Merry Christmas?

22141We were in Leyte last week, listening to and praying for several survivors of Typhoon Yolanda (Haiyan). We listened to their stories. We saw them cry. Some of them were still trembling in fear at the sight of rain and darkness. They told us that they lost everything. They’re thankful that some “relief” were coming. They might even get Christmas packages for this holiday. But they were wondering what will happen to them once help stops. And how can their Christmas be really “merry” when their hearts are full of pain? And what about the days after Christmas? How can they really celebrate life with joy even in the midst of seemingly never-ending pain?

There’s one “Christmas” story that could help us answer these questions. Let me share that with you…

Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.

“Merry” Christmas?

Nasa Leyte po kami mula Lunes hanggang Huwebes. Nakakalungkot at nakakaiyak ang mga nakita naming mga sira-sirang bahay, mga bagsak na mga puno ng buko, bukod pa sa mga libu-libong namatay na di na namin nakita. Mas nakakaiyak pa ang mga kuwento mismo ng mga tao roon. May isang nagkuwento sa akin kung paanong nakita niyang nagkalat sa kalsada ang mga patay, may isa namang hanggang ngayon ay tulala pa rin dahil sa nasaksihan niya kung paano namatay ang mga bata, may isa namang ikinuwento kung paanong nawala na sa kanila ang lahat-lahat.

Magpapasko na. Dapat “Merry Christmas” pero paano mo nga namang sasabihin sa kanila iyon. Oo, may mga relief goods na dumarating, baka may mga Christmas gifts pa silang matanggap, pero paano pagkatapos noon, paano kung wala na? Hindi naman na nila concern na maging maligaya ang pasko nila kundi iyong paano muling liligaya ang buhay nila. At kahit naman tayo ngayon, araw-araw din namang may mga sakit at problema sa buhay. Hindi naman tamang sabihin ko sa inyo na ikumpara ninyo ang sitwasyon n’yo sa mga taga-Leyte para “lumiit” ang problema n’yo. That’s just minimizing the reality of our pain. It’s unfair sa mga taga-Leyte. I would be unfair to you kung sasabihin ko iyon.

Kaya ang sermon ko ngayon ay hindi lang para turuan kayo kung paano magcelebrate ng Pasko. Kasali iyon. Pero paano kung tapos na ang Pasko? Paano magiging maligaya pa rin sa kabila ng mga tambak-tambak na problema, alalahanin, mga hinanakit na para bang walang katapusan. Wala ngang katapusan hangga’t nandito tayo sa mundo. Pero ang solusyon ay hindi ang Christmas parties na ginagawa nating tulad ng entertainment para malibang tayo, ng alak kaya naglalasing ang iba para malimutan ang problema, kapag stress dadaain sa pagkain ng mga chocolates. Christmas is not an escape to our pain or sufferings.

We need to go back to the story of the first Christmas para matutunan natin kung paano haharapin ang araw-araw na punong-puno ng tila di matatapos na mga kabigatan sa buhay. Pero siyempre karamihan ng mga maririnig natin na mga Bible stories ngayong kapaskuhan ay mga “merry” Christmas stories. Tulad ng pagdating ng anghel kay Maria at sa kanyang pinsang si Elizabeth na nagbuntis kay Juan kahit na siya’ baog. May mga mago (wise men) mula sa silangan ang bumiyahe nang mahaba para handugan si Jesus ng mga regalong para sa isang Hari at sambahin siya. May mga anghel na nagpakita sa mga shepherds at nagbigay ng “good news of great joy” (Luke 2:10). May angelic choir na nag-awitan, “Glory to God in the highest, and on earth peace among those with whom he is pleased!” (2:14)

Massacre of Children

Sa  kabila ng mga “merry” Christmas stories na ‘to, merong isang “sorrowful” Christmas story. Nangyari ito ilang buwan matapos ipanganak si Jesus, pagkatapos na bumisita ang mga mago kay Jesus at hindi na nagbalik kay Herodes kahit na binilinan silang bumalik. May anghel namang nagsabi kay Jose na dalhin ang kanyang mag-ina sa Egipto para makaligtas kay Herodes at bumalik na lang kapag patay na ito. Anong nangyari? Dito nakabatay ang pista ng mga Katoliko tuwing Dec. 28/29 (?) na Ninos Innocentes (Feast of the Holy Innocents), galing sa Matthew 2:16-18:

