Part 37: New Identity (Luke 17:1-19)

Part 37

[sorry, audio of this sermon is not available]

Resources

pdf_fileunnamed

A New Creation

Kapag feeling mo hindi ka “accepted” – sa school o sa work o kahit sa loob ng bahay – you feel isolated, ang baba ng tingin mo sa sarili mo, apektado ang pamumuhay mo. Pero kapag naramdaman mo ang acceptance, nababago nito ang relasyon mo sa iba, nababago din ang pagtingin mo sa sarili, nagkakaroon ka ngayon ng kasabikan na mamuhay.

Ganito ang nangyari sa sampung lalaking ketongin (o “malubhang sakit sa balat,” v. 12 ASD) na sumalubong kay Jesus sa patuloy niyang paglalakbay papuntang Jerusalem. Sa mga Judio kasi, itinuturing sila na marumi, ceremonially speaking. Ayon ito sa kautusan ni Moises sa Leviticus 13:45-46. Hindi sila nilalapitan ng iba, sa takot na mahawa sa karumihan nila. Isolated sila. Di rin sila puwedeng pumasok sa templo. Desperado sila sa tulong ng Panginoong Jesus. Kahit malayo sila, dahil nga di makalapit, sumigaw sila, “Panginoong Jesus, maawa po kayo sa amin” (v. 13)! Pagkatapos noon, pinapunta sila ni Jesus sa pari para matingnan sila at maipahayag na malinis na sila (ayon ito sa Lev. 14). Sumunod sila kay Jesus, tanda ng pagtitiwala nila sa salita niya, at biglang gumaling sila habang naglalakbay.

Imagine kung kayo yun, naglalakad ka tapos biglang nawala na lang ang mga nakakadiring sugat mo sa balat. Tapos sinabi ng pari, malinis ka na. Hindi ka na isolated. Hindi ka na pandidirihan. Makakapamuhay ka na ng normal. Makakasamba ka na sa Diyos.

Sabi ni Jesus sa isang bumalik sa kanya, “Tumayo ka at umuwi na. Iniligtas (o pinagaling) ka ng iyong pananampalataya” (v. 19). Napakagandang larawan ang ipinapakita nito sa atin. In a sense, tulad din tayo ng mga ketongin, spiritually speaking. Marumi tayo dahil sa ating mga kasalanan. Di tayo makalapit sa Diyos na banal. Di tayo tanggap. Apektado rin nito ang relasyon natin sa ibang tao. Dahil sa kaaawa-awang kalagayan natin, tumawag tayo sa Panginoong Jesus. Humingi tayo ng awa na iligtas niya tayo. Kinilala natin siyang Panginoon ng ating buhay. Nagtiwala tayo na siya lang ang Tagapagligtas. Naranasan natin ang awa ng Diyos. Tanggap na tayo ngayon sa Diyos. Makakalapit na tayo sa kanya. We now have a new identity. “Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya” (2 Cor. 5:17). Tulad ng ketonging pinagaling ni Jesus. Ang bagong pamumuhay natin ay nanggagaling sa bago na nating pagkatao o identity.

GraceCommunities

Iyan ang dahilan kung bakit meron tayong GraceCommunities. Ito ay pagsasama-sama ng mga taong dating marurumi sa harapan ng Diyos pero dahil sa awa at habag niya (grace!), malinis na ang turing niya sa atin dahil kay Cristo na nasa atin. Tulung-tulong tayo na ipamuhay ang bagong identity na ito bilang mga disciples ng Panginoong Jesus. Anu-ano ito? Meron limang bahagi ang identity na ito na kitang-kita rin nating sa talatang pinag-aaralan natin ngayon.

GraceCommunities

The Disciple as a Worshipper

Ito ang dahilan bakit sinabi ni Jesus sa sampung lalaki na pumunta sa pari (v. 14). Para mabigyan sila ng katunayan na sila’y malinis na at malaya nang makapaghahandog sa Diyos sa pagsamba sa templo. Pero para sa ating mga tagasunod ni Jesus, worship is not just a religious ritual, a set of activities we perform. It is about worshipping a person – walang iba kundi ang Panginoong Jesus. Dahil siya ang Panginoon, dahil sa kanyang awa sa atin, he is worthy of our whole-hearted worship.

