Noong 2001, sinabi ng American Christian radio host na si Harold Camping na ang “end of the world” ay mangyayari October 21, 2011. Bukod sa kanya, napakarami nang nauna na nag-set ng date ng “end of the world” – judgment day, rapture, Armageddon, second coming. Pero obviously nagkamali sila. At kahit tayo naman, mahilig tayo sa ganyang mga usapan. We are fascinated with discussions about the end times. Kapag may mangyayaring kakaiba, kababalaghan, di-pangkaraniwan, supernatural, gusto nating malaman kung kelan.
Ganito rin ang tanong ng mga tao kay Jesus sa Lucas 21. “Guro, kailan po mangyayari iyon? At ano ang magiging palatandaang iyon ay magaganap na” (v. 7)? Ang tinutukoy nila dito ay ang sinabi ni Jesus tungkol sa templo. Napansin niya kasing maraming tao ang manghang-mangha sa templo. Ito ang templong pinaganda at pinalaki ni King Herod the Great. “Pinag-uusapan nila ang naglalakihan at magagandang batong ginamit dito at ang mga palamuting inihandog ng mga tao” (v. 5). Tulad ng pinatayo ng INC na Philippine Arena, hangang-hanga tayo sa laki at ganda at dami ng ginastos dito. Pero sinabi ni Jesus na walang anumang gawa ng tao – gaano man kalaki o kaganda – ang maipagmamalaki natin dahil lahat ito ay pansamantala lang.
Listen
Resources
At sinabi niya ang darating na pagkasira ng templo, “Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at walang matitirang magkakapatong na mga bato” (v. 6). Ang tinutukoy niya dito ay ang darating na paglusob ng mga Romano sa Jerusalem 70 AD, kulang 40 taon na lang, at ilang taon na lang para sa mga original readers ng Gospel of Luke (na nasulat ~65-68 AD?). “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito” (v. 20). Ang araw na ito ay siguradong darating (at dumating nga!) bilang parusa sa mga Judiong hindi naniwala sa Messiah, na nagtakwil kay Jesus at hindi tumanggap sa kanyang mensahe at paghahari. “Sapagkat iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan” (v. 22).
Terible ang mangyayari sa araw na iyon. “Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito at darating ang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito. 24 Mamamatay sila sa tabak, at ang iba’y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila” (vv. 23-24). “Until the times of the Gentiles are fulfilled” (ESV). Ibig sabihin, ang sinasabi ni Jesus dito ay hindi lang sa AD 70 tumutukoy. It is a preview of things to come. Sanay ang mga Judio sa ganitong klase ng propesiya, na ang tinutukoy ay sa mas higit pa – the end of the world, the second coming of Christ. Dahil hanggan ngayon, Gentiles (non-Jews) ang may control sa Jerusalem. At ang panahon natin ngayon ay “times of the Gentiles.” Sa Greek, kairos, an opportune time or time of opportunity. Namumuhay tayo sa panahong itinakda ng Diyos.
Ang main business natin ay hindi alamin kung ano ang petsa, kung kailan. Hindi ba’t nirebuke sila ni Jesus noong bago siya umakyat sa langit nagtanong sila, “Lord, will you at this time (Gk. chronos, passing of time) restore the kingdom to Israel” (Act 1:6 ESV)? Concern sila, concern tayo sa petsa, pero mas concern ang Diyos sa plano niya at sa katuparan nito. Kaya sabi ni Jesus sa kanila, “It is not for you to know…” (v. 7). We can share and compare our schedules/calendar, pero ang Diyos hindi ipinapaalam sa atin ang kalendaryo niya. Kung kelan darating si Jesus. Kung kelan tayo mamamatay. Hindi natin alam. “Tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam” (Mat. 24:36). Ang Diyos lang.
Noong March 2012, nagpakumbaba si Camping at inaming nagkamali siya, na ang mga attempts niya na hulaan ang petsa ay “sinful.” Kaya ngayon daw, pinag-aaralan na niyang mabuti ang Bible hindi para hanapin ang clues para malaman kung kailan, “but to be more faithful in our understanding.” Hindi para sa atin na malaman ang sagot sa “kailan,” kundi ang sagot sa “ano ang mangyayari” at “ano ang dapat nating gawin.” At ito ang gustong ituro ni Jesus sa kanila at sa atin din.
The End of the Story
Tulad ng pagkasabik natin sa “ending” ng isang telenovela, ganoon din ang kasabikan nating masaksihan ang pagdating ng “ending” ng “The Story of God”. Ito ay “itinakda” ng Diyos. God will surely finish what he has started. He will finish writing this story. “Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago lumipas ang salinlahing ito. Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman” (Lucas 21:32-33). Anong mangyayari sa “ending”? Alam ko ayaw natin ng “spoiler” sa mga movies, pero ito dapat nating malaman para mas maging excited tayo.
