Part 40: The Good Life (Luke 18:18-30)

Part 40Kahit na gustuhin nating mga Pilipino na mag-maintain ng positive attitude (Think positive, wag kang aayaw!) at isiping life is good, deep in our hearts we feel that life is bad. Ang daming nangyayari sa buhay natin at sa paligid natin na di mabuti. May bagyo. May bills na hirap bayaran. May anak na matigas ang ulo. May asawa na parang wala nang pakialam sa relasyon n’yo. May kapitbahay na maingay. May utang na tambak-tambak na. May kulang sa buhay o sa puso ng tao na di maisip-isip kung ano iyon. Brokenhearted. Abused. Neglected. We experienced that life is bad.

So we desire a good life. Gusto natin maginhawa ang buhay natin, masaya ang pamilya natin, maayos ang relasyon natin sa iba, may kapayapaan at kagalakan sa puso natin. At gusto natin hindi lang pansamantala, kundi magkaroon ng katiyakan na bukas, all is well. At maging sa kabilang-buhay, gusto rin natin na magkaroon ng katiyakan na we will enjoy life forevermore. Buhay na walang hanggan – o buhay na mabuti ngayon at magpakailanman. Ito ang temang bumabalot sa kuwento natin ngayon, mula simula hanggang dulo. Sa simula pa lang ang hangad ng lalaki, “upang magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Lucas 18:18 ASD). At ito rin ang hangad ng Diyos na ipinangako niya para sa atin, “tatanggap din ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon” (v. 30).

Listen

Resources

itunes-iconmp3-iconpdf-iconsermonnetlogokindle-icon

May lumapit kay Jesus. “Isang pinuno ng mga Judio” (v. 18). “Napakayaman niya” (v. 23). Relihiyoso siya at tingin niya sa sarili niya at tingin ng ibang tao sa kanya mabuting tao siya. Good life, eka nga. Pero nararamdaman niya may kulang o gusto niyang makatiyak na anuman ang kulang na iyon, gagawin niya para makasigurado siyang magkakaroon siya ng mabuting buhay. “What am I still lacking?” (Matt. 19:20). Ganito rin ang tanong ng isang dalubhasa sa Kautusan sa Luke 10:25ff. Ganito rin ang tanong ng lahat ng tao sa kanilang puso – aminin man nila o hindi. God “has planted eternity in the human heart” (Ecc 3:11 NLT). Mayaman o mahirap, bata o matanda, relihiyoso o suwail, nararamdaman nating there’s something bad in this life, we want a good life.

We think we are a good person; in truth we are a bad person

“What must I do?” tanong ng mayamang pinunong ito. Natural sa ating mga tao, it’s our default mode, na akala natin nakadepende sa gagawin natin ang pagkakaroon ng good life. If you do good, you are a good person, so good things will come to you. If you do bad, you are a bad person, so bad things will come to you. Sasabihin natin kapag may isang tao na nagkaloko-loko ang buhay, “Ayan, na-karma tuloy.” Karma is a Buddhist concept. At ipinapasok natin ang ganitong konsepto sa relasyon natin sa Diyos. Tayo pa namang mga Pilipino, isang “value” natin ay ang pagtanaw ng utang na loob. Kapag gumawa ako ng mabuti sa iyo, may expectation ako na may mabuti ka ring gagawin o ibibigay sa akin. At dinadala natin iyan sa relasyon natin sa Diyos. Kung gagawa tayo ng mabuti para sa Diyos, aasahan natin na mabubuting bagay ang ibibigay sa atin ng Diyos.

Ngayon tingnan natin kung ano ang problema sa ganitong klaseng belief system. Paano sinagot ni Jesus ang tanong ng lalaki? Verses 19-20, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Dios lang ang mabuti, wala nang iba! Alam mo ang mga utos, [sa sampung utos na makikita natin sa Exodus 20, nagbigay siya ng lima, numbers 5-9] ‘Huwag kang mangangalunya [number 7 – v. 14], huwag kang papatay [number 6 – v. 13], huwag kang magnanakaw [number 8, v. 15], huwag kang sasaksi ng kasinungalingan [number 9, v. 16], at igalang mo ang iyong ama at ina [number 5, v. 12].”

Ang mga utos na ito ay ibinigay ng Diyos sa mga Israelita noong panahon ni Moises, pagkatapos na sila ay palayain ng Diyos mula sa 400 taong pagkakaalipin sa Egipto. Ang mga utos na ito ay mabuti. “The law is good,” sabi ni Pablo (Rom. 7:12, 16; 1 Tim.1:8). At maganda ang intensiyon ng Diyos dito, para maranasan natin ang magandang buhay: “If you obey my decrees and my regulations, you will find life through them. I am the LORD” (Lev 18:5 NLT). Sa Deuteronomy 28, malinaw na sinasabi ng Diyos na kung magiging tapat sila at maingat na susundin lahat ng utos ng Diyos, they will experience good life (“blessings”). Kung hindi naman, bad life (“curses”). So, if you are obeying God’s commands, you are a good person.

