Part 46: Supremacy and Sweetness (Luke 20:19-47)

Nagtapos ang kampanya ng Team Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa isang panalo sa overtime kontra Senegal, matapos ang masasakit na mga dikit na pagkatalo sa Croatia, Argentina at Puerto Rico. Pero napahanga tayo, pati mga taga-ibang bansa sa pinakitang gilas at puso ng mga players natin. Inaasahan nilang matatambakan lang tayo ng mga kalaban pero muntik pa tayong manalo sa kanila. Kahit na talunan sa maraming laban, panalo pa rin sila sa puso ng marami.

gilas pusoSa araw-araw na buhay naman natin, hindi na ito isang laro. Pero tulad ng sa sports, ayaw din natin ng natatalo. We have a very strong desire to win. To win what? To win the approval of others. Dahil doon, mahilig tayong magpakitang-gilas.

Ang mga lalaki, karamihan sa atin gusto nating maapprove tayo at hangaan ng mga tao sa pamamagitan ng abilidad natin sa trabaho, mga accomplishments natin, mataas na posisyon natin sa trabaho o maging sa sexual prowess kapag maraming babae ang napapaibig (o napapaiyak). Ang mga babae naman, pakitang-gilas o gustong hangaan sa kanilang kagandahan, sa relasyong meron sila sa asawa at sa pamilya, at sa abilidad na akitin ang mga lalaki.

Wala namang masama sa desire to win approval. Pero nagiging evil ito, self-centered at eventually ay ikapapahamak natin kung sa pamamagitan nito sinasabi ng puso natin na “life is about me.” Bakit? Kasi dumating si Jesus at sinasabi sa atin, “Life is about Me. I am the focus. I am the center.” Hindi puwedeng makipagtunggali tayo sa kanya. Hindi puwedeng dalawa ang nakaupo sa trono, hindi puwedeng dalawa ang nasa sentro, hindi puwedeng dalawa ang focus. It’s either you or Jesus. You must give way to Jesus, hindi mo siya kayang makabangga. Iyan ang naranasan ng mga religious leaders sa panahon ni Jesus. Binangga nila si Jesus. Para silang bumangga sa pader. Akala kasi nila kaya nilang banggain si Jesus.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Jesus vs the religious leaders

Tingnan natin ngayon ang kanilang pakikipagtunggali kay Jesus sa Luke 20:19-47. Katatapos lang ni Jesus ikuwento sa kanila ang tungkol sa mga wicked tenants (vv. 9-18). Doon ay sinabi niyang ang anak ng may-ari ng ubasan (si Jesus na Anak ng Diyos!) ay pinatay ng mga upahang manggagawa (mga religious leaders!). Nahalata nilang sila ang pinatatamaan niya sa talinghaga (v. 19). Buti naman at naintindihan nila. Pero sa kabila noon, hindi naman talaga sila nakikinig sa turo at mga warnings ng Panginoon. Dahil doon, tinangka ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga punong pari na dakpin si Jesus sa oras ding iyon (v. 19).

Bakit? Kasi nagtuturo si Jesus laban sa kanila. Kasi sinasabi ni Jesus na “life is about Me, not about you.”Ayaw ng mga religious leaders iyon. Karamihan sa mga ito ay mga Pariseo, strict sa religion nila. Meron ding mga Sadduccees (v. 27). Magkatunggali iyan. Parehong Judio, pero ibang doktrina. Parang Dating Daan at Tamang Daan. Pero nagkasundo sila sa iisang layunin – ang talunin ang Panginoong Jesus. At makikita nating tulad nila, ang puso din natin ay naghahangad na makuha ang approval ng mga tao. Na gusto natin tayo ang nasa top, pinapalakpakan, hinahangaan.