Ang nakalulungkot, marami na rin tayong nabautismuhan, nagpahayag sila na sila na ay mga tagasunod ni Jesus, na sila’y binigyan na ng bagong buhay. Pero wala sila rito ngayon, hindi sumasama sa atin sa pagsamba sa Diyos. Tulad ng siyam na lalaki sa kuwento. Isa lang ang bumalik kay Jesus para magpasalamat at magpuri sa kanya. Verses 15-16, “Bumalik siya kay Jesus at nagsisisigaw ng papuri sa Dios. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya.”

Yan ang ginagawa natin tuwing magsasama-sama ang isang GraceComm, tuwing sama-sama tayong nananalangin, at kahit sa panahong mag-isa ka sa personal devotion mo. Inaalala natin ang awa ng Diyos, nagpapasalamat tayo, umaawit tayo, sumisigaw tayo sa pagpupuri sa kanya. Iyan ang ginagawa natin every Sunday morning. Romans 12:1, “Kaya mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kany ang inyong mga katawan bilang mga handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.”

Hindi ba’t lahat tayo ay kinaawaan ng Diyos? Hindi ba’t nararapat lang na ngayong Linggo ng umaga sabihin natin sa kanya, “Buong puso kong pupurihin ang Panginoon, at hindi kakalimutan ang kanyang kabutihan. Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman. Inililigtas niya ako sa kapahamakan, iniibig ako at kinahahabagan” (Awit/Salmo 103:2-4)? Pero nasaan ang iba? Mas mahalaga pa ba ang mga labada sa bahay, ang kumita ng pera, ang magnegosyo, ang magpahinga sa bahay, kesa sumamba sa Diyos na siyang nagbigay sa atin ng buhay? Sabi ni Jesus sa lalaking bumalik sa kanya, verses 17-18, “Hindi ba’t sampu ang pinagaling ko? Nasaan ang siyam? Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Dios…?”

The Disciple as a Family Member

Kung sinasamba natin ang Diyos, ibig sabihin ang pag-ibig na ibinubuhos niya sa atin ay umaapaw unang-una sa mga kapamilya natin sa pananampalataya. God is our Father. We are his children. We are brothers and sisters. Kung tayo’y isang pamilya, tulung-tulong tayo sa spiritual wellbeing ng bawat isa. Merong mga nahuhulog sa tukso at namumuhay sa pagkakasala. Bilang mga kapatid kay Cristo, anong dapat nating gawin? Sabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng tao” (v. 1). Sa literal ito ay “trap” o “stumbling block” (NET). Sa ESV at NLT ay “temptations to sin.” Galing sa Greek na skandalon kung saan galing ang salitang scandal. Sa pasya at panukala ng Diyos, sure na darating ang mga temptations kahit sa ating mga Christians na.

Ang sabi ni Jesus, wag naman sanang tayo pa ang maging dahilan ng pagkakasala ng iba. Dugtong niya sa verse 1 hanggang verse 2, “Ngunit nakakaawa ang taong magiging dahilan ng pagkakasala ng kanyang kapwa. Mas mabuti pang talian siya sa leeg ng gilingang bato (50 kilos!) at itapon sa dagat, kaysa siya ang maging dahilan ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito (o ng ibang kapatid kay Cristo, disciples).” Kaya sabi niya sa verse 3, “Kaya mag-ingat kayo!” Mahalaga kay Jesus ang espirituwal na kalagayan ng bawat isa sa atin. Kaya nga sinabi niyang buti pang itapon ang katawan natin sa dagat, kasi nga mas pinahahalagahan niya ang espirituwal na buhay natin kaysa sa pisikal. Ganyan kahalaga tayo sa Panginoon.

Kaya naman pahalagahan din natin ang espirituwal na kalagayan ng bawat isa sa atin. Kung ikaw ay namumuhay na taliwas sa pagiging tagasunod ni Jesus, nagiging stumbling block ka sa iba. Kung ikaw isang tatay, sabi mo tagasunod ka ni Jesus, kung lumaklak ka naman ng alak at manakit ng anak mo, hindi ba’t katitisuran ng pamilya mo? O kung nanay ka, kung magbunganga ka sa bahay, tapos kapag Linggo, kegagandang salita ang lumalabas sa bibig mo, katitisuran ka din.

