Last August 19, idineklara ng Davao City Council, sa pangunguna ni Mayor Rodrigo Duterte, na persona non grata ang komedyanteng si Ramon Bautista. Ibig sabihin, officially, hindi na siya welcome sa city, kapag tuntong pa lang niya sa airport, pwede na siyang ipaaresto. Anong dahilan? Noong nagdaang Sabado, sa isang party ng mga Davoeno para sa Kidapawan festival, nagbitaw siya ng biro na tinawag niyang “hipon” ang mga babae sa Davao – isang biro na offensive sa mga babae. Nagalit ang asawa ni Duterte. Nagprotesta ang mga feminist groups. Ayun, persona non grata tuloy siya. This is a display of authority. May karapatan at may kakayahan silang gawin iyon kay Bautista. Fair o unfair? Hindi iyan ang pagdedebatehan natin.
Sa kuwento natin last week, sa Luke 19:28-48, sa pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, 2000 years ago, it is also a display of authority. Pagpasok niya sa city, na-welcome siya ng mga tao. Ang mga tagasunod niya kinikilala siyang Messiah – Savior-King. Siya ang tagapanguna, tayo ang tagasunod. Pinakita rin niya ang authority niya hindi lang King, kundi Prophet. Nagtuturo at nangangaral siya sa may templo araw-araw (19:46). Katunayan, ang kwento natin ngayon ay nangyari, chapter 20, verse 1, “Isang araw, habang nangangaral ng Magandang Balita si Jesus sa mga tao sa templo…“ Siya ang nangangaral at nagtuturo, tayo ang dapat na nakikinig at tumatanggap sa salita niya. Bukod doon, nakita din natin ang kanyang authority as Priest. Itinaboy niya ang mga taong nagtitinda sa templo (19:45). Siya ang tagapangalaga natin at tagapamagitan sa relasyon natin sa Diyos. Lalapit tayo sa Diyos sa pamamagitan lang niya, wala nang ibang paraan.
Listen
Resources
Pero natural sa ating lahat, lahat ng tao walang exemption, ayaw natin ng may ibang authority. Ayaw natin ng may nagsasabi sa atin kung anong dapat gawin, kung anong dapat paniwalaan, kung paano dapat mamuhay. Allergic tayo sa authority. Kaya maraming tao ang nagreact at sinabing unfair naman at exaggerated ang reaksyon ng mga taga-Davao kay Bautista. Gusto kasi natin kung ano ang sa tingin nating tama, dapat iyon ang masusunod, iyon dapat ang mangyayari. Kaya ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ay controversial, usap-usapan, at ipinoprotesta ng mga top leaders nila.
Isang araw, habang nangangaral ng Magandang Balita si Jesus sa mga tao sa templo, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Judio (20:1).
Ang tatlong grupo ng leaders na binanggit dito ay representative ng general attitude ng buong bansa patungkol kay Jesus. And it also represents the natural tendency in our sinful hearts. Ang “mga namamahalang pari” gusto nila sila ang masusunod sa pagpapatakbo ng templo at ng religious life ng mga tao. Ganoon din tayo, gusto natin kahit sa paglapit sa Diyos, sarili pa rin nating terms. Kung ano ang kumportable sa atin. Sariling sikap natin. Kung anong oras darating. Kung magkano ang ibibigay. Kung saang ministry magiging active.
Ang mga “tagapagturo” naiinggit kay Jesus kasi gusto nila sila ang pinakikinggan at pinaniniwalaan ng mga tao. Tayo din parang ganoon, magbabasa nga tayo ng Bible, pero selective. Kung ano ang feel good verses, iyon ang aangkinin natin. Lalaktawan ang mga verses na nagsasabi sa atin ng tungkol sa radical commitment, sacrificial servanthood, giving, reality of hell.
Ang mga “pinuno” naman, gusto nila sila ang nagpapasunod sa mga tao. Ganoon din tayo, we want to be master or captain of our own life. Tayo ang may sariling ambisyon, nagpaplano, at sasabihin nating ibless ni God ang mga plano natin. This is an issue of who is in charge, sino ang may awtoridad. Kaya…
Verse 2, Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo nga sa amin kung ano ang awtoridad mo na gumawa ng mga bagay na ito. Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?” Nagtanong sila hindi dahil hindi nila alam at hindi dahil gusto nilang malaman. At kung nalaman nilang sa Diyos galing, susunod sila. Hindi iyon ang dahilan. Alam na nila iyon, sa tatlong taong ministeryo ni Jesus, obvious sa mga miracles at teachings niya na ang authority niya ay sa Diyos galing.