Then Herod, when he saw that he had been tricked by the wise men, became furious, and he sent and killed all the male children in Bethlehem and in all that region who were two years old or under, according to the time that he had ascertained from the wise men. Then was fulfilled what was spoken by the prophet Jeremiah (31:15): “A voice was heard in Ramah, weeping and loud lamentation, Rachel weeping for her children; she refused to be comforted, because they are no more.”

Bakit nangyari ito? Kawawa naman ang mga bata at mga pamilya nila. Akala ko ba ang pagdating ni Jesus ay “good news of great joy,” bakit puro iyakan ito? Bakit ito hinayaan ng Diyos na mangyari? Akala ko ba dumating si Jesus para iligtas tayo, bakit sa pagdating niya marami ang namatay? Ganito ring mga tanong ang itinatanong ng mga taga-Leyte at maging tayong mga taga-Luzon. I don’t have the answer to all of their questions. Pero makikita natin sa kuwentong ito na ang pagdating ni Jesus ay hindi para matakasan natin ang “reality” – but for us to face reality. Anu-ano ang matututunan natin sa kuwentong ito tungkol sa pagdating ni Jesus?

Sent to a World Full of Pain

Una, ang pagdating ni Jesus ay pagdating sa isang mundong punung-puno ng mga kapighatian. At hinding-hindi natin puwedeng sisihin ang Diyos sa mga nangyayaring ganito. Hindi ba’t si Herodes ang may kasalanan dito? Sakim sa kapangyarihan. Gusto niya siya lang ang hari. Nang nalaman niyang may nagtatanong na mga mago tungkol sa isinilang na hari ng mga Judio (Matt. 2:2) na dapat sambahin at katuparan ng propesiya (2:6; see Micah 5:2), ayaw na ayaw niya iyon. Gusto niya siya lang ang uupo sa trono wala nang iba. Pati nga sarili niyang mga anak ipinapatay niya. May kasabihan nga, “Better to be Herod’s pig than his son.” Dahil sugapa sa kapangyarihan. At dahil doon, nagsinungaling siya sa mga mago at sinabing hanapin ang bata at ibalita sa kanya para siya din daw ay sasamba din (2:8). Sinungaling! Parang si Satanas, sinungaling din. At hindi lang sinungaling, papatay ito dahil sa galit. Nang marinig niya ang sadya ng mga mago, “he was troubled” (2:3), at pati buong Jerusalem nabahala. Bakit? Kasi alam nilang bayolente at papatay ito kapag he felt threatened. Kaya sabi ng anghel kay Jose na dalhin ang mag-ina sa Egipto, “for Herod is about to search for the child, to destroy him.” Titigil lang itong si Herodes kapag napatay niya si Jesus o siya mismo ay patay na.

Anong ginawa niya? “Then Herod, when he saw that he had been tricked by the wise men, became furious, and he sent and killed all the male children in Bethlehem and in all that region who were two years old or under, according to the time that he had ascertained from the wise men” (2:16).  Ipinapatay niya ang mga bata sa Bethlehem na dalawang taong gulang pababa. Para sigurado. Hindi lang sa Bethlehem, pati sa katabing lugar nito, para makasigurado. Huwag po nating isiping libu-libong bata ang pinatay, malamang 15-20 ang bilang nito dahil maliit lang naman ang Bethlehem. Pero kahit isang bata lang ito tulad ng 18-month old na tinamaan ng bala sa ambush sa mayor ng Zamboanga sa NAIA, malagim na. This is a tragedy.