At iyan ang tingin ng lalaking mayaman sa kanyang sarili. Dahil nararanasan niya ang pagpapala ng Diyos (kayamanan), so it means he is a good person. At ito rin ang karaniwang paniniwala natin sa sarili natin, ito ang maririnig natin sa mga taong inaaya nating mag-Story of God, o iniinvite natin sa church, o tinatanong natin kung gusto ba nilang magkaroon ng bagong buhay. Sasabihin nila, “OK naman ako. Mabait naman ako. OK naman ang buhay ko. Sumusunod naman ako sa mga utos ng Diyos. Siguro naman, sana, sa langit ako mapupunta.” Ganito din ang sabi ng lalaking kausap ni Jesus, verse 21, “Sinusunod ko po ang lahat ng iyan [mga utos ng Diyos] mula pagkabata.”

Tiwala ang lalaking ito sa sarili niya, “I am a good person.” Is he really a good person? Are you a good person? Let’s watch this video:

[youtube http://youtu.be/7F_Bbjfe4gE]

(English version: http://youtu.be/TCSUKIhjevo).

Binanggit ng Panginoon sa lalaki ang ilan sa mga utos hindi para bigyan ng affirmation ang kanyang pagiging mabuting tao, kundi para iexpose ang realidad ng puso niya, para makita niya na ilusyon lang ang pag-iisip niya na siya ay mabuti. Hindi ba’t sabi niya bago iyon, verse 19, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Dios lang ang mabuti, wala nang iba!” Wala nang iba, ibig sabihin, no one is good, you are not good. No one is righteous, no, not one (Rom. 3:10 ESV). Sa puso niya, he is an adulterer (Matt. 5:27-28), a murderer (5:21-22), a thief and a liar. Liar, hindi naman niya nasunod talaga lahat.

Nagkakaroon tayo ng ilusyon na tayo ay mabuting tao sa dalawang dahilan. Una, may tendency tayo na ikumpara ang sarili natin sa iba. Naalala n’yo ang kuwento natin last week, the parable of the Pharisee and the Tax Collector (Luke 18:9-14). Ang tingin nitong Pariseo sa sarili niya, mabuting tao siya, kung ikukumpara sa iba, na kitang-kita ang pagiging makasalanan. Oo, kung ikukumpara sa mga kurakot, rapist, killers, drug addicts, mabuting tao tayo. Pero ang batayan ay hindi ang ibang tao kundi ang kautusan ng Diyos, ang kabanalan ng Diyos. And we all fall short of that (Rom. 3:23). No exemption.

Pangalawa, tingin natin mabuti tayo dahil nakatingin tayo sa panlabas na ginagawa natin. Oo, kung titingnan sa labas, mabuti ang ginagawa natin pero kumusta naman ang puso natin? Ang motivations natin? Being good is a matter of heart. Not just doing good things, but heart that is good, desiring what is really good. We are not good persons. Kung Diyos ang pamantayan, we are not. Kung puso natin ang titingnan ng mga tao, we are not. “The human heart is the most deceitful of all things, and desperately wicked. Who really knows how bad it is” (Jer 17:9 NLT)?

We have a bad heart, we need a good heart

At ito ang gustong iexpose ng Panginoon sa pakikipag-usap niya sa lalaki. Akala ng mga tao mabuting tao ito, kasi nga naman napakayaman, maraming pera. But Jesus knows him better. Jesus knows his heart. Jesus knows his idols. Para iexpose ang idolatry at wickedness sa heart niya, sabi niya, verse 22, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng ari-arian mo at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”

Hindi ibig sabihin na sang-ayon si Jesus sa sinabi ng lalaki na ginagawa niya ang mga utos ng Diyos. Kundi para ipakita, malaki pa ang kulang. Sinabi niyang ibenta ang lahat ng ari-arian niya hindi para sabihing ganun din ang gawin nating lahat (maliban na lang kung malinaw talagang sasabihin niya iyon). Kundi para ipakita kung ano talaga ang gusto ng puso niya. Matt. 13:44, “The kingdom of heaven is like treasure hidden in a field, which a man found and covered up. Then in his joy he goes and sells all that he has and buys that field.” Parang tinatanong siya dito ni Jesus, “Do you really want eternal life? Do you really want the kingdom of God? Do you really want God – more than all your money and your possessions?”