Meron silang ibang motibo. It’s a trap. Kapag sinabing sa tao galing ang awtoridad niya, e di hindi na siya papakinggan ng mga followers niya. Kung sa Diyos naman, delikado siya sa mga Roman officials, kasi on lookout ang mga iyan sa mga nagdedeklara na sila ang Messiah – o Redeemer-King. Siyempre, si Caesar lang ang hari para sa kanila. Lalo na sa panahong tulad nito na malapit na ang Feast of Passover. Kaya anuman ang sagot niya, unpopular sa kapwa Judio at unpopular sa mga Romans. Tandaan n’yong nagsisimula na silang magplano kung paano tuluyang iligpit si Jesus (19:47). Pero sa kuwentong ito, makikita nilang hindi mo maiisahan si Jesus. Hindi mo siya ma-iiscam.
Verses 3-4, Sinagot sila ni Jesus, “Tatanungin ko rin kayo. Sabihin ninyo sa akin, 4 kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Dios o sa tao?”
Wais ang Panginoong Jesus. He is in charge of the situation, not them. Parang chess match. They made a move, Jesus made a move. Now it’s their turn. Mukhang checkmate sila. Bakit? Alam nila na trapped sila. Kasi ang ginamit dito ni Jesus ay si John the Baptist, na siyang nauna kay Jesus at nag-endorse ng pagdating ni Jesus. Kaya kung ano man ang conclusion nila kay John, ganoon din dapat kay Jesus. Kung hindi lalabas na inconsistent sila. Kaya di sila dali-daling sumagot, nag-isip na mabuti kung ano ang magiging next move ni Jesus kung anuman ang gawin nilang move.
Verses 5-6, Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Dios, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ 6 Pero kung sasabihin nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Dios.”
Parang sinasabi nila dito, “Patay tayo diyan.” Gusto pa naman nilang ipapatay si Jesus, pero mukhang sila ang mayayari. Kung sabihin nilang “sa Diyos,” patay ang plano nila, bagsak ang popularity ratings nila, mawawalan sila ng awtoridad sa mga tao, kasi inconsistent sila. Kung sabihin namang sa tao lang, lalong patay, literally. Dahil kung galing si Juan sa Diyos, at sabihin nilang hindi, nilalapastangan nila ang Diyos at sila ang nararapat lang na patayin, ayon sa Kautusan (Lev. 24:15-16).
Verse 7, Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” Hindi dahil hindi talaga nila alam. Pero dahil ayaw nilang harapin ang consequences ng mga bagay na alam na nila. Takot sila. Nandoon ang pride nila. Hindi ba’t ganoon din tayo? Kapag napatunayan sa atin kung ano ang totoo, pinapangatawanan pa rin natin ang nakalakihan nating relihiyon o tradisyon, pride kasi. The problem here is not ignorance, but rebellion. We resist the authority of Jesus, not because of ignorance, but because of willful, active rebellion.
Parang mga teenagers. Alam naman nilang sila ay mga anak at dapat nagpapasakop sa magulang. Pero ayaw sa authority ng parents. “Lagi na lang siya ang masusunod. Bawal ganito. Bawal ganoon. Ayoko na. Kung ano ang gusto ko, kung saan ako magiging masaya, ganoon ang gagawin ko!” That’s who we are, like rebellious teenagers. Sabi ng Diyos kay prophet Ezekiel, “Son of man, you live among rebels who have eyes but refuse to see. They have ears but refuse to hear. For they are a rebellious people” (Ezekiel 12:2 NLT). Kung ano ang kalagayan ng mga leaders, ganoon din ang karamihan ng mga tao sa bansa nila. “Follow the leader” lang iyan.
Verse 8, Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.” Hindi dahil ipinagdadamot niya ang “katotohanan”. He was preaching the Gospel to them. Mula pa sa simula ng ministeryo niya, hanggang dito sa Jerusalem, mensahe mula sa Diyos ang dala-dala niya. Ayaw naman kasi nilang makinig. Alam nilang galing sa Diyos ang awtoridad ni Jesus, di na niya kailangang sabihin iyon. At kahit sabihin man niya, balewala din, kasi di naman siya papakinggan.