Imbes na maging katitisuran tayo sa iba, dapat tayo pa ang tumulong sa iba para mapainit ang relasyon nila sa Panginoon. Kung nagkasala ang kapatid natin, anong gagawin natin? Verse 3, “Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya (hindi “ikuwento mo sa iba”!). At kung magsisi siya ay patawarin mo. Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo.” Ganito din sabi ni Pablo sa Galacia 6:1 na tulungan natin sila na magbalik-loob sa Panginoon. Kung paanong hinanap tayo ng Diyos at hinimok na magsisi at pinatawad, ganoon din ang gawin natin sa mga kapatid natin sa Panginoon (Eph. 4:32). Wala sa atin ang mga utak-talangka. Kapag may nadapa, hindi natin babalewalain, o pagtatawanan o hahayaan lang, kundi aakayin natin patayo at aalalayang muling makalakad sa kalooban ng Diyos. Sino ang kilala n’yo ngayong wala dito at nanlalamig sa pananampalataya? O nandito nga pero alam n’yong ang pamumuhay sa bahay o sa trabaho o sa eskuwela ay taliwas sa isang tagasunod ni Jesus? Anong gagawin mo ngayon?

The Disciple as a Servant

Medyo soft pa nga ang salitang “servant.” Sa verses 7-10, inihalintulad tayo sa isang “alipin” o “slave” o sa Greek ay doulos. Sa relasyon nating mga tao, negatibong pakinggan na ikaw ay alipin ng ibang tao. Pero tumpak lang na sabihing tayo’y alipin ni Cristo na ating Panginoon.

Sabi pa ni Jesus, “Halimbawa, may alipin kang nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa at kararating lang niya mula sa trabaho niya. Bilang amo, sasabihin mo ba sa kanya, ‘Halika na, maupo ka at kumain’? Hindi! Sa halip, ito ang sasabihin n’yo, ‘Magbihis ka na at ipaghanda ako ng hapunan, at pagsilbihan mo ako habang kumakain. Saka ka na kumain pagkatapos ko.’ Hindi pinasasalamatan ang alipin dahil ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin. Ganoon din naman sa inyo. Pagkatapos ninyong gawin ang [lahat ng] mga iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Mga alipin lamang kami, at hindi nararapat papurihan dahil ginagawa lang namin ang tungkulin namin.'”

Ang focus ng parable na ito ay hindi sa karakter ng Diyos na ating Master. Alam nating gusto niya na may mainit tayong relasyon sa kanya. Ang focus nito ay sa ating mga tagasunod ni Jesus, sa responsibilidad natin na maglingkod sa Panginoon. Na bilang mga alipin, ang tungkulin natin ay gawin “lahat” ng iniuutos sa atin (Matt. 28:19). Gagawin natin nang may kababaang-loob, walang pagrereklamo, at hindi rin natin iisiping may obligasyon ang Diyos na suklian tayo. Oo, may rewards, pero dahil iyon sa kabutihan niya.

“We are unworthy servants; we have only done what was our duty” (v. 10). Humility ang natural response, kapag naranasan natin ang kabutihan ng Diyos. Naglilingkod tayo hindi dahil kailangan tayo ng Diyos, kundi para sa mga kapatid natin na nangangailangan.

Kaya meron tayong iba’t ibang areas of ministries sa church. Ano ang pangangailangang nakikita mo? Ano ang nais ng Diyos na tugunan mo. Hindi lang bakanteng upuan na uupuan mo ang pangangailangan sa church. Meron kang lakas, pananalita, talento, oras, salapi na magagamit sa paglilingkod. May kailangan ang mga kapitbahay natin, mga kamag-anak natin, ang barangay natin, ang school n’yo, ang workplace n’yo. Next week magbabahay-bahay kami sa Barangca para maipanalangin ang mga pangangailangan nila at makita kung paano din makakatugon ang church doon – lalo na sa pangangailangan ng kanilang kaluluwa na makilala ang Panginoong Jesus. Kung ikaw ay isang servant, anong ginagawa mo sa lakas, oras, kayamanan, talento na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos?

