Natural sa ating lahat – tagasunod man ni Jesus o hindi – na gagawin nating lahat ang dapat gawin para matiyak na magiging kumportable, secured, at prosperous ang buhay natin at ng ating pamilya. Yes, we serve our family, tulad ng napag-aralan natin last week. Pero kung ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang “sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus at ibinibigay ang buhay sa misyon ni Jesus” – hindi comfort, security and prosperity ang goal natin, kundi suffering, risk-taking and renouncing everything for the sake of the gospel of Jesus.
Malinaw ito sa Luke 9:57-62. Sabi ni Jesus sa isa sa gustong sumunod sa kanya, “Wala akong sariling tahanan na mapagpapahingahan. Are you ready to suffer discomfort?” Sa isa namang inaya niyang sumunod sa kanya pero gustong ipalibing muna ang kanyang tatay o hintayin sigurong mamatay, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing sa kanilang patay. Pero ikaw, lumakad ka at ipangaral ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Handa ka ba na iwan ang sarili mong pamilya, pangarap at ambisyon? Sa pangatlo naman na gustong magpaalam muna sa pamilya niya, “Kung maglilingkod ka para sa kaharian ng Diyos, wala nang lingunan, wala nang atrasan.” Handa ka bang iwan ang mga mahal mo sa buhay?
Akala kasi natin ang liit-liit ng mundo natin. Bahay. Eskuwela. Trabaho. Church. Ang liit ng mundo natin. Oo nga’t nakakabalita tayo sa TV, radyo, o Internet ng mga masasamang kundisyon ng ibang tao sa bansa natin o sa ibang bansa, kadalasan, they don’t concern us at all. Pero ang pagsunod kay Jesus at sa kanyang misyon ay hindi lang dito, kung saan tayo comfortable, kundi “to the ends of the earth.” Bilang servants, natutunan natin last week, we bear witness for Jesus. Sa church, sa family, at sa mga di pa Christians. Pero hanggang saan ang aabutin natin? Si Jesus ang nagsabi bago siya umakyat sa langit, “Ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo” (Gawa 1:8 ASD). Hindi maging “stationary” ang calling natin, “Dito lang ako. Kung saan ko gusto doon ako. Kung saan kumportable at maayos ang buhay.”
Listen
Resources
Missionary Heart of a Disciple of Jesus
Kaya dapat na tingnan din natin na ang isang disciple ni Jesus na hindi lang learner, worshiper, family member at servant, kundi “missionary” din. Hindi ibig sabihing lahat aalis, pero lahat ay dapat na may pusong misyonero. Ito ang puso na gustong maipakilala si Jesus sa lahat ng lahi sa buong mundo. Ito ang puso na gustong makita na sa bawat lahi ay meron mga tagasunod ni Jesus, merong mga churches na nakatayo at sama-sama sa pag-abot sa kanilang lahi. Ang Great Commission ay hindi “Make Disciples” kundi “Make disciples of all nations” (Matt. 28:19). Bakit? “All authority in heaven and on earth has been given to me” (v. 18). Jesus deserves the worship of all nations.
Kaso kapag naririnig natin ang “nation” iniisip na agad natin isang bansa o country tulad ng Pilipinas, Canada o Australia. Pero ito ay galing sa salitang ethne, na ang literal na ibig sabihin ay people group na may sariling lenggwahe at kultura na makakausad ang gospel na walang barrier of understanding. Tulad ng Tagalog. Kapag pumunta ka na sa mga Tausug sa Mindanao, meron nang barrier, kasi ibang wika na, ibang kultura na. Ayon sa http://www.joshuaproject.net, 42% o almost 7,000 ng 16,600 people groups sa buong mundo, katumbas ng 2.99 bilyong katao, ang hanggang ngayon ay “unreached” o less than 2% ang bilang ng mga Christians, sa iba ay wala pa, at kung meron mang church ay wala pang kakayahang ikalat ang ebanghelyo sa kanilang sariling people group. Ibig sabihin, mahigit dalawang bilyong tao ang patungo sa impiyerno na wala man lang pagkakataong marinig ang tungkol kay Jesus dahil walang nagdala sa kanila. Kaya ito ang priority natin. Dahil kapag sinabi ni Jesus na “all nations” ibig sabihin, dapat maabot pa ang natitirang 7,000 unreached people groups bago natin matapos ang misyong iniwan niya sa atin.