We sin not because of ignorance. Hindi dahil hindi natin alam. Kundi dahil ayaw nating paniwalaan. It’s unbelief that is at the root of all our sins. We know God is good, but we don’t believe it. It’s rebellion. Alam natin ang utos niya, pero di natin sinusunod. Si Adan at Eba? Alam naman nila na ipinagbabawal ng Diyos kainin ang kinain nila. Nagkasala sila hindi dahil hindi nila alam, kundi dahil hindi sila naniwala sa Diyos. May pinagkaiba ba tayo sa kanila? Like father, like son. Like mother, like daughter. We are all in this together. Lahat tayo makasalanan, lahat tayo nagrebelde sa Diyos.
Sasabihin nung iba, hindi naman siguro ako nagrerebelde, maliit na kasalanan lang naman. Tao lang. Imperfect. Nagkakamali. I use the word “rebellion” because that’s how serious it is. We reject God’s authority over our lives. Hindi ba’t rebellion iyon? Ang hirap nating umintindi. Kaya nagkuwento pa sa atin si Jesus para mas maintindihan natin. Pero kung tulad ka ng tatlong grupo ng mga leaders na ito na ayaw umintindi, wala kang mapapala sa kuwentong ito. Meron pala, mas makikita mo kung paanong sa kapahamakan din ang tungo ng pagrerebelde mo.
Verses 9-10, Pagkatapos noon, ikinuwento ni Jesus sa mga tao ang talinghaga na ito: “May isang tao na nagtanim ng mga ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang ubasan niya sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal. 10 Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya.
Sinu-sino ang nirerepresent ng mga karakter sa kuwento ni Jesus? Obviously, ang owner ng farm ay walang iba kundi ang Diyos. Ang ubasan ay ang Israel. Ang image na ito ay pamilyar sa kanila. “For the vineyard of the LORD of hosts is the house of Israel…” (Isa 5:7 ESV). Ito ang pinili ng Diyos na pagtayuan ng kanyang Kaharian at tumanggap ng kanyang mga pagpapala. Ang mga magsasaka o mga tenants ay ang mga leaders nila. Sila dapat ang nangangalaga sa mga tao. Ineexpect ng Diyos na maging good stewards sila at mamunga. Pero hindi ganoon ang nangyari, “When I looked for good grapes, why did it yield only bad” (Isa 5:4 NIV)? Sa kuwentong ito, nagpadala siya ng mga apilin – tatlong magkakasunod na pumunta sa farm. Kumakatawan ito sa mga propetang tulad ni Jeremiah. At ang kahuli-hulihan bago si Jesus ay si John the Baptist. Pero sa halip na makinig, hindi sila nakinig. Sabi ni John, “You brood of vipers!…Bear fruit in keeping with repentance” (Matt. 3:7-8 ESV). Walang magandang bunga, puro masasama ang pinaggagawa nila. Anong ginawa ng mga magsasakang ito sa kuwento?
Verses 10-12, Pero binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala. 11 Nagsugo ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala. 12 Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas. Sa simula ng pag-aaral ko dito, at maaaring ganito din ang unang reaksyon niya, feeling ko, “Grabe naman itong mga ito! Ungrateful! Feeling nila sila ang may-ari! Feeling nila pwede nilang gawin lahat ng gusto nilang gawin at makakalusot sila! Grabe!” Hindi ba’t ganito ang karaniwang reaksyon natin kapag may mabalitaan tayong kaso ng rape at murder? Pero habang pinagbubulayan ko ang pangyayaring ito, nakita ko hindi kung gaano kagrabe ang kasamaan ng tao, kundi kung gaano kagrabe ang kabutihan ng Diyos. Alam na niya ang kasamaan nitong mga farmers niya, sa simula pa lang. Pero bakit paulit-ulit pa siyang nagdadala ng mga propeta sa kanila? Bakit? He was so patient. “He does not want anyone to be destroyed, but wants everyone to repent” (2Pe 3:9 NLT). He was so kind. “God’s kindness is meant to lead you to repentance” (Rom 2:4 ESV). At ang pinakagrabeng pagpapakita niya ang pag-ibig niya ay nang ang mismong sariling anak niya ang pinadala niya. His love for us costs us his beloved Son.