Lalo na ang nangyari sa Leyte. Tanong ng isang matanda sa akin, “Pinaparusahan ba tayo ng Diyos?” Hindi naman natin puwedeng sabihing dahil ito sa galit ng Diyos dahil may mga Christians din naman na namatay. Pero paalala sa atin na we’re living in an evil world. Hindi lang mga masasamang tao tulad ni Herodes o mga pulitikong nananamantala sa trahedya o ng mga ilang Badjao na magnanakaw at rapists na kinatatakutan ng mga tao sa Leyte, kundi ang kalikasan mismo ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos dahil sa kasalanan ng tao simula pa kay Adan. Ito rin ang sabi ni Pablo, “For we know that the whole creation has been groaning together in the pains of childbirth until now” (Rom. 8:20).

This is the reality of the world we are living in. Jesus came to this kind of world. We need to face it. We don’t have to deny it or minimize it. Tulad ng ilang mga nakausap ko sa Leyte. Sabi ko, “Kumusta na po kayo.” Sagot ng iba, “OK na. OK na.” Pero ang totoo, ayaw harapin ang masakit na katotohanan dahil masakit. Tulad natin din na dinadaan sa entertainment, games, sexual pleasures, o pagkain o pagiging abala para malimuta ang problema. Harapin natin ang problema natin. Huwag nating takasan o balewalain. OK lang na sabihin nating hindi tayo OK. OK lang na umiyak. Dumating si Jesus hindi para takasan natin ito. Kundi para harapin natin ito.

Shares Our Pain

Paano naman natin haharapin? Hindi sa sarili nating effort o will-power kundi sa katotohanang ang pagdating ni Jesus ay isang “identification with our sorrow” – para sabihing, “Naparito ako para samahan ka.” Ito ang mensahe ni Matthew sa story natin ngayon, kaya nga ipinakita niya ang koneksiyon ng massacre sa Bethlehem sa dalawang bahagi ng kasaysayan ng bansang Israel. Ang mensahe? Naparito ang Diyos – nagkatawang tao – para samahan ang Israel sa kanilang pagdurusa. Binanggit ni Matthew ang isang talata sa Jeremiah, “A voice was heard in Ramah, weeping and loud lamentation, Rachel weeping for her children; she refused to be comforted, because they are no more” (2:18; galing sa Jeremiah 31:15).

Binanggit dito si Rachel, isa sa mga asawa ni Jacob o Israel. Ganito kasi ang nangyari sa kanya bago siya mamatay:

Then they journeyed from Bethel. When they were still some distance from Ephrath, Rachel went into labor, and she had hard labor. And when her labor was at its hardest, the midwife said to her, “Do not fear, for you have another son.” And as her soul was departing (for she was dying), she called his name Ben-oni; but his father called him Benjamin. So Rachel died, and she was buried on the way to Ephrath (that is, Bethlehem), and Jacob set up a pillar over her tomb. It is the pillar of Rachel’s tomb, which is there to this day. (Gen 35:16-20)

May pagkakahawig sa kuwento sa Matthew dahil ang trahedya ay nangyari sa Bethlehem. Si Jacob ay umiiyak dahil sa pagpanaw ng kanyang asawa habang sila naman ay papunta sa Bethlehem.

Hindi na si Jacob ang umiiyak dito sa Jeremiah, na nangyari 600 years bago ang pagdating ni Jesus. Si Rachel na na kumakatawan sa mga nanay sa Judah, nang makita ang mga anak nila na binihag  at ang iba’y pinagpapatay ng mga Babylonians. Ang Ramah ay lugar din na malapit sa Jerusalem kung saan binihag din si Jeremiah kasama ang mga kababayan niya sa Jerusalem na dadalhin sa Babylon (Jer. 40:1). Dito rin sa Ramah inilibing si Samuel (1 Sam. 25:1).
Mula pa sa panahon ng ninuno ng Israel na si Jacob hanggang sa paglusob sa kanilang bayan ng mga Babylonians, hanggang sa panahon ni Jesus na alipin sila ng imperyong Romano, dumadaing sa sakit ang mga Israelita, ang bayan ng Diyos. Ang mabuting balita? Sa pagdating ni Jesus, dumating siya para samahan sila, samahan tayo, samahan ang mga taga-Leyte at Samar sa ating mga paghihirap. Jesus did not come in a time of peace but in a time of suffering, violence, affliction and pain. Dumating siya para sabihin sa atin na handa ang Diyos na damayan at samahan tayo sa ating mga paghihirap.