The Disciple as a Learner

Kung tayo ay servants, at layunin natin sa araw-araw ay makasunod sa Panginoon tulad ng sabi sa Matt. 28:19, “make disciples…teaching them to obey everything I have commanded you,” ibig sabihin tayo rin ay “learners.” Mga estudyante ng Panginoon na araw-araw ay nagsisikap na alamin ang mga ipinag-uutos niya, mga dapat baguhin sa buhay natin, dapat mas makilala pa sa kanya, kung paano sumamba, kung paano magmahal at maglingkod na tulad ni Jesus. Tulad ng mga ketonging sinabihan niya ng “Go” sa verse 14, sumunod sila. Tulad ng Samaritan leper na sinabihan niya sa v. 19, “Rise and go your way…” na sumunod sa kanya.

Gusto nating mas makilala pa ang Diyos. Gusto nating mas matutunan pa ang kalooban niya at makasunod sa kanya. Kaya narito tayo kada-Linggo at nakikinig ng sermon mula sa salita ng Diyos. Kaya sisikapin din nating araw-araw ay basahin ang Bibliya – “not just for our information but ofr our transformation.” Kaya dumadalo tayo sa mga training programs ng church, mga seminars, sinasamantala natin lahat ng pagkakataon to fuel our affection for God, para maalala ang kanyang habag at awa sa atin, para maging kagaya ng Panginoong Jesus sa kanyang pag-ibig at paglilingkod at pagbibigay ng kanyang buhay para sa atin.

At ngayon, mas magiging intensiyonal tayo sa personal disciple-making. Ibig sabihin, kung meron sa inyo na handang matuto at masanay sa pagsunod sa Panginoon, bibigyan namin kayo ng gagabay sa inyo na personal, one-on-one o one-on-two. At kayo na naturuan na at may sapat nang pagsasanay, maghanap naman kayo ng tuturuan at aakayin sa pagsunod sa Panginoon.

The Disciple as a Missionary

And if we are making disciples who make disciples who make disciples who make disciples, nagiging multiplier tayo. We are reproducing the life of Jesus in us. At maipapamuhay natin ang identity natin bilang “missionaries” – missionaries not just in a traditional sense, pero iyong mga disciples na may puso sa misyon, sa pag-abot sa ibang kultura, lalo na sa mga “unreached people groups.” Ang pagiging misyonero sa ganitong sense ay di lamang para sa mga special, extraordinary, supermature Christians, ito ay para sa lahat sa atin, sa mga ordinaryong tagasunod ni Jesus.

Very deliberate si Luke sa pagnarrate niya ng story dito sa passage natin. Sa verse 11, sinabi niya na sa pagpunta ni Jesus sa Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. Ang Samaria, bayan ng mga Samaritans, mga Judio na may lahi ng ibang bansa, ibig sabihin kahit sa isang bansa, ibang kultura. Ang nais ni Jesus ay abutin di lamang ang mga purong Judio kundi pati ang ibang kultura at lahi. Katunayan, binigyang diin ni Luke sa v. 16 na ang lalaking bumalik at nagpasalamat kay Jesus – “Isa siyang Samaritano.” At sa salita ni Jesus sa v. 18, “Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Dios maliban sa taong ito na hindi Judio?” Ang misyon ni Jesus ay siyang misyon ng bawat isang tagasunod niya, ang mithiing bawat lahi, wika, bansa ay magpuri sa Diyos (Rev. 5:9; 7:9). Ito din ang mandate sa Acts 1:8 para sa iglesia na ihatid ang mabuting balita sa labas ng ating mga cultural boundaries, “And you shall be my witness in Jerusalem, in Judea and Samaria, and to the ends of the earth.”