Coming of Jesus. “Sa panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan” (v. 27). Ang kanyang unang pagdating ay “in humility and meekness” pero ang pagbabalik niya ay “in power and glory.” Kung paano siyang nakita ng mga tagasunod niya na umakyat sa langit, ganoon din siya makikita ng lahat na bumabalik. Ito si Jesus na nagligtas sa atin, sinusunod natin, pinaglilingkuran natin, inaabangan natin.
Redemption. “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, tumayo kayo at tumingala sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (v. 28). Oo nga’t ligtas na tayo, pero hindi pa kumpleto iyon. Pero sa araw na iyon, we will be totally free from sin. Our redemption will be complete!
Kingdom of God. “Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang kaharian ng Diyos” (v. 31). Oo nga’t sa pagdating ni Jesus, dumating ang kaharian ng Diyos at siya’y naghahari ngayon sa buhay ng mga taong kumikilala kay Jesus. Pero laganap pa rin ang kasamaan at pagrerebelde ng mga tao. Pero sa araw na iyon, he will destroy “every rule and every authority and power” (1 Cor. 15:24) at tatapakan lahat ng kanyang mga kaaway (Luke 20:43). Good ending para sa atin, bad ending para sa mga patuloy na nagrerebelde sa Diyos.
Before the End
Bagamat hindi sinabi ni Jesus kung kelan ang eksaktong pagdating ng “ending” na ito, nagbigay siya ng ilang mga signs o palatandaan na malapit na. Ang goal ay para iangat ang expectations natin, para masabik tayo at masabing, “Ayan na, babalik na ang Panginoon! Can’t wait to see him!” Inihalintulad niya ito sa isang puno, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. Kapag nagkakadahon na ang mga ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw” (vv. 29-30). Anu-ano itong mga “dahon” na titingnan natin para masabi nating malapit na siyang bumalik?
Doctrinal: Mas magiging laganap ang mga maling katuruan, hindi lang ng mga ibang relihiyon kundi ng mga false versions ng Christianity. “Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at, ‘Dumating na ang panahon!’” (v. 8). Nandyan ang paglaganap ng itinuturo ni Quiboloy, Soriano at Manalo. O sa ibang bansa, sina Oprah Winfrey, Joel Osteen, at mga prosperity gospel preachers.
Political: Palubha nang palubha ang mga awayan sa pulitika hindi lang sa loob ng bansa kundi sa pagitan ng mga bansa. “Huwag kayong matatakot kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga himagsikan. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi kaagad darating ang wakas” (v. 9). “Maglalaban-laban ang mga bansa at ang mga kaharian” (v. 10). Nitong nakaraang isandaang tao, mahigit 200 matitinding giyera o armed conflicts ang pumatay sa mahigit 150 milyong katao (http://www.end-times-prophecy.org). Kamakailan lang nasangkot ang mga Filipino peacekeepers sa kaguluhan sa Golan Heights. Matindi din ang conflicts ngayon sa Syria at Iraq.
Natural: “Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba’t ibang dako” (v. 11a). “Earthquakes continue to increase in frequency and intensity, just as the Bible predicts for the last days before the return of Christ. History shows that the number of killer quakes remained fairly constant until the 1950s – averaging between two to four per decade. In the 1950s, there were nine. In the 1960s, there were 13. In the 1970s, there were 51. In the 1980s, there were 86. From 1990 through 1996, there have been more than 150” (http://www.icr.org). “The world is now experiencing 2,600 earthquakes every day” (http://www.end-times-prophecy.org). Meron ding 842 milyong tao ang nagugutom. “Hunger kills more people each year than AIDS, malaria and tuberculosis combined” (http://www.wfp.org/hunger/stats).
Supernatural: “May lilitaw na mga kakaibang bagay at mga kakila-kilabot na kababalaghan buhat sa langit” (v. 11b). “Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit” (vv. 25-26). Kapag nangyari ang mga ito, hindi na maikakaila ng marami na gumagawa ang Diyos para ipakitang malapit na ang katapusan.