Kailangan natin ng mga tagasunod ni Jesus na seseryosohin ang misyong iniwan ni Jesus. Ito ang tinatawag ni David Bryant na “World Christians.” Mga Christians na nakikita ang pangangailangan at nagsasabing, “We want to accept personal responsibility for reaching some of the earth’s unreached…Among every people-group where there is no vital, evangelizing Christian community there should be one, there must be one, there shall be one. Together we want to help make this happen” (“What it Means to be a World Christian,” Perspectives, 703).
Ito ang mga disciples na may apostolic (apostles, “sent ones,” messengers) passion, “a deliberate, intentional choice to live for the worship of Jesus in the nations. It has to do with being committed to the point of death to spreading His glory. It’s the quality of those who are on fire for Jesus, who dream of the whole earth being covered with the Glory of the Lord” (Floyd McClung, “Apostolic Passion,” in Perspectives, 185). Na siya namang nasa puso ni Apostol Pablo, na siyang dapat maging puso ng bawat isa sa atin, “Ang tanging nais ko’y (pinapangarap, ambisyon) maipangaral ang Magandang Balita sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Cristo” (Rom. 15:20 ASD). Ikaw, what is your dream? Ano ang pinapangarap mo? Anong mga bagay ang kinasasabikan mo? Anong pangarap ang di ka titigil hangga’t di nangyayari?
We are worshipers of a missionary (“all nations”) God.
Ang Diyos na lumikha sa atin ay isang missionary God. Nilikha niya tayo para sambahin siya at magkaroon ng malapit na relasyon sa kanya. Iyon ang ibig sabihin ng “in the image of God” (Gen. 1:27). Para ikalat ang pagkakilala sa Diyos sa buong mundo. “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen 1:28 ESV), sabi niya kina Adan at Eba. Oo nga’t nagkasala ang tao, pero merong pangako ang Diyos na ililigtas ang mga makasalanan (Gen. 3:15), hindi lang sa iilang lugar, kundi sa buong mundo. Matapos ang pagbaha sa panahon ni Noe, inulit ulit ng Diyos, “Be fruitful and multiply and fill the earth” (Gen 9:1 ESV). Nang dahil sa kayabangan ng mga tao, nagtitipun-tipon sila para magtayo ng Tore (Babel), sa halip na kumalat tulad ng sabi ng Diyos. Nilito sila ng Diyos, nagsalita sa iba’t ibang wika. Para tuparin ang nais ng Diyos, “The LORD scattered them from there over all the earth” (Gen 11:8 NIV).
Si Abraham, tinawag ng Diyos para maging isang malaking bansa. Para siya lang ba ang tumanggap ng pagpapala ng Diyos? No! Sabi ng Diyos sa kanya, “in you all the families of the earth shall be blessed” (Gen 12:3 ESV). Inulit pa, “all the nations of the earth shall be blessed in him” (Gen 18:18 ESV). At ganoon din sa kanyang apo na si Jacob, kung saan galing ang pangalang Israel, “And all the families of the earth will be blessed through you and your descendants” (Gen 28:14 NLT).
Naalipin ang Israel sa Egipto sa loob ng 430 years, sa pangunguna ng Pharaoh. Sabi ng Diyos tungkol sa kanya, “But for this purpose I have raised you up, to show you my power, so that my name may be proclaimed in all the earth” (Exo 9:16 ESV). Inilabas sila ng Diyos mula sa Egipto, “so that all the peoples of the earth may know that the hand of the LORD is mighty, that you may fear the LORD your God forever” (Jos 4:24 ESV). Tungkol sa Israel, ganito ang plano niya, “You shall be my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me a kingdom of priests (mediating God’s blessing to the nations) and a holy nation” (Exo 19:5-6 ESV). Kahit na naparusahan sila na magpaikut-ikot sa disyerto, nanatili pa rin ang plano ng Diyos, “But as truly as I live, all the earth shall be filled with the glory of the LORD” (Num 14:21 KJV).
Nakarating na sila sa Promised Land. Nagkaroon sila ng hari, si David. Bago pa man siya maging hari, sa pakikipaglaban niya kay Goliath, sabi niya, “that all the earth may know that there is a God in Israel (1Sa 17:46 ESV). Ang anak niyang si Solomon ang nagtayo ng Templo, bahay-sambahan para sa Diyos, para saan? “In order that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your people Israel, and that they may know that this house that I have built is called by your name” (1Ki 8:43 ESV).