The presence of God is more important than his gifts. The Gift-Giver is what we need, not his gifts. The greatest gift he has given us is the gift of Himself through Jesus Christ. Lalo na sa panahon ng ating mga paghihirap. Jesus identifies with our pain. Hindi ba’t ang mga bata kahit na maraming regalo ang ipadala sa kanila ng magulang nilang nasa ibang bansa, ang hinahanap-hanap pa rin ng puso nila ay ang presensiya ng kanilang tatay o nanay? Ang mga taga-Leyte, laking pasasalamat sa grupo namin. Bakit? Kasi siyempre kailangan din nila ng mga relief goods. Pero napakalaking bagay sa kanila ang hindi lang hagisan ng mga pagkain, pero ang paglaanan namin sila ng mahabang oras para tabihan sila, para pakinggan sila, para ipanalangin sila, para meron silang maiyakan. Pati mga bata, sabi sa amin “Thank you po.” Ang mga batang ito, naramdaman ang presence namin, God’s presence through us. So, feel the presence of God in your pain. Huwag kang hahanap ng mga substitutes. Wala kang maipapalit o maipapantay sa kanya.

Ang Israel naghihintay kung kailan matatapos ang kanilang mga pagdurusa. Tayo rin naghihintay. Ang mga taga-Leyte at Samar naghihintay. Oo may dumarating na kaunting “relief” pero ang sabi nga ng mga nakausap ko, “Paano na next year? Paano na kung wala nang tumutulong sa amin. Wala naman kaming ikakabuhay. Bagsak ang mga buko, hindi kami makapangisda dahil baka patay na tao ang kinakain ng mga isdang iyon. Paano na?

Saves Us from Our Pain

Kailangan nila ng pag-asang matibay na mapanghahawakan. Ito ang prayer ko sa bawat isa sa kanila na maranasan nila ang pag-asang dulot ng mensahe ng Pasko, ang pag-asang nakay Cristo na sa kanyang pagdating, dumating siya hindi lang para samahan tayo sa ating mga paghihirap, kundi para balang araw ay maligtas tayo sa lahat ng mga paghihirap sa buhay.

This story in Matthew 2:16-18 is a fulfillment of prophecy. Verse 17, “Then was fulfilled what was spoken by the prophet Jeremiah.” Nagsalita ang Diyos sa isang propeta, tinupad niya ang sinabi niya. Nagbitaw siya ng mga pangako, tinutupad niya. Ito ay “realization” ng layunin ng Diyos sa kasaysayan ng kanyang pagliligtas. Ito ang pag-asang panghahawakan ng Israel, ng Leyte, at nating lahat.

Nang manganak si Rachel, hirap na hirap siya at alam niyang ikakamatay niya. Kaya ang ipinangalan niya, “Ben-oni” na ang ibig sabihin ay “son of my sorrow.” Pero marahil dahil ayaw ni Jacob na ang anak na ito ay maging ala-ala ng paghihirap kundi maging tanda ng pag-asa, ang ipinangalan niya dito ay “Benjamin,” ibig sabihin “son of my right hand.” Sinabi ni Warren Wiersbe na ang parehong pangalang ito ay may kinalaman kay Jesus. He was a “man of sorrows, and acquainted with grief” (Isa. 53:3), and He is now the Son of God’s right hand (Acts 5:31; Heb. 1:3). Dahil kay Cristo na naghirap at nagdusa para sa atin, at ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos at patuloy na namamagitan para sa atin, tayo ngayon ay naibalik sa presensiya ng Diyos. He is our hope. He is our only hope.
Ang Matthew 2:18 ay galing sa Jeremiah 31:15. Pero ang talatang ito ay napapalibutan ng “amazing promises” ng Diyos para sa Israel.