Verse 13, Nag-isip ang may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Alam ko na, papupuntahin ko sa kanila ang minamahal kong anak. Siguro naman ay igagalang nila ito.’ Maliwanag na si Jesus ang tinutukoy dito. Sa baptism niya, sinabi ng Ama, “You are my beloved Son; with you I am well pleased” (Luke 3:22 ESV). Ganyan kalaki ang pag-ibig ng Diyos. “For God loved the world so much that he gave his one and only Son” (John 3:16 NLT). Kung ganito kagrabe ang kabutihan ng Diyos sa atin, dito rin natin makikita kung gaano kagrabe ang kasamaan nating mga tao.
Verse 14, Pero nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana; patayin natin para mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ Jesus here was exposing their plan to kill him. And they will succeed, because of their greed for money, for power, for approval. Sa una, pambubugbog lang. Ngayon pagpatay na. Ganyan ang nagagawa ng kasalanan. Habang sumusuway tayo sa Diyos, palala nang palala ang posibleng magawa natin. Ang mga salarin sa panggagahasa at pagpatay sa isang babae sa Calumpit. Nagsimula iyan ng small time. Lustful thoughts. Porn. Ang salarin sa pagpatay sa 11-anyos sa Candaba, nagsimula iyan sa kaunting selos, inggit, galit, hanggang magdilim ang paningin at dahil sa galit sa ama ng bata, yung bata ang napag-initan. Hindi ba’t ganoon din si Cain (Gen. 3)? Galit at inggit sa kanyang kapatid, inaya sa bukid, saka pinatay. Mag-ingat tayo. Kung ang puso natin ay hindi napapasakop kay Jesus, pati ang marriage natin, work, relationships…we don’t know how much sin or rebellion each of us is capable of. There’s a vicious monster inside us. Sabi ni Ed Welch, “Sin is guerrilla warfare that is deadly. Just when you think you are in control, it seeks to devour you.” Hindi ba’t ganyan ang warning ng Diyos kay Cain, “Sin is crouching at the door, eager to control you. But you must subdue it and be its master” (Gen 4:7 NLT). Pero di siya nakinig. Ang mga kausap ni Jesus, di rin nakikinig sa kanya. Tulad sila ng farmers sa story…
Verse 15, Kaya dinala nila ang anak sa labas ng ubasan at pinatay. The death of Christ is the height of human rebellion. They killed their God, King and Creator. Dahil sa pagrerebelde, si Adan at si Eba ay pinalayas sa presensiya ng Diyos, out of the Garden. Si Cain din. Ang Israel din, expelled from the promised land. Parang “persona non grata.” Ang hipon, akala ng iba maliit lang. But insulting to many. Ang pagsuway natin sa Diyos kala natin maliit na hipon lang, pero it’s an insult to the glory and honor of the King of the Universe. Hindi tayo makakatakas, hindi tayo makakalusot. Akala ng mga farmers, makakalusot sila sa krimen nila hindi! Ang mga nangrape sa babae sa Calumpit, di nakalusot. We will all pay for our crimes – treason against the King! We all deserved the death penalty.
What’s the solution? Iyon din. The Cross is the pinnacle of God’s love (Rom. 5:8). Pinatay si Jesus sa labas ng Jerusalem. Persona non grata siya sa Jerusalem. “Ganyan din ang nangyari kay Jesus, pinatay siya sa labas ng bayan para malinis niya ang mga tao sa mga kasalanan nila sa pamamagitan ng kanyang dugo” (Heb. 13:12 ASD). Persona non grata si Jesus, para hindi na tayo persona non grata. Welcome. Accepted. Ang Diyos pa ang sumasalubong sa atin para tanggapin tayo na mga rebelde, mga prodigals (Luke 15). Iyan ang magandang balita (Luke 20:1). Magandang balita iyan kung tatanggapin mo. Pero kung hindi, may masamang balita sa mga taong patuloy sa kanilang pagrerebelde sa Panginoon.
Verses 15-16, “Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? 16 Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.” Nang marinig ito ng mga tao sinabi nila, “Huwag sanang ipahintulot ng Dios na mangyari ito!”