Bakit di pa nila madakip si Jesus? Kasi, “Natakot sila sa mga tao” (v. 19). Gusto nila manatili ang mataas na position nila, na pinararangalan sila ng tao, na popular sila. Ayaw nilang bumagsak ang popularity ratings nila. Sinabi ni Jesus na itong mga scribes o tagapagturo ng Kautusan ay “mahilig lumakad nang may mahahabang kasuotan at gustung-gustong maparangalan sa mga liwasan. Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa sinagoga at ang mga upuang pandangal sa mga handaan”  (v. 46). Mataas ang pride. Gustong ipinaparada ang mga titulo nila, ang mga medalya nila. Hindi lang iyon, sakim pa. Kunwari sila ang model citizens pero sa halip na tumulong sila sa mga mahihirap tulad ng mga biyuda, anong ginagawa nila? “Hinuhuthot nila ang ari-arian ng mga biyuda” (v. 47). Abusado. Ingat na ingat sila sa reputasyon nila. Sakim sila sa kayamanan. Pati relihiyon gagamitin pa nila. Mapagkunwari. Hipokrito. Nagpadala sila ng mga spies para siluin si Jesus sa sasabihin niya. Kunwari sincere sila (v. 20). Sinungaling. Pati sa prayer life nila, sabi ni Jesus, “ang mahahaba nilang dasal ay mga pagkukunwari lamang” (v. 47). Life is about me, me, me. Di ba’t katulad tayo nila?

Kaya nang dumating si Jesus at sinasabi niyang, “I am your life,” masakit sa tenga nila iyon. Simula pa lang na marinig nila si Jesus sa templo sa Jerusalem, “Pinagsisikapan siyang ipapatay ng mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan at mga pinuno ng bayan” (19:47). Hindi nakinig. Ayaw makinig. Gustong ipapatay si Jesus. Gustong magkaroon ng basehan para maakusa si Jesus, madala kay Pilato. “Kaya’t naghintay sila ng magandang pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao upang magkunwaring naghahanap ng katotohanan. Ginawa nila ito upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, at nang sa gayon, maisasakdal siya sa gobernador” (v. 20).Kahit ano pang strategy o game plan ang gawin mo, you can’t beat Jesus one on one. Kahit five on one. He is so wise.

Game 1, versus the chief priests, scribes and elders, sa huling pinag-aralan natin, hinarap na nila si Jesus at nagtatanong sa authority niya. Dahil di sila makasagot sa tanong niya tungkol kay John the Baptist, sabi niya, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo” (v. 8). Game 2, versus the spies na pinadala ng mga Pharisees na ayon sa Mark 12:13 ay may mga kasamang mga Herodians, a political party. Ang gameplan nila tungkol sa tax-paying. Anong resulta ng laban? Nabigo sa harap ng madla ang hangarin nilang masilo siya sa kanyang pananalita. At hindi sila nakaimik dahil sa pagkagulat sa kanyang sagot (v. 26). Game 3, versus Sadduccees naman. Gameplan nila na i-disprove ang doctrine of resurrection of the dead, di kasi sila naniniwala doon. Anong resulta ng laban? Sinabi ng ilan sa mga tagapagturo ng Kautusan (mga kalaban ‘to ng mga Sadduccees), “Guro, maganda ang sagot ninyo!” At mula noon ay wala nang naglakas-loob na magtanong sa kanya” (v. 39-40).

Last game, finals na, lahat na sila kalaban niya, tulung-tulong pa sila, sa verses 41-47. Kanina puro depensa si Jesus, ngayon siya na ang nasa opensa. Siya na ang nagtanong tungkol sa sinasabi ng Kasulatan sa Messiah o Cristo na darating. Wala na silang maisagot. Puro butata sila. Puro slamdunk ang panira ni Jesus. Sabi nga sa text ng kapatid ko sa panalo ng Gilas, “Boom! Gilas!” o sa expression na natututunan ng marami ngayon kay Vice Ganda, “Boom panes!”

