Kapag may importanteng bisita na darating o may mahalagang okasyon na ipagdiriwang pinaghahandaan. Kapag darating sa bahay ang kaibigan ko, ipaghahanda ko iyan ng kape. Medyo magwawalis at magliligpit (pero minsan kahit hindi na). Pero ibang paghahanda ang ginagawa natin kapag extraordinary na mga occasion tulad ng anniversary ng church last month. Talagang iniayos lahat – magandang kurtina, malinis na worship hall, masarap na pagkain. Kasi espesyal na okasyon para sa Dios, tapos may mga bisita pa.
Isipin n’yo na lang kung anong klaseng paghahanda ang dapat nating gawin sa pinakaespesyal na bumisita sa mundong tinitirhan natin – nang magkatawang-tao ang Anak ng Dios – at napakaespesyal na okasyon sa kasaysayan – ang pagsilang ng Hari at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Nakita natin iyan last week – God sends Jesus the Redeemer-King. Pagkatapos ng matagal na panahong paghihintay sa katuparan ng pangako ng Dios – kay Abraham at kay David – sa wakas dumating na.
Dumating na siya. Pero ang tanong sa atin, “Are you ready?”
Nakahanda ka ba sa pagdating niya? Nakahanda ba ang puso mo na aminin na makasalanan ka at kailangan mo siya at tanggaping siya ang Tagapagligtas mo? Nakahanda ka bang umalis sa tronong kinauupuan mo at sabihin sa kanya, “Ikaw ang Hari. Ikaw ang maupo dito.” Natural sa tao, hindi tayo handa. Tulad ni Herodes, hindi handang may pumalit sa kanya na hari.
Kaya ang mga Judio, bagamat naghihintay sila, kailangan din silang ihanda sa pagdating ng kanilang Hari. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng kanilang kasaysayan. Salamat sa Dios, makikita natin na bago pa man humarap si Jesus sa maraming tao at ibalita ang pagdating ng kaharian ng Dios, sa loob ng 30 taon, inihanda ng Dios ang kanyang bayan. At tingnan natin sa mga kuwentong sumunod kung paano rin tayo inihahanda ng Dios para sa kanyang Anak na si Jesus.
Click the image thumbnails on the left to listen, read, download or share the sermon God Prepares the Way to His Kingdom, chapter 38 of The Story of God sermon series.