Hindi kapani-paniwala sa mga Judio, ang lahing pinili ng Diyos, na mangyayari ang ganitong trahedya sa kanila. Pagkalipas ng 40 taon, 70 AD, magkakatotoo ang sinabi ni Jesus. Lulusubin ng mga sundalong Romano, sa pangunguna ni Haring Titus, ang Jerusalem. Libu-libo ang mamamatay. Susunugin ang templo at ang buong lungsod. Ang pagpapalang dapat sana ay para sa mga Judio ay mapupunta sa mga di-Judio, kasali tayo doon kung nagtitiwala tayo kay Jesus. Pero kung hindi, wag na wag nating sasabihing hindi mangyayari ang mga ganyang bagay. Huwag mong sabihing, “God is good, hindi niya gagawin iyan.” Oo, mabuti siya, pero malupit siya sa mga nagrerebelde sa kanya at ayaw sumuko. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. Either your death – eternal separation from God. Or the death of Jesus – his momentary separation from God enough for all of us who trust in him to be accepted. Para sa lahat. Para sa buong mundo ang sakop ng kayang yakapin ng pagmamahal ng Diyos. Kahit na di makapaniwala ang mga tao sa sinasabi ni Jesus, naroon pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanila…
Verse 17, Tiningnan sila ni Jesus at tinanong, “Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan: ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’
Galing ito sa Psalm 118:22, isang Messianic psalm, o talatang tumutukoy sa pagdating ni Cristo. Binanggit din ito sa Romans 9:32-33 at sa 1 Peter 2:8. What’s the point here? Oo, tinanggihan siya ng karamihan ng mga Judio. Pero temporary lang ang rejection na iyon. Hindi iyon hadlang sa plano ng Diyos. Merong ilan, na sa ilang iyon ay sinimulan ang iglesiya, kalipunan ng lahat ng mga tagasunod ni Jesus. Siya ang batong pundasyon. We are building his church on that foundation.
Paano? Isinugo ng Diyos si Jesus. Isinugo din tayo ni Jesus (tayong mga alipin na isinugo, apostello, tulad ng sa parable niya). We are the slaves (prophets) who will tell the world about the gospel. Jesus was rejected that we might be accepted. Jesus was forsaken that we might be forgiven. Jesus was shamed, that we might be honored. Jesus was mercilessly killed brutally, that we might enjoy life abundantly. Hindi lang sa salita. Kundi sa ginagawa natin. Sa kababaang-loob natin bilang mga servants na magpasakop sa authority na inilagay ng Diyos sa buhay natin. Iginalang ni Ramon Bautista ang desisyon ng Davao City. That’s respect for authority – patas man o malupit ang hatol sa kanya. That’s not the point. So, ganoon din ang mga bata sa kanilang magulang. Ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki. Ang mga empleyado sa amo o manager nila. Ang mga estudyante sa teachers nila. Ang mga members ng church sa kanilang church leaders. We show the world what it means to submit to authority. Ipinapakita natin sa mga tao kung ano ang ibig sabihin ng nasa loob ng kaharian ng Diyos. At inaanyayahan natin silang mga nasa labas na pumasok dahil kung hindi…
Verse 18, “Ang sinumang mahulog sa batong (si Jesus iyon!) ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog.” Galing ito sa Isaiah 8 at Daniel 2, larawan ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus na walang sinumang makahahadlang. Lahat ng nagrerebelde, they will eventually be destroyed. Si Jesus ang bato, siya ang batong dudurog sa iyo o siya ang batong sasandalan mo para sa iyong kaligtasan. Rock of destruction or Rock of refuge? It’s your choice. Sa verse 19, itong mga tao pinili pa ring ipagpatuloy ang maitim na balak nila laban kay Jesus. Kung gusto mong magpatuloy na sumuway sa kanya at di pakinggan ang salita niya, nasa iyo iyon. Pero wag mong sabihing nagkulang ako ng paalala sa inyo. Sa 12 tagasunod ni Jesus, si Judas hindi nakinig sa mga warnings ni Jesus. Sana, at ito ang panalangin ko sa lahat sa atin, tumulad tayo sa 11 at sa iba pang mga tagasunod niya na patuloy pa rin sa pagsunod kahit sa pagsunod hanggang sa kahihiyan, pagdurusa at kamatayan alang-alang sa kanya at sa marami pang di nakakakilala sa kanya.
1 Comment