Obviously, panalo si Jesus. Kaya gusto niya sa kanya tayo pumanig, hindi sa mga kalaban niya. Sabi niya, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan” (v. 46). “Iwasan n’yo sila. Huwag kayong makikinig sa kanila. Huwag kayong tutulad sa kanila. Wag n’yong uulitin ang pagkakamali nila. Life is about Me! Listen to Me! Learn from Me!” Dahil kung hindi, matutulad kayo sa kanila, “They will receive the greater condemnation” (v. 47). Napahiya sila sa mga eksenang ito. Gusto nilang ipapatay si Jesus, sila pala ang dapat parusahan. They will receive more shame when Jesus returns. Mas matindi ang parusa sa mga taong nakakaalam ng salita ng Diyos, nakakarinig tungkol kay Jesus, pero di nakinig, naniwala at sumunod.

The Supremacy of God

Anong itinuturo sa atin ni Jesus dito? Tingnan natin ang highlights ng Game 2 (vv.  19-26). Tapos na ang Game 1 last week (vv. 1-18). Siyempre gustong bumawi ngayon ng kalaban. Reresbak sila. Nagpadala sila ng mga spies kay Jesus. Maganda ang unang banat, “Guro, alam po naming totoo ang inyong sinasabi at itinuturo. Hindi kayo nagtatangi ng tao, kundi itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng tao” (v. 21). Sarap lang pakinggan. Kung tayo ‘to, dalang-dala na tayo, pumapalakpak na ang mga tenga natin. Kaya kahit binobola tayo ng mga tao, puwede na rin. Kasi nandoon ang craving natin para sa approval ng tao. Pero iba si Jesus, di siya madadaan sa bola. “Alam ni Jesus ang kanilang masamang balak” (v. 23). Walang maitatago sa kanya. Dahil Diyos siya, alam niya ang isip at puso ng bawat isa sa atin.

Anong “masamang balak” nila? Tanong nila, Dapat po ba tayong magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi”  (v. 22)? This is a good strategy. Bakit? Noong panahong iyon, under sila ng Roman rule, si Tiberius ang Emperador o Caesar. Halos 1/3 ng income nila ay napupunta sa taxes sa Roman government. Ang perang ginagamit nila ay may mukha ng Emperador. Para sa mga Judio, blasphemous iyon, dahil Diyos lang ang dapat kilalaning Hari. So, hindi popular sa kanila ang pagbabayad ng buwis. Kapag sinabi ni Jesus na, “Dapat magbayad ng buwis,” lalabas na kalaban din siya ng mga Judio. Kung sabihin naman niyang, “Hindi dapat!”, magsisimula ito ng rebolusyon at kakasuhan siya ng treason ng mga Romans. Obviously, this is a trap. Mukhang walang lusot si Jesus dito.

Mukha lang. Humingi siya ng isang salaping pilak o denaryo at tinanong kung kaninong larawan ang nandoon. Sumagot sila, “Sa Emperador.” Kung gayon, inaamin din nila at di nila maikakaila na ang Emperador ang nasa kapangyarihan na dapat silang magpailalim. Kaya sabi ni Jesus, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Diyos ang para sa Diyos” (v. 25). Kahit kurakot ang gobyerno, kahit abusado ang mga opisyal, dapat pa rin tayong magbayad ng buwis. Totoo ngayon, totoo noon na mas masahol ang Roman government. Kaya sabi ni Pablo sa mga taga-Roma, “Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan” (Rom 13:7).

Hindi tinuturo ni Jesus (at ni Pablo) na dalawang bahagi ang authority sa buhay natin, may secular at may spiritual. Dahil maging ang human government ay nasa ilalim ng divine government. Ibig sabihin, kung ang tatak na nasa pera ay larawan ng Emperador, at dapat magbayad ng buwis sa kanya, paano pa kaya tayong ang pagkatao natin ay may tatak o larawan ng Diyos (Gen. 1:26-27)? Ito ay tatak ng pagmamay-ari ng Diyos sa atin. Hindi ito tungkol sa pagbibigay ng pera, pagbabayad ng buwis, pagbibigay ng ilang oras sa paglilingkod, ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng buong buhay natin sa Diyos. God is supreme over all of life. Siya ang namamahala, nagmamay-ari sa buong buhay natin. Ang kaso? Akala natin tayo ang may-ari. Akala natin tayo ang masusunod. Gusto natin tayo ang No. 1, nasa top. We think our life is about us.