Personal: Hindi lang mararanasan ang kahirapan ng mga taong di-Cristiano, pati tayong mga tagasunod ni Jesus ay patindi nang patindi ang hirap na pagdaraanan. “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo’y dadakpin at uusigin. Kayo’y lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin, isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador” (v. 12). “Ipagkakanulo kayo kahit ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin” (vv. 16-17). Isang graduate ng IGSL, si Tandin, ang nasentensyahan na makulong nang tatlong taon sa Bhutan dahil daw sa pagtanggap ng mga funds sa pagpapalaganap ng Christianity sa Bhutan (http://morningstarnews.org/2014/09/pastor-in-bhutan-sentenced-to-prison-for-accepting-funds-for-ministry/). Sa Northern Iraq, daan-daan na ang mga pinatay na mga Christians ng mga Sunni Muslims na nagbabanta sa kanila ng “convert to Islam or die.” “More Christians were martyred in the 20th century than in all other centuries combined. It is claimed that 105,000 Christians are martyred for their faith each year. Currently over 100 million Christians are being persecuted worldwide” (http://www.seekingtruth.co.uk/persecution.htm). Pinakamatindi ang mga persecutions sa North Korea, Iran, Pakistan, Egypt, China, at Saudi Arabia.
How should we then live in light of the End?
Our response should not be passivity. But active participation. Iyon ang implication ng kairos, ito ang panahong itinakda ng Diyos para magbantay tayo, para makibahagi tayo. Wag tayong tumulad sa fatalistic mindset ng maraming Filipinos. Kapag may darating na bagyo o anumang delubyo, sasabihin, bahala na, kung mamamatay, ganoon talaga. Anong dapat nating gawin ngayon?
Don’t be destroyed; seek refuge. Kapag dumating na ang mga lulusob sa Jerusalem, sabi ni Jesus, “Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan” (v. 21). Ibig sabihin, kung ayaw mong mamatay at ayaw mong mapahamak ang pamilya mo, humanap ka ng ligtas na lugar. Ganoon ang ginawa ng mga Christians na lumisan sa ibang lugar bilang refugee. Naghanap ng refuge! Kung ikaw hanggang ngayon ay wala pa kay Cristo bilang iyong “Rock of Refuge”, kung ayaw mong mapahamak ang kaluluwa mo, lumapit ka na sa kanya ngayon din, wag mo nang hintaying umulan ng apoy bago ka maghanap ng masisilungan. Habang hindi pa huli ang lahat.
Don’t get distracted; stay on track. “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila” (v. 8). Kung ikaw ay sumusunod kay Jesus, sa kanya ka lang makikinig, wag sa iba na nagtuturo ng maling aral. Sasabihin mo, “Hindi naman ako nakikinig at naniniwala sa mga maling aral.” Mabuti naman. Kaso ang tanong ko sa iyo, “Nakikinig ka ba at nag-aaral ng Bibliya, sinasaliksik mo ba ang mga katotohanan?” Nagbabasa ka ba ng Bibliya araw-araw? Nag-aaral ka ba para mas tumibay ang mga paniniwala mo tungkol sa Diyos? We must not be passive, but active pagdating sa ganitong bagay.
Don’t be afraid; be bold and courageous. Sa pagdating ng araw na iyon, marami ang “masisindak…hihimatayin sa takot” (vv. 25, 26). Oo nga’t nakakatakot ang mga mangyayari, pero ang sabi sa atin ng Panginoon, “Huwag kayong matakot” (v. 9). Kung humarap man tayo sa mga persecutors, tulad ni Tandin, samantalahin natin ang pagkakataon hindi para umurong, kundi para mas maging matapang pa. “Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin” (v. 13). Ang salitang ito sa atin ay hindi lang kapag dumating ang araw na iyon. Ngayon pa lang! “You shall be my witnesses…” (Acts 1:8). Kung ngayon naduduwag tayo, paano pa sa araw na iyon? Wala namang pumipigil sa ating magsalita ngayon. Bakit ang duduwag ng maraming Cristiano?
Don’t go with the flow; be vigilant. Ang buhay ng mga tao ngayon umiikot sa pamilya, trabaho, pera at ambisyon. Pero tayo, mas hinihintay tayong parating. HIndi tayo makikisabay lang kung ano ang uso. Sabi ni Jesus, “Tumayo kayo at tumingala…” (v. 28). Be vigilant. Be watchful. Wait expectantly. Paano? Sa pamamagitan ng panalangin. “Mag-ingat kayo na huwag kayong malulong sa labis na pagsasaya, paglalasing at matuon ang inyong pag-iisip sa mga alalahanin sa buhay na ito; kung hindi ay bigla kayong aabutan ng Araw na iyon 35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao” (vv. 34-36). How’s your prayer life? What are you praying for.
Don’t stop or pull back; keep going. Huwag kang lilihis ng landas. Huwag kang aatras. Huwag kang hihinto. Tuluy-tuloy lang tayong lahat hanggang sa pagdating ng Panginoong Jesus. Anumang hirap sa pagsunod, titiisin natin. “Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay” (v. 19). “He who endures to the end will be saved” (Matt. 24:13). Hindi dahil nakasalalay sa gawa natin ang kaligtasan natin, kundi dahil ang pagpapatuloy hanggang wakas ay ebidensiya ng pagkilos ng Diyos sa buhay natin. Keep trusting and following Jesus. Keep reading and obeying his Word. Keep praying and depending on him. Keep witnessing and speaking about him.