Nakapaloob sa mga awit nila ang pagnanais na makilala ang Diyos sa lahat ng lahi. “O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan, kami Panginoo’y iyong kaawaan, upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas… Magpatuloy nawa iyong pagpapala upang igalang ka ng lahat ng bansa” (Awit 67:1, 2, 7 MBB). “Oh sing to the LORD a new song; sing to the LORD, all the earth! Sing to the LORD, bless his name; tell of his salvation from day to day. Declare his glory among the nations, his marvelous works among all the peoples!…Worship the LORD in the splendor of holiness; tremble before him, all the earth! Say among the nations, “The LORD reigns” (Psa 96:1-3, 9-10 ESV)!
Sa aklat ng mga propeta, naroon ang plano at pangako ng Diyos na darating ang araw na lahat ng lahi ay sasamba sa kanya. “Lumapit kayo sa akin at kayo ay maliligtas, kayong mga tao sa buong daigdig. Walang ibang diyos maliban sa akin. Ako ay tapat sa aking pangako at hindi magbabago, at tutuparin ko ang aking mga pangako: ‘Lahat ng tao ay luluhod sa aking harapan, at mangangakong sila’y magiging tapat sa akin!’” (Isaias 45:22-24 MBB). “For the earth will be filled with the knowledge of the glory of the LORD as the waters cover the sea” (Hab 2:14 ESV). “For from the rising of the sun to its setting my name will be great among the nations” (Mal 1:11 ESV).
Hangga’t meron pang mga lahi ang hindi sumasamba sa tunay na Diyos (hindi ang diyos ng mga Muslim o Hindu o Buddhist), hindi titigil ang Diyos. Sabi nga ni John Piper, “Missions exist because worship doesn’t.” At kung tayo ay passionate worshipers of God, hindi rin tayo titigil hangga’t di natin naaabot ang lahat ng lahi. Sabi ni John Stott, “We must be global Christians with a global vision because we have a global God.” Ano ang tingin mo sa Diyos? Na siya’y para sa iyo lang at sa mga pangangailangan mo? We have a missionary God.
We are followers of a missionary (“all nations”) Savior.
Dahil ang Diyos natin ay missionary God, pinadala niya ang kanyang Anak na si Jesus para tuparin ang misyong ito. Hindi lang para sa mga Judio, kundi sa lahat ng lahi. “Sinugo rin si Cristo para ipakita ang awa ng Dios sa mga hindi Judio, nang sa ganoon ay papurihan din nila ang Dios” (Rom. 15:9 ASD). We have a missionary Savior. We are his followers. Kung ano ang misyon niya, iyon din ang misyon natin.
Bakit hindi sa Jerusalem ang ministry base niya? Bakit sa Galilee? Dahil iyon ay tinatawag na Galilee of the Gentiles (Mat 4:14-16), para ang kanyang liwanag ay makita rin ng iba’t ibang lahi nasa kadiliman. Throughout his ministry, may contact siya maging sa ibang lahi. Pinagaling niya ang demon-possessed sa Gadarenes (Mat. 8:28-34). Sa sampung ketonging pinagaling ni Jesus, isa lang ang bumalik, isang Samaritan, para magpasalamat (Luke 17:12-19). May Canaanite woman na pinagaling ni Jesus ang anak dahil sa kanyang pananampalataya (Mat. 15:22-28). May isang Roman centurion ang lumapit sa kanya para pagalingin ang servant niya na maysakit (Mat. 8:5-13). Noon sinabi ni Jesus, “Maraming hindi Judio mula sa iba’t ibang dako ang kakaing kasama nina Abraham, Isaac at Jacob sa handaan ng paghahari ng Dios” (Mat 8:11 ASD). May mga Greeks na gustong makausap si Jesus, ilang araw na lang bago ang kanyang kamatayan. Naging opportunity para sabihin ni Jesus sa mga tao, na pagkatapos na siya’y mamatay, mabuhay muli at umakyat sa langit, “At kapag itinaas na ako mula sa lupa, ilalapit ko ang lahat ng tao sa akin” (Juan12:32 ASD).
Bakit ganito si Jesus? Kasi passionate din siya na ang lahat ng lahi ay sumamba sa kanyang Ama. Sabi niya sa prayer niya na natapos niya ang misyong ibinigay sa kanya, “I glorified you on the earth” (Jn 17:4). Tinuruan niya tayong manalangin, “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” Sa isang di-Judio, isang babaeng Samaritana, itinuro ni Jesus ang pagdating ng isang bagong pagsamba na para sa lahat ng lahi, “But the hour is coming, and is now here, when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth” (Joh 4:23 ESV). Itinaboy niya ang mga taong nagtitinda sa templo at hinahadlangan ang mga Gentiles na makalapit sa Diyos, sabi niya, “My house shall be called a house of prayer for all the nations” (Mar 11:17 ESV; quoting Isa. 56:7).