The Sweetness of God

Tingnan naman natin ang highlights ng Game 3 (vv. 27-33). Mga Saduceo naman ang kalaban, na maaaring tuwang-tuwa na nasopla ang mga kalaban din nilang Pariseo. Parang sa isip-isip nila, “Wala pala kayong sinabi e, kami naman, tingnan n’yo.” Sila, Genesis to Deuteronomy (Pentateuch) lang ang itinuturing na bahagi ng Salita ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa anghel, sa espiritu, mga himala, sa afterlife, at sa muling-pagkabuhay. So, gusto nilang i-discredit si Jesus na nagtuturo tungkol dito at gumagawa din ng mga himala tungkol dito.

Anong gameplan nila? Ginamit nila ang provision sa Law tungkol sa “levirate marriage” (Deut. 25:5), galing sa Hebrew word na levir na ang ibig sabihin ay “kapatid.” Kapag namatay ang asawa ng babae, at wala silang anak, para maipagpatuloy ang pangalan ng lalaki sa pamamagitan ng mga anak, tungkulin ng kapatid nito na gampanan ang pagiging asawa ng nabiyuda. Medyo weird sa pandinig natin ‘to kasi sobrang romanticized ang view natin ng marriage. Pero para sa Diyos, ito ay more of a responsible commitment sa isang relationship. Heto ang scenario na iniharap nila kay Jesus para ipalabas na walang sense ang belief in a resurrection. Paano eka kung sa kabilang buhay, at pito ang naging asawa nitong babae dahil sa “sobrang malas” laging namamatay ang mga nagiging asawa niya, sino ngayon ang asawa niya doon?

Ngingiti-ngiti pa itong mga Saduceo sa mukhang wais na strategy nila, pero sopla naman sila ng Panginoon! Wrong question naman kasi! Sabi ni Jesus, “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae ay nag-aasawa. Ngunit sa kabilang buhay, ang mga magiging karapat-dapat sa muling pagkabuhay ay hindi na mag-aasawa” (vv. 34-35). They were talking of marriage as if marriage is eternal. Pero sinasabi ni Jesus na pansamantala lang ito. Habang-buhay, oo. Pero hindi na sa kabilang buhay. Oo nga’t mahalaga ang mga relasyon natin ngayon, lalo na ang marriage. Dapat lang na pahalagahan natin at ingatan natin at wag sasayangin. Pero hindi ito ang ultimate need natin. Hindi tayo dapat humugot ng approval, satisfaction, significance sa relationship natin – kung gaano tayo kagaling, kaganda, ka-faithful.

The end goal, the whole point of life now and eternal life is our relationship with God. Ito ang gustong sabihin ni Jesus sa mga Sadduccees. “There were sad-you-see” dahil hindi lang sila hindi naniniwala sa afterlife, pilit din nilang kinukuha ang kasiyahan sa buhay na ito. Dugtong ni Jesus, “Hindi na rin sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel (di dahil magiging anghel tayo, kundi tulad nila na di namamatay at di rin nag-aasawa). Sila’y mga anak ng Diyos dahil sila’y nakabilang sa mga muling binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan tungkol sa nagliliyab na mababang puno, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Kaya’t ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy, sa kanya’y buháy ang lahat” (vv. 36-38).

Ang buhay natin – ngayon at sa walang-hanggan – ay para sa Diyos. We are created for a relationship with him. Matitikman lang natin ang tamis ng buhay kung tayo’y nasa relasyon sa kanya bilang “mga anak ng Diyos,” kahit pa sa mga panahong mapapait ang nangyayari sa atin. Kaya ngayon pa lang nais na ng Diyos na tikman mo ang tamis ng pag-ibig niya. The sweetness of God is all we need. Hindi tamis ng halik ng isang tao. Hindi ang sarap ng sex. Hindi ang init ng yakap ng asawa. The sweetness of God is all we need.