Ang sagot niya, “No. I want my money more than God.” “Nalungkot ang lalaki nang marinig ito, dahil napakayaman niya” (v. 23). O dahil ang pera niya ang dinidiyos niya. Ang pera at ari-arian natin ay mabuting regalong galing sa Diyos (James 1:17). Pero ang isang mabuting bagay ay nagiging masama kung ito ang gagawin nating dios o mas gugustuhin ng higit sa Diyos (Mark Driscoll: “A good thing becomes a bad things when it becomes a god-thing.”) Tinatali ng pera ang puso ng lalaking ito. Sinasabi niyang sinusunod niya ang mga utos ng Diyos, pero malinaw na guilty siya of breaking the 10th commandment, “You shall not covet…” (Ex. 20:17), a heart issue. At sinabi ni Pablo na ang kasakiman ay pagsamba sa dios-diosan: “Don’t be greedy, for a greedy person is an idolater, worshiping the things of this world” (Col 3:5 NLT). So, by breaking the 10th, he is breaking the first, “You shall have no other gods (like money) before me” (Ex. 20:3). He has a bad heart. He needs a good heart.

From Bad News to Good News

Anong isang bagay ang hinding-hindi mo matalikuran para ikaw ay makasunod sa Diyos? Iyan ang idol mo at iyan ang gumagapos sa puso mo. Our heart is an idol factory. We are all guilty! guilty! guilty! At ito ang bad news. Instead of enjoying a good life – now and forever – we deserved the death penalty. Ang mga nangangalunya, death penalty (Lev. 20:10), pati ang mga mamamatay-tao (magagalitin) (Ex. 21:12, 14), mga magnanakaw (21:16), mga sinungaling (Prov. 19:9), mga lumalapastangan sa magulang (Ex. 20:12; 21:17; Matt. 15:4), at mga sumasamba sa mga dios-diosan (Deut 6:14-15; 7:4; 8:19; 11:16; 17:2-5; 30:17-18). “For the wages of sin is death…” (Rom. 6:23). That’s the bad news.

OK, sasabihin ng iba, that’s means I’ll try harder, magpapakabuti na ko, susunod na ko sa Diyos. Ano ba ang sabi ng Panginoong Jesus, bilang reaksyon sa nakita niyang kalungkutan sa lalaking mayaman? Verses 24-25, “Napakahirap para sa mayayaman [mga dinidiyos ang pera] ang mapabilang sa kaharian ng Dios. Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa mapabilang ang isang mayaman sa kaharian ng Dios.” Makakapasok ka lang sa kaharian ng Diyos at magkakaroon ng buhay – mayaman ka man o hindi – kung magbabago ang puso mo. Ito ang sinasabi ni Jesus na pagiging “born again” (John 3:3, 5). Ayon kay Jesus, madali ba para sa ating gawin ito? Mahirap? Napakahirap? Imposible! Kaya nga ginamit niya ang katawa-tawang ilustrasyon ng pagpasok ng kamelyo sa butas ng karayom – imposibleng mangyari! Imposibleng ipanganak tayong muli sa sarili nating sikap (John 1:13). “Can an Ethiopian change the color of his skin? Can a leopard take away its spots? Neither can you start doing good, for you have always done evil” (Jer 13:23 NLT).

Sa sarili nating sikap, sinasabi ni Jesus na ang buhay na walang hanggan ay imposible nating makamtan, dahil imposible sa ating baguhin ang puso nating ginagapos ng kasalanan. Naintindihan ng mga nakarinig kay Jesus na ganito ang ibig niyang iparating sa lahat, kaya tanong nila, verse 26, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?” Sagot ni Jesus, verse 27, “Ang imposible sa tao ay posible sa Dios.” Sa version ni Matthew, “With God all things are possible” (19:26). Ang Kautusan, under the Old Covenant, ibinigay ng Diyos, para ipakita kung gaano kalaki ang problema ng puso natin, kung gaano tayo ka-guilty sa harap ng Diyos, para ipakita na kailangan natin ng New Covenant, na ang Diyos ang kailangan natin.

Kung imposible ang heart-change sa tao, posible sa Diyos. At ito ang mabuting ipinangako niya. Jeremiah 32:40, “I will make with them an everlasting covenant, that I will not turn away from doing good to them. And I will put the fear of me in their hearts, that they may not turn from me.” Jer. 31:33, “I will put my law within them, and I will write it on their hearts. And I will be their God, and they shall be my people.” Ezekiel 36:25-26, “I will sprinkle clean water on you, and you shall be clean from all your uncleannesses, and from all your idols I will cleanse you. And I will give you a new heart, and a new spirit I will put within you. And I will remove the heart of stone from your flesh and give you a heart of flesh (responsive to God).”

Ang function ng Law ay para sabihin sa atin, “Stop trusting in your self.” At ang mabuting balita (gospel) na nakita natin sa New Covenant ay nagsasabi sa atin, “Start trusting God and his promises.” Ang Mabuting Balita (gospel) ay ang balita na kahit tayo ay makasalanan (bad person), bibigyan tayo ng bagong puso ng Diyos (new heart, good heart), makakapasok na tayo sa kaharian ng Diyos, matatanggap na tayo ng Diyos, magkakaroon na tayo ng buhay na walang hanggan.

