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows bountifully will also reap bountifully. Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver” (2 Corinthians 9:6-7 ESV). As he has decided in his heart. Cheerful giver. Puso ang usapan dito. Hindi sinasabing OK na kung ang pasya mo ay 3% lang. Hindi sinasabing kung sa 6% ay masaya ka na, OK na rin. It doesn’t mean less but more! We have been given so much more, how could we give so less? Di hamak na mas malaki naman ang tinanggap nating pagpapala galing sa Dios kung ikukumpara sa karanasan ng Israel. We have Jesus now! They didn’t have Jesus then. Sino ngayon ang mas pinagpala?

Grace-Driven, not Law-Driven

May ilang preachers na convinced sila na para mas malaki ang ibigay ng mga members nila ay kailangang sa preaching nila, more law. Ganito ang dapat gawin, ganito ang hindi dapat gawin. Kapag ginawa mo ‘to, ganito ang mangyayari. That’s law. But law or moralism doesn’t have the power to change us. I believe only the grace of God – through the gospel of Jesus -has the power to change our hearts. Hindi naman main concern ko ang dami ng ibibigay n’yo. Kundi ang kalagayan ng puso ninyo sa Dios. Hindi ako natatakot na masobrahan ang preaching ko tungkol sa grace at baka abusuhin at hindi na magbigay ng tapat sa offerings. Kung offended ka sa teaching tungkol sa pagbibigay, at ang dami mong objections o reklamo, isn’t it possible that you haven’t really experienced the life-transforming power of the grace of God?

Kung naniniwala ka sa Romans 8:32, “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things?”, paano ka magbibigay? Kung alam mo na dahil kay Jesus, nasa iyo na lahat ng pagpapalang kailangan mo – “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavenly places” (Ephesians 1:3 ESV) – paano ka magbibigay? Kung alam mong ang mga pagpapalang ito ay nasa iyo na hindi dahil sa pagsunod mo, kundi dahil sa ginawa ni Jesus para sa iyo, paano ka magbibigay?   In Jesus, we have all the provision we need. Umuulan ng pagpapala, sobra-sobra. We have all the protection we need – we are secured. Kahit na mawala sa atin ang lahat ng bagay, we have Jesus, we have everything. We have all the satisfaction we need. Kahit kakaunti, kuntento tayo. Malaya na tayong ibigay ang kayamanan natin para maabot ang mga taong di pa nakakakilala kay Jesus – kahit sobra-sobra sa paningin ng iba – alang-alang sa Dios na nagbigay ng lahat-lahat para sa atin.

Dahil ibinigay na ng Dios ang lahat-lahat sa atin (everything!) nang ibigay niya si Jesus para sa atin, ang pagbibigay ng ikapu at higit pa ay hindi na burden o kabigatan sa atin. Para sa atin, nararanasan na natin ang kalayaan at kagalakan na ibigay o ibalik sa Dios hindi lang ang sampung porsyento kundi ang lahat-lahat sa kayamanan natin (everything!). Na iniisip na kung paano gagamitin ang lahat ng kayamanan para sa karangalan ng Dios bilang mga mabubuting katiwala ng Dios. At hindi lang pera at materyal na bagay ang pinag-uusapan dito. Ang nais na rin natin ay ibigay sa Dios hindi lang ilang bahagi ng oras, lakas at buhay natin, kundi ang lahat-lahat (everything!) ng nasa atin. Masaya natin itong ginagawa dahil ibinigay na ng Dios ang lahat-lahat sa atin at ipinangako niyang ibibigay niya ang lahat ng kailangan natin sa araw-araw. If God, in his unfailing love, gave us everything we need, how could we give him less than our everything?

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.