Kaya lang, mas pinahahalagahan natin ang ibang tao nang higit sa Diyos. We rejected God’s love. We deserve his condemnation. Kailangan natin ng isang Mediator para maibalik tayo sa tamis ng pag-ibig ng Diyos at sa loob ng kanyang kaharian.

The Supremacy and Sweetness of Jesus 

At ito naman ang highlight ng Game 4, sa verses 41-44. Siya lang ang nagsasalita dito. He is now on the offensive.

“Paano nasasabi ng mga taong ang Cristo ay anak ni David? Si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit, ‘Sinabi ng Panginoon (Ang Diyos ng Israel) sa aking Panginoon (Ang Messiah! Si Jesus!)“Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’ Ngayon, kung ‘Panginoon’ ang tawag ni David sa Cristo, bakit sinasabi ng mga taong siya’y anak ni David?”

Wala nang sasagot. Obvious ang sagot – na itong si Jesus ang Messiah, ang Panginoon ng lahat. Oo nga’t nageexpect sila ng darating na Messiah, anak ni David, haring magliligtas sa kanila. Kaya binanggit ni Jesus ang isang Messianic Psalm, Psalm 110. Hindi lang siya tao na anak ni David. He is more than that! Siya ang Panginoon ni David – siya ang Diyos na nagmamay-ari sa buhay ni David at sa buhay nating lahat.

Ilang araw matapos niyang sabihin ito, aarestuhin siya, magpapasakop siya sa awtoridad ng mga tao, hahayaan niyang ipahiya siya at maranasan ang injustice, alang-alang sa pagpapasakop sa kalooban ng kanyang Ama. Ipapako siya sa krus, papatayin. Pero sa ikatlong araw, muling mabubuhay. Pagkatapos, aakyat siya sa langit, sa kanang kamay ng Diyos at mamamahala sa lahat. We see the supremacy of God in Jesus. “…siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon” (Fil. 2:9-11). Kaya ngayon pa lang, surrender and submit your life to him.

Hindi lang siya “Lord of all” – siya rin ay “my Lord.” Dumating si Jesus hindi lang patunayang siya ang nangingibabaw sa buhay natin, kundi siya rin ay malapit sa atin. Ayaw niyang maging kaaway tayo ng Diyos. Gusto niya tayong maging mga kaibigan. Gusto niyang ibalik tayo sa magandang relasyon sa Diyos. Ayaw niyang makita lang natin ang gilas niya, gusto rin niyang maramdaman natin ang puso niya.

Iyon ang dahilan kung bakit ipinako siya sa krus. Doon, mukha siyang loser. Para ano? He became a “loser” – forsaken, rejected – so that he may win our hearts and so that we might become winners in his sight. Matalo man tayo sa basketball o sa promotion sa trabaho, winner pa rin tayo dahil nasa atin na ang approval ng Diyos. Siya ang pumapalpak sa atin, siya ang cheerer natin, siya ang nag-aapprove sa atin, siya ang nagha-highfive sa atin. Hindi dahil sa galing natin o taglay nating gilas, o dahil sa performance natin, o sa worth natin, kundi dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin. Para sa atin na di naman karapat-dapat tumanggap ng anumang mabuti mula sa Diyos. This is the sweetness of God in Jesus. Embrace it. Don’t turn away from it. Don’t look for sweetness anywhere else.

We no longer need to seek the approval of others – na palakpakan, hangaan, tilian, maging popular, maging number one. Nasa atin na iyon, dahil nasa atin na si Jesus. What we need is to submit to Jesus’ supremacy and embrace his sweetness. Mamangha tayo sa tunay na gilas nang ipakilala ni Jesus ang kadakilaan ng Diyos, the supremacy of God. Nawa’y patuloy na kumabog ang tibok ng puso natin dahil ipinapatikim niya sa atin ang tamis ng pagmamahal ng Diyos, the sweetness of God.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.