Ang katuparan ng New Covenant ay nakay Cristo. Nasa harapan na ng lalaking mayaman, tinalikuran pa niya. Nang sinabi niyang, “Bakit mo sinasabing mabuti ako? Ang Dios lang ang mabuti, wala nang iba!” (v. 19), pinapahiwatig niya na dapat kilalanin ng lalaki na hindi siya mabuti, pero si Jesus ang mabuti sa lahat, at dahil Diyos lang ang mabuti, si Jesus din ay Diyos! At nang sabihin niyang may isang kulang pa sa kanya, verse 22, “Come, follow me” (na siyang panawagan din sa lahat sa atin), sinasabi ni Jesus hindi ang isang bagay na lang na kulang niyang gawin, kundi ang kulang ay walang iba kundi si Jesus! Me, Me, you need Me! Kailangan natin si Jesus. Siya lang ang nabuhay nang matuwid, he is the only good person who ever lived on planet earth. Lahat ng utos ng Diyos sinunod niya, wala siyang sinuway ni isa. Sa kabila noon, itinuring siyang makasalanan (a bad person), parang kriminal, katabi ang mga magnanakaw nang siya’y ipako sa krus. Para ano? Para sa atin, para kahalili natin. Namatay siya, sa halip na tayo ang parusahan. Nabuhay siyang muli para bigyan tayo ng bagong buhay. This is the good news! “Kailanma’y hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niya’y maituring tayong matuwid ng Dios” (2 Cor. 5:21 ASD).

God is our Highest Good – now and forever

Do you believe that? O tulad din ng lalaking mayaman, tatalikod ka na parang wala kang narinig? Magpapatuloy ka pa ba sa pagsamba sa dios-diosan? O ngayon ay kikilalanin mong ikaw ay isang makasalanan at tulad ng tax collector sa nakaraang kuwento, sasabihin mo, “O God, be merciful to me, for I am a sinner!” (Luke 18:13 NLT)? Nakikita mo na ang laki ng kabutihan ng Diyos – walang anumang bagay o sinumang tao sa mundong ito ang ipagpapalit mo sa kanya – handa ka nang iwan ang lahat alang-alang sa pagsunod kay Jesus – kung alam mong siya lang ang kailangan mo.

Tulad nila Pedro, ang sabi niya kay Jesus, verse 28, “Paano naman kami? Iniwan namin ang lahat (ESV, “our homes”) upang sumunod sa inyo.” Sasabihin ni Jesus na hindi sakripisyo ang iwan ang lahat para sumunod sa kanya, kung alam natin ang laki, ang buti, ang inam ng buhay na meron tayo ngayon at ng naghihintay pa sa atin. Sabi ni Jesus, verses 29-30, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, sinumang nag-iwan ng bahay, asawa, mga kapatid, mga magulang, at mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos [o hindi pinahahalagahan ang anuman o sinuman nang higit kay Jesus] ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa mga iniwan niya, at tatanggap din ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”

“Mas marami pa kaysa sa mga iniwan” natin. Sa Mark, “a hundredfold.” Hindi maipapantay ang mapapasaatin. Gaano man kabuti ang mga bagay na tatalikuran natin (pera, pamilya, trabaho, relihiyon, sariling pagsisikap), hindi maipapantay sa kabutihang mapapasaatin. Bakit? Sabi ni Jesus sa v. 19, “Ang Dios lang ang mabuti.” Ang Diyos lang ang mabuti para sa atin, wala nang iba. God is our highest good – now and forever. Ito ang ibig sabihin ng buhay na walang hanggan, ayon sa panalangin ng Panginoon sa John 17:3, “ang makilala ka ng mga tao na ikaw lang ang tunay na Dios, at makilala rin nila ako na isinugo mo.”

Umuwi ang mayaman na mayaman pa rin, pero wala sa kanya ang Diyos. Kung uuwi ka ngayon na hawak-hawak pa rin ang dinidios mo, ikaw ang lugi. Pero kung uuwi ka at patuloy na mamumuhay na nakay Cristo – mawala man ang kayamanan mo o ang mahal mo sa buhay – sulit na sulit dahil nasa iyo ang Diyos ngayon at magpakailanman.

At hindi ito nakadepende sa kabutihan mo kundi sa kabutihan ng Diyos na di nagbabago. This is “the gospel of the grace of God” (Acts 20:24 ESV). Hindi na karma o utang na loob ang nangingibabaw na sa panuntunan natin sa buhay kundi ang biyaya at kabutihang-loob ng Diyos.

Previous sermons

Part 39Part 38Part 37

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.