Naparito si Jesus para hanapin at iligtas ang mga naliligaw (Luke 19:10), hindi lang isang lahi, kundi ang lahat ng lahi. Ang misyon ni Jesus ay siya ring misyon natin. “As the Father has sent me, even so I am sending you” (Joh 20:21 ESV). Bago siya bumalik sa langit, sabi niya, “Dapat ipangaral sa buong mundo…na sa pamamagitan [ko’y] patatawarin ng Dios ang mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito” (Luke 24:47-48 ASD).
Ano na ang pagkakilala mo kay Jesus ngayon? Your personal savior, healer and provider? O global Savior? Nakikita mo na ba ang puso niya “for all nations”? Sabi ni Henry Blackaby at Avery Willis, “You are called into a partnership with Christ the King…to reconcile a lost world to God. To be related to Christ is to be on mission with Him” (“On Mission with God,” in Perspectives, 58). We are followers of a missionary Savior.
We are members of a missionary (“all nations”) Church.
Sa kanyang pagbabalik sa langit, iniwan niya ang Holy Spirit para pangunahan ang Church na tapusin ang misyong iniwan niya. Anong misyon? To bear witness for him “in Jerusalem, in Judea and Samaria and to the ends of the earth” (Acts 1:8). Sa simula’t simula pa, ang Church (at lahat ng local churches tulad ng BBCC) ay dapat na isang missionary church. Kaso ilang taon ding naging kumportable sila sa Jerusalem. Nagpadala ang Diyos ng persecution para magkalat sila sa Judea at Samaria (Acts 8:4-5). Dahil doon, si Felipe ay nagkaroon ng pagkakataong maipangaral si Jesus sa isang Ethiopian eunuch (from Africa) (Acts 8:26-40).
Ipinadala ng Diyos si Pedro kay Cornelio, pinuno ng mga sundalong Romano. Tinanggap niya at ng kanyang sambahayan ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus. Noong una, tutol pa ang ilang mga disciples dahil mga Gentiles ito. Pero nang magpaliwanag si Pedro na iyon ay galing sa Diyos, sabi nila, “Then to the Gentiles also God has granted repentance that leads to life” (Act 11:18 ESV).
Tapos, si Pablo, na dating nagpapapatay sa mga Christians, tinawag din ng Diyos. Sabi ng Panginoon tungkol sa kanya, “Pinili ko siyang maglingkod sa akin, para ipakilala niya ako sa mga hindi Judio at sa kanilang mga hari…” (Gawa 9:15 ASD).
Hindi lang si Pedro, hindi lang si Pablo, kundi buong church ay tinawag na maging “missionary church.” Tingnan n’yo ang church sa Antioch. “While they were worshiping the Lord and fasting, the Holy Spirit said, ‘Set apart for me Barnabas and Saul for the work to which I have called them.’ Then after fasting and praying they laid their hands on them and sent them off” (Act 13:2-3 ESV).
Merong umaalis (goers). Ang mga naiiwan naman ang nagpapadala (senders) sa mga umaalis sa pamamagitan ng panalangin, encouragement at suportang pinansiyal. Madalas kasi nating maririnig sa ibang church na sinasabi, “Bakit kailangan pang umalis? Dito nga lang sa atin, marami pang dapat abutin.” Yes, maraming dapat abutin. At gawin natin lahat ng magagawa natin para maabot sila. Pero di naman matatapos iyon. Kahit 10,000 na ang members natin, the job is not yet done. Si Pedro o si Pablo, sinabi ba nila sa Diyos, “Dito muna kami sa Jerusalem. Di pa tapos ang misyon dito”? No!
We are members of a missionary church. Hindi lang tayo isang pamilya na nagmamahalan, nagkakatuwaan na magkakasama. Kaya tayo may mga GraceComm, hindi para katuwaan lang. Tayo ay pamilya ng Diyos na nakikibahagi sa misyon ng Diyos. Our church is a family of God on mission with God.