Thus says the LORD: “Keep your voice from weeping, and your eyes from tears, for there is a reward for your work, declares the LORD, and they shall come back from the land of the enemy. There is hope for your future, declares the LORD, and your children shall come back to their own country. (Jer 31:16-17)

“Hear the word of the LORD, O nations, and declare it in the coastlands far away; say, ‘He who scattered Israel will gather him, and will keep him as a shepherd keeps his flock.’ (Who is our Shepherd?) For the LORD has ransomed Jacob and has redeemed him (Who is our Redeemer?) from hands too strong for him. They shall come and sing aloud on the height of Zion, and they shall be radiant over the goodness of the LORD, over the grain, the wine, and the oil, and over the young of the flock and the herd; their life shall be like a watered garden, and they shall languish no more. Then shall the young women rejoice in the dance, and the young men and the old shall be merry. I will turn their mourning into joy; I will comfort them, and give them gladness for sorrow. I will feast the soul of the priests with abundance, and my people shall be satisfied with my goodness, declares the LORD” (Jer 31:10-14). Dahil dito, sinabi ng anghel sa mga pastol, “I bring you good news of great joy…” (Luke 2:10).

“Behold, the days are coming, declares the LORD, when I will make a new covenant with the house of Israel and the house of Judah” (Jer. 31:31).  Nang maghuling hapunan si Jesus kasama ang mga disciples niya, sabi niya, “This is the new covenant in my blood…” Nang bata pa siya, hindi pa iyon ang panahon ng pagdanak ng kanyang dugo. Si Herodes ang namatay hindi si Jesus. Iniligtas siya ng Diyos para ipakita na seryoso ang Diyos sa pagliligtas sa atin. But he will die eventually. Hindi sa espada ni Herodes, kundi sa krus para maging kabayaran sa ating mga kasalanan at para balang araw ay palayain tayo sa lahat ng mga pagdurusa sa buhay.

Kaya nga Jesus ang pangalan niya, “for he will save his people from their sins” (Matt. 1:21), and from all the pain of this evil and cursed world. Darating ang araw na iyon. So don’t ever give up, kahit feeling mo parang walang katapusan ang problema mo sa buhay.

Jesus Our Hope

The coming of Jesus gives us the hope of never-ending comfort in the midst of our life’s seemingly never-ending pain. Look to Jesus who is with you now in your pain. Look to Jesus who will rescue you.

Nakakamangha ang “resilience” ng mga kababayan natin sa Leyte. Oo, napakahirap ng dinanas nila. And we can never imagine the extent of our pain. Kung paano silang nanginginig sa takot tuwing uulan. Kahit nag-aalala sila kung paano sila patuloy na mabubuhay. Marami sa kanila, sa kabila ng nangyari, sasabihin sa amin, “Pero salamat na rin sa Diyos dahil kahit wala kaming bahay, buhay pa rin kami.” Ang Leyte na punung-puno ng libu-libong bangkay noon, unti-unting nagkakaroon ng buhay dahil kay Cristo at sa mga tagasunod niyang nagdadala ng pag-asa sa kanila. Ang Bethlehem na naging lugar ng iyakan dahil sa kamatayan, ay isang lugar din ng kasiyahan dahil isinilang ang Tagapagligtas. Sabi ni Craig Keener tungkol sa kuwentong ito…

…this identification speaks of a God who feels our human pain as deeply as we do…To broken people wounded by this world’s evil, Jesus’ sharing our pain offers a consolation deeper than reasoned arguments: God truly understands and cares – and paid an awful price to begin to make things better. (Craig Keener)

Ngayong Pasko, kapag nakita mo ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa sabsaban, isipin mo rin na naparito siya, namuhay na kasama natin, at namatay sa krus (dumanak ang kanyang dugo) para sa atin. Para sa akin. Para sa iyo.

3 Comments

  1. Exceptional post however I was wanting to know if you could write a
    litte more on this topic? I’d be very thnkful if you cohld elaborate a little
    bit further. Many thanks!

    Like

Share your thoughts about this post...

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.