Kaya meron tayong Kairos Course, para mas mabuksan ang mata at puso natin sa ganitong pangarap. Kaya din may small group na tinatawag na GoGroup para pag-usapan ang tungkol sa misyon. Kaya meron tayong mga short-term missions trips sa Cambodia, Thailand at Vietnam. Kaya sinusuportahan natin sina Malou, Jorge and Jane, Joseph at Evelyn para abutin ang mga Muslim sa Taguig, Iligan at GenSan. That’s why we’re dreaming to send missionary teams overseas. That why we give to missions. That’s why we pray for Hindus, Buddhists and Muslims. That’s why every disciple of Jesus should give their lives for the spread of the glory of God among the nations! This is who we are. This is who God made us to be.

Nothing is Impossible

Sabihin siguro ng iba sa inyo, “Mukhang malaking commitment yan. Di ko kaya. Ganito na lang ako. Pwede na ‘to.” Yes, malaking commitment. Jesus did not call us to an easy life. He called us to commit our lives to him. Nang sabihin ni Jesus sa mga disciples n’ya na magpatawad nang paulit-ulit, alam ng mga disciples niya na it takes faith in God to forgive. Kaya nga kahit mga apostol, mga leaders nitong mga disciples, sinabi kay Jesus, “Dagdagan po ninyo ang pananampalataya namin” (v. 5). Magandang hiling naman. Iyon naman talaga ang kailangan natin. Na bawat isa sa atin lumalago sa pananampalataya sa Panginoon. Hindi stagnant lang.

Pero ang gustong ipoint out ng Panginoon dito ay hindi iyong faith natin, kundi iyong object ng faith natin. We cannot make an excuse na maliit lang ang pananampalataya natin kaya di tayo makapagcommit na magawa ang ipinag-uutos ng Panginoon. Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa malaking punong ito (sa version sa Matthew, bundok pa nga), ‘Mabunot ka at malipat sa dagat!’ at susundin kayo nito” (v. 6). When we have little faith, we don’t make an excuse that we cannot do what Jesus says. Little faith is enough. It does not depend on the bigness of our faith but in the greatness of the God who is the object of our faith. Sa Matthew 17:20, dugtong ni Jesus, “And nothing will be impossible for you.” Bakit? Kasi magaling tayo? Hindi! Dahil dito: “With God all things are possible” (Mark 10:27).

Dahil sa Diyos natin, imposible ba na ang taong marumi na tulad natin ay luminis? Imposible ba na tayo’y maligtas? Imposible bang sa kabila ng dami-dami nating mga intindihin sa buhay makapaglaan tayo ng dalawang oras sa pagsamba tuwing Linggo? Imposible bang ibigay ang higit pa sa sampung porsiyento ng kinikita natin para sa church at sa misyon? Imposible ba na tulungan natin ang kapatid nating nagkakasala? Imposible ba na magamit natin ang oras at lakas natin sa paglilingkod at sa pag-alalay sa iba pang tagasunod ni Jesus? Imposible ba na maglaan tayo ng panahon at atensiyon sa pag-aaral ng Salita ng Diyos? Imposible ba na makapagcommit tayo sa GraceComm at sama-samang magtulungan para makapamuhay bilang mga tagasunod ni Jesus? Imposible bang marating natin ang mga Muslim, mga Buddhists, at iba pang lahi para marinig si Jesus? Imposible ba na ibigay natin ang buong buhay natin alang-alang sa nais ng Diyos na makilala siya ng lahat ng tao?

Ang panawagan sa atin ay magtiwala kay Jesus, kay Jesus na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin. Tandaan n’yo, sa kuwentong ito sa verse 11, binigyang-diin na naman ni Luke (gaya ng 9:51 at 13:22) na papunta siyang Jerusalem at doon siya’y papatayin, aakuin ang kasalanan natin, para maging malaya tayo, para magkaroon tayo ng bagong buhay sa kanyang muling pagkabuhay.

As a worshipper, trust that God is worthy. As a learner, trust that God’s wisdom is enough. As a family member, trust that God’s love is enough overflowing. As a servant, trust that God will empower you. As a missionary, trust that God’s global purposes will prevail, even (or especially!) in suffering and persecution. Magtiwala tayo sa pangako ng Panginoong Jesus, “Behold, I am with you always to the end of the age” (Matt. 28:20).

Previous sermons

Part 36 - Rescued from HellPart 35 - Servants and Stewards Part 33 - The Great Cost

 

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.