Hindi pa tapos ang misyong ito. Dahil hindi pa bumabalik si Jesus. Sabi niya sa Matt. 24:14, “Ipangangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios upang malaman ito ng lahat ng lahi; saka darating ang katapusan” (ASD). Ang pagdating ni Jesus ay nakakonekta sa fulfillment ng “make disciples of all nations.” At sa kanyang pagbabalik, nakita ni apostol Juan ang mangyayari, “Nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika…Sumisigaw sila nang malakas, ‘Purihin ang Dios na nakaupo sa trono, at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami sa kaparusahan'” (Pahayag 7:9-10 ASD)!
Kung sabik ka sa pagbabalik ni Jesus, sa araw na lahat ng lahi ay luluhod sa pagsamba sa kanya, then you will go kung sabihin sa iyo ng Diyos na “Go!” Kung sabihin naman niyang, “Stay,” you will stay. Pero ang puso, ang pangarap, ang ambisyon ay nananatiling maabot ang lahat ng lahi ng ebanghelyo ni Jesus.
Oo, marami pa tayong di alam, di sigurado. Pero tulad nga ng sabi ni George Eldon Ladd, “I know only one thing: Christ has not yet returned; therefore the task is not yet done. When it is done, Christ will come…So long as Christ does not return, our work is undone. Let us get busy and complete our mission” (“The Gospel of the Kingdom,” in Perspectives, 75).
Plan to Reach “All Nations”
Sabi ni John Piper, “There are only three kinds of Christians when it comes to missions: zealous goers, zealous senders, and disobedient.” So we plan to obey Jesus. Kung ako ay isang missionary, paano ako makakatulong na mabigyang-karangalan ang Diyos sa lahat ng lahi – sa Pilipinas man o sa ibang bansa? Saan ka man nakatira ngayon, paano magkakaroon ng impact ang buhay mo sa lahat ng bansa, tribo, wika at lahi sa mundong ito? Hindi lang ito para sa mga extraordinary missionaries, kundi para sa mga ordinaryong tagasunod ng Panginoong Jesus. Sa panahon ngayon, dahil sa migration, Internet, at globalization, abot-kamay na natin ang ibang mga lahi. Magagawa nating abutin ang natitira pang mga lahi (tulad ng mga Muslim) na di pa nakakakilala sa Panginoong Jesus – kung tulung-tulong tayo sa panalangin, pagbibigay, pagpunta, at pagsuporta sa mga pumupunta sa kanila.
How will I pray for the nations? Masidhing ipanalanging dumating na ang kaharian ng Diyos at masunod ang kalooban ng Diyos sa buong mundo. Magplano kung paano ipapanalangin ang ibang bansa at ibang lahi, lalo na ang mga tinatawag na unreached peoples. Maaari mong gamitin ang Operation World (http://operationworld.org), Unreached of the Day (http://unreachedoftheday.org/ | may mobile app din ito); at Global Prayer Digest (http://globalprayerdigest.org).
How will I give to the nations? Magplanong magsakripisyo at gumastos para sa ibang mga lahi. Isakripisyo ang mga gusto mong bilhin para sa matinding pangangailangan ng ibang lahi – lalo na ang pangangailangang makarinig ng Mabuting Balita. Maaaring dagdagan ang ibinibigay sa church (malaking porsyento ng budget natin ay napupunta sa missions) o humanap ng susuportahang mga organisasyon o mga taong ang focus ng ministry ay sa pag-abot sa mga unreached.
How will I go to the nations? Pag-isipan at ipanalanging mabuti ang iba’t ibang paraan para gugulin mo ang ilang panahon ng buhay mo, o dalhin ang pamilya mo, o samantalahin ang oportunidad sa trabaho mo para madala ang Mabuting Balita sa ibang lahi. Maaaring sumama ka sa isang short-term mission trip. O baka sinasabi ng Diyos sa iyo na maglaan ng mas mahabang panahon pa, o ilaan na ang buong buhay mo sa pagmimisyon sa ibang lahi. Gumawa ng plano tungkol dito, ayon sa gabay ng Panginoon.
Sabi ni Floyd McClung, “If you have apostolic passion, you are one of the most dangerous people on the planet. The world no longer rules your heart. You are no longer seduced by getting and gaining but devoted to spreading and proclaiming the glory of God in the nations. You live as a pilgrim, unattached to the cares of this world. You are not afraid of loss. You even dare to believe you may be given the privilege of dying to spread His fame on the earth. The Father’s passions have become your passions. You find your satisfaction and significance in Him. You believe He is with you always, to the end of life itself. You are sold out to God, and you live for the Lamb. Satan fears you, and the angels applaud you. Your greatest dream is that His name will be praised in languages never before heard in heaven.”
1 Comment