Don’t hold back; give your all. Konektado ang verses 1-4 sa dulo ng chapter 20 dahil sa kaibahan ng biyuda sa mga tagapagturo ng Kautusan. Huwag tularan ang mga ito; tularan ang biyuda. Konektado din ito sa verses 5-38 dahil parehong nangyari sa templo. Kung ang templo at lahat ng bagay o kayamanan ay pansamantala lang, ibigay nating lahat para Panginoon, tulad ng ginawa ng biyuda. Barya sa paningin ng tao, pero sa mata ng Diyos, ibinigay niya ang lahat-lahat. “Ang inihandog ng dukhang biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat. Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng kanilang kasaganaan, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang kabuhayan” (vv. 3-4). Dahil magtatapos ang lahat, at darating si Jesus, ibigay natin ang lahat ng kayamanan natin, lahat ng oras, lahat ng lakas, lahat ng pagpupursigi alang-alang sa kanyang kaharian.
Faith in future grace
How can we persevere, be courageous and give all that we have and all that we are? Hindi yata natin kaya iyan. Kaya nga nagtuturo si Jesus, para bigyan tayo ng lakas. “Araw-araw, si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama’y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. Maaga pa’y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya” (vv. 37-38). Ang makakapitan natin ay hindi ang sarili nating determinasyon, kundi ang mga salita niyang hindi lilipas o kukupas. “Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman” (v. 33). Ibinibigay ng Diyos ang kanyang mga pangako (“he has granted to us his precious and very great promises.,” 2 Pet 1:4 ESV), para ano? Para matiyak na lahat tayo ay makakarating sa finish line. “I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ” (Phil. 1:6 ESV). Anu-ano ang pangako niyang panghahawakan natin?
The promise of his presence. Ang mararanasan nating hirap ay “dahil sa pagsunod n’yo sa akin” (v. 12), “for my name’s sake,” “dahil sa akin” (v. 17), “for the sake of my name.” Dala natin ang pangalan ni Jesus. Kasa-kasama natin siya, sa pamamagitan ng Espiritung nasa atin, dahil tayo ay nakipag-isa na sa kanya (in union with him). Ito naman ang pangako niya kung tapat tayo sa misyong ibinigay niya, “I will be with you to the end of the age” (Mat. 28:20). Sa oras man ng kahirapan, mararamdaman mong nandyan siya, sinasamahan ka.
The promise of his provision. “Ipagpasya ninyo na huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, sapagkat bibigyan ko kayo ng pananalita at karunungang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway” (v. 14-15). Siya ang magbibigay ng salita at karunungan na kailangan natin para humarap sa mga tao. Bakit ka maduduwag? Kasi ang kumpyansa mo, hinuhugot mo sa sarili mong kakayahan. “Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang malampasan ninyo ang lahat ng mangyayaring ito, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao” (v. 36). Siya ang nagbibigay ng kalakasang kailangan natin para manatiling tapat sa kanya hanggang wakas. “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things” (Rom 8:32 ESV)?
The promise of his protection. “…ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok. Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay” (vv. 18-19). Physically, oo poprotektahan tayo ng Diyos. Pero ang iba hahayaan niyang magdusa at mamatay. Pero tinitiyak niyang walang sinumang makakaagaw ng “buhay” na ibinigay sa kanila ng Diyos. Walang magagawa ang mga tao laban sa atin na walang pahintulot ng Diyos. Papatayin lang naman nila tayo. They can kill our body, but they cannot take away God from us. “If God is for us, who can be against us” (Rom 8:31 ESV)? “Who shall separate us from the love of Christ?…For I am sure that neither death nor life, nor angels nor rulers, nor things present nor things to come, nor powers, nor height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord”(Rom 8:35, 38-39 ESV).
Kailan darating ang katapusan? Kailan darating si Jesus? Hindi ko alam. Pero alam ko kung ano ang mangyayari. Siguradong darating siya. Mahirap nga ang mga mangyayari bago iyon, pero ano ang dapat kong gawin? Magpatuloy sa pagsunod sa kanya hanggang sa katapusan. Magpatuloy na magtiwala sa kanyang mga pangakong tutuparin niyang lahat…garantisado.
This is good, puede bang magamit ko ang ilan mong mga sermon, pastor din ako. Salamanca.
LikeLike
Pwede naman po. Wag lang po word-for-word. 🙂
LikeLike