Here’s my wife’s testimony on how the great love of God liberates her from self-righteousness, pride, and external religiosity:
Naging Kristyano ako noong 4th year high school ako. Naging active ako sa mga gawain sa church at pinili ko rin magtrabaho sa isang Christian NGO. Hindi ko namalayan na sa kabila ng pagiging active sa ministry, unti-unti na palang nawawala yung puso ko para sa Panginoon. My prayer life and involvement in ministry became rituals. My love for other believers turned to casual friendships. I was starting to get disillusioned with church. I think it even came to a point when Christianity was no longer about relationship with Jesus but was just another religion. I was a modern, female pharisee married to a pastor.
Thankfully, God never gave up on me. Medyo matagal bago ko inamin sa sarili ko at sa Diyos ang mga struggles na ito. Sabi ko sa Diyos, ayoko nang buhay Kristyano na parang joke lang… na ang nabago lang ay kung saan ako nagsisimba pag Linggo… Gusto kong maramdaman sa puso ko ang kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos, hindi yung alam ko lang sa isip.
Three years ago, I started praying Ephesians 3:14-21. Sabi sa verses 17-19 “Nawa’y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. At nawa’y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo’y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.”
Ginamit ng Diyos ang ministry ng Living Waters para harapin ko ang mga issue na ito sa puso ko at para ipakita Niya sa akin ang laki ng pag-ibig Niya. Sa application form pa lang, na-challenge na ako na magpakababa at maging totoo sa sarili. May tanong kasi dun kung anu-anong areas ng buhay ako nangangailangan ng tulong. Noon lang yata ako nahirapan maglagay ng check sa papel. Kasi ibig sabihin nun aaminin ko sa sarili ko at ipapaalam sa iba yung mga struggles ko.
Ganun nga ang nangyari. Acknowledging my needs and confessing my sins to other Christians enabled me to experience (not just know) the depth of God’s love. Lalo pa dahil habang nagko-confess ako, ipinapakita pa ng Diyos ang iba pang mga kasalanang nasa puso ko. Parang sibuyas na maraming layers. Ginagamit din ng Diyos ang mga pangyayari sa buhay ko, ang pamilya at ang ibang mga tao para ipakita yung kalagayan ng puso ko. How I desperately need a Savior.
Sa lahat ng ito, nagsusumigaw, nangingibabaw ang laki ng pag-ibig ng Diyos sa akin. Paulit-ulit N’yang sinasabi sa akin, ang pag-ibig Ko ay mananatili. Ang pag-ibig Ko ay hindi magbabago. Yung lahat ng kasalanan na iyan na nakikita mo sa puso mo at lahat ng bunga niyan – lahat iyan binayaran ko na sa krus.
At para literal na ipakita at iparamdam ng Diyos sa akin kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang pag-ibig Niya, ginamit Niya yung isang session sa Leadership Training ng Living Waters last year. Inimbitahan ng speaker yung mga lalaking participants na lumapit sa krus. Iba’t ibang estado nila sa buhay. Merong kabataan, may matatanda na, may mga pastor, missionary, may mayayaman, at kung titingnan sila parang okay naman sila. Pero ito yung mga lalaki na gustong makalaya sa mga kasalanang tulad ng homosexuality, adultery, pornography, rape, sexual addiction, pride, perfectionism, materialism at iba pa. Sinabi ng speaker na iiyak nila sa Diyos yung paghingi nila ng tawad at tulong. Sabay-sabay silang umiyak at sumigaw sa Panginoon. Siguro nasa 40 lang yung mga lalaki na yun pero dumagundong yung session hall dahil sa lakas ng iyak nila.
Noon ko na-realize yung bigat ng kasalanan na dinala ni Jesus sa krus. At that moment, I felt God’s embrace and heard him say, “Higit sa anumang kasalanan na nagawa mo at nagawa sa iyo ang laki ng pagpapatawad at pag-ibig ko.”
To hear this testimony and see its context in Jesus’ lesson to Simon the Pharisee, I invite you to listen to part 12 of the sermon series The Story of Jesus based on the story of Luke 7:36-8:3. You can also read, download, and share this sermon to your friends.
Listen to sermon…
Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.
Listen with Presentation…